แชร์

Call Me Daddy One More Time
Call Me Daddy One More Time
ผู้แต่ง: Margaux Wilde

Chapter One

ผู้เขียน: Margaux Wilde
last update วันที่เผยแพร่: 2026-08-16 20:30:58

PUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.

At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.

“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.

Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.

“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.

O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa akin na lalong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

“N-naku, Sir, hindi po! Sorry! Ang bilis n’yo kasing maglakad! Ginulat n’yo ako tsaka…”

“Sinasabi mo bang kasalanan ko pa na nabuhusan mo ako ng kumukulong kape?”

“H-hindi naman po sa gano’n, Sir…kaya lang kasi…”

At sa halip na sermon ay isang matamis na ngiti ang natanggap ko mula sa aking bagong boss. At ayun na nga, first day pa lang, sigurado na ako sa dalawang bagay: Una, in love na yata ako. Pangalawa, hindi na ako uli hahawak ng mainit na kape.

Unless galing kay boss, na may kasamang kiss…

Pagkasarado ng elevator, napatili na lang ang utak ko at napabuntung-hininga. "Girl," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin. "Hindi lang siya gwapo, girl. He's... biblical!"

As in  part-the-Red-Sea levels, As in ruin-me-Daddy levels. As in kung magkakaroon ng marketing campaign ang salitang tall, dark, and dangerously magnetic, si Jose Santiago Cortéz ang magiging mukha nito.

 At bininyagan ko lang naman siya ng kumukulong kape! 

Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay tiningnan ko agad ‘yon - text galing kay Sachi, ang best friend kong self-proclaimed life coach at full-time pasimuno ng gulo sa buhay ko.

SACHI: Ano, first day mo pa lang, sinabotahe mo na agad ang career mo?

ME: Sach, gusto ko nang umuwi, ngayon na!

SACHI: Kasi naman, ano ba ang nangyari at nabuhusan mo siya ng kape? Teka, kailangan mo na ba ng pang-piyansa?

ME: Bes, sobrang gwapo niya kasi, hindi ko kinaya! Nag-panic ako! Tapos ayun. Hindi ko na rin alam kung anong nangyari!

SACHI: Jusko ka. Kailangan ko ng pictures!

ME: Ng alin? Ng pantalon niya?

SACHI: OO!

Muntik ko nang maihulog ang cellphone ko katatawa. Classic Sachi. Pero nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko 'yung boses ni Sir - malalim, masarap sa tainga, masarap…

Napabuntung-hininga uli ako at marahang iniuntog ang noo sa dingding ng elevator. Magfocus ka nga, Issa! 

Hay. Ang gusto ko lang naman sa buhay ay gawin ang trabaho ko at matapos ang internship na ito nang walang gulo. Walang scandal. Walang disaster. At lalong walang distraction na nakamamahaling suit at may mga matang parang nababasa na ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa buhay.

Pero pagbukas ng elevator, alam n'yo kung sino ang muntik ko na namang mabunggo? Yep. Siya na naman. Nakatayo si Boss sa labas, may kausap from HR. Nakatupi na ang manggas ng polo niya, na para bang hindi pa sapat na gwapo siya sa suit n’ya. Kailangan talagang ipakita ang muscles, Sir?

At ako? Nakatayo lang na parang fangirl na malapit nang maiyak sa sobrang kilig.

Napalingon sa akin si Jose Santiago Cortéz. Bahagya siyang ngumiti na para bang alam niyang malapit na ‘kong malusaw.

“Intern,” sabi niya sa kalmadong boses. “Subukan mong huwag na akong pasuin next time. Nakatingin ang HR.”

Binuka ko ang bibig ko. Isinara. Binuka ulit. “Okay lang naman kayo, Sir,” mahina kong sabi. “Yung pantalon n'yo naman ang mas napuruhan.”

Diyos ko. Bakit ko sinabi 'yon?

Tiningnan ako ng taga-HR na parang handa na siyang gumagawa ng termination memo para sa akin.

“Let's hope the rest of the week is less... wet,” sabi ni Santiago.

Napakurap ako. Sir?

Hay, sigurado akong sisigaw na naman si Sachi kapag ikinuwento ko ito sa kanya mamaya.

At sa pagkakataong iyon, gusto ko na lang maglaho. O kaya mag-resign. Ah basta, kahit alin sa dalawa.

~~

PAGPASOK ko sa breakroom-slash-hiding-spot, naupo agad ako na para bang kagagaling lang sa marathon. Nag-dial ako - isang ring. Dalawa. Tatlo.

"Hello?" Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng boses ni Sachi. "So, tuloy na ang kuwento, girl!"

"Ayun na nga, aksidente lang, natisod ako, lumipad ang kape, it hit the target."

"Ano ang target?"

"Eh di ‘yung ano n’ya."

Dinig na dinig ko ang sigaw ni Sachi na halos mapunit na ang eardrum ko sa lakas. "Oh my God. Nagalit ba?"

"Ayun na nga, hindi! Pero mas malala. Aba, parang natuwa pa nga ang loko! Like natawa pa siya. Na para bang bigla, ang tingin niya sa akin, komedyante! Nag-blush pa ako, tapos siya - ayun, nginitian lang ako, Sachi! Alam mo ‘yung effect ng smile ni Pedro Pascal na parang alam niya na pinagpapantasyahan mo siya tuwing madaling-araw? Gano’ng-gano’n!”

“Eh gano’n ka naman talaga, diba?”

“Oo na, oo na, pero naman!”

“Issa, naiintindihan mo ba ang nangyayari? Ang boss mo, ka-aura ni Pedro Pascal! Pangarap ‘yan ng lahat ng babae, girl!”

“Diyos ko, hindi ko na yata kaya, besh! He’s too much! Sobrang guwapo, sobrang mabango, ang boses, Sach, parang ang…sarap! At may pa-ugat, besh!”

"Ugat? B*tch, teka lang!"

“At ito pa, may pahabol pa siya na, 'Let's hope the rest of the week is less wet.' Emphasis sa WET! Muntik na yata akong mag-black out kanina!"

Napasigaw uli si Sachi. "Hoy, tigilan mo na nga! Sobrang kinikilig na ‘ko dito!"

"Pinagpapawisan na nga ako, hindi pa man ako nagsisimula ng actual work! Paano kung tanggalin n’ya ako dahil sa kalandian kong ito?"

“Oh, at least, natanggal ka with honor. Aba, kung ako, mawalan ng trabaho dahil sinabihan ako ng hot CEO boss ko na huwag ko siyang landiin, ipapa-print ko ‘yan sa T-shirt, besh!”

"Sachi. Hindi totoo ang lalaking ‘yon, I swear. Parang galing lang sa panaginip ko, eh."

"Tapos ikaw, ayan, parang flirty intern ang atake. Para kang nasa romcom novel, besh! Ay wait, revise natin - para kang nasa steamy novel, girl."

“Hoy, sinasabi ko sa ‘yo, ang kilig ko, parang abot na hanggang next week!”

“Basta ang advice ko sa ‘yo, bes? Kailangan mo ng bagong lip gloss at bagong undies. Dapat lagi kang handa!”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Five

    SOBRANG tahimik sa office. As in sobrang tahimik na kahit heartbeat mo, maririnig mo na. Limang voicemails na ang natanggap ko from Sachi at bawat isa ay mas dramatic sa nauna."Girl, bakit nandiyan ka pa?" "Nag-o-overtime ka ba talaga o nag-o-over-daddy?" "Kapag talaga nalaman kong nag-iisa ka riyan kasama siya, naku Issa, sinasabi ko sa 'yo!"Nag-iisa lang naman talaga ako. Katatapos ko lang mag-print ng monthly report na hindi ko naman talaga ginagawa dahil...basta mahabang kuwento na puno ng internalized capitalism – nang ma-realize ko na parang ghost town pala ang 25th floor kapag ganoong oras.Except - click. Footsteps. Lalaki. Mabigat ang mga yabag. Oh no. Please lang, universe. Si manong janitor lang sana. O si manong guard. Kahit sino, huwag lang siya, please.Dahan-dahan akong lumingon. At iyon na nga. Si Boss. White shirt na naka-roll ang sleeves, dark slacks. Parang K-drama feels lang. Tie undone, medyo magulo ang buhok pero ang guwapo-guwapo pa rin! Mukha itong pagod. Muk

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Four

    MAGKAHARAP kaming nakaupo ni Sachi sa pantry, sa harap ng plastic containers na halos wala nang laman."Kung may nagtatanong pa kung bakit ako single, sabihin mo na lang I'm committed... to suffering," sabi ni Sachi sabay tusok ng natitirang lettuce sa pinggan nito."Same, pero sa kaso ko, I'm committed to thirsting over my boss na malamang, hindi alam ang buo kong pangalan," sagot ko habang ngumunguya ng malabsang crouton.Naningkit ang mga mata ni Sachi. "Girl, Issa. Araw-araw kang nagte-train sa kanya. Sa tingin mo ba, hindi pa niya alam ang buo mong pangalan? For sure, alam niya ang birthday mo, blood type mo, pati kung ilan ang naging ex mo."Nabulunan ako ng tubig. "Hala?""Okay, joke lang 'yung last part. Pero come on. Si Daddy Santi 'yan. If James Bond and a cinnamon roll had a baby, siya 'yon. Sa tingin mo ba, hahayaan niyang kung sino-sino lang ang makakapasok sa orbit niya nang gano’n-gano’n lang? Siyempre, pina-background check ka no’n, besh.” Bago pa ako magreklamo, bigl

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Three

    OKAY, so pagkatapos ng coffee incident na iyon, which, by the way, was seriously H-O-T - hindi naging madali ang mga bagay-bagay. I mean, masisisi mo ba ako?Si Cortéz kasi…well, ay si Cortéz pa rin. Kalmado. Controlled. Professional. Pero nakakainis ang sobrang karisma niya na laging nagpapakaba sa akin, na para akong nakasakay sa rollercoaster 24/7. Hindi ko lang alam kung dahil ba iyon sa excitement o sa takot. Or both. Kaya pagkatapos ng munting coffee disaster, desperado akong mabawi kahit man lang kaunting control sa sitwasyon. Kailangan kong patunayan na hindi lang ako isang starry-eyed intern na madaling matunaw sa ngiti ng isang gwapo at malanding boss, 'di ba?Kaya naman sinubukan kong magseryoso. O at least, iyon ang akala ko.Naupo na ako sa desk ko, trying to concentrate on the pile of papers sa harap ko. Pero siyempre, ramdam ko 'yung mata niya sa akin. It was like he had this magnet kaya hindi ako maka-focus sa kahit ano, kundi sa kanya lang. Parang irresistible force o

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter Two

    MAAGA akong pumasok today.Like, "Ako-pa-lang-ang-tao-sa-buong-building" early. Kasi nga, first official day ko ito as temp assistant ni Mr. Jose Santiago Cortéz! At sa sobrang kaba ko, nag-make up ako na parang magsho-shoot ng music video. Blown-out hair, light blue na blouse na parang nagsasabing, “Harmless ako, please huwag mo ‘kong pansinin dahil malapit na ‘kong ma-panic attack” kind of shade.Pumasok ako nang poised, kahit punung-puno ang tiyan ko ng butterflies na parang mga lasing. The office was glass-walled, all sharp corners and minimalist furniture. Ang tahimik. Ang sosyal. Ang intimidating. Kahit nga ‘yung mga upuan, parang mas mahal pa sa laptop ko.Then, click. Bumukas ang elevator. Then, footsteps. Leather shoes, confident ang tunog. At gano’n lang, biglang uminit na naman ang temperature sa opisina. Nang lumingon ako, nando’n na si Boss, ang survivor ng coffee disaster kahapon. At sa kasamaang-palad para sa mahina kong puso, nag-dugs-dugs-dugs na naman siya dahil sa

  • Call Me Daddy One More Time   Chapter One

    PUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA.At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho.“Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman.Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl.“‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash.O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status