ログイン
“Buksan mo ‘to, Samantha!” sigaw ng masiglang boses ni Daniella mula sa labas ng kwarto niya.
Ngumiti si Samantha, natutuwa sa distraksiyon. Binuksan niya ang pinto at nakita ang kaibigan na may hawak na grocery bag, malapad ang ngiti nito sa labi. “Hey, bestie! May dala akong almusal,” sabi ni Daniella habang inaangat ang dala. Lumaki ang mga mata ni Samantha nang ilabas nito ang sari-saring bagong lutong pastries, prutas, at kape. “Salamat naman! Halos wala nang laman ang ref ko,” amin niya. Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan. “Girl, kailan ka ba huling nag-grocery?” Nagkibit-balikat si Samantha. “Matagal na. Lagi ko kasing ipinagpapaliban. Alam mo naman.” “Maupo ka nga. May pag-uusapan tayo,” sabi ni Daniella, biglang naging seryoso habang pareho silang umuupo. “Ano na naman ‘yan?” tanong niya. “May nakita akong trabaho para sa’yo pero hindi ako sigurado kung magugustuhan mo.” “Anong klaseng trabaho?” Huminga nang malalim si Daniella. “Isang… dancing job sa isang club.” Tumaas ang kilay ni Samantha. “Pagsasayaw? Anong klaseng sayaw?” “Strip dancing, Sam.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. “Pakinggan mo muna ako, Sam. Malaki ang kita sa trabahong ‘to. Mas malaki pa ang kikitain mo sa isang gabi kaysa sa kinikita mo sa isang linggong pagtuturo. Mababayaran mo na ang mga utang mo at makakapagsimula ka ulit,” sabi ni Daniella. Mariing umiling si Samantha. “No way, Danny. Isa akong guro, hindi stripper. May mga prinsipyo ako.” Kahit baon siya sa utang. Hindi kailanman pumasok sa isip niya ang maging stripper. Napabuntong-hininga si Daniella. “Alam kong ganito ang magiging reaksyon mo. Pero isipin mo rin, Sam. Ito na ang pagkakataon mo. Hindi ka pwedeng patuloy na mahihirapan sa paghahanap ng pera.” “I appreciate your concern, Danny. Pero hahanap ako ng ibang paraan. Hindi para sa akin ang trabahong inaalok mo.” “Okay, naiintindihan ko. Pero mangako ka sa akin na iisipin mo ‘to kung talagang maging desperado na ang sitwasyon mo.” Nag-atubili si Samantha bago tumango. “Pag-iisipan ko, Danny. Pero sa tingin ko hindi ako aabot sa gano’n.” “Mabuti naman at napag-usapan natin ‘to,” sabi ni Daniella bago tumayo. “Kaya ako dumaan dito para sabihin sa’yo ang tungkol sa trabaho. Ngayong napag-usapan na natin, may iba pa akong pupuntahan.” Inihatid ito ni Samantha sa pinto. “Thanks for thinking of me, Danny. I appreciate it.” Ngumiti si Beatrice at niyakap siya. “Anytime, Sam. Mag-ingat ka, pag-isipan mo ang sinabi ko.” Pagkaalis ni Daniella, naiwan si Samantha na nag-iisip tungkol sa kanyang mga problema sa pera at sa nakakatuksong ngunit hindi kanais-nais na alok nang kanyang kaibigan. She closed the door and leaned against it, her thoughts swirling. Simula nang umalis siya sa ampunan kung saan lumaki, walang ibang inasahan si Samantha kun'di ang sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang nangyari sa kanyang mga magulang. Buhay pa kaya sila? Walang nagsabi sa kanya na patay na ang mga ‘to, kaya may maliit pa rin siyang pag-asa. Ipinagtabi muna niya ang mga kaisipang ‘yon at nagtuon sa kasalukuyan niyang problema. Ang trabahong pagtuturo na nakuha ni Samantha ilang buwan na ang nakalipas ang nagsilbing lifeline niya. Halos hindi nito matustusan ang lahat ng gastusin niya pero kahit papaano ay may pinagkukunan siya. Habang nakatayo siya roon at nag-iisip, isang katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Sino kaya iyon? Kakaalis lang ni Daniella at wala naman siyang ibang inaasahang bisita. Sumilip siya sa peephole at nakita ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit at sunglasses. Napakunot ang noo si Samantha sa pagkalito kung sino ito. “May maitutulong ba ako?” tanong niya nang buksan ang pinto. “Miss, I’m here to deliver a message from Mr. Sebastian Green, Chairman of Green’s Corporation,” sagot ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Samantha sa pagkagulat. Alejandro Elizalde? Ang bilyonaryong negosyante? Ano kaya ang kailangan nito sa kanya? “Mr. Elizalde requests your presence at his office. He’d like to discuss a matter of mutual interest,” pagpapatuloy ng lalaki. Samantha’s mind raced with thoughts. Nakita na niya si Alejandro sa balita, nabasa ang tungkol sa mga negosyo nito at hinangaan ang mga proyektong pagtulong sa kapwa. But why would he want to meet with her? “Paano niya nalaman ang address ko?” tanong ni Samantha habang pilit kinakalma ang sarili. “Mr. Elizalde has his ways, Miss.” “Sige, pag-iisipan ko ang kahilingan niya. Maaari ka nang umalis,” sabi ko. “Mr. Elizalde requests that you accompany me to his office immediately.” Napasinghap siya. “Ngayon? Hindi pa ako handa para sa isang meeting.” “I apologize for the inconvenience, but Mr. Elizalde’s schedule is tight, and he prefers to meet with you today.” Nag-atubili siya, hindi sigurado kung ano ang gagawin. She hadn’t expected this sudden summons. “Tungkol saan ba ang meeting na ‘to?” tanong niya. “Si Mr. Elizalde na mismo ang magpapaliwanag sa inyo, Miss.” “Sige, sandali lang,” sabi niya habang kumukuha ng bag at susi. The man nodded and gestured toward the exit. “Shall we, Miss?” Huminga nang malalim si Samantha at sumunod palabas ng kanyang apartment. Binuksan ng lalaki ang pinto ng isang itim na Mercedes Benz at pinapasok siya. Maingat naman siyang umupo sa malambot na leather seat. Ilang sandali pa ay dumating sila sa napakalaking gusali na yari sa salamin at bakal. Ang headquarters ng Elizalde’s Corporation. Namangha si Samantha habang nakatingala sa napakataas na gusali. “Right this way, Miss,” the man said, leading her through the revolving doors. Sa lobby ay nagmamadali ang maraming taong nakasuot ng mamahaling suit at mukhang papunta sa kani-kanilang meeting. Sumunod si Samantha sa lalaki hanggang makarating sila sa isang pribadong elevator. Nag-swipe ito ng card at bumukas ang pinto. “Mr. Elizalde’s office,” he announced. Pumasok si Samantha sa elevator nang kinakabahan. Pagsara ng pinto ay mabilis itong umangat. Pagbukas muli ng elevator, napunta siya sa isang marangyang opisina. Isang modernong mesa ang nasa gitna ng silid, at sa likod nito ay nakaupo si Alejandro Elizalde. “Thank you for coming, Miss Samantha,” he said. Samantha’s breath caught. Hindi siya makapaniwala na kaharap niya mismo ang lalaking ‘to. “Please, have a seat,” he said, gesturing to the chair in front of him. Umupo siya habang pilit pinapakalma ang sarili. “I’ll get straight to the point, Miss Samantha,” sabi ni Alejandro sa isang boses na puno ng awtoridad. “Ano po ‘yon, sir?” magalang niyang tanong. “Miss Samantha, I’ve been watching you. Your situation is well known to me,” sabi nito nagpagulat sa kanya ng husto. “S-sitwasyon?” “Handa akong bigyan ka ng buhay na lampas pa sa ‘yong pinapangarap. Pakasalan mo ang aking anak na si Raim at bigyan mo siya ng tagapagmana. In return, you’ll receive a substantial monthly allowance and a secure future,” Alejandro said. Nanlaki ang mga mata ni Samantha habang inaabot nito ang folder na naglalaman ng mga detalye ng kasunduan. “Consider it a business proposal, dear,” dagdag ni Alejandro. “You’ll be well taken care of, and our family’s legacy will be secured.” “What makes you think I’d agree?” she asked, trying to sound brave. “Tulad ng sinabi ko, alam ko ang sitwasyon mo. Wala kang pamilya, wala kang koneksyon. Binibigyan kita ng pagkakataon.” Mahigpit na hinawakan ni Samantha ang folder habang nakatitig kay Alejandro. “Hindi ako sigurado,” sabi niya. “Miss Samantha, this is a once-in-a-lifetime opportunity. You will want for nothing. My son will provide for you, and our family’s legacy will ensure your future.” Sa isip ni Samantha ay sumagi ang isang marangyang buhay na walang problema sa pera. Ngunit kapalit ng ano? “What about love?” she asked softly. “Shouldn’t people marry for love?” Tinitigan siya ni Alejandro nang matalim. “Love is a luxury we can’t afford. This is business. Isang kasunduang kapwa ninyo mapapakinabangan.” “Alam ba ng anak ninyo ang tungkol sa business proposal na ‘to?” tanong niya. “Gagampanan ng anak ko ang kanyang tungkulin. He understands the importance of securing our family’s legacy, so don’t worry about him.” Samantha’s heart sank. Tungkulin, hindi pag-ibig. Isang kasunduang pangnegosyo, hindi isang tunay na kasal. “What’s the expectation for the heir?” “Isang lalaking tagapagmana, kung maaari. Para matiyak ang kinabukasan ng aming pamilya.” Hinihiling sa kanya na magdala ng isang anak, hindi dahil sa pag-ibig kundi para sa pamana ng pamilya. “Kailangan ko ng oras para mag-isip,” sabi niya. Tumango si Alejandro. “You have forty-eight hours. After that, the offer expires.” Samantha nodded, the folder still clutched in her hand. Lumabas siya sa opisina ni Alejandro habang iniisip ang alok, dahil may apatnapu’t walong oras lamang siya para magdesisyon. Bigla niyang naramdaman ang pagnanais na pumunta sa banyo. Lumingon siya sa paligid at napansin ang isang pasilyo sa kanyang kaliwa, kaya nagpasya siyang hanapin doon ang restroom. Pagliko niya sa kanto, binasa ng kanyang mga mata ang mga karatula sa mga pinto. Bigla siyang napahinto sa harap ng isang pintuan ng opisina, nakakunot ang noo. Mahihinang ungol ang narinig niya mula sa loob, kasunod ang isang mahinang hagikgik. Nanlaki ang mga mata ni Samantha at uminit ang kanyang mukha. Ano kaya ang nangyayari sa loob? Uncomfortable, she quickly moved away from the door and continued her search for the restroom. Maya-maya, nakita niya ang karatulang may nakasulat na “Ladies’ Room” at agad siyang nagmadaling pumasok doon. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili at nagpahupa ng emosyon bago lumabas ng restroom. Paglabas ni Samantha, napansin niya ang isang babae na lumalabas mula sa parehong opisina kung saan niya narinig ang mga ungol kanina. Inayos ng babae ang damit, namumula nang husto at mabilis na naglakad palayo nang hindi napapansin si Samantha. Pinanood ni Samantha ang babae hanggang sa mawala ito sa liko ng pasilyo. Bumalik ang tingin niya sa pintuan ng opisina, iniisip kung ano ang nangyari sa loob. Ilang sandali pa ay may isang matangkad at malapad ang balikat na lalaki na lumabas mula sa parehong opisina. Isang saglit lamang niyang nasilayan ang likod nito, nakasuot ng kulay abong tailored suit, bago ito tuluyang nawala sa kanyang paningin. Biglang nag-vibrate ang kanyang telepono dahil sa isang papasok na mensahe. Rent is overdue. If payment isn't received within 24 hours, eviction proceedings will begin. Lalong bumigat ang dibdib ni Samantha. Alam niyang galing ‘yon sa landlord. Saan naman siya kukuha ng gano’ng kalaking pera sa loob ng dalawampu’t apat na oras? Hindi na siya nag-isip pa at nagmamadaling bumalik sa opisina ni Alejandro. Huminga siya nang malalim bago itinulak ang pintuan at pumasok. “Miss Samantha, hindi ko inaasahan na magdedesisyon ka agad,” sabi nito habang nakangiti. “Tinatanggap ko ang alok ninyo,” sabi niya. Lalong lumawak ang ngiti ni Alejandro. “Napakagandang desisyon, hija,” Doon napansin ni Samantha na may isa pang tao sa loob ng silid, nakatayo at nakatalikod sa kanya. Parang pamilyar ang kulay abong tailored suit nito. Nang kumilos si Alejandro, humarap ang lalaki sa kanya at biglang kumabog ang kanyang dibdib. Ito ang lalaking nakita niya kanina. “Raim, this is Miss Samantha, the woman who will secure our family’s legacy,” pagpapakilala ni Alejandro. Nagtama ang kanilang mga mata. Matindi ang titig ni Raim sa kanya pero hindi mabasa ang ekspresyon nito. Nagpatuloy si Alejandro. “That’s who you’ll be marrying, Miss Samantha. My son, Raymond Alexander, Elizalde.” Halos huminto ang paghinga ni Samantha. Pakiramdam niya ay para siyang pumasok sa isang bitag.“Saan ka galing?” malamig na tanong ni Raim habang nakatitig nang diretso sa kanya.“Hindi mo na kailangang malaman,” sagot niya, pilit pinatatatag ang sarili kahit bahagyang kumabog ang dibdib sa paraan ng pagtitig nito.“Sumakay ka sa kotse,” utos ni Raim, walang emosyon ang boses.Saglit na nag-alinlangan si Samantha. Nakapako ang mga paa niya sa semento habang iniisip kung may karapatan ba itong diktahan siya. Ngunit sa huli, tahimik siyang naglakad papunta sa kotse.“Let’s go,” sabi ni Raim matapos makapasok.Dahan-dahang umupo si Samantha sa passenger seat, habang si Raim naman ay pumuwesto sa likod ng manibela.“Saan tayo pupunta?” tanong niya, hindi maitago ang pagtataka.“You’ll see,” maikling sagot ni Raim bago paandarin ang sasakyan.Pagkalipas ng tatlumpung minuto, marahang huminto ang sasakyan sa airport’s private terminal. Samantha confusion deepened.“Bakit tayo nasa airport?” tanong niya muli.Ngunit hindi siya sinagot ni Raim. Tahimik itong bumaba ng sasakyan, agad na
Pagdating ni Samantha sa bahay niya, sandali siyang napatigil sa harap ng pinto. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang nag-uunahang tibok ng puso bago kumatok. Ilang minuto ang lumipas bumukas ang pinto at bumungad si Daniella.“Samantha! Pupuntahan pa lang sana kita,” masayang sabi nito habang tumatabi para papasukin siya.Hindi na nakapagpigil si Samantha. Pagkapasok pa lang niya sa loob ay agad niyang binitiwan ang mga salitang kanina pa bumabagabag sa kanya.“Danny… m-may asawa na ako,” bigla niyang sambit.Natigilan si Daniella. Para itong naestatwa sa kinatatayuan.“Ano?!” gulat na sigaw nito, napalakas pa ang boses.Napakagat si Samantha sa ibabang labi at marahang tumango, dama ang panunuyo ng lalamunan.“Sino?”Daniella demanded.“Raim Elizalde,” sagot ni Samantha.Lalong nanlaki ang mga mata ni Daniella.“‘Yung bilyonaryo?!” halos hindi makapaniwalang tanong nito.Muling tumango si Samantha.“Teka, hindi ko maintindihan. Bakit bigla kang ikinasal sa lalaking ‘yon?
Binuksan ni Raim ang pinto at marahang inilahad ang kamay, hudyat kay Samantha na pumasok. Tahimik siyang humakbang papasok, ramdam ang bigat ng hangin sa pagitan nila.Isinara nito ang pinto at dumiretso sa silid. Mabagal namang sumunod dito si Samantha. Umupo si Raim sa gilid ng kama at mariing sinuklay ang buhok, nakatungo at nakatitig sa sahig. Samantha remained standing, her arms crossed.“Hindi mo ako pinaniwalaan,” mahinahon ngunit may pait na saad ni Samantha.Napatingala si Raim at nagtama ang mga mata nila.“Should I have taken your word over my own sister’s? Should I have picked my blood sister over you?” malamig nitong tanong.Natawa siya ng mapakla. “‘Yon mismo ang dapat mong ginawa kung may tiwala ka sa akin kahit kaunti.”Nasaktan siya. Hindi akalain ni Samantha na maniniwala ng gano’n kadali si Raim kay Daphne. Pero naisip niyang hindi siya lubusang kilala ng lalaki. Sino ba siya para paniwalaan nito?Nagkibit-balikat si Raim. “I don’t trust someone I barely know. And
Raim’s face reddened with rage as he took a step closer to Samantha.“Paano mo nagawa ‘to, Samantha?” mariin nitong tanong, halos umalingawngaw ang boses sa buong silid. “May ideya ka ba kung gaano kahalaga kay Daphne ang kwintas na ‘yon? Ha?!”Napaatras si Samantha, nanginginig ang buong katawan. Unti-unting napuno ng luha ang kanyamg mga mata habang marahang umiiling.“H-hindi ko kinuha ‘yon, Raim. M-maniwala ka naman…” nabasag ang kanyang boses."Don't lie to me!” sigaw ni Raim, mas lumakas pa ang boses. “Daphne found it in your purse. You're nothing but a thief and a manipulator!”Parang gumuho ang mundo ni Samantha sa narinig. Napahagulgol siya nang tuluyan at napayakap sa sarili. “H-hindi… hindi totoo ‘yan,” umiiyak niyang bulong, pilit ipinagtatanggol ang sarili kahit halos mawalan na siya ng lakas. “Hindi ko magagawa ‘yon…”Daphne’s smile widened as she watched the scene unfold with satisfaction. Pinagmasdan niya si Samantha na parang isang palabas lamang ito. She tried to sp
Dahan-dahang bumaba ng hagdan si Samantha habang nakasunod sa kanya si Mia, bitbit ang maliit niyang purse.“Napakaganda ninyo po, ma’am,” mahinang bulong ni Mia.Ngumiti si Samantha at napahawak sa laylayan ng kanyang damit.“Salamat, Mia,” Samantha replied, her confidence boosted.Pero nang marating nila ang main mansion, muling bumalik ang kaba sa kanyang dibdib.“Alalahanin ninyo, ma’am,” paalala ni Mia. “Kayo na ngayon si Mrs. Elizalde. Itaas ninyo ang inyong ulo.”Huminga nang malalim si Samantha. Pinilit niyang pakalmahin ang mabilis na tibok ng kanyang puso bago tuluyang pumasok sa loob.Pagpasok ni Samantha, agad niyang nakita si Raim na nakatayo malapit sa fireplace habang nakikipag-usap kay Alejandro. Samantala, si Daphne at Alistair ay nakaupo sa isang sofa sa gilid ng silid, at sabay silang napatingin kay Samantha.“Well, well, well. Look what we have here,” malamig na komento ni Daphne habang mabagal na sinusuri ang suot na damit ni Samantha mula ulo hanggang paa.Bahagy
Lumabas si Raim mula sa kanyang silid, naghahanap ng katahimikan. Bumaba siya patungo sa likod ng mansyon kung saan agad siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin ng gabi. Sa di kalayuan, narinig niya ang banayad na pag-alon ng tubig na tila ba tinatawag siya papunta sa swimming pool.Dahan-dahang naglakad nang nakapaa si Raim, halos walang ingay ang kanyang mga hakbang sa malamig na tiled floor. A wine glass filled with amber liquid dangled from his fingers.Pagdating niya sa gilid ng pool, bigla siyang huminto. Tahimik siyang tumitig sa tubig. Ang repleksyon ng buwan ay sumasayaw sa ibabaw nito, kumikislap sa bawat bahagyang galaw ng tubig.Nag-angat si Raim ng kanyang wine glass at uminom ng kaunti. Habang ginagawa ‘yon, hindi niya maiwasang maalala si Samantha. Napabuntong-hininga siya.“Ano kayang nagtulak sa kanya para pumayag sa proposal na ’to…” bulong niya sa sarili, bahagyang nakakunot ang noo.Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita, tila kinakausap ang sarili.







