LOGINPagbalik nina Inara at Tatiana sa kompanya, mabilis na kumalat ang balita na sila ang nakakuha ng exclusive interview kasama ang presidente ng El Davion Group.
Halos lahat ay napatingin sa kanila nang may halong paghanga at inggit. Sino ba naman ang hindi maiinggit kung ang makakapanayam nila ay walang iba kundi si Arlend Kaizan El Davion, ang misteryosong presidente ng El Davion Group? Isa iyong napakalaking karangalan. Kung magagawa nila nang maayos ang interview na iyon, tiyak na hihigit sa inaasahan ang performance ng buong team ngayong taon. Napakabigat ng pangalan ni Kaizan. Mas mahalaga pa nga iyon kaysa sa lahat ng taong na-interview nila sa loob ng isang taon na pinagsama-sama. Samantala, bigla na lamang may humila kay Inara patungo sa isang lamesa. Paglingon niya ay agad niyang nakita ang kaibigan. Punong-puno ng kuryosidad ang mukha nito, at tila mas kuminang pa ang mga mata ni Liora Salvidar. “Inara, bilis! Sabihin mo sa ’kin, gwapo ba talaga si Young Master El Davion? Grabe ang mga naririnig kong papuri tungkol sa kaniya!” Napahinto siya sa pag-inom ng tubig. Kung tutuusin, totoo naman. Sobrang gwapo ng lalaking iyon. Pero may kakaiba siyang nararamdaman. Parang may mali. May pag-aalinlangan sa tinig niya nang harapin niya ang kaibigan. “Liora, alam mo ba ang buong pangalan ng tinatawag nilang Young Master El Davion?” “Ha? Dito sa Dumaguete, iisa lang naman ang puwedeng tawaging Young Master El Davion. Si Arlend Kaizan El Davion! Hindi mo ba iyon alam?” kunot-noong tanong nito. Bakas sa mga mata nito ang matinding pagtataka, na para bang isang malaking kasalanan ang hindi pagkilala sa pangalang iyon. Nanlaki ang mga mata ni Inara. 'Arlend Kaizan El Davion? Teka... ano?! Ang taong dapat kong harapin sa interview ay walang iba kundi ang lalaking nakatakda kong pakasalan?!' 'Lord, ano po bang nagawa ko?' Napasapo siya sa mukha. Gusto na niyang maiyak. 'Hindi ko na tuloy alam kung swerte ba ako o malas dahil siya pa talaga ang humiling na ako ang mag-interview sa kaniya. Diyos ko naman!' Napansin ni Liora ang biglang pagbabago ng kaniyang ekspresyon kaya agad itong nag-alala. “Inara, anong nangyayari sa ’yo? Ayos ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng multo? Hindi ba totoo iyong mga sinasabi nila na gwapo si Mr. El Davion? Pangit ba?” Halos malunod siya sa dami ng tanong ng kaibigan. Sunod-sunod pa ang mga iyon na para bang ilang araw na nitong pinaghandaan at kailangan na lamang ilabas. “A-Ah, wala!” mabilis niyang sagot sabay iling. Ngunit nang maalala niya ang lalaking iyon noong nakaraang gabi, tila may malamig na tubig na dumaloy sa buong katawan niya. Naroon pa rin ang kirot na hindi niya maipaliwanag. Galit sa kaniya si Kaizan, at wala siyang ideya kung ano ang maaaring gawin nito kapag muli silang nagkita. 'Hindi pwede! Hindi ko kayang gawin ang interview na ito! Hindi naman talaga dapat ako ang gagawa nito! Sumama lang naman ako dahil trabaho iyon, tapos ngayon babalik ako sa kompanya na may responsibilidad na i-interview ang lalaking nakatakda kong pakasalan at galit pa sa akin?' 'Trip na trip naman yata ako ng tadhana, Lord!' Dahil sa matinding kaba, bigla siyang tumayo at nagmamadaling nagtungo sa opisina ni Tatiana. Naabutan niyang nag-aayos na ito ng mga gamit. Pagkapasok pa lamang niya ay agad na nitong iniabot ang isang folder. “Heto,” sabi nito. “Mga impormasyon iyan tungkol sa Young Master. Basahin mong mabuti ngayon pa lang para wala kang magawang pagkakamali bukas sa interview. Malaking pangalan at makapangyarihang tao ang makakaharap mo. Kapag nagkamali ka bukas, hindi lang ikaw ang mapapahiya kundi pati ang kompanya.” Sa kabila ng mga paalala nito, hindi niya agad tinanggap ang folder. Mariin niyang kinagat ang labi. “Ma'am Yana, pasensya na po, pero hindi maganda ang pakiramdam ko. Puwede bang iba na lang ang pumalit sa akin bukas para gawin ang interview? Mas mabuti pa nga sigurong ikaw na lang po ang mag-interview kay Y-Young Master El Davion...” Hindi pa siya handa. At higit sa lahat, takot pa rin siya kay Kaizan. Pakiramdam niya ay hindi na mawawala ang takot na iyon, lalo na matapos ang ginawa nito sa kaniya noong nakaraang gabi. Tinitigan siya ni Tatiana na tila hindi makapaniwala. Napakabihira ng pagkakataong makapanayam si Kaizan El Davion. Ipinagkatiwala iyon kay Inara, ngunit gusto lamang pala nitong ipasa sa iba. Bukod pa roon, si Kaizan mismo ang humiling na siya ang mag-interview rito. “Zandrielle Inara Clemente,” malamig na tawag nito habang matiim na nakatingin sa kaniya, “kilala mo ba si Young Master El Davion?” Parang biglang tumigil ang tibok ng puso niya. 'Paano niya nalaman?!' “A-Ah, h-hindi…” pautal niyang sagot at saka nakagat ang labi. “Hindi ko po kilala ang Y-Young Master...” Galit si Kaizan sa kaniya. At dahil doon, sigurado siyang ayaw nitong malaman ng iba ang tungkol sa kanilang ugnayan. Hindi naman nagduda si Tatiana. 'Right. Ano ba 'tong iniisip ko? Paano makikilala ng isang hamak na intern ang isang katulad ni Young Master? Tsk. Pull yourself together, Yana.' Para sa kapakanan ng kompanya, medyo lumambot ang tono nito. “Dahil si Young Master El Davion mismo ang humiling na ikaw ang mag-interview, kailangan mong sumama. Pupunta tayo bukas.” “H-Ha? Hindi pwede!” Napahawak siya sa dibdib. Nanginginig siya sa kaba habang sariwa pa sa isip niya ang nangyari noong nakaraang gabi. “Ayaw ko pong pumunta!” 'Haharap para mag-interview kay Kaizan?! Diyos ko!' 'Katapusan ko na yata!' 'No! Ayaw ko pa!' 'Hindi ko talaga kaya!' Alam niyang fiancé niya ito, at alam din ni Kaizan na siya ang haharap dito. Dahil doon, hindi niya maiwasang isipin kung bakit siya mismo ang pinili nitong papuntahin. 'Ano ba talagang nangyayari? Hindi ba't ayaw niya sa akin?' 'Oh, God. Paniguradong may masama siyang balak!' “Inara, hindi ako humihingi ng opinyon mo. This is an order. Sasama ka sa akin bukas para mag-interview kay Young Master El Davion. Kung ayaw mo, magsimula ka nang mag-impake ng mga gamit mo at umalis ka na lang sa kompanya.” Nanlamig ang boses ni Tatiana. Matigas iyon at walang puwang para sa pagtanggi. Napatigil siya. Gusto sana niyang sigawan ang babae at pumayag na lamang sa sinabi nitong pag-alis, ngunit hindi niya iyon magagawa. Kapag bumagsak siya sa internship, hindi siya makakatanggap ng diploma. Mas lalo rin siyang mahihirapang makahanap ng trabaho. Kailangan niyang lunukin ang sariling takot. “P-Pasensya na, Ma'am Yana. N-Nauunawaan ko po…” mahina niyang sagot na halos hindi na marinig. Habang palabas siya ng opisina, ramdam na ramdam niya ang bigat sa kaniyang dibdib. 'Ano ba talaga ang binabalak ng lalaking iyon? Ano ba talaga ang gusto ni Kaizan na mangyari sa akin?!' Napasabunot siya sa sariling buhok. 'Mas mauuna pa yata ako kay Lola na maglaho sa mundong ito dahil sa stress na dulot ng lalaking iyon!'Nakinig siya nang may interes at pinigil ang ngiti sa labi hanggang sa hindi na niya napigilan at napatawa na lang nang mahina. "Hindi ko inakalang ganyan ka pala noong bata ka pa."Kumindat ito nang pabiro at may ibang ibig sabihin ang sinabi. "Marami ka pang hindi alam. Kung gusto mong marinig ang mga kwento ng pagkabata niya, sabihan mo lang ako kahit kailan. Pangako matutuwa ka talaga."Sinadya niyang ikwento kung paano takot na takot si Kaizan sa mga uod noong bata pa ito para lang mapangiti ang dalaga.Hindi siya makapaniwala na ang lalaking matapang at mapagmataas ay umiiyak pala noon dahil sa maliliit na uod. Tuwing naiisip niya iyon ay napapangiti siya.Samantala ang pinag-uusapan nila ay nagpapakita ng matinding galit na parang nagyeyelo ang paligid.Si Zandrae ang unang nakaramdam nito. Napakunot siya ng noo at nagtanong kahit alam na niya ang dahilan. "Kaizan, anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam mo?"Maikli lang ang sagot nito. "Ayos lang ako. Aakyat na ako sa kwarto
Noong bata pa si Kaizan laging sinasabi ng mga tao na kamukha niya ang tatay niya kapag sumasama ito sa mga business meetings. Pero ngayon parang baliktad na ang tingin ng iba at akala nila ay magkapatid o mag-ama na magka-edad ang dalawa.Nakita niyang magaan pa ang usapan kaya inilabas niya ang kahon na hawak. "Dad, ito po ang regalo ni Zandrae para sa inyo."Malaki ang nawala sa ngiti ng matanda pero mas naging malumanay ang tingin nito sa anak.Napansin ni Don Alejandro ang biglang pagbabago ng hangin sa pagitan nila at alam niyang hindi lang ito simpleng usapan. Nagpaalam na lang siya na bibisita sa dating kakilala para iwan silang dalawa nang magkasama.Nang makaalis ang bisita ay tuluyan nang nawala sa pasensya ni Don Adalvino. Tinitigan niya nang may pagkasuklam ang kahon sa kamay ng anak. "Alisain mo yan sa harap ko. Hindi ko tatanggapin ang galing sa kanya. Hindi ba niya alam kung nasaan ang lugar niya? Anong karapatan niyang magbigay sa akin? Kaizan, nakalimutan mo na ba an
Nakatawag talaga ng pansin ng ilang bisita ang eksena sa pwesto ni Don Adalvino. Napunta ang matatalim nilang tingin kay Zandrae kaya sobrang hiya ang naramdaman niya.Tumayo siya nang tuwid at nagkunwaring kalmado lang habang hinaharap sila, pero mahigpit na napahawak siya sa kahon hanggang sa namutla ang mga daliri niya dahil sa lakas ng kapit.Huminga siya nang malalim para pigilan ang hiya at galit sa puso niya, tapos pilit siyang ngumiti nang maputla. "Tito, ako po kasi—"Hindi pa natatapos magsalita si Zandrae ay itinaas na ni Don Adalvino ang kamay para patigilin siya. Sabi niya nang malamig, "Miss Zandrae hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin. Wala naman tayong malalim na ugnayan kaya huwag mo na akong abalahin pa."Wala nang nagawa si Zandrae kundi tumahimik. Namutla nang husto ang mukha niya at parang gusto na lang niyang maglaho sa kinatatayuan niya.Nakatingin ang mga nakapaligid sa kanila nang naguguluhan habang ang iba naman ay nagsimula nang magbulungan."Sino ba yan
Tumingin si Inara sa suot niyang sapatos bago bahagyang kumaway na para bang wala lang ang bagay na iyon."Okay lang naman."Napakunot ang noo ni Kaizan. Halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi nito. May sasabihin pa sana siya nang biglang may narinig silang isang malambing na boses."Kaizan..."Pareho silang napalingon sa kanan.Nakita nila si Zandrae na nakasuot ng mahabang puting bestida. Marahang sumasabay sa hangin ang laylayan ng suot nito, na lalo pang nagpatingkad sa malambot nitong mukha. Para itong isang dalagang bumaba mula sa panaginip.Magkaibang-magkaiba ang dating nilang dalawa.Kahit na halos lima o anim na bahagi ng mukha nila ang magkahawig, magkaiba pa rin ang kagandahang taglay nila. Si Inara ay parang isang diwata na madaling makahatak ng tingin, habang si Zandrae naman ay may banayad at inosenteng anyo na parang isang bagong sibol na bulaklak. Pareho silang may sariling ningning na mahirap pantayan.Lumapit si Zandrae at iniabot ang kamay para hawakan ang braso n
Ngayon lang niya napagtanto nang magkaroon siya ng kaunting libreng oras na matagal na pala niyang hindi napapansin si Zandrae. Dahil doon, espesyal pa siyang nagpunta upang kumustahin ito.Nang marinig ang pag-aalala niya, kumislap ang mga mata ni Zandrae sa tuwa. Nahihiya itong ngumiti bago marahang sumagot."Ayos lang naman ako."Huminto ito sandali habang dahan-dahang hinahaplos ang tiyan bago muling nagsalita sa malambing na tinig."Ayos din ang baby. Kaizan, gusto mo bang hawakan?"Bahagyang napakunot ang noo ni Kaizan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero hindi talaga siya makaramdam ng pagiging malapit sa batang nasa sinapupunan nito. Sa huli, pinili na lamang niyang umiwas."Zandrae, magpahinga ka na muna. Babalik na ako sa trabaho."Pagkasabi noon, tumalikod na siya at agad na umalis.Binuksan ni Zandrae ang bibig upang tawagin siya, ngunit nakalayo na ito. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang mapait niyang ibinaba ang tingin sa sariling tiyan.'Kahit
Nakita iyon ni Don Adalvino at labis siyang nagalit, ngunit wala rin naman siyang magawa. Tahimik na lamang siyang umakyat pabalik sa kanyang silid upang hindi na masaksihan ang eksenang iyon.Naiwan ang dalawa sa malawak na living room, at muling binalot ng mabigat na katahimikan ang buong paligid.Hindi na kinaya ni Inara ang nakabibinging pananahimik. Pilit siyang ngumiti bago nagsalita."Uh, may gagawin pa ako kaya babalik na muna ako sa kwarto ko."Tumayo na siya upang umalis, ngunit bago pa siya makakahakbang ay biglang may humawak sa kanyang pulsuhan.Bahagyang nagulat si Inara at napakurap dahil sa pagkalito."May kailangan ka ba?"Hindi agad sumagot si Kaizan. Dahan-dahan siyang tumayo bago mahinahong nagsalita."Sabay na tayo."Sandaling napatulala si Inara ngunit tanging pagtango na lamang din ang kaniyang nagawa. Bago pa tuluyang makapag-isip si Inara ay marahan na siyang hinila ni Kaizan paakyat sa ikalawang palapag.Samantala, kitang-kita ni Wyatt ang matinding kaba ni
Hindi narinig ni Kaizan ang mahina ngunit desperadong sigaw ni Inara. Sa gitna ng bulungan at paggalaw ng mga tao, naglaho siya nang hindi lumilingon. Parang aninong pinili ang kadiliman kaysa harapin ang babaeng naghihintay sa altar.Napakawalan ni Inara ang mahigpit na hawak sa bouquet. Dahan-dah
“Pero naisip mo na ba kung gaano kalala ang pagkagusto sa iyo ni Zandri? What if magising siya tapos malaman niyang married ka na? Na consider mo ba man lang ang feelings niya?” tanong ni Wyatt, diretso at walang paligoy-ligoy.Alam niya kung gaano kalalim ang nararamdaman ni Zandri para kay Kaizan
Tahimik na lumapit si Kaizan sa likod ni Inara at niyakap siya ng mahigpit. Nang mga oras na iyon ay animong saka lamang siya nakahinga ng maluwag sa buong araw na nagdaan.“Ay, palaka!” Abala si Inara sa pagluluto kaya hindi niya namalayan ang papalapit na presensya ni Kaizan. Bahagya siyang napat
Pagkatapos nilang tapusin ang hot pot, ramdam ni Kaizan ang parang apoy sa tiyan niya na wala ni isa mang makapapatay. Namumula ang kanyang mga labi, at kung titingnan nang mabuti, bahagyang namamaga ito.Paglabas nila sa restaurant, ang maliwanag na ilaw sa entrance ay bumalot sa kanilang dalawa.







![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)