로그인“Bago mo ako ipakilala bilang magiging asawa mo, Adrian, may isang bagay akong gustong malaman. Alam ba ng pamilya mo na hindi ako interesado sa pagpapakasal sa isang lalaking may nakatagong baril sa bawat sulok ng bahay?”
Napahinto si Adrian sa paghakbang. “Lia, hinaan mo ang boses mo.”
“Bakit? Baka marinig tayo ng mga baril mo?”
Napatingin siya sa akin at napabuntong-hininga. Nasa tapat pa rin kami ng malaking tarangkahan ng mansiyon ng mga Montenegro. Sa likuran niya, abala ang mga tauhan sa pagbabantay. Sa kabilang panig naman ng kalsada, nakasandal si Joaquin “Quin” Salazar sa motorsiklo niya, tila nanonood lamang ng isang palabas.
Nakakainis ang lalaking iyon. Kahit hindi siya nagsasalita, para bang palagi siyang may alam na hindi ko alam.
“Lia, pumasok na tayo. Naghihintay ang pamilya ko.”
“Sinabi ko nang ayoko.”
“Hindi mo puwedeng basta talikuran ang isang bagay na napagkasunduan na ng dalawang pamilya.”
Napatawa ako nang walang saya. “Dalawang pamilya? Kung ganoon, bakit ako ang kailangang magdesisyon kung sasama ako sa iyo? Hindi ba dapat kayo na lang ang magpakasal sa isa’t isa?”
Mula sa likuran, narinig ko ang mahinang tawa ni Quin. Napalingon si Adrian sa kanya. “May problema ka ba?”
Ngumisi si Quin. “Wala. Natutuwa lang ako sa usapan ninyo. Hindi ko alam na kailangan palang magpaalam sa pamilya bago humindi ang isang babae.”
“Wala kang karapatan sa usaping ito.”
“Sigurado ka? Mukhang mas marami pa akong alam kaysa sa iyo.”
Nagtagpo ang mga mata nila. Saglit na nagbago ang hangin sa paligid. Hindi iyon karaniwang pagtatalo ng dalawang binatang nag-aagawan sa atensiyon ng isang babae. May kung anong mas malalim sa pagitan nila—isang dating alitan na hindi ko pa nauunawaan.
“Lia,” muling tawag ni Adrian. “Kung ayaw mong mapahiya ako sa harap ng pamilya ko, sumama ka na.”
Napatingin ako sa kanya. Iyan na naman ang dating Adrian. Laging may kasamang babala ang bawat pakiusap niya.
“Hindi ako sasama dahil ayaw kong mapahiya ka,” sagot ko. “Papasok ako dahil gusto kong sabihin sa pamilya mo nang harapan na hindi ako magpapakasal sa iyo. Pagkatapos, uuwi ako.”
Nawala ang tensiyon sa mukha niya, bagaman bahagya pa rin siyang nakasimangot.
“Kung iyan ang gusto mo.”
“Maganda. At huwag mong hawakan ang kamay ko.”
Nagtaas siya ng kilay. “Hindi pa nga kita hinahawakan.”
“Preventive measure.”
Muli kong narinig ang mahinang tawa ni Quin. Hindi ko na siya nilingon. Ayokong bigyan ng kasiyahan ang lalaking iyon.
Hindi nagbago ang itsura ng mansiyon ng mga Montenegro sa aking alaala.
Malawak ang driveway, may fountain sa gitna ng hardin, at may mga mamahaling sasakyang nakahilera sa gilid. Sa bawat sulok ay may lalaking nakatayo, nakasuot ng itim na amerikana.
Ang ilan ay may earpiece, ang iba naman ay halatang may dalang baril.
Sa panlabas, isa itong tahanan ng isang napakayamang pamilya.
Pero alam ko kung ano ang nasa likod ng mga pader na iyon.
Sa dati kong buhay, ilang beses kong narinig ang mga usapan tungkol sa mga nawawalang karibal, mga negosyanteng biglang nagbago ng isip, at mga kasunduang hindi nakasulat sa anumang kontrata. Noon, pinili kong huwag magtanong. Akala ko, mas mabuting wala akong alam.
Ngayon, alam kong ang pananahimik ang isa sa mga dahilan kung bakit ako naging bilanggo nila. Pagpasok namin sa sala, agad kong nakita ang babaeng nakaupo sa malaking sofa.
Si Doña Beatriz Montenegro.
Maayos ang pagkakasuot ng mamahaling damit niya. Nakasabit sa leeg ang isang kuwintas na may batong tila mas mahal pa sa bahay ng karaniwang pamilya. Ang buhok niya ay maingat na inayos, at ang mukha ay walang bakas ng pagtanda sa kabila ng edad.
Sa unang tingin, mukha siyang isang kagalang-galang na matriarka. Pero alam ko kung gaano katalim ang dila ng babaeng ito.
“Adrian,” malamig niyang bati. “Bakit ngayon ka lang?”
“Ma, may kaunting abala lang sa daan.”
Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Ikaw pala si Lia Valderrama.”
“Magandang hapon po, Doña Beatriz.”
Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi niya itinago ang pagkadismaya nang mapansin ang simple kong damit.
“Ito lang ang suot mo?”
Napatingin ako sa sarili kong blusa at palda. “Opo. Hindi ko po alam na may dress code pala para bumisita.”
Natahimik si Adrian. Bahagyang nagtaas ng kilay ang matanda. “Mukhang may pagka-pilya ka.”
“Mas mabuti na pong may kaunting humor kaysa laging galit.”
“Lia,” saway ni Adrian.
Ngumiti ako sa kanya. “Ano? Hindi ba puwedeng mag-usap ang mga babae?”
Umayos ng upo si Doña Beatriz. “Umupo ka. May ilang bagay tayong dapat pag-usapan.”
Umupo ako sa kabilang sofa, malayo nang kaunti kay Adrian. Hindi ako pumayag na umupo siya sa tabi ko. Kung may isang bagay akong natutunan sa dati kong buhay, iyon ay ang paglalagay ng tamang distansiya sa mga taong mahilig lumabag sa hangganan mo.
“Sinabi ni Adrian na seryoso ang relasyon ninyo,” panimula niya. “Matagal na rin niyang nababanggit ang pangalan mo. Nalaman kong nagtatrabaho ang iyong ama bilang karpintero at tagapag-ayos ng mga lumang kasangkapan.”
“Opo. May maliit siyang pagawaan.”
“At ang inyong pamilya ay hindi naman kabilang sa mga kilalang angkan sa Maynila.”
“Hindi po. Pero maayos naman kaming namumuhay.”
“Hindi kita tinatanong kung maayos kayong namumuhay.” Ngumiti siya nang manipis.
“Ang ibig kong sabihin, alam mo ba kung anong klaseng pamilya ang papasukin mo kapag nagpakasal ka sa anak ko?”
Tumingin ako sa kanya. “Opo. Alam kong may malaking negosyo ang mga Montenegro.”
“Hindi lamang negosyo ang hawak namin, hija.”
May bahagyang pagbabago sa tono niya. Naramdaman kong may babala sa likod ng mga salitang iyon. “May mga taong umaasa sa amin. May mga kasunduang kailangang tuparin. May mga kaaway na kailangang bantayan. Hindi ito ordinaryong pamilya kung saan puwede kang magtampo at umuwi sa magulang mo kapag hindi mo nagustuhan ang ginagawa ng asawa mo.”
Napangiti ako. “Kung ganoon po, mabuti na lang at hindi ako nagpaplanong maging asawa ng anak ninyo.”
“Lia!” mariing saway ni Adrian.
Hindi ko siya pinansin.
Nagbago ang mukha ni Doña Beatriz. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Gusto ko lamang pong malinaw ang lahat. Hindi ko gustong pumasok sa isang pamilya kung saan kailangan kong isuko ang sariling pagkatao para lamang tanggapin ako.”
“Marami kang hinihingi para sa isang babaeng wala pang nararating.”
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. “Hindi ko naman po hinihinging bigyan ninyo ako ng kahit ano. Ang hinihingi ko lang ay respeto.”
“Respeto?” Tumawa siya nang mapanlait. “Kailangan munang patunayan ng isang tao na karapat-dapat siyang respetuhin.”
“Kung ganoon po, nagsisimula tayo sa maling paa. Dahil kahit hindi pa ninyo ako kilala, hinusgahan na ninyo ang pamilya ko.”
Tumayo si Adrian at lumapit sa amin. “Ma, tama na. Hindi pa siya sanay sa mga ganitong usapan.”
Napatingin ako sa kanya. “Adrian, huwag mo akong gawing batang hindi marunong umunawa. Naiintindihan ko ang lahat ng sinasabi niya.”
“Lia, hindi mo kailangang sagutin ang bawat sinasabi ni Mama.”
“Bakit? Dahil siya ang nanay mo?”
“Dahil gusto kong maging maayos ang araw na ito!”
“Kung ganoon, dapat hindi mo ako dinala rito.”
Nathimik siya.
Tumayo si Doña Beatriz at inayos ang kuwintas sa leeg niya. “Makinig ka, hija. Hindi basta-basta nag-aanyaya ang pamilyang Montenegro sa isang tao. Kapag pinili namin ang isang tao, may dahilan kami. Hindi namin kailangang ipaliwanag ang bawat desisyon sa kanya.”
“Pero kailangan po bang tanggapin ko ang lahat nang hindi nagtatanong?”
“Kapag naging asawa ka ni Adrian, tungkulin mong suportahan siya. Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng ginagawa niya.”
Napatawa ako nang mahina. Sa dati kong buhay, iyan ang paulit-ulit nilang sinasabi sa akin. Huwag magtanong. Huwag makialam. Huwag sumagot. Maging mabuting asawa at manahimik.
At dahil sumunod ako, naging kasangkapan nila ako.
“Doña Beatriz,” sabi ko, “kung ang pagiging asawa ng anak ninyo ay nangangahulugang kailangan kong isara ang mga mata ko sa mga bagay na mali, hindi ko po matatanggap ang alok ninyo.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Wala po. Hindi lang ako mahilig sa mga kasunduang may nakatagong kondisyon.”
Biglang tumayo si Adrian. “Lia, tama na!”
Napatingin ako sa kanya. “Bakit? Natatakot ka bang may masabi akong hindi dapat marinig ng Mama mo?”
Namutla siya. Hindi ko inaasahang ganoon kalakas ang magiging reaksiyon niya sa simpleng tanong ko. May kung ano siyang itinatago. At tila hindi lamang iyon tungkol sa kanilang negosyo.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo,” mahinang sabi niya.
“Kung ganoon, ipaliwanag mo.”
Hindi siya sumagot.
Napailing si Doña Beatriz. “Adrian, dalhin mo siya sa guest room. Pag-usapan ninyo ito kapag kumalma na siya.”
“Hindi na po kailangan,” sagot ko.
Kinuha ko ang bag ko at tumayo. “Sa tingin ko, malinaw na ang lahat. Hindi ako magpapakasal kay Adrian.”
“Hindi mo puwedeng basta kanselahin ang kasunduang ito!” mariing sabi ni Doña Beatriz.
“Anong kasunduan?”
Tumingin ako sa kanya. “Akala ko po, kasal ang pinag-uusapan natin, hindi bentahan ng lupa.”
Walang sumagot. At sa katahimikang iyon, may isang bagay akong naunawaan.
Hindi lamang pala nila gustong mapangasawa ako ni Adrian. May iba silang dahilan kung bakit kailangang mangyari ang kasal na ito.
“Uuwi na ako,” sabi ko.
Hinabol ako ni Adrian hanggang sa may hagdan. “Lia, sandali!”
Lumingon ako.
“Anong problema mo? Kanina ka pa kakaiba. Hindi ka naman ganito dati.”
“Baka ngayon mo lang ako nakilala.”
“Hindi ba mahal mo ako?”
Napatingin ako sa kanya. Iyon ang tanong na minsan kong hinintay marinig sa tamang paraan. Ngunit ngayon, parang isa na lamang itong patibong.
“Adrian, hindi sapat ang pagmamahal para maging maayos ang isang pagsasama.”
“Paano mo nasasabi iyan? Hindi pa nga tayo kasal.”
Kung alam mo lang.
“Pag-isipan mo muna,” dagdag niya. “Kung ano man ang problema, maaayos natin.”
“Hindi lahat ng bagay naaayos sa pangako.”
“Lia, huwag kang gumawa ng desisyong pagsisisihan mo.”
Ngumiti ako. “Mas marami na akong pinagsisisihang desisyon kaysa sa inaakala mo.”
At tuluyan akong lumabas.
Nang makalabas ako sa tarangkahan, agad kong nakita ang isang motorsiklong nakaparada sa kabilang gilid ng kalsada.
Nandoon pa rin si Quin. Nakaupo siya sa motorsiklo at kumakain ng mani mula sa isang maliit na supot. Nang makita niya ako, tinaas niya ang isang kilay.
“Hindi ka ba pinakain sa loob?”
Napatingin ako sa kanya. “Iyan ba ang una mong itatanong?”
“Hindi. Ang una ko sanang itatanong ay kung buhay ka pa. Pero mukhang nakalabas ka naman nang buo.”
“Salamat sa malasakit.” “Walang anuman. May bayad ang serbisyo ko.”
Napailing ako. “Hindi ko kailangan ng tulong mo.”
“Hindi ko naman sinabing kailangan mo. Nag-aalok lang ako.”
“Lagi ka bang ganito?”
“Gwapo?”
“Makapal ang mukha.”
Tumawa siya at iniabot sa akin ang isang maliit na supot ng mani. “Pangtanggal-stress.”
“Mas kailangan mo yata iyan kaysa sa akin.”
“Posible. Mahirap talagang makitungo sa mga taong mayaman pero walang asal.”
Hindi ko napigilang matawa. “Hindi mo ba alam na kausap mo ang isang Montenegro kanina?”
“Alam ko. Kaya nga hindi ako pumasok.”
“Bakit?”
“Dahil ayokong masira ang araw ko.”
Tinitigan ko siya. May kung anong nakatago sa mga mata niya. Hindi siya mukhang natatakot sa mga Montenegro. Sa katunayan, tila kabisado niya ang bawat galaw ng mga tauhan nila.
“Paano mo sila kilala?” tanong ko.
“Sa lugar na ito, mahirap hindi makilala ang mga taong may baril.”
“May galit ka ba sa kanila?”
“May mga tanong na hindi dapat basta sinasagot, Lia.”
Napatigil ako. “Hindi kita tinawag sa pangalan ko.”
“Hindi mo na kailangang sabihin.”
Naramdaman kong nanlamig ang mga palad ko. Mula sa loob ng compound, may isang lalaking nakasuot ng itim na lumapit sa gate. May kinausap siya sa radyo habang paminsan-minsang tumitingin sa amin.
Napansin iyon ni Quin. Biglang nawala ang kanyang ngiti.
“Sumakay ka.”
“Bakit?”
“Dahil ayokong manatili ka rito.”
“Hindi mo ako puwedeng utusan.”
“Hindi kita inuutusan. Binibigyan kita ng pagkakataong makauwi nang hindi sinusundan.”
Napalingon ako sa gate. Dalawa pang lalaki ang lumabas at may ibinulong sa unang guwardiya.
“Sinusundan nila ako?”
“Hindi pa sigurado. Pero mas mabuting huwag nating hintaying malaman.”
Nag-alinlangan ako. “Bakit mo ako tinutulungan?”
Tumingin siya sa akin. Sa unang pagkakataon, wala ang pang-aasar sa kanyang mukha.
“Dahil may pangako ako sa nanay mo.”
Nanikip ang dibdib ko. “Ano'ng alam mo tungkol sa nanay ko?”
Hindi siya agad sumagot. Sa halip, inilagay niya ang supot ng mani sa bulsa ng kanyang jacket at isinuot ang helmet.
“Marami. Pero hindi lahat ng sikreto ay ligtas sabihin sa gitna ng kalsada.”
“Quin—”
“Isa pa, Lia.”
Tumingin siya sa akin. “Hindi ka pinili ni Adrian dahil lang gusto ka niya.”
Napatigil ako. “Kung gayon, bakit?”
Saglit niyang tiningnan ang mansiyon sa likod namin bago muling ibinalik ang tingin sa akin.
“Dahil may hinahanap ang pamilya niya. At sa tingin ko, ikaw ang susi para makuha nila iyon.”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bago pa ako makapagtanong, pinaandar niya ang motorsiklo at iniabot ang ekstrang helmet.
“At kung tama ang hinala ko, Lia, hindi lang ang kasal mo ang pinag-uusapan ng mga Montenegro. Buhay ng buong pamilya mo ang nakataya.”
“Hindi kita papayagang pakasalan ang ibang lalaki, Lia. Lalo na kay Joaquin Salazar!”Napahinto ang kamay ko sa pagsusulat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa pintuan ng pagawaan.Si Adrian Montenegro.Maayos ang suot niyang puting polo, plantsadong pantalon, at mamahaling relo. Sa likuran niya ay nakatayo ang dalawang tauhan ng pamilya nila. Mukhang hindi siya pumunta rito para makipagkuwentuhan.Ibinaba ko ang lapis at mahinahong tumingin sa kanya. “Magandang umaga rin sa iyo. Gusto mo ba ng kape o diretso na tayo sa problema mo?”Hindi siya natuwa sa biro ko. “Lia, kailangan nating mag-usap.”“Kung tungkol iyan sa kasal, nasabi ko na ang sagot ko.”“Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?”“Binibigyan naman kita ng pagkakataon. Ilang beses mo nang ginamit. Ang problema, puro dahilan ang sinasabi mo.”Napatingin siya kay Marco, na kasalukuyang nag-aayos ng isang makina sa kabilang bahagi ng garahe. “Puwede ba tayong mag-usap nang kami lang?”“Hindi,” s
“Sabihin mo sa anak mo, Doña Beatriz, na hindi ako ipinagbibili. Kahit ilang milyon pa ang ilapag niya sa harap ko, hindi ako magpapakasal kay Adrian!”Hindi ko kailangang sumigaw para marinig ng buong bahay ang sinabi ko. Sapat nang makita ko ang pag-igting ng panga ng babaeng kaharap ko.Maagang kumalat sa San Isidro ang balitang ipinagpaliban ko ang kasal namin ni Adrian Montenegro. Sa palengke pa lamang, naririnig ko na ang mga bulungan ng mga tindera. May ilan pang kunwari ay abala sa pagtitinda pero halatang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ko.“Sayang naman. Ang swerte na sana ni Lia. Montenegro pa naman ang mapapangasawa niya.”“Baka may iba na iyang lalaki.”“Baka hindi siya pinagbigyan ng pamilya.”Noong una kong buhay, ilang taon kong inintindi ang sasabihin ng ibang tao. Pinilit kong maging mabuting nobya, mabuting asawa, at mabuting manugang. Akala ko, kapag sapat ang kabaitan ko, wala nang dahilan para maliitin nila ako.Pero ngayon, wala na akong pakialam kung an
“Hindi ako papakasal kay Adrian, Papa. Kahit magalit pa ang buong angkan ng mga Montenegro, hindi ko na ibibigay sa kanila ang buhay ko!”Iyon ang unang sinabi ko nang makauwi ako sa bahay namin kinabukasan.Tahimik na nakaupo si Papa sa hapag-kainan, hawak ang tasa ng kapeng halos hindi na umuusok. Sa tabi niya ay ang kuya kong si Marco, na halatang hindi pa nakakapaghilamos, at ang bunso naming si Luis, na abala sa paghahanap ng natirang pandesal.“Sandali,” sabi ni Luis habang may nguya. “Hindi ka ba talaga magpapakasal kay Adrian? Ibig sabihin, wala nang libre sa mamahaling restaurant?”“Luis!” saway ni Marco.“Ano? Nagtatanong lang ako. Mahal kaya ang buhay natin.”Napailing ako. Kahit sa ganitong sitwasyon, hindi mawawala ang kakulitan ng bunso naming kapatid. Pero hindi tumawa si Papa. Ibinaba niya ang tasa at seryosong tumingin sa akin.“Anak, may nangyari ba sa mansiyon ng mga Montenegro?”Umupo ako sa tapat niya. Hindi nila ako tinanggap, Papa. O mas tama sigurong sabihin na
“Bago mo ako ipakilala bilang magiging asawa mo, Adrian, may isang bagay akong gustong malaman. Alam ba ng pamilya mo na hindi ako interesado sa pagpapakasal sa isang lalaking may nakatagong baril sa bawat sulok ng bahay?”Napahinto si Adrian sa paghakbang. “Lia, hinaan mo ang boses mo.”“Bakit? Baka marinig tayo ng mga baril mo?”Napatingin siya sa akin at napabuntong-hininga. Nasa tapat pa rin kami ng malaking tarangkahan ng mansiyon ng mga Montenegro. Sa likuran niya, abala ang mga tauhan sa pagbabantay. Sa kabilang panig naman ng kalsada, nakasandal si Joaquin “Quin” Salazar sa motorsiklo niya, tila nanonood lamang ng isang palabas.Nakakainis ang lalaking iyon. Kahit hindi siya nagsasalita, para bang palagi siyang may alam na hindi ko alam.“Lia, pumasok na tayo. Naghihintay ang pamilya ko.”“Sinabi ko nang ayoko.”“Hindi mo puwedeng basta talikuran ang isang bagay na napagkasunduan na ng dalawang pamilya.”Napatawa ako nang walang saya. “Dalawang pamilya? Kung ganoon, bakit ako
“Binabati kita, Ms. Valderrama. Sa wakas, malaya ka na.”Tumingin ako sa divorce decree na hawak ng abogado ko. Pagkatapos ng labingwalong taong pagsasama, sa wakas ay wala na akong legal na ugnayan kay Adrian Montenegro.Wala nang Montenegro na maaaring magdikta kung paano ako mamumuhay. Wala nang biyenang magpaparamdam sa akin na isa akong hamak na katulong sa sarili kong tahanan. At wala nang asawang uuwi nang madaling-araw, amoy pabango ng ibang babae, pero umaasang sasalubungin ko pa rin siya nang nakangiti.“Salamat, Attorney,” mahinang sagot ko.“Sigurado kang ayaw mong humingi ng karagdagang settlement? Maraming ari-arian ang mga Montenegro.”Napangiti ako nang mapait. “Labingwalong taon kong hinabol ang pagmamahal ng asawa ko. Ayoko nang habulin ang pera niya.”Hindi ko na kailangang ipaliwanag na may sarili akong yaman. Ang apelyidong Valderrama ay hindi basta pangalan sa mga business directory. May mga negosyo ang pamilya namin, may lupa, at may mga koneksiyong hindi dapat







