Accueil / Romance / Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé / Chapter 7: Claiming the Unwilling

Partager

Chapter 7: Claiming the Unwilling

Auteur: inksera
last update Date de publication: 2025-10-28 21:07:18

"Your little act of playing it safe isn't clever at all. But now that you've achieved your goal, you don't have to keep pretending," ani Kaizan sa paraang tila inaamo ang dalaga.

Malumanay ang tono nito, ngunit may nakatagong puwersa at awtoridad sa bawat salitang lumalabas sa mga labi niya.

Samantala, nananatili pa ring mapula ang magkabilang pisngi ni Inara dahil sa halik na nangyari kanina. Masyado iyong matamis, malambot, at nakakaadik. Ayaw man niyang balikan sa isip, nananatili pa rin ang pakiramdam ng labi ng lalaki sa kaniya, na para bang nag-iwan iyon ng bakas sa sarili niyang labi.

'I still can't believe this woman could taste like a temptation itself. Para siyang diwata na nagtatago sa katawang tao. Nakakamangha. Masyadong kakaiba.'

"Anong pinagsasabi mong I don't have to keep pretending? Are you saying na nagpapa-hard to get lang ako?" kunot-noong tanong ni Inara. Halos umaapaw sa pagkadismaya at inis ang boses niya.

Kaunti na lang at tuluyan na talaga siyang sasabog sa galit. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon, lalo na't hindi pa rin iyon lubusang matanggap ng isip niya.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ng binata habang naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Aliw na aliw itong pinagmamasdan ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng dalaga. "Kahapon sa restaurant, hindi ba't sinadya mong mabangga ako para mapansin kita?"

'Mapansin? Ha! Kung alam ko lang kung sino ka noong mga panahong iyon, mas gugustuhin ko pang bumagsak sa sahig kaysa masalo mo!'

"Hindi 'yon totoo!" mabilis na kontra ni Inara sabay tulak sa dibdib nito. "Aksidente lang ang nangyari kahapon. At wala akong interes na maging babae mo."

'Wala. Ni katiting ay wala akong nararamdaman para sa lalaking ito.'

At wala rin siyang planong magkaroon kailanman. Lalo na't mahigit isang buwan na lamang at tuluyan na silang ikakasal. Hangga't maaari, gusto niyang panatilihing tahimik at maayos ang lahat, lalo na ang sarili niyang puso.

'Oh, shit!'

Nang mapagtanto niyang muli na naman niyang tinanggihan ang lalaki, agad siyang kinabahan. Mabilis pa sa alas-kuwatro niyang tinakpan ang sariling labi, handa kung sakaling umatake na naman ang halimaw na mahilig manghalik na nasa harapan niya.

Napangisi si Kaizan. Para bang lalo lamang siyang naeengganyo. Ang dati niyang bahagyang interes sa dalaga ay unti-unting lumalalim matapos niyang malasahan ang mga labi nito, at tila patuloy pa iyong tumataas.

"Huwag ka nang pumalag," may kumpiyansang sabi niya habang dahan-dahang yumuyuko upang salubungin ang mga mata nito. "You're destined to be my woman. You can't run from it. I won't force you now, but you will still end up saying yes to me."

Muntik nang matawa si Inara.

'Kung alam mo lang na ako ang fiancée mong ayaw mong pakasalan, sigurado akong hindi mo magagawang sabihin ang mga salitang iyan. Ni hindi man lang sasagi sa isip mo ang mga bagay na iyan, Kaizan.'

"Young Master, kung ayaw n'yong tumanggap ng interview mula sa amin, aalis na lamang kami," malamig niyang sagot.

'Wala namang kabuluhan ang magpaliwanag. May sarili na siyang conclusion. Kahit ano pa ang sabihin ko, hindi siya matitinag.'

Sa mga sandaling iyon, isa na lamang ang hiling niya. Sana ay tanggihan na lang talaga ng lalaki ang interview upang hindi na sila muling magkita.

Ngunit ibang plano ang nasa isip ni Kaizan.

'Does she really think that I accepted their interview just because of business? Oh, this woman. Wala talaga siyang kaide-ideya na siya lang ang dahilan kung bakit ako pumayag. Tsk.'

'And now that I've tasted her lips, the satisfaction lingering inside me is almost unbearable...'

Maingat niyang inayos ang cufflinks bago umupo nang tuwid at may pormal na tindig. "Go ahead. Ask me whatever you want."

Napangiwi si Inara.

'Nasaan na ang domineering beast kanina? Bakit ngayon mukha na naman siyang mabait at propesyonal na CEO?'

'Tsk. Hayop talaga. Nakakainis na kaya niyang maging dalawang magkaibang tao sa isang iglap. Nakakatakot at nakakamangha nang sabay.'

"Tatawagin ko lang si Miss Yana..." mabilis niyang paalam habang halos takbuhin na ang pintuan palabas upang makalayo rito.

Nang muli silang makapasok sa conference room, hindi pa rin maalis nina Tatiana at Kiara ang tingin kay Inara, lalo na sa bahagyang namumulang mga labi nito.

'Diyos ko, lamunin na lamang sana ako ng lupa!'

Matalim ang tingin ni Tatiana. May bahid ng inggit na kumikislap sa mga mata nito.

'Sinong mag-aakalang ang tahimik na intern na ito ay kayang sumilo ng lalaking tulad ng isang El Davion? Kakaiba rin. Tss.'

"Young Master, I'm Tatiana Graceva, ako ang—"

"Ano'ng pangalan mo?" putol agad ng binata, ngunit hindi man lang nito nilingon si Tatiana.

Nang mapatingin ang lahat sa kaniya, doon nila napansing kay Inara lamang nakatuon ang mga mata nito.

Agad na kinabahan ang dalaga.

'Ano ba naman ito? Kahihinga ko pa lang nang maluwag kanina dahil hindi niya ako kilala, tapos heto na naman tayo. Argh!'

'Baka nabanggit na ni Don Khalif sa kaniya ang pangalan ko? Mabubuko na talaga ako ngayon pa lang!'

Nagsimulang mamawis ang mga palad niya. Sa mga oras na iyon, wala na siyang maisip na paraan upang takasan pa ang tila panunukso ng tadhana.

'Bahala na. If it's a blessing, let it come. If it's a disaster, well, I have nowhere left to run anyway. Ika nga nila, wala namang sekretong hindi nabubunyag. Pero bakit ang aga naman ng sa akin, Lord?'

Huminga siya nang malalim bago sinalubong ang matalim na titig ng lalaki.

"I'm Zandrielle Inara Clemente, Young Master El Davion."

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Commentaires (2)
goodnovel comment avatar
Luz Apalit
good novel
goodnovel comment avatar
Sarah Ramos
bet ng chapter title. if unwilling pa rin si inara, ako na lang papalit, author! hahahahaha
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Dernier chapitre

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 130: Envy and Pretense

    Noong bata pa si Kaizan laging sinasabi ng mga tao na kamukha niya ang tatay niya kapag sumasama ito sa mga business meetings. Pero ngayon parang baliktad na ang tingin ng iba at akala nila ay magkapatid o mag-ama na magka-edad ang dalawa.Nakita niyang magaan pa ang usapan kaya inilabas niya ang kahon na hawak. "Dad, ito po ang regalo ni Zandrae para sa inyo."Malaki ang nawala sa ngiti ng matanda pero mas naging malumanay ang tingin nito sa anak.Napansin ni Don Alejandro ang biglang pagbabago ng hangin sa pagitan nila at alam niyang hindi lang ito simpleng usapan. Nagpaalam na lang siya na bibisita sa dating kakilala para iwan silang dalawa nang magkasama.Nang makaalis ang bisita ay tuluyan nang nawala sa pasensya ni Don Adalvino. Tinitigan niya nang may pagkasuklam ang kahon sa kamay ng anak. "Alisain mo yan sa harap ko. Hindi ko tatanggapin ang galing sa kanya. Hindi ba niya alam kung nasaan ang lugar niya? Anong karapatan niyang magbigay sa akin? Kaizan, nakalimutan mo na ba an

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 129: The Better Gift

    Nakatawag talaga ng pansin ng ilang bisita ang eksena sa pwesto ni Don Adalvino. Napunta ang matatalim nilang tingin kay Zandrae kaya sobrang hiya ang naramdaman niya.Tumayo siya nang tuwid at nagkunwaring kalmado lang habang hinaharap sila, pero mahigpit na napahawak siya sa kahon hanggang sa namutla ang mga daliri niya dahil sa lakas ng kapit.Huminga siya nang malalim para pigilan ang hiya at galit sa puso niya, tapos pilit siyang ngumiti nang maputla. "Tito, ako po kasi—"Hindi pa natatapos magsalita si Zandrae ay itinaas na ni Don Adalvino ang kamay para patigilin siya. Sabi niya nang malamig, "Miss Zandrae hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin. Wala naman tayong malalim na ugnayan kaya huwag mo na akong abalahin pa."Wala nang nagawa si Zandrae kundi tumahimik. Namutla nang husto ang mukha niya at parang gusto na lang niyang maglaho sa kinatatayuan niya.Nakatingin ang mga nakapaligid sa kanila nang naguguluhan habang ang iba naman ay nagsimula nang magbulungan."Sino ba yan

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 128: Hidden Hearts

    Tumingin si Inara sa suot niyang sapatos bago bahagyang kumaway na para bang wala lang ang bagay na iyon."Okay lang naman."Napakunot ang noo ni Kaizan. Halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi nito. May sasabihin pa sana siya nang biglang may narinig silang isang malambing na boses."Kaizan..."Pareho silang napalingon sa kanan.Nakita nila si Zandrae na nakasuot ng mahabang puting bestida. Marahang sumasabay sa hangin ang laylayan ng suot nito, na lalo pang nagpatingkad sa malambot nitong mukha. Para itong isang dalagang bumaba mula sa panaginip.Magkaibang-magkaiba ang dating nilang dalawa.Kahit na halos lima o anim na bahagi ng mukha nila ang magkahawig, magkaiba pa rin ang kagandahang taglay nila. Si Inara ay parang isang diwata na madaling makahatak ng tingin, habang si Zandrae naman ay may banayad at inosenteng anyo na parang isang bagong sibol na bulaklak. Pareho silang may sariling ningning na mahirap pantayan.Lumapit si Zandrae at iniabot ang kamay para hawakan ang braso n

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 127: Hidden Envy

    Ngayon lang niya napagtanto nang magkaroon siya ng kaunting libreng oras na matagal na pala niyang hindi napapansin si Zandrae. Dahil doon, espesyal pa siyang nagpunta upang kumustahin ito.Nang marinig ang pag-aalala niya, kumislap ang mga mata ni Zandrae sa tuwa. Nahihiya itong ngumiti bago marahang sumagot."Ayos lang naman ako."Huminto ito sandali habang dahan-dahang hinahaplos ang tiyan bago muling nagsalita sa malambing na tinig."Ayos din ang baby. Kaizan, gusto mo bang hawakan?"Bahagyang napakunot ang noo ni Kaizan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero hindi talaga siya makaramdam ng pagiging malapit sa batang nasa sinapupunan nito. Sa huli, pinili na lamang niyang umiwas."Zandrae, magpahinga ka na muna. Babalik na ako sa trabaho."Pagkasabi noon, tumalikod na siya at agad na umalis.Binuksan ni Zandrae ang bibig upang tawagin siya, ngunit nakalayo na ito. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang mapait niyang ibinaba ang tingin sa sariling tiyan.'Kahit

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 126: Her Only Secret

    Nakita iyon ni Don Adalvino at labis siyang nagalit, ngunit wala rin naman siyang magawa. Tahimik na lamang siyang umakyat pabalik sa kanyang silid upang hindi na masaksihan ang eksenang iyon.Naiwan ang dalawa sa malawak na living room, at muling binalot ng mabigat na katahimikan ang buong paligid.Hindi na kinaya ni Inara ang nakabibinging pananahimik. Pilit siyang ngumiti bago nagsalita."Uh, may gagawin pa ako kaya babalik na muna ako sa kwarto ko."Tumayo na siya upang umalis, ngunit bago pa siya makakahakbang ay biglang may humawak sa kanyang pulsuhan.Bahagyang nagulat si Inara at napakurap dahil sa pagkalito."May kailangan ka ba?"Hindi agad sumagot si Kaizan. Dahan-dahan siyang tumayo bago mahinahong nagsalita."Sabay na tayo."Sandaling napatulala si Inara ngunit tanging pagtango na lamang din ang kaniyang nagawa. Bago pa tuluyang makapag-isip si Inara ay marahan na siyang hinila ni Kaizan paakyat sa ikalawang palapag.Samantala, kitang-kita ni Wyatt ang matinding kaba ni

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 125: Unwanted Tears

    Sinulyapan lamang ni Kaizan si Zandrae at bahagyang kumunot ang noo. Dahil sa sunod-sunod na pangyayaring ganito, unti-unti nang nauubos ang kanyang pasensya. Ngunit nang maalala niyang buntis ang dalaga, pinili niyang palambutin ang kanyang tono.“Zandrae, buntis ka kaya huwag kang umiyak. Hindi maganda iyon para sa bata. Umakyat ka muna sa kwarto mo at magpahinga. Magpapadala ako ng katulong para dalhan ka ng hapunan mamaya.”Nang marinig iyon, dahan-dahang tumingala si Zandrae. Halatang hindi siya makapaniwala habang nakatitig dito. Hindi niya matanggap na sa halip na ipagtanggol siya, tila mas pinapanigan pa nito si Inara. Parang walang napansin si Kaizan sa reaksiyon niya. Maingat nitong inalis ang kamay ng dalaga sa kanyang braso bago nagpatuloy.“Zandrae, nasa mga unang buwan ka pa lang ng pagbubuntis. Mas mabuti kung manatili ka muna sa kwarto mo. Huwag mong hayaang may mapansin si Butler Renan. Kapag nalaman ito ni Dad, wala na akong magagawa para protektahan ka.”Nang mabang

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 64: Walking Trouble

    Pagkatapos niyang ihatid ang mga regalo, binuksan ni Inara ang computer niya. Medyo lutang pa rin ang utak niya, pero nang magsimula siyang mag-ayos ng files, unti-unting bumalik ang focus niya. Routine really had that effect on her.Habang tinitingnan niya ang mga folder name, may isang document n

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 21: Behind the Curtain

    Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa ilang segundong tila huminto ang oras, walang gumalaw sa kanila. Naningkit ang tingin ni Kaizan, ang matatalas niyang tampok ay tinabunan ng pagtataka—at kalaunan, ng di–paniniwala. That face… No way. Little fairy? How could she be here? The sunlight po

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 20: The Fitting Encounter

    Pagkatapos kausapin si Inara, hindi na nag-aksaya ng oras si Don Adalvino at agad niyang tinawagan ang anak na si Kaizan. "Hey, are you away on a business trip? Will you be back by noon tomorrow?" Don Adalvino asked directly. Kaizan thought it was that little vixen who had hung up on him earlier

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 19: The One-Month Agreement

    Ilang araw na ang nakalipas na nasa ibang bansa si Kaizan. Wala ring araw na hindi man lang ito natitinag na subukang tawagan siya kahit na sinusungitan lang naman siya paulit-ulit ni Inara. At ang araw na ito ay walang kaibahan sa mga nauna pag araw. “After I return,” Kaizan said calmly, his deep

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status