Share

Chapter 76

Sa hospital. . .

“Ano ang nararamdaman mo, hija?” tanong ni Anatalia sa anak.

Walang imik si Trixxie bagaman patuloy pa rin ang pagbalong ng luha nito. Tahimik itong tumatangis sa pagkawala ng pinagbubuntis.

Lumapit si Anatalia sa anak at ginagap ang kamay nito. Pinisil niya iyon ng buong higpit. “Kung handa ka ng pag-usapan ang nangyari ay narito lang ako para makinig, anak.”

Doon na tuluyang napa hagulgol si Trixxie sa sinabi ng ina. Para siyang bata na inagawan ng laruan at nagpapakampi. Hinayaan lamang ito ng ina na ibuhos ang nararamdaman sa kanyang balikat. Nang kumalma na si Trixxie ay tsaka niya hinaplos ang pisngi nito.

“Ayokong pangunahan ka anak. Huwag mo sanang masamain ang magiging payo ko. Please, ayusin ninyong mag-asawa ang anumang problema ninyo. Hindi na ba kayo naaawa sa panganay ninyo na halos siya na nagiging magulang sa mga kapatid niya?” anito.

Gusto man magtampo ni Trixxie sa ina ay napagtanto niyang tama ang kanyang ina.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Mrsdane06
Updated na po. Salamat po at walang sawa ninyong binabasa ang aking mag akda.
goodnovel comment avatar
Mrsdane06
May update na po. Medyo busy lang po sa trabaho lalo at isa po akong ofw dito sa Hongkong. Mga 7 chapters na lang po at matatapos na ang kwentong ito. Maraming salamat sa walang sawang suporta sa aking mga akda.
goodnovel comment avatar
Marissa Reloza Primero
bkit wala update busy po b?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status