Share

Chapter 47

Hindi ako nasundo kinabukasan ni Zid. Naiitindihan ko na may pinagkakaabalahan siya pero may parte sa isip ko na gustong malaman kung ano iyon.

Sinundo na lamang ako ni Apollo sa condo dahil along the way naman daw iyon sa location namin.

"Good morning," bati niya sa akin pagpasok ko ng kotse.

Kaagad niyang iniabot ang kape mula sa isang sikat na coffee shop nang makaupo ako.

"Thank you," sabi ko at kinuha iyon.

May pa-kape pa siya.

Nagsimula na siyang magmaneho habang nagtataka kong binubuksan ang note na nakadikit doon.

'Hi babe, have a great day. I love you' 

Iyon ang nakasulat. Magkasalubong ang kilay na binalingan ko siya ng tingin.

Gwapo, matipuno at mabait si Apollo. Imposible na walang magkakagusto sa kan'ya. Ang mga modelo nga namin minsan ay panay ang pa-cute kapag siya ang kumukuha ng litrato sa kanila.

"Yes?" tanong niya nang mahalatang nakatitig ako sa kan'ya. Umiling ako kahit nagtatak

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status