CHAPTER 26CALL ME, KUYA!“Whoa! Grabe ang kaba ko boss dahil sa mga nangyayari sa bahay niyo. Hindi ko ma imagine ang sarili ko na parang nasa isang libro ako na binabasa at nasa exciting parts na po tayo. Buti na lang at pumayag si mommy Maribel na sasama ako sa'yo dahil kung hindi, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko na pagsisinungaling.” Kwento ko sa aking boss na siya namang nakikinig sa akin.Bumaling siya sa akin at binalik agad ang tingin sa kalsada dahil siya ang nagmamaneho ng kotse.“I know, napansin ko nga na malapit ka ng maputla dahil sa biglaang pangyayari. I'm sorry for what had happened. Sana hindi ka na pressure sa mga nangyayari.” Aniya.Ngumiti ako, "hmmm, hindi naman, masaya nga ako na kahit papano ay napasaya ko ang ina mo. Sana okay po yong ginawa ko na pagpapanggap.” Saad ko na kahit ideny ko man sa sarili ko ay mali pa rin ang ginagawa namin. Nasimulan ko na kaya tatapusin ko na lang ang laban pa ba na matatawag ito at para sa pera kaya ginagawa ko ang la
CHAPTER 27CALL ME, KUYA!“Do you like… him?” naka igting ang kanyang panga na nagtanong sa akin. Umupo ako sa sofa dahil pinapasok niya ako sa loob ng opisina niya na ang balak ko sana ay pupunta ako kay Mrs Rival. “Huh? Sino po?” tanong ko sa kanya, nakapamewang itong nakatingin sa akin habang nakasandal sa kanyang table ang kanyang pwetan. "Yung kasabay natin kanina na unggoy sa elevator." Huh? Unggoy? Sino? “Ah! si sir engineer ba? Unggoy pala ang pangalan niya. At tinatanong niyo po sa akin kuya na kung gusto ko ba siya?”"You already heard me, yes?” Umiling ako sa paratang niya, impossible kong magustuhan iyon, eh hindi ba nong last ko nakita siya ay may babae sa bahay na pinuntahan ko, so paano ko siya magugustuhan? Tumingala ako sa kanya. “Hindi no, may girlfriend ang tao tapos papatulan ko pa.”"Kung walang girlfriend, magugustuhan mo?" Matalim itong nakatingin sa akin na parang anytime na sasagot ako nang oo ay agad siyang pumalag dahil hindi niya nagustuhan ang sagot
CHAPTER 28CALL ME, KUYA!“Talaga Unique?!"“Oo nga Budang-"“So, ano na? Maganda ang loob ng bahay nila, ano?" Tanong nito kaya tumango ako."Sobra at maraming silang katulong . May swimming pool at kung ano-ano pang buhay mayaman na kagamitan siguro ay meron sila. Pero mas maganda ang bahay namin, ano.” Sambit ko sa kaibigan."Of course naman, maliit lang ang bahay natin pero maganda rin at malinis tingnan. Wow, Ikaw na talaga at ang swerte mo naman talaga kung alam mo lang sa estado ng buhay mo ngayon, Unique.” saad n'ya. Nasa coffee shop kami ngayon at umorder lang ako ng milk tea at ganoon din si Budang, kasi may dinaanan s'ya dito sa area kung saan ang building ng amo ko kaya nagpaalam ako na kung pwede ko ba siyang makita at mabuti na lang at pumayag si sir I mean sir Izaak.Dahil kung hindi, iiyak na ako malala talaga pa yan, dahil kaibigan ko si Budang eh, namimiss ko rin ang kaibigan ko. Kahit ilan pa ang bagong kaibigan ang meron ako ngayon ay kay Budang pa rin ako nakik
CHAPTER 29 CALL ME, KUYA!“Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Singhal ko sa kanya. Mas lalo niya pang hinigpitan sa pagkahawak ang kaliwang pulupulsuhan ko.“Ano ba ang problema mo ha?" Tanong ko sa kanya habang nasa kotse na kami. Tumingin siya sa akin at nagulat ako na bigla niyang hinampas ang manibela gamit ang kanyang kanang kamay.“Fuck! Tang'na!" Sabay mura niya.“Minumura mo ba ako?" Galit ko na paratang sa kanya habang hinampas ko rin ang balikat niya, medyo malakas kaya ang ginawa ko kaya matalim itong nakatingin sa akin.“Galit ako, pero hindi kita minumura!"“Hindi ka galit at hindi mo ako minumura. Eh, ano ang tawag mo sa ginagawa mo sa akin, ha? Alangan naman nagmumura ka, dahil sa paghampas mo sa manibela, eh di ang tanga mo, ginusto mo iyan."“Unique-"“Oh, ano? Di ba tama o talagang minumura mo talaga ako! Anong kasalanan ko ha, kuya Izaak? Ano? Ano?" Panay tanong ko habang hinahampas ulit siya sa balikat. Ayoko ko kasing minumura na hindi ko man lang alam kung ano ang
CHAPTER 30CALL ME, KUYA!“Sabi na lumabas ka nga ng kwarto ko! Alis!” Palayas ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya habang inuubos ang cake niya. Sarap sanang kumain ng cake na yan dahil mukhang masarap pero dahil siya ang nag-abot sa akin ay nawalan lamang ako ng gana.“No! I'm going to stay here, iyon ang sabi ni mommy na humingi ako ng sorry but without your forgiveness ay hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako pinatawa." Sambit niya.Nakapamewang akong nakadungaw sa kanya habang nasa gilid siya ng kama ko nakaupo at kumakain pa rin ng cake habang nakatingala sa akin, gusto pa yata akong akitin ng cake na mukhang masarap nga pero dahil galit ako sa kanya kaya di bale na lang.“Eh, sa baliw ka kanina. Tapos, agad-agad patatawarin kita? Iniwan mo pa nga ako sa kotse na hindi man lang binalikan at hindi mo alam na marami na akong luha na nasayang! Tapos ngayon! Magsosorry kana lang bigla dahil sinabi ng mommy mo? No way, Mr. Legaspi kaya umalis ka na sa kwarto ko at matutulog n
CHAPTER 31CALL ME, KUYA!“Talaga bang ayaw mong sumama sa akin, baby?" Tanong ulit ni mommy sa akin, tumulong kasi ako sa kanya na mag-impake ng damit dahil may business trip sila ni daddy sa Dubai tomorrow at maaga ang flight nila. Gusto akong isama kaso birthday ko na itong buwan at baka magalit si mama at papa na hindi ako umuwi sa bahay tulad ng napagkasunduan namin. Tapos, isang buwan pa talaga sila doon sa ibang bansa para masulit.“Wala po akong gana na magtravel mommy sa malayo, kaya sorry po, sana maintindihan niyo po ako.” Binaba ni mommy ang kanyang eyeglass at ipinatong sa maliit na table. Malabo na ang mata ni mommy kaya kailangan niya ng magsuot ng eyeglass lalo kapag nagbabasa. “It's okay, baby, kung wala ring trabaho si kuya Izaak mo ay malamang, sasama iyan, pero dahil meron daw kaya wala kaming magawa ni daddy mo at ikaw ayaw mo rin pero naiintindihan naman namin dahil minsan, natatakot ka talagang magtravel lalo kapag hindi kami ang kasama mo.” Tumango ako sa sin
CHAPTER 32CALL ME KUYA!Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame. Until now, hindi pa rin ako sanay na nagigising sa ibang kwarto. Parang nasa kulungan ako na nahihirapan na kumilos dahil sa sobrang siksikan at dito naman ay hindi ko pagmamay-ari ang mga gamit na narito kundi sa pamilyang Legaspi lalo itong kama na tinutulugan ko na kay sarap gumulong-gulong dahil sa sobrang lambot ng mattress foam. Napabuntong hininga ako at tumagilid ng higa pero nagulat ako na nakita ko si kuya Izaak sa gilid ng kama ko nakatayo at nakapamewang na nakadungaw sa akin.“Ku-kuya Izaak, ka-kanina pa kayo riyan?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakatingin sa akin at ngumiti."Not really, ten or fifteen minutes pa lang akong naghihintay sa'yo na magising ka.” Huh? “Bakit namam? May lakad ka ba ngayon at kailangan mong magpaalam sa akin or dahil papalaysin mo na ako sa–” napaupo agad ako sa kama dahil sa naiisip. "Happy birthday, Unique Mahinhin-”"Okay, happy
CHAPTER 33CALL ME, KUYA!“Ouch! What?" Tinampal ko ulit ang kanyang balikat dahil may patawa pa siyang nalalaman habang ako ay naiinis na sa kanya. “Ikaw ha… ang dami mong alam boss, noh,” ani ko sa kanya pagpasok namin sa kotse. Sinuot ko ang seatbelt ko at matalim pa rin ang tingin sa kanya, samantalang siya ay hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi.“Huh? Saan?"“Maang-maangan ka pa riyan. Kung ano-ano na lang ang sinasabi mo sa iba tungkol sa ating dalawa. Bakit may pa boyfriend boyfriend ka pang nalalaman diyan, huh?"“What? Ano ba ang tungkol sa sinabi ko?” Aba! Iba naman to mag-isip ang lalaking ito. “Syempre, baka maniwala iyon. Pwede mo namang sabihin na kapatid tayo bakit boyfriend?” Biglang nagtagis ang bagang n'ya dahil sa sinabi ko. Matalim itong nakatingin sa kalsada habang mariin ang paghawak sa manibela.“What's wrong with that? Hindi naman tayo magkapatid, shit...what?” Baliw na talaga ang lalaking ito kaya hindi ko na mapigilan na pasakitan siya, nagsusungit