FAZER LOGINAng bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking papalapit sa mesa.
Kada hakbang niya, sumisikip ang dibdib ko. Parang may tali ang leeg ko. Hindi ako makahinga. “Jyrone,” sabi ni Ferly. Tumayo ako kahit ang bigat ng katawan ko sa puntong nangangatog ang mga tuhod ko. Agad kumapit si Ferly sa braso ko. Hinaplos ng marahan habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ramdam niya ang paninigas ko, kung napansin niyang nawala na ang angas kong harapin ang buo niyang pamilya. “This is my stepdad. Papa Daniel,” pagpapakilala niyang parang ikinabingi ko. “Stepdad?” ulit ko sa sinabi niya. Mahina, habang nakatitig kay Daniel na naglahad ng kamay, pero hindi ko magawang tanggapin. Ilang segundo akong natigilan bago ako nakakuha ng lakas ng loob na tanggapin ang kamay niya. “Good morning, po,” sabi ko. Mabagal pero madiin. Ngumiti siya, sandali lang, at pumunta na sa upuan niya. “Sit down,” sabi niya nang nakaupo na siya. Nakakailang na ang katahimikan kanina, ngayon mas lumala pa. Mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Pansin ko ang panay sulyap ni Ferly sa mama at lola niya na para bang anumang galaw ang gagawin niya, kailangan muna ang pahintulot nila. Tumikhim si Daniel na bumasag ng katahimikan. Napatingin ako sa kanya. Saktong tumunog rin ang phone ni Ferly. “Excuse me po… sagutin ko lang ‘to.” Hinaplos ni Ferly ang hita ko bago siya tumayo. “What’s your name again?” tanong ni Daniel . Diretso, madiin, parang pulis na ini-interrogate ako. “Jyrone Winston Carte Policarpio,” sagot ko. Hindi ako kumurap habang mabagal na binibigkas ang buong pangalan ko. Gusto kong makita kung may mababago sa mukha niya, kahit anong senyales ng pagkakakilala. Pero wala. Parang pangalan lang ng estranghero ang binanggit ko. Bakit ba ako nag-expect na makilala niya? It’s been nineteen years… Nakuyom ko na lang ang kamao ko. ‘Yong dismaya ko, parang sumingaw sa tuktok ng ulo ko. “Carte?” sabi ng tito ni Ferly. Nakatingin siya sa akin. “Do you know someone named Jena Carte?” Napatitig ako sa kanya, pero mabilis kong ibinalik ang tingin kay Daniel nang malaglag ang kutsara niya. Kumalansing iyon nang malakas. “Daniel, what happened?” tanong ng mama ni Ferly, halatang nag-aalala. “Are you okay?” Napatingin sa kanya ang lahat. At muntik ko nang hindi mapigil ang ngiti ko. Ang reaksyon na gusto kong makita kanina, ngayon ko nakikita. Parang nagmistulang tunog ng kampana para sa kanya ang pangalang binanggit ni Arlan. Umiling si Daniel. “Nothing. I’m alright.” Pero nakatutok na sa akin ang mata niya. Nang sinalubong ko ang tingin niya, agad siyang umiwas. “Yes po,” sagot ko sa tito ni Ferly, “Jena Carte is my mother—” Napaubo nang malakas si Daniel. Parang nabilaukan talaga. Tumayo ang mama ni Ferly para haplusin ang likod niya. “Daniel… are you sure na okay ka lang? Baka tumaas na naman ang presyon mo…” “Ma, what happened?” saktong bumalik si Ferly, bakas din ang pag-aalala sa mukha. Hinaplos din niya ang likod ni Daniel. “I’m fine,” sagot nito, pilit na ngumiti. “Just choked a little.” Tinapik niya ang kamay ni Ferly. “Sige na, Anak… sit down.” “Anak…” tahimik kong inulit ang salitang ’yon. Ang pait ng lasa. Halos napangiwi ako. Hinaplos niya rin ang kamay ng asawa niya, at ngumiti ito. Hindi siya nagsalita, pero parang naintindihan agad ng mama ni Ferly ang ibig sabihin ng ngiti ni Daniel. Umupo na rin si Ferly sa tabi ko. “Kain na…” sabi niya at nilagyan ng kanin ang plato ko habang nakangiti. Tumikhim ang lola ni Ferly. Napaupo nang maayos si Ferly at napatingin sa lola niyang walang ka-ngiti-ngiti, para bang may malaking kasalanan siyang nagawa. “Ilang buwan ka pa lang sa Manila, pero nawala na ang manners mo. Nakalimutan mo na ang mga nakagawian mo,” sabi ng lola niya, mahigpit ang tono. Umangat-angat ang mga kilay. Napayuko si Ferly. “Sorry po, Lola Paz.” Matalim at seryosong tingin ang sagot nito sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, pero namumula ang mga mata na parang maiiyak. Bakas din sa mukha niya ang hiya. Ngumiti rin ako. Hinaplos ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Pinisil ko nang marahan para pawiin ang hiya at lungkot niya. “Felicia…” Nakatingin ang matanda sa mama ni Ferly at ikinumpas ang kamay. Napatingin silang lahat sa akin. Kabado akong napatingin sa kanila, parang kinakapos ng hininga. Bakit ba nila ako tinitingnan? Magtatanong na sana ako, pero sabay-sabay silang yumuko. Nag-sign of the cross at nagsimulang manalangin. Dahan-dahan kong pinakawalan ang naipong hangin sa dibdib ko. Akala ko gigisahin na nila ako sa tanong. Nakayuko pa rin sila, nakapikit ang mga mata, pero hindi ako yumuko. Tiningnan ko lang sila, lalo na si Daniel na parang kung sinong maka-Diyos. Wala palang puso. “Amen…” sabay-sabay nilang sabi matapos ang ilang minuto. “Kain na…” sabi ni Felicia. Inilahad ang kamay sa mesa at sumulyap sa amin ni Ferly na may magaan na tingin. Pinisil ko muna ang kamay ni Ferly bago ko siya binitiwan, at sabay na kaming kumain. Kaya lang, halos wala akong nalasahan. Tahimik ang lahat habang kumakain; ang mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Napasulyap uli ako kay Ferly, na halatang napipilitan lang ding kumain. Sa nakikita ko ngayon, mas determinado akong ilayo si Ferly sa nakasasakal na pamilyang ’to. Naiintindihan ko naman ang mga tradition, mga nakasanayan, pamahiin, o whatever… kaya lang, sobra na. Sa nakikita ko, parang bawal sumaya rito. Bawal maging taong malayang ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman mo. Ang mas nakakagalit… may isa ritong banal sa harap nila, pero demonyo pala. Napakurap ako nang mapansing nakatingin sa akin ang tito ni Ferly. Hindi ko alam kung pansin niya bang mainit ang dugo ko sa bayaw niya, o may itatanong lang pero hindi alam kung paano simulan. Nilapag ko ang kubyertos. Tumingin ako nang diretso sa kanya. “May gusto po ba kayong itanong?” Bahagya akong ngumiti. “Wala naman… I’m just happy for my niece. She’s lucky to be marrying a Policarpio.” Ngumiti rin siya, pinunasan ang labi. “’Yong alam naming sa mabuting tao makakasal ang Ferly namin, nakakapanatag ng loob.” “Opo,” sagot ko. “Totoong maswerte po siya. Hindi dahil Policarpio ako o mabuting tao kami. Maswerte siya dahil mahal ko siya. Kahit kailan, kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan.” Hinawakan ko ang kamay ni Ferly. Ngumiti ako ng matamis. “Sila ng magiging mga anak namin…” “Daniel…” bulalas ni Felicia habang mabilis na pinupunasan ang natapon na tubig sa mesa. Hindi sumagot si Daniel. Nagpunas siya ng bibig. Pinipilit maging natural ang galaw, pero hindi nakatakas sa mata ko ang mga kamay niyang nanginginig. Tumayo siya. Diretsong tumitig sa akin, wala ni katiting na ngiti. “I need to speak with you,” sabi niyang hindi ako nilubayan ng tingin. Humigpit ang kapit ni Ferly sa kamay ko. Ramdam ko ang kaba niya. “I’ll be fine,” bulong ko. Tumango siya, kahit halatang ayaw niya akong bitiwan. Sumunod ako kay Daniel palabas ng dining area. Gaya kanina, tahimik pa rin ang hallway, tanging yabag lang namin ang maririnig. Huminto siya sa harap ng isang pinto at binuksan iyon. Pagpasok ko, marahan niyang sinara at humarap sa akin. Hindi man lang nag-alok ng upuan. Hindi ko rin nagawang igala ang paningin ko sa silid dahil sa titig niya na kung kanina ay malamig lang, ngayon may kasamang talim. “Leave Ferly,” sabi niya. Walang preno, walang babala. Umigting ang panga ko, napangiti ng mapait habang kuyom ang kamao ko. “Leave her?” Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. Tinapatan ang talim ng titig niya. “Gusto mong iwan ko siya…” Sinadya ko ang katahimikan. “…gaya ng ginawa mo noon?”JyroneParang tumigil ang mundo ko. Ni hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig kay Ferly.Hanggang sa lumakas ang hikbi niya.Saka lang ako parang nahimasmasan.Hinawakan ko ang kamay niya. Nilapat sa labi ko."Pumayag ka ba?"Mabilis siyang umiling, kasabay ang hagulgol niya."Hindi... Hindi ko kayang mawala ka, Jyrone."Agad ko siyang hinapit at niyakap nang mahigpit."Hindi ko kayang mawalan ng tatay ang anak ko."Hindi man ako nagsasalita, pero napapangiti naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik.Ako ang pinili niya... kami ni Baby."Tahan na..." maya maya ay nasabi ko."Galit lang sila—"Umiling siya."Hindi lang sila galit... Tinakwil na nila ako."Mas lalo pang lumakas ang iyak niya."Dahil ikaw ang pinili ko… dahil sinuway ko sila."Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Hindi ko alam kung paano aalisin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.Dahan-dahan ko na lang hinaplos ang buhok niya."Darling..."Sinadya kong lambi
JyronePagpasok namin sa silid, agad na napunta ang tingin ko kina Tita Felicia, Lola Paz, at Ferly.Lahat sila ay nasa paligid ng kama ni Daniel.Halatang nag-aalala. Kita iyon sa mga mukha nila.Sa paraan ng pagtitig nila sa walang malay na si Daniel.Tahimik lang sila no'ng pumasok ako. Mas tumahimik pa nang makita nilang kasama ko sina Mama at Papa Leon.'Yong tensyon, lalong lumala.Parang humigpit ang sikmura ko.Hindi ko alam kung tama bang dinala ko sila rito. Sana hindi na lang ako pumayag...Mainit na nga kasi ang naging sagutan nina Mama at Tita kanina.Paano kung mas magkainitan pa sila?Nagkatitigan kami ni Ferly. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Alam niyang may mali, kasi huling kita naming lahat, wala namang tensyon na ganito.Mula nang pumasok kami, wala ring sinasabi si Mama. Nakatitig kay Daniel.Parang may kung anong emosyon na pilit niyang nilulon.Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak ni Papa Leon sa balikat ni Mama.Parang pinapakalma niya."Anong ginagawa n
JyroneNatigilan sina Tita Felicia at Lola Paz.Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila.Parang may gustong itanong.May gustong kumpirmahin.Pero bago pa man may magsalita sa kanila, mabilis kong hinila si Mama palayo."Mama, halika po..."Nagulat siya sa paghila ko.Pero hindi siya tumutol.Mabilis kaming lumayo sa harap nila habang nakasunod si Papa Leon.Hindi ko gusto ang paratang nila, pero ayoko ring magkaroon ng panibagong gulo.Sa paraan ng pagtitig nila sa isa't isa, pakiramdam ko, anumang oras ay sasabog ang lahat.At kapag nangyari iyon...Kami ni Ferly na naman ang unang masasaktan.Baka imbes na pinag-uusapan na ang kasal namin sa simbahan...Paghihiwalayin na naman kami.Iyon ang ayaw kong mangyari.Hinablot ni Mama ang kamay niya nang makalayo kami."Mama, please... kumalma ka po."Hindi siya sumagot.Pero halata ang inis sa mukha niya.Humalukipkip siya at umiwas ng tingin.Agad naman siyang nilapitan ni Papa Leon.Hinaplos nito ang likod niya.Ako rin, lumapit
Jyrone"Wag kang lalabas!"Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Ferly habang patuloy ang putukan sa labas.Nanginginig ang buong katawan ni Ferly sa mga bisig ko."Si Papa…" paulit-ulit niyang bulong. Napapikit ako nang mariin.Gusto kong sumilip at alamin kung ano ang nangyayari sa labas.Pero hindi ko magawa.Hindi ko siya maiwan, si Ferly.Paano kung may makapasok?Paano kung may bala na tumama rito?Napamura ako nang mahina saka mabilis na inilabas ang cellphone ko.Tumawag ako sa emergency hotline. Dalawang ring lang ay sumagot agad.At ang sabi, may nakapag-report na raw.May paparating nang mga pulis."Thank you," sabi ko bago ko pinatay ang tawag.Hinawakan ko ang pisngi ni Ferly.Nang medyo humupa ang putukan, pagapang kaming pumasok sa bahay.Saktong makapasok kami at makakubli sa sulok, umalingawngaw na naman ang putukan.May mga sigaw na halos hindi ko maintindihan.Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko sa bawat segundo.Sa bawat igtad at hikbi ni Ferly.Hanggang sa maya-m
JyroneTatlong araw matapos ma-discharge si Ferly sa hospital, dito na kami umuwi sa bahay namin.Wala na ring nagawa sina Tita Felicia at Daniel. Kasal na nga kami. At ngayong may baby na, alam nilang hindi ako papayag na paghiwalayin pa kami.Pero kahit gano’n, hindi naging madali ang lahat.Ayaw nilang akong makasama sa isang bahay. ‘Yong galit nila, hindi pa rin humuhupa.Bumalik sila sa dati nilang bahay kahit tutol kami. Ayaw sana naming pumayag dahil hindi pa nga tapos ang gulo. Hindi pa nahuhuli ang lider ng sindikato pati ang mga anak niya.Pero matitigas ang ulo nila. Kasi wala naman silang alam sa gulo na ‘yon.Sina Bart at Anessa, bumalik muna sa Manila. Hindi rin naman puwedeng iwan ni Bart ang kumpanya niya nang matagal, at saka kailangan din nila ang mga anak nila.Gano’n din sina Papa Leon at Mama.Hindi puwedeng huminto ang mundo nila dahil lang sa gulo ni Daniel.At saka, putol na ang mga galamay ng sindikato. Halos lahat ng negosyo at ari-arian nila ay napasara na.
Jyrone“Jyrone, magpahinga ka muna…” sabi ni Tita Felicia. Matigas pa rin ang boses niya. Halatang galit pa rin.Pero heto siya, sumama pa rin sa akin sa hospital. Maging siya ay hindi rin man lang umidlip. Tahimik lang siya kanina pa, pero ang mga mata, hindi. Nakatutok naman kay Ferly.Kanina, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang mawalan ng malay si Ferly.Si Tita Felicia ang tumawag ng ambulansiya habang ako, walang tigil sa pagtawag sa pangalan ni Ferly. Pilit ko siyang ginigising. Paulit-ulit kong sinasabing huwag niya akong takutin.Ang una kong naisip, baka nagkukunwari lang siya para maiwasang magkaharap-harap kaming lahat. Mapigilan ang konprontasyon. Pero hindi. Kahit anong yugyog ko sa kanya, kahit anong sigaw ko, hindi siya gumagalaw. Ayaw niyang magising.Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko. Utak ko, gulong-gulo. Naiisip ko rin, ito ba ang karma namin?Habang sakay kami ng ambulansiya. Panay ang tanong ko sa medical team.What’s wrong with her?Hindi ni
Namamawis ang noo ko habang nakatingin sa pinto. At imbes na uupo kami, hindi na natuloy. Literal na pako kami sa kinatatayuan habang si Daniel, parang nanghihina at napapahiga na lang. Todo alalay naman sa kanya ang papapel na si Calvin.“Relax. Papa is still on the phone,” sabi ni Leandro na ngit
Hindi siya gumagalaw. Nakatingin lang, parang natutuwa sa gulong kinasangkutan ko.“Bro…”Agad akong napalingon sa kapatid ko.Ang lungkot ng boses niya, bagsak ang balikat, halatang nanghihina, parang sisiw na basa.Pinisil ko ang balikat niya at nginitian siya ng tipid. Gumanti siya ng ngiti. “S
Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Ferly.Masakit pa rin, ang sikip ng dibdib ko dahil sa titig niya kay Calvin. Tapos bigla siyang kumilos. Lumapit siya sa akin. Ngayon, ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Ang lamig ng mga kamay niyang kumapit sa braso ko, pero wala pa rin sa akin ang
Ang dapat isang linggong pananatili namin sa Tagaytay ay naging dalawang araw lang. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko na magawang sumaya.Ginagawa ni Jyrone ang lahat mapasaya lang ako. Mula sa pagkain hanggang sa kung ano ang puwede naming gawin habang nasa resort, pero wala, hindi pa rin







