แชร์

Chapter Two

ผู้เขียน: Margaux Wilde
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-16 20:32:26

MAAGA akong pumasok today.

Like, "Ako-pa-lang-ang-tao-sa-buong-building" early. Kasi nga, first official day  ko ito as temp assistant ni Mr. Jose Santiago Cortéz! At sa sobrang kaba ko, nag-make up ako na parang magsho-shoot ng music video. Blown-out hair, light blue na blouse na parang nagsasabing, “Harmless ako, please huwag mo ‘kong pansinin dahil malapit na ‘kong ma-panic attack” kind of shade.

Pumasok ako nang poised, kahit punung-puno ang tiyan ko ng butterflies na parang mga lasing. The office was glass-walled, all sharp corners and minimalist furniture. Ang tahimik. Ang sosyal. Ang intimidating. Kahit nga ‘yung mga upuan, parang mas mahal pa sa laptop ko.

Then, click. Bumukas ang elevator. Then, footsteps. Leather shoes, confident ang tunog. At gano’n lang, biglang uminit na naman ang temperature sa opisina. Nang lumingon ako, nando’n na si Boss, ang survivor ng coffee disaster kahapon. At sa kasamaang-palad para sa mahina kong puso, nag-dugs-dugs-dugs na naman siya dahil sa sobrang kaguwapuhan ni Sir.

Naka-charcoal suit siya, nakarolyo ang manggas hanggang siko na parang villain na alam na alam na over the top ang sex appeal niya. Hanggang sa napatingin siya sa akin - mabagal, mapanuri. At pagkatapos, ngumiti na naman siya na parang nagsasabing, “Uy, hindi ko nalilimutan ang ginawa mo”.

“Miss Balmaceda,” mahina niyang tawag. “Glad to see you're early. Recovering well from yesterday?”

Tumango ako habang pilit kinokontrol ang ekspresyon ko. “At least wala nang coffee accidents today, Sir. Nangako na po ako sa sarili ko na lalayo muna ako sa mainit na kape.”

“Hmm.” Bahagya siyang natawa. “Good. Ayoko namang i-fire ka sa second day mo.”

Parang biro ang pagkakasabi niya at ewan ko ba kung bakit parang lalo akong kinabahan. Puwede ba 'yon? Dahil pakiramdam ko, biglang nanghina ang mga tuhod ko sa pagkakatitig niya sa ‘kin.

So, ayun na nga, sinundan ko siya papasok sa opisina niya - puro salamin ang mga dingding, may paintings na mukhang sobrang mahal pero hindi ko naman gets. May mga bookshelf na puno ng makakapal na libro, may maliit na koleksiyon ng mamahaling alak sa isang sulok…

At nandoon din ang pamilyar na amoy na iyon. Mabango, amoy mamahalin. At nakakainis na bagay na bagay ‘yon sa kanya.

“Sit,” sabi niya sabay turo sa leather chair sa tapat ng mesa niya. “Pag-usapan natin ang mga assigned task sa ‘yo.”

So naupo ako, sobrang pigil na paypayan ang sarili. Siya naman, hindi agad naupo. Sa halip, lumapit siya sa may mesa at yumuko. Isinandal niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa kaya mas kitang-kita ang mga ugat sa kanyang mga bisig.

“So, iha-handle mo ang scheduling, pag-screen ng emails, pag-prepare ng meetings ko…” 

Tuloy lang siya sa pagsasalita pero ang utak ko? Wala na - tumalon na yata palabas ng bintana. Focus, Issa. Huwag mong titigan ang mga butones ng polo niya…huwag mong isipin kung ano ang itsura niya kapag nakabukas ang mga iyon…huwag na huwag mong-

“Nagte-take ka ba ng notes?”

Napatingala ako. “Sir?”

Nakataas ang isang kilay niya habang nakangiti. Napatingin ako sa notebook ko - nakabukas nga, pero blangko pa rin ang pahina. At ang mas malala, nakasara pa ang takip ng ballpen ko.

Ngumiti siya. “Mesmerized?”

“Mortified, sir,” mabilis kong sagot.

“Hm.” Lalong lumawak ang ngiti niya. “Cute.”

Pagkatapos ay umupo na siya sa kanyang upuan habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Let’s try again,” sabi niya. “This time, keep up.”

Lord, tulungan Mo ako.

Hindi ko pa nga siya nakikitang may hawak na whiskey glass sa isang dimly lit bar habang nakatitig sa akin, pero heto ako, parang ready na akong magpaubaya.

Issa, no!

Anyway, ayun na nga. Nakaupo ako sa harap ni The Santiago Cortéz, sinusubukang magpakatatag. Kasi, hello, trabaho ko 'to, kailangan magpaka-professional, right? Pero deep inside? Grabe, kaunti na lang talaga, sasabog na ‘ko. I swear, parang may fireworks sa katawan ko sa tuwing tinititigan ko siya. Kasi naman, si Sir Santi, na sobrang guwapo, sobrang charming, at sobrang powerful na CEO ay nakaupo sa harap ko at ang tanging goal ko lang ay huwag magmukhang tanga dahil hindi ako p’wedeng magka-crush sa boss ko. Dapat, serious mode! Pero naman kasi, hello? Para siyang isang isang pantasya na biglang nabuhay sa totoong mundo. Ano bang dapat kong gawin?

At siya naman siyempre, alam niyang affected ako. Paano hindi? Halata yata sa buong pagkatao ko, eh. Hindi ko man aminin, sigurado akong kitang-kita ‘yon sa mukha ko. Pero buti na lang talaga, wala siyang binabanggit tungkol doon kahit pa nga kakaiba na naman siyang ngumiti na parang may alam siyang skireto na hindi mo alam. 

“First time mo ba sa ganitong setup?”

Napakurap ako. Para bang ilang segundo akong hindi naka-process ng kahit ano. “Ha? Ano po?”

“Sa corporate world. First time mo?” paglilinaw niya habang marahang tinatapik ang mga daliri sa mesa, nang hindi man lang niya inalis ang tingin sa akin. “So, how does it feel?”

Huminto ako sandali. Okay, Issa. Relax ka lang.

“Uh... parang...” Nilunok ko ang kaba ko. “Mainit.”

Ay. Diyos ko. Nasabi ko ba talaga iyon?

Huminga siya nang malalim na parang may naisip na namang kalokohan. Umayos siya ng upo, dahilan para lalo pang humigpit ang mamahaling suit sa parte ng dibdib niya. Hoy, sa totoo lang, dapat may award ang designer ng suit na iyon, ha. Ang lakas maka-guwapo!

“So, sa tingin mo, hot ako, huh?”

Biglang uminit ang mga pisngi ko pero pinilit kong kumalma. Kaya mo 'to, Issa. Nilalandi ka ng boss mo, ha. Aba huwag kang magpatalo, landiin mo rin!

“Hmm…parang mahirap namang hindi mapansin, Sir,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili.

At ayun na naman. Iyong ngiti…’yung nakakainis n’yang ngiti.

“You have a very... honest way of speaking, Miss Balmaceda.” Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi niya. “I like it.”

“Thanks,” sagot ko na lang, pilit na binabawi ang natitira kong dignidad.

Hay, gusto ko nang ihampas ang noo ko sa mesa. Grabe. Kasi, wala na. Talagang alam na alam ng lalaking ito ang ginagawa niya, at ang epekto niya sa akin. Pero sa totoo lang habang nakaupo ako roon, pakiramdam ko anumang oras ay bibigay ako. Parang isa-isang nawawala ang lahat ng rules na itinakda ko para sa sarili ko.

At nang akala ko ay tapos na ang paghihirap ng aking puso, casually, marahan niyang idinantay ang hinlalaki niya sa pisngi ko na parang wala lang. Sobrang gaan lang pero parang ilang boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko, girl! I swear, akala ko, sasabog ako right there and then!

Hoy, Santiago Cortéz, you sneaky, sexy devil!

“Ah…Sir? M-may dumi po ba ako sa mukha?”

Bahagya siyang nagtaas ng isang kilay, at sa isang iglap, parang lumambot nang kaunti ang tingin niya.

God. Tingin pa lang ‘yon, girl pero grabe. Hindi ko talaga gets kung paano niya nagagawa ’yon.

“Hmm…parang gano’n na nga.” 

Umayos ulit siya ng pagkakaupo, at ang loko - este - si Boss, ay biglang umasta na parang walang nangyari. Na parang hindi niya pinainit ang buong pagkatao ko gamit lang ang isang simpleng haplos.

Pero ang problema? Wala akong balak magpatalo, girl. No way. Huminga ako nang malalim at pinilit ilihis ang usapan.

“So, ano pa po ang mga gusto n’yong gawin ko, sir?”

“I’ll tell you later. Coffee muna tayo. Mukhang kailangan mo, eh.”

At doon ko narinig ang salitang pinaka-kailangan ko nga sa buhay ko ngayon. KAPE - na no’ng nakaraang araw ay halos isumpa ko pa nga. Tumayo kami at nagpunta sa pantry ng office niya, at okay, hindi ako magsisinungaling - literal akong natisod papunta sa coffee machine.

Perfect.

Super dignified.

Walang nakakahiya roon.

Pero siyempre, hindi ‘yon pinalampas ni Cortéz - nandoon agad siya sa tabi ko, at nang muntik akong madapa, mabilis niya akong hinawakan.

Sa bewang, girl.

Hinila niya ako palapit, sapat para maramdaman ko ang init ng katawan niya. Hindi ko alam kung anong klaseng pagsubok ’to, pero, Lord…

“Careful there,” bulong niya malapit sa tainga ko. At swear, muntik na akong mawalan ng malay dahil sa sobrang lapit niya. “Ayokong nasasaktan ka, Issa.”

Hoy, p’wede na ba akong mamatay ngayon? Dahan-dahan siyang umatras nang kaunti at tumingin sa akin and I swear, parang may sariling magnet ang mga mata niya. Nakakapanghina, girl.

“Okay ka lang?” tanong niya, sabay ng isang nakakainis na half-smile.

Hindi, Sir. Hindi ako okay! “Yeah, I’m good. Thank you, Sir,” sagot ko, pinipilit magpaka-nonchalant kahit sa loob-loob ko, gusto ko na siyang halikan!

“Good. You’re gonna need it for what’s next.”

What’s next? Naku, wala akong idea. Pero kung ano man ’yon…ready na ‘ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Five

    SOBRANG tahimik sa office. As in sobrang tahimik na kahit heartbeat mo, maririnig mo na. Limang voicemails na ang natanggap ko from Sachi at bawat isa ay mas dramatic sa nauna."Girl, bakit nandiyan ka pa?" "Nag-o-overtime ka ba talaga o nag-o-over-daddy?" "Kapag talaga nalaman kong nag-iisa ka riyan kasama siya, naku Issa, sinasabi ko sa 'yo!"Nag-iisa lang naman talaga ako. Katatapos ko lang mag-print ng monthly report na hindi ko naman talaga ginagawa dahil...basta mahabang kuwento na puno ng internalized capitalism – nang ma-realize ko na parang ghost town pala ang 25th floor kapag ganoong oras.Except - click. Footsteps. Lalaki. Mabigat ang mga yabag. Oh no. Please lang, universe. Si manong janitor lang sana. O si manong guard. Kahit sino, huwag lang siya, please.Dahan-dahan akong lumingon. At iyon na nga. Si Boss. White shirt na naka-roll ang sleeves, dark slacks. Parang K-drama feels lang. Tie undone, medyo magulo ang buhok pero ang guwapo-guwapo pa rin! Mukha itong pagod. Muk

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Four

    MAGKAHARAP kaming nakaupo ni Sachi sa pantry, sa harap ng plastic containers na halos wala nang laman."Kung may nagtatanong pa kung bakit ako single, sabihin mo na lang I'm committed... to suffering," sabi ni Sachi sabay tusok ng natitirang lettuce sa pinggan nito."Same, pero sa kaso ko, I'm committed to thirsting over my boss na malamang, hindi alam ang buo kong pangalan," sagot ko habang ngumunguya ng malabsang crouton.Naningkit ang mga mata ni Sachi. "Girl, Issa. Araw-araw kang nagte-train sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pa niya alam ang buo mong pangalan? For sure, alam niya ang birthday mo, blood type mo, pati kung ilan ang naging ex mo."Nabulunan ako ng tubig. "Hala?""Okay, joke lang 'yung last part. Pero come on. Si Daddy Santi 'yan. If James Bond and a cinnamon roll had a baby, siya 'yon. Sa tingin mo ba, hahayaan niyang kung sino-sino lang ang makakapasok sa orbit niya nang gano’n-gano’n lang? Siyempre, pina-background check ka no’n, besh.” Bago pa ako magreklamo, bigl

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Three

    OKAY, so pagkatapos ng coffee incident na iyon, which, by the way, was seriously H-O-T - hindi naging madali ang mga bagay-bagay. I mean, masisisi mo ba ako?Si Cortéz kasi…well, ay si Cortéz pa rin. Kalmado. Controlled. Professional. Pero nakakainis ang sobrang karisma niya na laging nagpapakaba sa akin, na para akong nakasakay sa rollercoaster 24/7. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa excitement o sa takot. Or both. Kaya pagkatapos ng munting coffee disaster, desperado akong mabawi kahit man lang kaunting control sa sitwasyon. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako isang starry-eyed intern na madaling matunaw sa ngiti ng isang gwapo at malanding boss, 'di ba?Kaya naman sinubukan kong magseryoso. O at least, iyon ang akala ko.Naupo na ako sa desk ko, trying to concentrate on the pile of papers sa harap ko. Pero siyempre, ramdam ko 'yung mata niya sa akin. It was like he had this magnet kaya hindi ako maka-focus sa kahit ano, kundi sa kanya lang. Parang irresistible force o

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Two

    MAAGA akong pumasok today.Like, "Ako-pa-lang-ang-tao-sa-buong-building" early. Kasi nga, first official day ko ito as temp assistant ni Mr. Jose Santiago Cortéz! At sa sobrang kaba ko, nag-make up ako na parang magsho-shoot ng music video. Blown-out hair, light blue na blouse na parang nagsasabing, “Harmless ako, please huwag mo ‘kong pansinin dahil malapit na ‘kong ma-panic attack” kind of shade.Pumasok ako nang poised, kahit punung-puno ang tiyan ko ng butterflies na parang mga lasing. The office was glass-walled, all sharp corners and minimalist furniture. Ang tahimik. Ang sosyal. Ang intimidating. Kahit nga ‘yung mga upuan, parang mas mahal pa sa laptop ko.Then, click. Bumukas ang elevator. Then, footsteps. Leather shoes, confident ang tunog. At gano’n lang, biglang uminit na naman ang temperature sa opisina. Nang lumingon ako, nando’n na si Boss, ang survivor ng coffee disaster kahapon. At sa kasamaang-palad para sa mahina kong puso, nag-dugs-dugs-dugs na naman siya dahil sa

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter One

    PUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status