เข้าสู่ระบบOKAY, so pagkatapos ng coffee incident na iyon, which, by the way, was seriously H-O-T - hindi naging madali ang mga bagay-bagay. I mean, masisisi mo ba ako?
Si Cortéz kasi…well, ay si Cortéz pa rin. Kalmado. Controlled. Professional. Pero nakakainis ang sobrang karisma niya na laging nagpapakaba sa akin, na para akong nakasakay sa rollercoaster 24/7. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa excitement o sa takot. Or both. Kaya pagkatapos ng munting coffee disaster, desperado akong mabawi kahit man lang kaunting control sa sitwasyon. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako isang starry-eyed intern na madaling matunaw sa ngiti ng isang gwapo at malanding boss, 'di ba?
Kaya naman sinubukan kong magseryoso. O at least, iyon ang akala ko.
Naupo na ako sa desk ko, trying to concentrate on the pile of papers sa harap ko. Pero siyempre, ramdam ko 'yung mata niya sa akin. It was like he had this magnet kaya hindi ako maka-focus sa kahit ano, kundi sa kanya lang. Parang irresistible force of nature na hindi mo basta-basta matatakasan. At sa totoo lang, parang ayoko na. Click ako nang click sa pen ko habang naglalakbay ang diwa ko kung saan-saan - okay, fine, naglalakbay siya kay Boss Santi! Ugh!
Sa wakas, lumakad siya malapit sa akin, na sa sobrang lapit ay amoy ko na ‘yung mamahalin niyang pabango. Oh God, he smelled so good. It was that kind of scent na pangmayaman, na nakaka-addict, na hindi ko maintindihan. Parang adventure na alam mong hindi mo dapat suuingin pero susuuingin mo pa rin for the sake of excitement. Gano'n.
"Miss Balmaceda," mahina at malalim niyang sabi. "Kumusta ang training so far?"
Nilingon ko siya. “Okay naman, Sir. I mean, inaaral ko pa po pero…okay naman.”
Ngumiti na naman siya. Ayan na naman ‘yung nakakakaba niyang ngiti, na nagpapahirap lalo sa sitwasyon. “Good. May potential ka, Miss Balmaceda.”
Oh, potential. Hindi ‘yon ang unang beses na sinabi n’ya ‘yon sa akin. Ewan ko ba pero ayokong naririnig ‘yong word na ‘yon, lalo na galing sa kanya. Dahil sa tuwing sasabihin niya ‘yon, feeling ko, he’s assessing me hindi lang bilang intern kundi bilang babae, as a whole. At hindi ako sigurado kung handa na ang beauty ko para ro’n.
“Alam mo, Miss Balmaceda,” bulong niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. “Nakita ko na ‘yang ganyang klaseng tingin.”
“Anong ganyang klaseng tingin…Sir?”
“‘Yung tingin na parang nagpipigil ma-fall.”
Hala! Paano niya nalaman? At bago pa ako makasagot, kumindat siya na parang wala lang, na parang laro lang ang lahat.
“Okay lang ‘yan. Normal lang naman ‘yan, lalo na sa tulad nating dalawa.”
Holy sh*t. Was he flirting with me again? Ano pa nga ba?
Natutunaw na ba ako na parang ice cream na bilad sa ilalim ng araw? Absolutely. Pinilit kong makabawi, pinilit kong i-distract ang sarili ko sa mga dokumento sa mesa pero hindi ko mapigilan ang pamumula ng mukha ko. God, I was definitely not handling this well. Not even close.
At si Mr. Cortéz, siyempre, aliw na aliw sa mga pangyayari. Hindi man lang ito nag-effort na magkunwaring hindi niya pansin na hulog na hulog na ‘ko sa kanya.
“Anyway,” sabi niya sabay tayo. “Basta tandaan mo, you’re here to learn. At inaasahan ko na patutunayan mo sa akin na you’re not just a pretty face.”
Oh God. Napalunok ako at saka tumango habang halos tumalon na ang puso ko sa sobrang kaba. “G-got it, Mr. Cortéz.”
“Santi na lang. Ayoko nang masyado tayong pormal sa isa’t-isa,” pahabol niya nang nakangiti habang palabas ng opisina.
~~
HOY, sino ba naman kasi nag-design ng conference room na ganito ka-intimidating? Floor-to-ceiling windows, sobrang kintab ng glass table, at ang sobrang laking flat screen sa dulo na parang anytime ay p’wedeng may mag-flash na, "CORPORATE RULE #1: DO NOT FLIRT WITH YOUR BOSS."
Spoiler alert: Too late.
Nakatayo ako sa may tabi ng bintana, nagkukunwari na manghang-mangha sa Makati skyline, pero to be honest? Ang iniisip ko lang ay kung bakit walang batas na ipinagbabawal na maging sobrang hot ang mga boss. Kasi, if it were illegal, nakakulong na panigurado si Jose Santiago Cortéz, with no bail, honey. Locked up and fully objectified.
"Oh, nakatitig ka na naman."
Ay. Bigla tuloy akong napatungo. "Excuse me," I say, pa-deadma. "I'm reflecting, po."
Sumandal si Santi sa doorframe, nakangiti nang pagkaganda-ganda, na parang alam niyang panalo na siya sa larong hindi ko nga alam kung ano. "Reflecting…on the project?"
"Hindi, Sir,. Reflecting on my life decisions."
Natawa siya, mukhang aliw na aliw talaga siya sa akin, ano? Pero girl, bakit gano’n? Bakit pati tawa niya, ang sexy pakinggan? Dahil ba ‘yon sa trauma niya? Sa military past na hindi ko dapat malaman?
“Anyway, I wanted to run through your deck," sabi niya habang lumalakad palapit. "Curious ako sa ideas mo."
I blink. Your deck? Teka, parang iba yata ang pagkakadinig ko. Erase, erase.
"S-sure," sabi ko na lang. “Pero Sir, ngayon palang, gusto ko na pong i-clear…I made this deck while surviving on three hours of sleep, dalawang anxiety attacks, at isang chicken sandwich.”
“Oh, kaya pala may typo sa first slide…”
Hala si Sir, ang rude…
Naupo siya sa tabi ko - as in sobrang lapit na kapag may nakakita ay paniguradong laman na kami ng chismis sa pantry the next day. Nagkakadikit ang mga braso namin, girl. Hindi ako maka-focus, basta scroll-scroll lang ako sa tablet pero sa totoo lang, sinusubukan kong tandaan kung paano nga ba huminga. Because he smells like coffee, expensive cologne, and moral ambiguity. Wala akong laban dito, Lord.
"Okay ka lang?" bulong nito.
Hindi, Sir. Hindi ako okay. Kaunti na lang, malapit ko nang i-confess ang mga kasalanan kong hindi ko pa nagagawa. “Super okay, Sir.” Siyempre, kailangang magsinungaling kung gusto ko pang mabuhay nang matiwasay.
Pero girl, mas lumapit pa siya sa kinauupuan ko. Hindi naman ‘yung tipong nakakaeskandalo pero sapat na para hindi na gumana ang utak ko. Nagkatinginan kami at ramdam ko ‘yung…pull - that magnetic, stupid, delicious tension na parang isang iglap na lang, mapapadalhan na ako ng termination letter ng HR.
"Miss Balmaceda, sa totoo lang, I’m impressed."
Wow. Compliment? Galing sa kanya? "Thank you, Sir," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Magaling po kasi kayong magturo."
"Alam ko.”
Oh God. Grabe naman sa self-confidence si Sir. At grabe din sa sex appeal. P’wede n’yo ba ‘kong buhusan ng malamig na tubig, guys?
At habang ngingiti-ngiti si Santiago Cortéz, ready na akong maghukay ng libingan ng aking dignidad.
SOBRANG tahimik sa office. As in sobrang tahimik na kahit heartbeat mo, maririnig mo na. Limang voicemails na ang natanggap ko from Sachi at bawat isa ay mas dramatic sa nauna."Girl, bakit nandiyan ka pa?" "Nag-o-overtime ka ba talaga o nag-o-over-daddy?" "Kapag talaga nalaman kong nag-iisa ka riyan kasama siya, naku Issa, sinasabi ko sa 'yo!"Nag-iisa lang naman talaga ako. Katatapos ko lang mag-print ng monthly report na hindi ko naman talaga ginagawa dahil...basta mahabang kuwento na puno ng internalized capitalism – nang ma-realize ko na parang ghost town pala ang 25th floor kapag ganoong oras.Except - click. Footsteps. Lalaki. Mabigat ang mga yabag. Oh no. Please lang, universe. Si manong janitor lang sana. O si manong guard. Kahit sino, huwag lang siya, please.Dahan-dahan akong lumingon. At iyon na nga. Si Boss. White shirt na naka-roll ang sleeves, dark slacks. Parang K-drama feels lang. Tie undone, medyo magulo ang buhok pero ang guwapo-guwapo pa rin! Mukha itong pagod. Muk
MAGKAHARAP kaming nakaupo ni Sachi sa pantry, sa harap ng plastic containers na halos wala nang laman."Kung may nagtatanong pa kung bakit ako single, sabihin mo na lang I'm committed... to suffering," sabi ni Sachi sabay tusok ng natitirang lettuce sa pinggan nito."Same, pero sa kaso ko, I'm committed to thirsting over my boss na malamang, hindi alam ang buo kong pangalan," sagot ko habang ngumunguya ng malabsang crouton.Naningkit ang mga mata ni Sachi. "Girl, Issa. Araw-araw kang nagte-train sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pa niya alam ang buo mong pangalan? For sure, alam niya ang birthday mo, blood type mo, pati kung ilan ang naging ex mo."Nabulunan ako ng tubig. "Hala?""Okay, joke lang 'yung last part. Pero come on. Si Daddy Santi 'yan. If James Bond and a cinnamon roll had a baby, siya 'yon. Sa tingin mo ba, hahayaan niyang kung sino-sino lang ang makakapasok sa orbit niya nang gano’n-gano’n lang? Siyempre, pina-background check ka no’n, besh.” Bago pa ako magreklamo, bigl
OKAY, so pagkatapos ng coffee incident na iyon, which, by the way, was seriously H-O-T - hindi naging madali ang mga bagay-bagay. I mean, masisisi mo ba ako?Si Cortéz kasi…well, ay si Cortéz pa rin. Kalmado. Controlled. Professional. Pero nakakainis ang sobrang karisma niya na laging nagpapakaba sa akin, na para akong nakasakay sa rollercoaster 24/7. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa excitement o sa takot. Or both. Kaya pagkatapos ng munting coffee disaster, desperado akong mabawi kahit man lang kaunting control sa sitwasyon. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako isang starry-eyed intern na madaling matunaw sa ngiti ng isang gwapo at malanding boss, 'di ba?Kaya naman sinubukan kong magseryoso. O at least, iyon ang akala ko.Naupo na ako sa desk ko, trying to concentrate on the pile of papers sa harap ko. Pero siyempre, ramdam ko 'yung mata niya sa akin. It was like he had this magnet kaya hindi ako maka-focus sa kahit ano, kundi sa kanya lang. Parang irresistible force o
MAAGA akong pumasok today.Like, "Ako-pa-lang-ang-tao-sa-buong-building" early. Kasi nga, first official day ko ito as temp assistant ni Mr. Jose Santiago Cortéz! At sa sobrang kaba ko, nag-make up ako na parang magsho-shoot ng music video. Blown-out hair, light blue na blouse na parang nagsasabing, “Harmless ako, please huwag mo ‘kong pansinin dahil malapit na ‘kong ma-panic attack” kind of shade.Pumasok ako nang poised, kahit punung-puno ang tiyan ko ng butterflies na parang mga lasing. The office was glass-walled, all sharp corners and minimalist furniture. Ang tahimik. Ang sosyal. Ang intimidating. Kahit nga ‘yung mga upuan, parang mas mahal pa sa laptop ko.Then, click. Bumukas ang elevator. Then, footsteps. Leather shoes, confident ang tunog. At gano’n lang, biglang uminit na naman ang temperature sa opisina. Nang lumingon ako, nando’n na si Boss, ang survivor ng coffee disaster kahapon. At sa kasamaang-palad para sa mahina kong puso, nag-dugs-dugs-dugs na naman siya dahil sa
PUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa







