เข้าสู่ระบบHindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinilip ang mga kahon ng regalo bago ko inutusan ang mga kasambahay na dalhin ang mga iyon sa kotse.
Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan.
Sa wakas makikilala ko na ang pamilya ni Ferly.
Pero ayon sa kanya… sobrang strikto raw ng mga iyon.
Noong gabing nag-propose ako, buo na ang plano kong pumunta agad sa kanila at hingin ang kamay niya.
Pero hindi pumayag si Ferly.
Ayaw niyang gulatin ang pamilya niya.
Masyado raw mabilis.
Baka isipin nilang buntis siya, at imbes na pumayag, paghihiwalayin pa kami.
Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya.
At ngayon, matapos ang isang buwang paghihintay… heto na.
Ang araw ng paghaharap.
Napatingin ako sa relo bago ko dinukot ang phone para tawagan siya.
“Ready ka na ba?” tanong ko nang sagutin niya.
“Yes…” mahinang sagot niya.
“Okay. Hintayin mo ako.”
Kahit hindi ko siya nakikita, rinig ko sa boses niya ang ngiting kinikilig pero nahihiya.
“Sir… nasa kotse na po lahat ng regalo,” sabi ng kasambahay sa likod ko.
“Kompleto ba?”
Nagbilang pa siya sa daliri.
“Opo. ’Yong wine, kakanin, at ’yong dalawang premium na tea.”
Tumango ako.
Nagpasalamat at dumiretso sa kotse.
Saktong alas-otso nang dumating ako sa apartment niya.
Nasa labas na siya.
Suot ang puting dress na lampas tuhod, may sling bag, at agad ngumiti nang makita ako.
“Ready?” tanong ko sabay halik sa labi niya.
Natawa siya at pinahid ang lipstick sa labi ko.
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? Hindi lang parents ko ang haharapin mo. Kasama ang lola, tito, at mga kapatid ko.”
Hinawakan ko ang balikat niya at marahang hinaplos.
“ ’Di ba sabi ko… even if I have to face the entire lineage of Himenez, plus the whole barangay… I’m not scared.”
Napailing siya pero natawa rin.
“Tara na nga. Mahaba pa ang biyahe. Saka ka na magmayabang kapag nando’n na tayo. Baka mamaya bumahag buntot mo.”
Pinagbuksan ko siya ng pinto.
Tinulungang ikabit ang seatbelt, at siyempre… nagnakaw ako ng halik.
“Jyrone…” saway niya, bahagyang tinutulak ako.
“Ikaw… ang galing mong magnakaw.”“How is it stealing… when you’re already mine?”
Pinanliitan niya ako ng mata at hinampas ako sa dibdib.
Natatawa akong hinawakan ang kamay niya at nagnakaw ulit ng halik bago ko sinara ang pinto.
Umikot ako papunta sa driver’s seat.
Pagkaupo ko, tumingin ako sa kanya at kumindat.
Napailing na lang siya.
Dalawang oras ang biyahe papuntang Laguna.
Nakakapagod. Pero sulit.
Ibang-iba ang lugar na ito sa nakasanayan ko.
Habang papalapit kami sa mismong lugar nila, puro lumang bahay na ang nakikita ko.
Napalingon ako kay Ferly.
Tahimik na siya.
Mas ramdam ko ang kaba niya habang palapit kami.
Hindi siya mapakali.
Minsan hinihimas ang tuhod niya.
Minsan hinahawakan ang seatbelt.
At habang tinitingnan ko siya… parang nahawa ako.
Bumuga ako ng hangin.
Nakaka-tense, ah.
Anong klaseng pamilya ba mayro’n siya?
Gaano sila ka-strict?
May magpapaupo ba sa akin sa harap tapos titigan ako na parang ini-X-ray?
Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
“Akala ko ba hindi ka takot?” tukso niya.
“Bakit parang naduduwag ka na?”Napalingon ako.
Humaba pa ang nguso ko.
“I’m not scared. I’m… tense. Because you’re tense. Your anxiety is contagious.”
Tinawanan niya lang ako, at tumingin ulit sa labas.
“Stop the car. Nandito na tayo.”
Huminto ako sa harap ng itim na gate.
May dalawang sasakyan nang naka-park sa loob kaya sa labas na lang ako pinag-park ni Ferly.
Sabay kaming bumaba.
Kinuha ko ang mga regalo sa backseat.
Paglapit namin sa gate, agad itong bumukas.
Pumasok kami, at ramdam ko agad ang ambience ng lumang bahay.
Kahit LED ang ilaw sa dingding, hindi nawawala ang aura ng dekada ’70.
Preserved na preserved ang bahay.
“Okay ka lang?” tanong ni Ferly habang papalapit kami sa pinto.
Ngumiti ako.
“More than okay. You’re with me,” sagot ko, kahit habol ko ang hininga.
At biglang bumukas ang pinto.
Lumabas ang isang babaing nasa late fifties.
Maamo ang mukha.
Pero matalim ang tingin.
Agad niyang niyakap si Ferly.
“Mama,” sabi ni Ferly.
Tumayo ako nang diretso.
“Magandang umaga po…”
Walang sagot. Hinagod niya ako ng tingin, mula ulo hanggang paa.
Hindi ko alam kung evaluation ba ’yon… o warning.
“Ito na ba ang boyfriend mo?”
“Yes, ’Ma.”
Bumitiw si Ferly sa braso ko nang bumaba ang tingin ng mama niya sa kamay niyang nakahawak sa akin.
“Pumasok na tayo.”
Nagkatinginan kami ni Ferly bago sumunod.
Pagpasok namin, napalunok ako.
Halos lahat ng gamit vintage.
Isang ilaw lang ang nakasindi kaya medyo madilim.
Ito ’yong klase ng bahay na tatayo ang balahibo mo sa batok.
May mga lumang larawan sa dingding.
Makintab ang sahig na kahoy.
Puting kurtina na gumagalaw kapag may hangin.
Relax, Jyrone.
Hindi ito horror house.
Walang multong susulpot sa harap mo.
Nagpatuloy kami hanggang sa dining area.
Lahat ng tingin… nasa akin.
’Yong titig na parang gusto nila akong ilapag sa mesa at sabay-sabay na lalapain.
Napalunok ako.
Humigpit ang hawak ko sa mga dala.
“Good morning po,” bati ko.
Hindi ko alam kung kanino titingin.
Sumenyas ang pinakamatandang babae sa katulong.
Agad nitong kinuha ang mga dala ko.
Nagmano si Ferly sa matanda.
Pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin.
Nagmano rin siya sa isang lalaking malamang ay tito niya.
Ngumiti ito kay Ferly.
Pero nang tumingin sa akin, nawala ang ngiti.
“Umupo na kayo,” sabi ng mama ni Ferly.
Umupo kami.
Kaharap ko ang tito niya.
Sa harap ni Ferly ang mama niya.
Ilang sandali pa, inilabas ng mga katulong ang pagkain.
Adobong manok. May inihaw na liempo.
Sinigang na baboy, lumpiang shanghai, at pancit.
“ ’Ma… si Papa po?” tanong ni Ferly.
“May kausap pa sa telepono.”
“Sina Fernan at Daniela?”
“Sa school. Finals ni Fernan ngayon, may exam din si bunso.”
Napahawak ako sa gilid ng upuan.
Gusto ko na ring punasan ang pawis sa noo ko.
Malamig naman dito.
Pero pinagpapawisan ako.Titig ng lola at tito niya… parang hinahalukay ang bituka ko.
Hinawakan ni Ferly ang kamay ko.
Ngumiti ako. Kunwari okay ako.
Pero ramdam kong hindi ako belong sa mundo nila.
“Hindi mo ba ipapakilala sa amin iyang kasintahan mo, Ferly?” tanong ng lola niya.
May bahid ng ismid.
“Lola… Tito Arlan… siya po pala si Jyrone Winston—”
“Anong trabaho mo? Sigurado ka bang kaya mong buhayin si Ferly?”
Natahimik si Ferly.
Sabay kaming napatingin sa likuran.
Agad siyang tumayo at nagmano sa bagong dating.
Ako naman… napatitig sa lalaking matikas kahit may edad na.
Mabigat ang presensya niya.
Isang tingin lang, alam mong hindi siya basta-basta.
Pero habang nakatingin ako sa kanya… parang naipon ang hangin sa dibdib ko.
Tama ba ang nakikita ko?
Namamalikmata lang?
At nang magtagpo ang mga mata namin, halos tumigil ang hininga ko.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil… that man is someone from my past—A man na hindi ko na dapat nakita pa.
JyroneParang tumigil ang mundo ko. Ni hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig kay Ferly.Hanggang sa lumakas ang hikbi niya.Saka lang ako parang nahimasmasan.Hinawakan ko ang kamay niya. Nilapat sa labi ko."Pumayag ka ba?"Mabilis siyang umiling, kasabay ang hagulgol niya."Hindi... Hindi ko kayang mawala ka, Jyrone."Agad ko siyang hinapit at niyakap nang mahigpit."Hindi ko kayang mawalan ng tatay ang anak ko."Hindi man ako nagsasalita, pero napapangiti naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik.Ako ang pinili niya... kami ni Baby."Tahan na..." maya maya ay nasabi ko."Galit lang sila—"Umiling siya."Hindi lang sila galit... Tinakwil na nila ako."Mas lalo pang lumakas ang iyak niya."Dahil ikaw ang pinili ko… dahil sinuway ko sila."Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Hindi ko alam kung paano aalisin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.Dahan-dahan ko na lang hinaplos ang buhok niya."Darling..."Sinadya kong lambi
JyronePagpasok namin sa silid, agad na napunta ang tingin ko kina Tita Felicia, Lola Paz, at Ferly.Lahat sila ay nasa paligid ng kama ni Daniel.Halatang nag-aalala. Kita iyon sa mga mukha nila.Sa paraan ng pagtitig nila sa walang malay na si Daniel.Tahimik lang sila no'ng pumasok ako. Mas tumahimik pa nang makita nilang kasama ko sina Mama at Papa Leon.'Yong tensyon, lalong lumala.Parang humigpit ang sikmura ko.Hindi ko alam kung tama bang dinala ko sila rito. Sana hindi na lang ako pumayag...Mainit na nga kasi ang naging sagutan nina Mama at Tita kanina.Paano kung mas magkainitan pa sila?Nagkatitigan kami ni Ferly. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Alam niyang may mali, kasi huling kita naming lahat, wala namang tensyon na ganito.Mula nang pumasok kami, wala ring sinasabi si Mama. Nakatitig kay Daniel.Parang may kung anong emosyon na pilit niyang nilulon.Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak ni Papa Leon sa balikat ni Mama.Parang pinapakalma niya."Anong ginagawa n
JyroneNatigilan sina Tita Felicia at Lola Paz.Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila.Parang may gustong itanong.May gustong kumpirmahin.Pero bago pa man may magsalita sa kanila, mabilis kong hinila si Mama palayo."Mama, halika po..."Nagulat siya sa paghila ko.Pero hindi siya tumutol.Mabilis kaming lumayo sa harap nila habang nakasunod si Papa Leon.Hindi ko gusto ang paratang nila, pero ayoko ring magkaroon ng panibagong gulo.Sa paraan ng pagtitig nila sa isa't isa, pakiramdam ko, anumang oras ay sasabog ang lahat.At kapag nangyari iyon...Kami ni Ferly na naman ang unang masasaktan.Baka imbes na pinag-uusapan na ang kasal namin sa simbahan...Paghihiwalayin na naman kami.Iyon ang ayaw kong mangyari.Hinablot ni Mama ang kamay niya nang makalayo kami."Mama, please... kumalma ka po."Hindi siya sumagot.Pero halata ang inis sa mukha niya.Humalukipkip siya at umiwas ng tingin.Agad naman siyang nilapitan ni Papa Leon.Hinaplos nito ang likod niya.Ako rin, lumapit
Jyrone"Wag kang lalabas!"Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay Ferly habang patuloy ang putukan sa labas.Nanginginig ang buong katawan ni Ferly sa mga bisig ko."Si Papa…" paulit-ulit niyang bulong. Napapikit ako nang mariin.Gusto kong sumilip at alamin kung ano ang nangyayari sa labas.Pero hindi ko magawa.Hindi ko siya maiwan, si Ferly.Paano kung may makapasok?Paano kung may bala na tumama rito?Napamura ako nang mahina saka mabilis na inilabas ang cellphone ko.Tumawag ako sa emergency hotline. Dalawang ring lang ay sumagot agad.At ang sabi, may nakapag-report na raw.May paparating nang mga pulis."Thank you," sabi ko bago ko pinatay ang tawag.Hinawakan ko ang pisngi ni Ferly.Nang medyo humupa ang putukan, pagapang kaming pumasok sa bahay.Saktong makapasok kami at makakubli sa sulok, umalingawngaw na naman ang putukan.May mga sigaw na halos hindi ko maintindihan.Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko sa bawat segundo.Sa bawat igtad at hikbi ni Ferly.Hanggang sa maya-m
JyroneTatlong araw matapos ma-discharge si Ferly sa hospital, dito na kami umuwi sa bahay namin.Wala na ring nagawa sina Tita Felicia at Daniel. Kasal na nga kami. At ngayong may baby na, alam nilang hindi ako papayag na paghiwalayin pa kami.Pero kahit gano’n, hindi naging madali ang lahat.Ayaw nilang akong makasama sa isang bahay. ‘Yong galit nila, hindi pa rin humuhupa.Bumalik sila sa dati nilang bahay kahit tutol kami. Ayaw sana naming pumayag dahil hindi pa nga tapos ang gulo. Hindi pa nahuhuli ang lider ng sindikato pati ang mga anak niya.Pero matitigas ang ulo nila. Kasi wala naman silang alam sa gulo na ‘yon.Sina Bart at Anessa, bumalik muna sa Manila. Hindi rin naman puwedeng iwan ni Bart ang kumpanya niya nang matagal, at saka kailangan din nila ang mga anak nila.Gano’n din sina Papa Leon at Mama.Hindi puwedeng huminto ang mundo nila dahil lang sa gulo ni Daniel.At saka, putol na ang mga galamay ng sindikato. Halos lahat ng negosyo at ari-arian nila ay napasara na.
Jyrone“Jyrone, magpahinga ka muna…” sabi ni Tita Felicia. Matigas pa rin ang boses niya. Halatang galit pa rin.Pero heto siya, sumama pa rin sa akin sa hospital. Maging siya ay hindi rin man lang umidlip. Tahimik lang siya kanina pa, pero ang mga mata, hindi. Nakatutok naman kay Ferly.Kanina, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang mawalan ng malay si Ferly.Si Tita Felicia ang tumawag ng ambulansiya habang ako, walang tigil sa pagtawag sa pangalan ni Ferly. Pilit ko siyang ginigising. Paulit-ulit kong sinasabing huwag niya akong takutin.Ang una kong naisip, baka nagkukunwari lang siya para maiwasang magkaharap-harap kaming lahat. Mapigilan ang konprontasyon. Pero hindi. Kahit anong yugyog ko sa kanya, kahit anong sigaw ko, hindi siya gumagalaw. Ayaw niyang magising.Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko. Utak ko, gulong-gulo. Naiisip ko rin, ito ba ang karma namin?Habang sakay kami ng ambulansiya. Panay ang tanong ko sa medical team.What’s wrong with her?Hindi ni
Namamawis ang noo ko habang nakatingin sa pinto. At imbes na uupo kami, hindi na natuloy. Literal na pako kami sa kinatatayuan habang si Daniel, parang nanghihina at napapahiga na lang. Todo alalay naman sa kanya ang papapel na si Calvin.“Relax. Papa is still on the phone,” sabi ni Leandro na ngit
Hindi siya gumagalaw. Nakatingin lang, parang natutuwa sa gulong kinasangkutan ko.“Bro…”Agad akong napalingon sa kapatid ko.Ang lungkot ng boses niya, bagsak ang balikat, halatang nanghihina, parang sisiw na basa.Pinisil ko ang balikat niya at nginitian siya ng tipid. Gumanti siya ng ngiti. “S
Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay Ferly.Masakit pa rin, ang sikip ng dibdib ko dahil sa titig niya kay Calvin. Tapos bigla siyang kumilos. Lumapit siya sa akin. Ngayon, ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Ang lamig ng mga kamay niyang kumapit sa braso ko, pero wala pa rin sa akin ang
Ang dapat isang linggong pananatili namin sa Tagaytay ay naging dalawang araw lang. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko na magawang sumaya.Ginagawa ni Jyrone ang lahat mapasaya lang ako. Mula sa pagkain hanggang sa kung ano ang puwede naming gawin habang nasa resort, pero wala, hindi pa rin







