LOGIN“Sabihin mo sa anak mo, Doña Beatriz, na hindi ako ipinagbibili. Kahit ilang milyon pa ang ilapag niya sa harap ko, hindi ako magpapakasal kay Adrian!”
Hindi ko kailangang sumigaw para marinig ng buong bahay ang sinabi ko. Sapat nang makita ko ang pag-igting ng panga ng babaeng kaharap ko.
Maagang kumalat sa San Isidro ang balitang ipinagpaliban ko ang kasal namin ni Adrian Montenegro. Sa palengke pa lamang, naririnig ko na ang mga bulungan ng mga tindera. May ilan pang kunwari ay abala sa pagtitinda pero halatang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ko.
“Sayang naman. Ang swerte na sana ni Lia. Montenegro pa naman ang mapapangasawa niya.”
“Baka may iba na iyang lalaki.”
“Baka hindi siya pinagbigyan ng pamilya.”
Noong una kong buhay, ilang taon kong inintindi ang sasabihin ng ibang tao. Pinilit kong maging mabuting nobya, mabuting asawa, at mabuting manugang. Akala ko, kapag sapat ang kabaitan ko, wala nang dahilan para maliitin nila ako.
Pero ngayon, wala na akong pakialam kung ano ang isipin nila.
Hindi naman sila ang magbabayad sa akin kapag nasira na naman ang buhay ko.
Pag-uwi ko, nadatnan ko si Papa sa beranda, hawak ang lumang pahayagan. Nasa tabi niya ang tasa ng kape at ang litrato ni Mama na hindi na niya karaniwang inilalabas.
“May dumalaw kanina,” sabi niya.
Ibinaba ko ang basket na dala ko. “Sino po?”
“Si Doña Beatriz.”
Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa ba siya napapagod?”
“Gusto niyang malaman kung bakit mo ipinagpapaliban ang kasal. Sinabi kong anak kita at ikaw ang may karapatang magdesisyon kung sino ang gusto mong pakasalan.”
Napangiti ako at naupo sa tabi niya.
“Salamat, Papa.”
Hinawakan niya ang kamay ko. “Hindi kita pinalaki para maging panakip-butas ng anumang kasunduang pinasok ng ibang tao. Pero kailangan nating maging maingat. Hindi biro ang pamilya ng mga Montenegro.”
Alam ko iyon. Mas alam ko pa kaysa sa sinumang nakatira sa San Isidro.
“Hindi ko sila hahayaang saktan kayo.”
“Hindi iyon ang dapat mong akuin mag-isa, Lia. Pamilya tayo. Kung may problema, haharapin natin nang magkakasama.”
Napayuko ako. Sa dati kong buhay, unti-unti akong lumayo sa sarili kong pamilya dahil mas inuna ko ang mga Montenegro. Ngayon, sisiguraduhin kong hindi na mauulit iyon.
Pagsapit ng tanghali, pumunta ako sa pagawaan nina Kuya Marco. Nais kong ipagpatuloy ang pag-aayos ng mga ledger at resibo. Kung may isang bagay akong natutuhan sa nakaraang buhay, iyon ay hindi dapat ipinauubaya sa ibang tao ang paghawak sa sarili mong pera.
“Lia, parang buong buhay mo nang trabaho ang magbilang,” reklamo ni Marco nang makita Akon nakaupo sa likod ng mesa.
“Mas mabuti nang magbilang kaysa mabilang sa mga taong niloloko.”
“Aray. Parang may pinatatamaan ka na naman.”
“Kung may tinamaan, baka may kasalanan.”
Inilapag niya sa mesa ang isang supot ng mga resibo. “Iyan ang mga bayarin ng trucking service. Pakiayos nga. Hindi ko na maintindihan kung alin ang bayad at alin ang utang.”
Sinuri ko ang mga papel. Maraming hindi naitala nang maayos. May mga kliyenteng paulit-ulit na gumagamit ng serbisyo namin pero ilang buwan nang hindi nagbabayad. May ilan ding gastusing walang katumbas na resibo.
“Kuya, bakit may tatlong biyahe na nakalista rito na walang pangalan ng kliyente?”
“May nagpaarkila ng truck. Sabi ng tao ni Papa, regular na biyahe raw iyon.”
“Saan dinadala?”
“Sa may lumang bodega malapit sa pier.”
Napatingin ako sa kanya.“Anong kargamento?”
“Hindi ko alam. Sarado ang mga kahon. Bakit?”
Hindi ako sumagot agad. Sa dati kong buhay, ilang beses akong nakarinig ng mga usapan tungkol sa mga kargamentong hindi dumaraan sa karaniwang inspeksiyon. May mga bodega raw na ginagamit ng mga taong konektado sa mga makapangyarihang pamilya.
Hindi ko alam kung kabilang doon ang mga Montenegro, pero hindi ko gustong madamay ang negosyo namin sa anumang ilegal na transaksiyon.
“Kuya, kailangan nating malaman kung sino ang umuupa sa mga truck natin. Simula ngayon, walang biyahe na walang kumpletong dokumento.”
Napakamot siya sa ulo. “Lia, trucking company ito. Hindi law office.”
“Mas kailangan nga nating maging maingat. Hindi natin kailangang maging abogado para malaman kung may gumagamit sa atin.”
Natawa siya. “Sige na nga, Madam Accountant.”
“May bayad ang serbisyo ko.”
“Akala ko ba tumutulong ka lang sa pamilya?”
“Pamilya nga. Pero ayokong maging dahilan para malugi tayo.”
Muling natawa si Marco.
Sa kabila ng lahat, masaya akong naroon. Simple lang ang trabaho, pero may kakaibang ginhawa sa pakiramdam na may sarili akong ginagawa at hindi umaasa sa sinumang lalaking may apelyidong makapangyarihan.
Bandang alas-tres, may humintong itim na kotse sa harap ng pagawaan.
Agad kong nakilala ang emblem sa pintuan.
Montenegro.
Bumaba ang isang babaeng nakasuot ng mamahaling damit at salaming pang-araw. Kasunod niya ang dalawang lalaking nakaitim. Kahit nasa gitna siya ng maalikabok na garahe, para siyang galing sa isang pribadong luncheon sa Manila Hotel.
Si Doña Beatriz.
“Lia,” bati niya. Hindi iyon pagbati ng isang taong gustong makipag-usap. Para iyong utos na lumapit ako.
Tumayo ako at sinalubong siya. “Magandang hapon po, Doña.”
Tumingin siya sa paligid na para bang nadumihan ang sapatos niya sa simpleng pagpasok. “Dito ka na nagtatrabaho ngayon?”
“Opo. May problema po ba?”
“Wala. Nagulat lang ako na pagkatapos mong tanggihan ang anak ko, bumalik ka sa ganitong klaseng lugar.”
Napatingin sa kanya si Marco. “May problema ba kayo sa lugar namin?”
“Hindi ikaw ang kausap ko.”Pero kapatid ko ang kinakausap ninyo,” sagot niya.
Itinaas ko ang kamay para pigilan siya. Ayokong magkaroon ng gulo sa sariling pagawaan.
“May kailangan po ba kayo, Doña Beatriz?”
Lumapit siya nang kaunti at hininaan ang boses.
“Gusto kong malaman kung ano ang iniisip mo. Alam mo bang napahiya ang pamilya namin dahil sa ginawa mo?”
“Pasensiya na po kung nasaktan ang inyong reputasyon. Pero hindi ko naman po obligasyong magpakasal para lang hindi kayo mapahiya.”
Nanigas ang kanyang mukha.
“Napakabata mo pa para maintindihan kung paano gumagana ang mga pamilyang tulad namin.”
“Posible po. Pero sapat na ang edad ko para malaman kung ayaw kong magpakasal sa anak ninyo.”
“Maraming babae ang pumapatay para makuha ang posisyon mo.”
“Kung ganoon, sana po sila na lang ang pakasalan ni Adrian.”
Napasinghap si Marco sa likuran ko. Maging ang isa sa mga mekaniko ay napahinto sa pag-aayos ng makina.
Hindi nagustuhan ni Doña Beatriz ang sagot ko.
“Hindi mo ba nauunawaan? Matagal nang napagkasunduan ang kasal na ito. May mga taong umaasa sa alyansa ng ating mga pamilya.”
“Alyansa?”
“Hindi mo kailangang malaman ang lahat.”
“Kung kasal ko ang pinag-uusapan, dapat ako ang unang nakaaalam.”
Bahagya siyang ngumiti, pero walang kabaitan sa mukha niya.
“Mayabang ka na ngayon, Lia. Siguro dahil may nakapaligid sa iyong mga taong nagsasabing kaya ka nilang protektahan.”
Napatingin siya sa aking kapatid. “Pero hindi lahat ng tao rito ay makaliligtas kapag nagalit ang mga Montenegro.”
Isang hakbang ang ginawa ni Marco palapit sa kanya. “Banta ba iyan?”
“Paalaala lamang.”
“Doña Beatriz,” mariin kong sabi, “huwag ninyong idamay ang pamilya ko. Kung may problema kayo sa akin, sa akin ninyo sabihin.”
“Kung ganoon, mag-isip ka nang mabuti. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ang tinatanggihan mo.”
Tumalikod siya at naglakad palabas. Ngunit bago sumakay sa kotse, huminto siya at muling lumingon sa akin.
“Isa pa, Lia. Huwag mong isipin na hindi namin alam kung sino talaga ang iyong ina.”
Nanlamig ang buong katawan ko. “Ano'ng ibig ninyong sabihin?”
Bahagya siyang ngumiti. “Mas mabuting tanungin mo ang ama mo kung bakit niya itinago ang tunay na pangalan ng iyong ina.”
Pagkasabi noon, sumakay siya at umalis. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng pagawaan, hawak ang gilid ng mesa.
Alam na ba ng mga Montenegro ang tungkol kay Mama?At kung alam nila, hanggang saan ang nalalaman nila?
“May gusto kang sabihin sa akin?” Napalingon ako.
Nasa p***o si Quin, nakasandal sa dingding habang may hawak na supot ng mani. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal doon.
“Lagi ka bang sumusulpot nang walang pasabi?”
“Mas mabuti na iyon kaysa sa biglang sumulpot ang mga lalaking may baril.”
“Wala ka na bang ibang alam gawin kundi mang-asar?”
“Meron. Kumain. Pero mukhang mas interesado kang magalit.”
Napailing ako.
Lumapit siya at inilapag ang isang supot sa mesa.
“Pancit at turon. Para sa mga manggagawang hindi kumakain dahil sa kakabilang ng pera.”
‘
Napatingin ako sa kanya.
“Bakit ka nagdala ng pagkain?”
“Dahil hindi ko kayang panoorin ang isang babaeng maganda pero gutom.”
“Ang kapal ng mukha mo.”
“Salamat. Galing iyan sa karanasan.”
Natawa si Marco sa likuran namin. “Gusto mo bang magtrabaho rito, Quin? Mukhang marami kang libreng oras.”
“Depende. May libreng pagkain ba?”
“Wala.”
“Kung ganoon, pass.”
Napailing ako. Kahit papaano, nakatulong ang kakulitan niya para maibsan ang bigat ng sinabi ni Doña Beatriz.
Ngunit nang mapansin niyang hindi ako kumikibo, nagbago ang ekspresyon niya.
“May sinabi ba siya tungkol sa nanay mo?” Tumingin ako sa kanya.
“Bakit mo alam?”
“Dahil matagal nang may mga taong naghahanap sa pangalan ni Amalia Sarmiento.”
Napahawak ako sa mesa. “Kilalang-kilala ba ng mga Montenegro ang nanay ko?”
“Mas mabuting ikaw ang magtanong sa tatay mo.”
“Lahat na lang kayo, puro tanong ang sagot.”
“May mga bagay kasing hindi ko puwedeng sabihin habang may nakikinig.”
Napatingin ako sa mga mekaniko. “Wala namang nakikinig.”
Tahimik siyang tumingin sa kabilang panig ng kalye.
Sinundan ko ang tingin niya. May isang itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng tindahan.
Hindi gumagalaw ang makina, pero may dalawang lalaking nakaupo sa loob.
“Kanina pa sila riyan,” bulong ni Quin.
“Mga Montenegro?”
“Hindi ko pa matiyak.”
“Kung ganoon, bakit hindi mo sila komprontahin?”
Ngumisi siya. “Dahil hindi lahat ng problema nadadaan sa suntok, magandang binibini.”
“Akala ko ba siga ka?”
“May utak din ang mga siga. Hindi lang halata.”
Napailing ako, pero hindi ko napigilang mapangiti.
Pagkatapos ay seryoso siyang tumingin sa akin.
“Lia, huwag kang uuwi nang mag-isa. At sabihin mo sa tatay mo na huwag munang pumirma sa anumang dokumentong may kaugnayan sa mga Montenegro.”
“Bakit?”
“Dahil may ginagawa silang hakbang para mapasakamay ang mga pag-aari ng pamilya mo.”
Nanlamig ang mga daliri ko.
“Anong mga pag-aari?”
Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang helmet niya. “Mag-ingat ka. Hindi pa tapos ang laban.”
Pagsapit ng gabi, nadatnan ko si Papa sa study. Nasa harap niya ang isang lumang kahon na kahoy, bukas na ang takip. Sa loob ay may ilang litrato, lumang dokumento, at isang maliit na gintong singsing na may ukit na agila.
“Papa?” Napatingin siya sa akin. “Lia. Mabuti at dumating ka na.”
Umupo ako sa tapat niya. “May sinabi sa akin si Doña Beatriz. Alam daw nila kung sino talaga si Mama.”
Saglit na pumikit si Papa. “Matagal ko nang kinatatakutan na mangyayari ito.”
“Bakit hindi ninyo sinabi sa akin ang lahat?”
“Dahil gusto kong mabuhay ka nang malayo sa mundong pinanggalingan ng nanay mo.”
“Pero hindi na ako puwedeng manatiling walang alam. May mga taong nagmamanman sa atin. May mga Montenegro na gustong kontrolin ang buhay ko. At ngayon, ginagamit nila ang pangalan ni Mama para takutin ako.”
Kinuha ni Papa ang gintong singsing at inilagay sa palad ko.
“Lia, ang singsing na iyan ay pag-aari ng iyong ina. Simbolo iyan ng tunay niyang pamilya.”
Tiningnan ko ang ukit na agila at korona.
“Ang Sarmiento?”
Tumango siya.
“May bisita tayo bukas. Isang taong matagal nang nagtatago para protektahan ang nanay mo.”
“Sino?”
“Si Tomas Salazar.”
Nanlaki ang mga mata ko.
Ang ama ni Quin.
“Bakit siya pupunta rito?”
Hindi agad sumagot si Papa. Sa halip, inilabas niya ang isang lumang litrato mula sa kahon. Larawan iyon ng nanay ko, ni Tomas, at ng isang matandang lalaking hindi ko nakilala.
Sa likod ng litrato ay may nakasulat na pangalan. DON SEVERINO SARMIENTO.
Bago pa ako makapagtanong, may kumalabog sa gate. Tumakbo papasok ang isa sa aming tauhan.
“Sir Esteban! May iniwan pong sobre sa labas. Walang pangalan ng nagpadala.”
Kinuha ni Papa ang sobre at binuksan. Isang papel lamang ang laman nito.
Binasa niya iyon at biglang namutla.
“Ano po iyon?”
Dahan-dahan niyang iniabot sa akin.
“HUWAG NINYONG ITAGO ANG TAGAPAGMANA. ALAM NA NAMIN KUNG SAAN SIYA NAKATIRA. SA SUSUNOD, HINDI NA SULAT ANG IPADADALA NAMIN.”
Napatingin ako sa gate. Sa labas, may dalawang aninong mabilis na lumayo sa kadiliman.
At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa nakaraan, naisip kong baka hindi sapat ang kaalaman ko tungkol sa hinaharap para mailigtas ang sarili kong pamilya.
“Hindi kita papayagang pakasalan ang ibang lalaki, Lia. Lalo na kay Joaquin Salazar!”Napahinto ang kamay ko sa pagsusulat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa pintuan ng pagawaan.Si Adrian Montenegro.Maayos ang suot niyang puting polo, plantsadong pantalon, at mamahaling relo. Sa likuran niya ay nakatayo ang dalawang tauhan ng pamilya nila. Mukhang hindi siya pumunta rito para makipagkuwentuhan.Ibinaba ko ang lapis at mahinahong tumingin sa kanya. “Magandang umaga rin sa iyo. Gusto mo ba ng kape o diretso na tayo sa problema mo?”Hindi siya natuwa sa biro ko. “Lia, kailangan nating mag-usap.”“Kung tungkol iyan sa kasal, nasabi ko na ang sagot ko.”“Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?”“Binibigyan naman kita ng pagkakataon. Ilang beses mo nang ginamit. Ang problema, puro dahilan ang sinasabi mo.”Napatingin siya kay Marco, na kasalukuyang nag-aayos ng isang makina sa kabilang bahagi ng garahe. “Puwede ba tayong mag-usap nang kami lang?”“Hindi,” s
“Sabihin mo sa anak mo, Doña Beatriz, na hindi ako ipinagbibili. Kahit ilang milyon pa ang ilapag niya sa harap ko, hindi ako magpapakasal kay Adrian!”Hindi ko kailangang sumigaw para marinig ng buong bahay ang sinabi ko. Sapat nang makita ko ang pag-igting ng panga ng babaeng kaharap ko.Maagang kumalat sa San Isidro ang balitang ipinagpaliban ko ang kasal namin ni Adrian Montenegro. Sa palengke pa lamang, naririnig ko na ang mga bulungan ng mga tindera. May ilan pang kunwari ay abala sa pagtitinda pero halatang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ko.“Sayang naman. Ang swerte na sana ni Lia. Montenegro pa naman ang mapapangasawa niya.”“Baka may iba na iyang lalaki.”“Baka hindi siya pinagbigyan ng pamilya.”Noong una kong buhay, ilang taon kong inintindi ang sasabihin ng ibang tao. Pinilit kong maging mabuting nobya, mabuting asawa, at mabuting manugang. Akala ko, kapag sapat ang kabaitan ko, wala nang dahilan para maliitin nila ako.Pero ngayon, wala na akong pakialam kung an
“Hindi ako papakasal kay Adrian, Papa. Kahit magalit pa ang buong angkan ng mga Montenegro, hindi ko na ibibigay sa kanila ang buhay ko!”Iyon ang unang sinabi ko nang makauwi ako sa bahay namin kinabukasan.Tahimik na nakaupo si Papa sa hapag-kainan, hawak ang tasa ng kapeng halos hindi na umuusok. Sa tabi niya ay ang kuya kong si Marco, na halatang hindi pa nakakapaghilamos, at ang bunso naming si Luis, na abala sa paghahanap ng natirang pandesal.“Sandali,” sabi ni Luis habang may nguya. “Hindi ka ba talaga magpapakasal kay Adrian? Ibig sabihin, wala nang libre sa mamahaling restaurant?”“Luis!” saway ni Marco.“Ano? Nagtatanong lang ako. Mahal kaya ang buhay natin.”Napailing ako. Kahit sa ganitong sitwasyon, hindi mawawala ang kakulitan ng bunso naming kapatid. Pero hindi tumawa si Papa. Ibinaba niya ang tasa at seryosong tumingin sa akin.“Anak, may nangyari ba sa mansiyon ng mga Montenegro?”Umupo ako sa tapat niya. Hindi nila ako tinanggap, Papa. O mas tama sigurong sabihin na
“Bago mo ako ipakilala bilang magiging asawa mo, Adrian, may isang bagay akong gustong malaman. Alam ba ng pamilya mo na hindi ako interesado sa pagpapakasal sa isang lalaking may nakatagong baril sa bawat sulok ng bahay?”Napahinto si Adrian sa paghakbang. “Lia, hinaan mo ang boses mo.”“Bakit? Baka marinig tayo ng mga baril mo?”Napatingin siya sa akin at napabuntong-hininga. Nasa tapat pa rin kami ng malaking tarangkahan ng mansiyon ng mga Montenegro. Sa likuran niya, abala ang mga tauhan sa pagbabantay. Sa kabilang panig naman ng kalsada, nakasandal si Joaquin “Quin” Salazar sa motorsiklo niya, tila nanonood lamang ng isang palabas.Nakakainis ang lalaking iyon. Kahit hindi siya nagsasalita, para bang palagi siyang may alam na hindi ko alam.“Lia, pumasok na tayo. Naghihintay ang pamilya ko.”“Sinabi ko nang ayoko.”“Hindi mo puwedeng basta talikuran ang isang bagay na napagkasunduan na ng dalawang pamilya.”Napatawa ako nang walang saya. “Dalawang pamilya? Kung ganoon, bakit ako
“Binabati kita, Ms. Valderrama. Sa wakas, malaya ka na.”Tumingin ako sa divorce decree na hawak ng abogado ko. Pagkatapos ng labingwalong taong pagsasama, sa wakas ay wala na akong legal na ugnayan kay Adrian Montenegro.Wala nang Montenegro na maaaring magdikta kung paano ako mamumuhay. Wala nang biyenang magpaparamdam sa akin na isa akong hamak na katulong sa sarili kong tahanan. At wala nang asawang uuwi nang madaling-araw, amoy pabango ng ibang babae, pero umaasang sasalubungin ko pa rin siya nang nakangiti.“Salamat, Attorney,” mahinang sagot ko.“Sigurado kang ayaw mong humingi ng karagdagang settlement? Maraming ari-arian ang mga Montenegro.”Napangiti ako nang mapait. “Labingwalong taon kong hinabol ang pagmamahal ng asawa ko. Ayoko nang habulin ang pera niya.”Hindi ko na kailangang ipaliwanag na may sarili akong yaman. Ang apelyidong Valderrama ay hindi basta pangalan sa mga business directory. May mga negosyo ang pamilya namin, may lupa, at may mga koneksiyong hindi dapat







