Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED.

Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED.

last updateآخر تحديث : 2026-06-29
بواسطة:  onyourwetdreamsمستمر
لغة: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 تصنيف. 1 review
5فصول
101وجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

"Everything in this world comes with a price, and my help isn't free. Leave that boy when you find out the truth. Because from that moment on, you are mine.” Iyon ang mga katagang binitawan ng bilyonaryong si King Imperial nang humingi ng tulong si Aline Buenavista sa kanya para makaalis sa isla at mapatunayang ikakasal na nga sa iba ang kanyang nobyo. Apat na taon nang nagtitiis si Aline sa kanyang live-in partner na si Ejay. Dahil sa paninindigan niyang ibigay lamang ang sarili kapag kasal na sila, madalas siyang iwanan nito para maghanap ng aliw sa ibang babae. Ngunit sa isang gabing nalunod siya sa alak at labis na sakit, napuno si Aline ng galit. Sa gitna ng kalasingan, pumasok sa isip niya ang kagustuhang maghiganti at iparanas din sa nobyo ang sakit na nararamdaman niya. Doon niya naialay ang kapurihang apat na taon niyang iningatan sa isang hindi kilalang estranghero. Labis ang pagsisisi ni Aline nang magising. Ang akala niya ay kaya niyang ibaon sa limot ang gabing iyon upang isalba ang kanyang relasyon sapagkat si Ejay na lamang ang makakatulong sa kanya para maiahon siya sa hirap. But it was already too late. King Imperial was already onto her—the man who made her moan in pleasure during that unforgettable night.

عرض المزيد

الفصل الأول

01: SWEET LIPS

Aline's POV

"Hanggang ngayon pa rin ba, hindi mo ako pagbibigyan?!"

Sigaw ng live-in partner ko na si Ejay. Matagal na kaming magkasama sa iisang bubong, pero hindi ko pa kayang ibigay ang matagal na niyang ninanais sa akin. Ayoko pa kasing makipagtalik sa kanya.

"Gusto kong magpakasal muna tayo, Ejay," sambit ko, mahigpit ang hawak sa pantulog kong dress na pilit niyang hinuhubad kanina.

"Hindi pa ako handa sa kasal na 'yan!" sigaw niyang muli.

"Ayoko kasing—"

"Ang sabihin mo, wala kang tiwala sa akin! Magfo-four years na tayo, iniisip mo pa rin ba na kapag natikman na kita ay iiwanan kita?" nagngangalit sa galit na tanong niya. "Fine! Kung ayaw mo, 'di huwag!"

Pinanood ko siyang mabilis na nagpalit ng damit. Nagsimula na namang mabuo ang luha sa aking mga mata, sapagkat alam ko kung saan na naman siya tutungo sa tuwing tinatanggihan ko siya.

Alam kong may iba siyang inuuwiang babae. Hindi lang iisa, kundi iba't ibang babae ang dinadala niya sa kama. Letse kasing pagmamahal 'to—kahit alam ko ang mga kagaguhang ginagawa niya, hindi ko pa rin siya kayang iwan.

"Sa iba ko na naman ilalabas ang libog na nararamdaman ko sa'yo. Hindi mo ako masisisi, wala eh!"

Binalibag niya ang pintuan pagkalabas sa kwarto namin. Napaupo ako sa kama dahil sa panghihina. Kumikirot na naman ang puso ko, parang pinipiga. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko matitiis ito.

Tumunog ang cellphone ko na nasa study table. Nilapitan ko iyon at nakita ang pangalan ng kaibigan ko na si Kaia.

"K-kaia," saad ko nang sagutin ko ang tango.

"Oy! Bakit ganyan ang boses mo? May problema na naman ba?" nag-aalalang tanong niya sa kabilang linya.

"S-si Ejay... umalis na naman," naluluhang sambit ko.

"Bakit? Pinipilit ka na naman ba niyang makipagtalik?!"

"Oo. Hindi ko pa iyon pwedeng ibigay sa kanya sapagkat ipinangako ko sa sarili ko na sa magiging asawa ko lamang iaalay ang katawan ko, Kaia."

"Sinabi ko na dati sa'yo na hiwalayan mo na siya. Hay nako naman, Aline."

Hindi ko pa kaya at hindi pa pwede, sapagkat kailangan ko pa siya. Kailangan pa siya ng pamilya ko. Saan na lamang kami pupulutin kung hindi ako manatili kay Ejay?

"Bakit ka pala napatawag?" pag-iiba ko sa usapan upang itago ang gulo sa isip ko.

"May malapit na bar diyan sa inyo, maglilibang tayo. Libre ko!" masayang saad niya.

"Baka magalit si Ejay kapag nalaman niyang lumabas ako."

"Ikaw ang dapat na magalit, aba! Minamanipula ka ng lalaking 'yan. Magbihis ka na, susunduin kita diyan sa inyo."

Hindi ko pa man siya napapayagan ay ibinaba na ni Kaia ang tango. Napasinghap ako. Alam kong pag-aawayan na naman namin 'to ni Ejay, pero ayoko ring magtampo ang natatangi kong kaibigan. Siya na lamang ang taong nakakaintindi at nalalapitan ko.

Isang simpleng black bodycon dress ang napili kong isuot at heels na medyo mataas ang takong. Hinayaan ko lang nakalugay ang wavy kong buhok. Compact powder na lamang at lipstick ang inilagay ko sa mukha para kahit papaano ay maayos akong tingnan.

Saktong matapos ko sa pag-aayos, narinig ko ang pagbusina ni Kaia sa labas. Hinarap ko saglit ang sarili sa salamin para tingnan ang kabuuan ko bago lumabas at sumakay sa kanyang kotse. Mabilis siyang magpatakbo at malapit lamang ang pupuntahan namin kaya nakarating kami agad sa bar na tinutukoy niya.

"Ang ganda-ganda at sexy mo, tapos nagpapaalipin ka sa letseng 'yon?!" sigaw ni Kaia sa akin sa gitna ng ingay.

Marami na ang nainom ng kasama ko. Sa aming dalawa, parang siya pa ang mas problemado. Hinila niya ako patayo mula sa couch na inuupuan namin.

"Let's dance! Oh, please, Aline! Alisin mo na sa puso mo si Ejay!" sigaw niya.

Salamat sa maingay na tugtog, hindi kami nakaagaw ng pansin ng ibang tao.

"Lasing ka na," saad ko, balak agawin ang hawak niyang baso na may laman na alak.

"Lagukin mo 'to for me?" aniya.

Napabuntong-hininga ako bago tumango. Kinuha ko iyon at mabilis na nilagok.

"Yehey!" Itinaas niya ang dalawang kamay at nagsasayaw. "More drinks, please!" tango niya sa dumaang waiter. Kumuha siya ng dalawang baso at ibinigay ang isa sa akin.

"Cheers, Aline!" napapikit niyang saad. "Kalimutan mo na ang manipulator mong boyfriend! Babaero, walang kwenta, at higit sa lahat, napakagago!"

Wala akong pagpipilian kundi inumin ang basong hawak ko. Inagaw ko rin ang hawak niya at nilagok din iyon. Ayokong malasing siya nang husto dahil baka hindi na kami makauwi.

Hinila niya ako sa dance floor para sumabay sa sayawan ng mga tao roon. May biglang dumikit na lalaki sa kanya. Nagkatinginan kami ni Kaia, nagpapaalam ang kanyang mga mata. Natawa ako bago tumango para hayaan siyang mag-enjoy.

Sumayaw na rin ako, ramdam na ang kaunting tama dahil sa sunod-sunod na nainom ko. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa ganitong lugar dahil hindi ako pinapayagan ni Ejay. Natatakot ako sa kanya, ayokong nagagalit siya sa akin.

But now? Maybe I deserve to enjoy this night. Hindi pwedeng siya lang ang nagsasaya!

Itinaas ko ang dalawang kamay at sinabayan ang ritmo ng musika. Biglang may nakaramdam ako ng mainit na palad sa baywang ko. Maingat ang kanyang mga kamay na humawak doon. Napangiti ako sa sarili—siguro'y hindi pa naman nawawala ang atraksyon ko sa mga lalaki. Hinayaan ko siya. Hawak lang naman, kaya wala sigurong masama.

Why not? Si Ejay nga nakikipagkantutan na naman sa iba, kaya quits lang kami!

Humarap ako sa lalaki at ipinalupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg habang sumasayaw. Hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya dahil sa dilim at patay-sinding ilaw sa paligid. Matangkad siya kaya nakadungaw siya sa akin.

He smells so good and expensive. Hinila niya ako lalo palapit sa kanya kaya tuluyang nagdikit ang mga katawan namin. Mainit ang kanyang balat, at naaamoy ko rin ang alak sa kanya.

"Damn, you're sexy," nang-aakit na bulong niya sa akin gamit ang malalim niyang boses.

"Thanks," sagot ko.

Pasimple niyang hinimas ang baywang ko. Gamit ang isa niyang kamay, marahan niyang hinawakan ang baba ko at binihag ang labi ko ng isang halik.

"Sweet lips."

"Is that all you can do?" mapanghamon kong ngisi.

"Do you want something more?"

"Just kidding," tawa ko.

"You're teasing me, huh."

Lumayo ako nang kaunti sa kanya para sayawan siya. Hinayaan niya lang ako at pinanood ang bawat galaw ko. I danced seductively in front of this stranger.

Alam kong pagsisihan ko 'to bukas kapag wala na ang tama ng alak sa katawan ko, pero bahala na. Gusto kong mag-enjoy kahit ngayon lang. Walang problema, walang sakit sa puso... walang Ejay.

Muling hinila ako ng lalaki sa baywang at agresibo akong hinalikan. I was impressed dahil magaling talaga siyang humalik, kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong sabayan siya.

Malambot ang kanyang labi, pero mapaglaro. Naramdaman ko ang isang kamay niya na dahan-dahang tumaas sa aking dibdib at pinisil iyon. Bumuka ang aking bibig sa gulat at sarap sa ginawa niya. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon para ipasok ang dila niya at makipaglaro sa dila ko.

I felt a massive heat inside my body. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kakaibang init sa lalaking hindi ko man lang kilala.

Hindi ko alam kung dapat ko ba 'tong itigil o ipagpapatuloy ko pa. Shit. Hindi ko alam. Ang sarap ng labi niya... paano pa kaya kung mas malala ang gagawin namin?

Tumigil siya saglit at nakipagtitigan sa akin. Tulad ko ay namumungay na rin ang mga mata niya.

"You like it?"

Si Ejay—oh, stop! Hindi dapat ang walang kwentang lalaking iyon ang iniisip ko! Tama, wala siyang kwenta. Sakit sa ulo at puso lamang ang dinudulot niya saakin.

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


المراجعات

onyourwetdreams
onyourwetdreams
WAG PO MUNANG SIMULAN NA BASAHIN ITO, UUNAHIN KO PO MUNA ANG "MY BOSS IS A BASTARD MANIAC" sigurado po akong magugustuhan niyo yan, tysm!
2026-07-08 01:14:14
0
0
5 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status