LOGINKinabukasan, maagang dumating si Inara sa El Davion Group Tower kasama si Tatiana.
Habang nakatayo sa harap ng napakalaki at makintab na glass facade ng gusali, hindi niya maiwasang huminga nang malalim. Sa ilalim ng sikat ng araw, tila kumikislap ang bawat salamin na bumabalot sa tore. Napakataas nito na halos kailangan pa niyang itingala nang husto ang ulo para lamang makita ang pinakadulo. Para iyong isang gusaling hindi ginawa para sa mga ordinaryong tao kundi para sa mga taong ipinanganak na may kapangyarihan at kayamanan. 'Masyadong engrande ang kumpanyang ito. Nakakita naman na ako ng napakatataas na gusali, pero ang isang ito ay parang ibang mundo. Tsk. Ano pa nga bang dapat asahan sa pamilya El Davion? Halos kabuuan ng Dumaguete ay pagmamay-ari nila.' Maging ang malawak na entrance ng gusali ay sumisigaw ng karangyaan. Mula sa makintab na marmol hanggang sa mahigpit na seguridad sa paligid, malinaw na hindi ito basta-bastang kumpanya. Lahat ng taong dumaraan ay mukhang abala, propesyonal, at puno ng kumpiyansa. Nakasuot ang mga ito ng mamahaling damit at naglalakad na para bang alam na alam nila ang direksiyon ng buhay nila. Samantalang siya ay hindi na malaman kung paano pakakalmahin ang sarili niyang kaba. Pakiramdam niya ay siya lamang ang taong hindi kabilang sa lugar na iyon. 'Final na ba talaga 'to, Lord? Wala na ba talagang way para hindi ito matuloy? I suggest, lamunin na lang ako ng lupa kung wala na talagang paraan, Lord! Dahil mukhang doon din naman ang punta ko pagkatapos ng interview na ito!' Pagpasok nila sa conference room, lalo lamang siyang hindi mapakali. Ang lamig ng air conditioner ay parang walang epekto sa init ng kaba na bumabalot sa dibdib niya. Basa na ng pawis ang mga palad niya kahit bukas naman ang lahat ng aircon sa buong building. Hindi rin nakatulong ang katahimikan ng silid. Napakalinis ng conference room. Ang mahabang mesa sa gitna, ang malalambot na upuan, at ang floor-to-ceiling windows na tanaw ang kalahati ng lungsod ay lalo lamang nagpamukhang maliit ang kaniyang sarili. Paulit-ulit niyang pinagpag ang mga palad sa palda niya bago muling tumingin kay Tatiana. "Ma'am Yana, hindi ba talaga puwedeng kayo na lang ang mag-interview kay Young Master?" Nang lingunin siya ni Tatiana, kitang-kita sa mukha nito ang pagkainip. Halatang ilang beses na nitong narinig ang parehong tanong mula sa kaniya simula pa nang umalis sila ng bahay. Ngunit ayaw pa ring tumigil ni Inara sa pagtatanong. Hangga't may natitirang oras, umaasa pa rin siyang magbabago ang isip ng boss niya at papayagan siyang umalis. "Inara, nandito na tayo. Aralin mo na lang ulit ang mga impormasyong ibinigay ko tungkol sa Young Master para may ginagawa ka habang naghihintay at hindi ka magkamali mamaya." Tuluyan siyang nawalan ng pag-asa. Mukhang wala na talaga siyang kawala. Muling nilamon ng katahimikan ang buong silid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tikatik ng orasan sa pader at ang banayad na ugong ng aircon. Sa bawat segundong lumilipas, mas lalo lamang lumalakas ang kaba sa loob niya. Pakiramdam niya ay napakabagal ng oras. Ilang beses niyang sinubukang basahin ang mga impormasyong ibinigay sa kaniya ngunit wala ni isa mang salita ang pumapasok sa isip niya. Ang lahat ng atensyon niya ay nakatuon lamang sa pintuan ng conference room. Makalipas ang ilang sandali, may narinig siyang mga yabag. Hindi naman malakas ang tunog ng mga iyon, ngunit tila kusa iyong namayani sa pandinig niya. Sa dami ng taong dumadaan sa labas, hindi niya alam kung bakit bigla na lamang tumibok nang mabilis ang puso niya. Parang may kung anong babala ang katawan niya. 'Diyos ko! Please, don't tell me siya na 'yan? Ayaw ko pa po!' Parang tumalon ang puso niya at saglit na tumigil ang paghinga nang tuluyang bumukas ang pintuan ng conference room. Lahat ng ingay sa paligid ay tila nawala. Ang natira lamang ay ang tunog ng mabilis niyang tibok ng puso. Pagkatapos ay pumasok ang isang lalaki. Matangkad ito at higit pa sa karaniwang pamantayan para sa mga modelo ang tindig nito. Nakasuot ito ng maayos na suit na para bang eksklusibong ginawa para lamang sa kaniya. Malamig ang ekspresyon ng mukha ngunit hindi maikakailang nakakaakit. Matalas ang mga mata nito. Matangos ang ilong. At kahit hindi ngumiti ay mayroon itong presensiyang mahirap balewalain. Ang bawat galaw nito ay puno ng awtoridad, at kahit hindi pa nagsasalita ay para bang malinaw nang siya ang may-ari ng buong silid. Hindi nito kailangang magpakilala. Hindi nito kailangang magsabi ng kahit ano. Sapat na ang paraan ng pagpasok nito para malaman ng lahat kung sino ang pinakamakapangyarihang tao sa kwartong iyon. 'Rest in peace na lang talaga, Inara. Mauunahan mo pa talaga si Lola Evelyn na makipag-meet and greet kay San Pedro dahil sa ginagawa ng lalaking ito sa iyo!' Hindi niya alam kung bakit, ngunit nang magtagpo ang mga mata nila ay tila biglang nanikip ang dibdib niya. Parang may kung anong hindi maipaliwanag na puwersang pumigil sa kaniya upang umiwas ng tingin. Malalim ang titig nito. Mabigat. At parang tumatagos hanggang sa kaibuturan ng kaniyang pagkatao. Nilibot ni Kaizan ang paningin sa paligid, ngunit hindi man lang ito tumigil kay Tatiana. Sapat na ang presensiya nito para patahimikin ang lahat, na para bang maging ang paghinga ay pinipigilan na nila. Pagkatapos ay tumigil ang tingin nito kay Inara. At hindi na muling lumihis. "Lumabas kayong lahat." Mababa ang boses nito ngunit malinaw at mariin ang utos. Wala itong bahid ng pagdadalawang-isip. Hindi rin iyon tunog ng pakiusap. Isa iyong utos na sanay sundin ng mga tao. Nanigas si Tatiana. Agad na nawala ang kumpiyansa sa mukha nito at bahagyang napalunok. Hindi nito alam kung sasagot ba o agad na susunod, ngunit nang hilahin ito ni Kiara ay wala na rin itong nagawa. "Tara na, Tatiana." Nagpatianod na lamang ito palabas kasama si Kiara. Bago tuluyang magsara ang pinto, sinulyapan pa nito si Inara. Puno ng pag-aalala ang tingin nito. Ngunit hindi para sa dalaga kundi para sa kompanya. 'Lord, ano ba naman itong napasok kong gulo? Kailangan ba talagang ang lalaking ito lang ang makakakita sa akin sa huling pagkakataong humihinga ako?!' Nang tuluyang magsara ang pinto, tila mas bumigat ang paligid. Tahimik. Masyadong tahimik. Halos hindi na makagalaw si Inara. Ramdam niya ang matinding presensiya ni Kaizan, at para bang unti-unting nauubusan siya ng hangin dahil doon. Gusto niyang sumunod kay Tatiana. Gusto niyang tumakbo palabas. Gusto niyang magtago. Ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula. Para bang nakadikit ang mga paa niya sa sahig. 'Take the risk or I will die here with regrets!' Dahan-dahan siyang tumayo habang pilit pinipigilan ang panginginig ng mga tuhod. Iniiwas niya ang tingin at marahang naglakad papunta sa pintuan. 'Please. Please. Ni hindi ko pa nga ulit nakikita si Lola Evelyn. Spare my life kahit ngayon lang!' Ngunit nang madaanan niya ang lalaki, bigla siyang napahinto. Isang malamig na kamay ang mariing humawak sa kaniyang pulsuhan. Kasabay noon ay may kakaibang sensasyong tila kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. Nanlaki ang mga mata niya. Maging ang paghinga niya ay saglit na natigil. "B-Bakit? A-Anong ginagawa mo?" halos pabulong niyang tanong habang nanginginig ang boses. "Bitawan mo nga ako..." Habang pilit niyang binabawi ang kamay, naramdaman na niya ang pag-init ng kaniyang mukha. Ngunit hindi bumibitaw si Kaizan. Sa halip ay mas lalo lamang itong tumitig sa kaniya. Parang may kung anong nakatawag-pansin dito na hindi nito magawang alisin sa isip. 'This girl looks even more adorable when she's blushing.' Iyon ang tumakbo sa isip ng binata habang sa halip na pakawalan siya ay bahagya pa itong yumuko upang direktang titigan siya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Inara. Napakalapit nito. Sobrang lapit. At iyon ang lalong nagpawala ng kalmado niya. Pagkatapos ay bahagyang gumalaw ang mga labi ng binata. "Be my woman."Noong bata pa si Kaizan laging sinasabi ng mga tao na kamukha niya ang tatay niya kapag sumasama ito sa mga business meetings. Pero ngayon parang baliktad na ang tingin ng iba at akala nila ay magkapatid o mag-ama na magka-edad ang dalawa.Nakita niyang magaan pa ang usapan kaya inilabas niya ang kahon na hawak. "Dad, ito po ang regalo ni Zandrae para sa inyo."Malaki ang nawala sa ngiti ng matanda pero mas naging malumanay ang tingin nito sa anak.Napansin ni Don Alejandro ang biglang pagbabago ng hangin sa pagitan nila at alam niyang hindi lang ito simpleng usapan. Nagpaalam na lang siya na bibisita sa dating kakilala para iwan silang dalawa nang magkasama.Nang makaalis ang bisita ay tuluyan nang nawala sa pasensya ni Don Adalvino. Tinitigan niya nang may pagkasuklam ang kahon sa kamay ng anak. "Alisain mo yan sa harap ko. Hindi ko tatanggapin ang galing sa kanya. Hindi ba niya alam kung nasaan ang lugar niya? Anong karapatan niyang magbigay sa akin? Kaizan, nakalimutan mo na ba an
Nakatawag talaga ng pansin ng ilang bisita ang eksena sa pwesto ni Don Adalvino. Napunta ang matatalim nilang tingin kay Zandrae kaya sobrang hiya ang naramdaman niya.Tumayo siya nang tuwid at nagkunwaring kalmado lang habang hinaharap sila, pero mahigpit na napahawak siya sa kahon hanggang sa namutla ang mga daliri niya dahil sa lakas ng kapit.Huminga siya nang malalim para pigilan ang hiya at galit sa puso niya, tapos pilit siyang ngumiti nang maputla. "Tito, ako po kasi—"Hindi pa natatapos magsalita si Zandrae ay itinaas na ni Don Adalvino ang kamay para patigilin siya. Sabi niya nang malamig, "Miss Zandrae hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin. Wala naman tayong malalim na ugnayan kaya huwag mo na akong abalahin pa."Wala nang nagawa si Zandrae kundi tumahimik. Namutla nang husto ang mukha niya at parang gusto na lang niyang maglaho sa kinatatayuan niya.Nakatingin ang mga nakapaligid sa kanila nang naguguluhan habang ang iba naman ay nagsimula nang magbulungan."Sino ba yan
Tumingin si Inara sa suot niyang sapatos bago bahagyang kumaway na para bang wala lang ang bagay na iyon."Okay lang naman."Napakunot ang noo ni Kaizan. Halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi nito. May sasabihin pa sana siya nang biglang may narinig silang isang malambing na boses."Kaizan..."Pareho silang napalingon sa kanan.Nakita nila si Zandrae na nakasuot ng mahabang puting bestida. Marahang sumasabay sa hangin ang laylayan ng suot nito, na lalo pang nagpatingkad sa malambot nitong mukha. Para itong isang dalagang bumaba mula sa panaginip.Magkaibang-magkaiba ang dating nilang dalawa.Kahit na halos lima o anim na bahagi ng mukha nila ang magkahawig, magkaiba pa rin ang kagandahang taglay nila. Si Inara ay parang isang diwata na madaling makahatak ng tingin, habang si Zandrae naman ay may banayad at inosenteng anyo na parang isang bagong sibol na bulaklak. Pareho silang may sariling ningning na mahirap pantayan.Lumapit si Zandrae at iniabot ang kamay para hawakan ang braso n
Ngayon lang niya napagtanto nang magkaroon siya ng kaunting libreng oras na matagal na pala niyang hindi napapansin si Zandrae. Dahil doon, espesyal pa siyang nagpunta upang kumustahin ito.Nang marinig ang pag-aalala niya, kumislap ang mga mata ni Zandrae sa tuwa. Nahihiya itong ngumiti bago marahang sumagot."Ayos lang naman ako."Huminto ito sandali habang dahan-dahang hinahaplos ang tiyan bago muling nagsalita sa malambing na tinig."Ayos din ang baby. Kaizan, gusto mo bang hawakan?"Bahagyang napakunot ang noo ni Kaizan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero hindi talaga siya makaramdam ng pagiging malapit sa batang nasa sinapupunan nito. Sa huli, pinili na lamang niyang umiwas."Zandrae, magpahinga ka na muna. Babalik na ako sa trabaho."Pagkasabi noon, tumalikod na siya at agad na umalis.Binuksan ni Zandrae ang bibig upang tawagin siya, ngunit nakalayo na ito. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang mapait niyang ibinaba ang tingin sa sariling tiyan.'Kahit
Nakita iyon ni Don Adalvino at labis siyang nagalit, ngunit wala rin naman siyang magawa. Tahimik na lamang siyang umakyat pabalik sa kanyang silid upang hindi na masaksihan ang eksenang iyon.Naiwan ang dalawa sa malawak na living room, at muling binalot ng mabigat na katahimikan ang buong paligid.Hindi na kinaya ni Inara ang nakabibinging pananahimik. Pilit siyang ngumiti bago nagsalita."Uh, may gagawin pa ako kaya babalik na muna ako sa kwarto ko."Tumayo na siya upang umalis, ngunit bago pa siya makakahakbang ay biglang may humawak sa kanyang pulsuhan.Bahagyang nagulat si Inara at napakurap dahil sa pagkalito."May kailangan ka ba?"Hindi agad sumagot si Kaizan. Dahan-dahan siyang tumayo bago mahinahong nagsalita."Sabay na tayo."Sandaling napatulala si Inara ngunit tanging pagtango na lamang din ang kaniyang nagawa. Bago pa tuluyang makapag-isip si Inara ay marahan na siyang hinila ni Kaizan paakyat sa ikalawang palapag.Samantala, kitang-kita ni Wyatt ang matinding kaba ni
Sinulyapan lamang ni Kaizan si Zandrae at bahagyang kumunot ang noo. Dahil sa sunod-sunod na pangyayaring ganito, unti-unti nang nauubos ang kanyang pasensya. Ngunit nang maalala niyang buntis ang dalaga, pinili niyang palambutin ang kanyang tono.“Zandrae, buntis ka kaya huwag kang umiyak. Hindi maganda iyon para sa bata. Umakyat ka muna sa kwarto mo at magpahinga. Magpapadala ako ng katulong para dalhan ka ng hapunan mamaya.”Nang marinig iyon, dahan-dahang tumingala si Zandrae. Halatang hindi siya makapaniwala habang nakatitig dito. Hindi niya matanggap na sa halip na ipagtanggol siya, tila mas pinapanigan pa nito si Inara. Parang walang napansin si Kaizan sa reaksiyon niya. Maingat nitong inalis ang kamay ng dalaga sa kanyang braso bago nagpatuloy.“Zandrae, nasa mga unang buwan ka pa lang ng pagbubuntis. Mas mabuti kung manatili ka muna sa kwarto mo. Huwag mong hayaang may mapansin si Butler Renan. Kapag nalaman ito ni Dad, wala na akong magagawa para protektahan ka.”Nang mabang
Bahagyang kumunot ang noo ni Kaizan. “Manang Maya, her name is Zandrielle Inara Clemente. Ilabas mo na lamang dito ang mga niluto sa kusina,” utos niya sa malalim na boses. Sandali namang napatigil si Manang Maya. Pinagmasdan niyang mabuti ang dalaga at doon lang niya napagtantong nagkamali siya.
Kinabukasan, magkasama sa fieldwork sina Inara at Liora. Katatapos lang nila ng isang interview nang biglang tumunog ang phone niya. Nagpaalam siya sandali at lumabas para sagutin ito. Unknown number? Sino naman ’to? Scam call? Maniningil ng utang? Secret admirer? High school lang ang peg? “He
"Your little act of playing it safe isn't clever at all. But now that you've achieved your goal, you don't have to keep pretending," saad ni Kaizan sa paraang animo'y inaamo si Inara. Malumanay ang tono ngunit may nakatagong puwersa at kapangyarihan sa bawat salitang lumalabas sa labi niya. Haban
Pagbalik nina Inara at Tatiana sa kompanya, agad kumalat ang balita na sila ang nakakuha ng exclusive interview kasama ang presidente ng El Davion Group. Lahat ay nakatingin sa kanila nang may halong inggit at paghanga. Sino ba naman ang hindi maiinggit kung ang makakapanayam nila ay walang iba ku







