Share

Chapter 5

Author: Bluish Blue
last update Last Updated: 2025-12-01 03:04:56

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatulala lang kay Sir Javier. Pakiramdam ko nga ay nabingi ako pagkatapos kong marinig ang mga huli niyang sinabi at tanging ang malakas na tibok ng puso ko ang siyang naririnig ko lang.

"Would you mind if we talk inside?" kaswal niyang tanong na para bang hindi niya ako sinisante kahapon. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid. "Baka may makakita sa atin."

Kung kahapon lang ay nagtitimpi pa ako ng galit sa kanya, ngayon ay hindi na. "Ayaw kong makita ang pagmumukha mo."

Saglit siyang natigilan at napatayo nang matuwid. "Look, I'm sorry about firing you yesterday—"

"Exactly," sabi ko at hindi hinayaang matapos ang sanang sasabihin niya. "Wala ng rason para mag-usap o magkita pa tayo."

Mukhang naputol na nga ang pasensya niya dahil nakikita ko na mismo ang ekspresyon na nakabisado ko na sa loob ng limang taon. "Hindi mo ba ako narinig? Iyong sample na pag-aari ko ay naiturok sa iyo."

"Oh tapos?" sarkastiko kong tanong. "Hindi ko iyon kasalanan. Nagbayad din naman ako kaya patas lang tayo."

"Anak ko ang nasa sinapupunan mo ngayon, anak natin."

Ako naman ang natigilan. Hindi ko iyon naisip kaagad. Pakiramdam ko ay sinabuyan ako ng malamig na tubig pagkatapos kong marinig ang dalawang huling salita.

'anak natin'

Umiwas ako ng tingin. "So anong gusto mong mangyari?"

"Kaya nga sabi ko sa loob tayo mag-usap, hindi ba?" balik niyang tanong sa akin.

Tatalikuran ko na sana siya para buksan ang pinto ng boarding house ko nang biglang tumunog ang tiyan ko. Hindi lang iyon basta tunog lang dahil abot iyon hanggang sa tainga ni Sir Javier.

Lihim akong napamura. Nakakahiya!

Saglit kaming nagkatinginan at ako ang unang umiwas ng tingin. "P-Pwede bang pumunta muna ako saglit sa supermarket?"

"Marco..."

Kaagad namang lumapit si Marco.

"Anong gusto mong kainin at ipapabili ko kay Marco?" tanong niya.

"Actually, h-hindi ko alam..." mahina kong sagot.

Hindi ko man siya tingnan pero alam kong nakataas na ang kilay niya at kung nasa ibang sitwasyon pa kami ngayon ay malamang sinabi niya ng... 'may utak ka ba?'

"Normal po sa mga nagdadalang-tao iyan, sir."

Eh?

Kaagad kong nilingon si Marco na abala na sa tablet na lagi niyang dala-dala.

"Minsan ay hindi nila alam kung ano ang gusto nilang kainin, minsa ay weird din ang panlasa nila."

Gusto kong palakpakan si Marco!

"Anong dapat gawin?" tanong naman ni Sir Javier.

"Mas mainam na dalhin siya sa supermarket o restaurant at makikita niya roon kung anong gusto niyang kainin."

Saglit na natahimik si Sir Javier na parang nag-iisip. Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Tawagan mo si Steve at sabihing ipasara muna saglit ang supermarket niya," kaswal na sagot ni Sir Javier habang ako naman ay nanlalaki ang mga mata.

"Okay po."

Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang hawakan ni Sir Javier ang kamay ko at marahang hinila papunta sa kotse niya. Nag-init bigla ang pakiramdam ko at para bang nakukuryente ang kamay ko. Isang pakiramdam na kay Randolph ko lang naranasan noon.

Binuksan niya ang pinto sa backseat at inalalayan akong makaupo. Pagkatapos ay umikot siya sa kabila saka sumakay. Si Marco naman ay nasa harap na ng manibela.

Tahimik lang ako buong byahe. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. This was all so sudden. Kahapon lang ay sinigawan niya ako sa harap ng lahat at sinisante pa. Tapos ngayon ay napakamaginoo niya?

Dahil ba magkakaanak kami?

Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko at napapikit nang mariin. Ano ba itong naiisip ko!

Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dahil wallet at cellphone lang naman ang dala ko ay kaagad kong nakita sa screen kung sino ang tumatawag. Si Dok Marquez.

Awtomatiko akong napatingin kay Sir Javier.

"Wala ka sa opisina at hindi na kita secretary, so feel free to answer that call," sabi niya kahit wala pa naman akong sinasabi.

Sinagot ko na lang ang tawag.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay kaagad nang nagsalita si Dok Marquez. Wala na ngang hi or hello. Halatang natataranta siya.

"Miss Rivera, I'm really sorry. Ang egg cells na na-extract sa iyo ay aksidenteng na-fertilized sa isang sperm cells na hindi mo naman pinili. Huli na nang mapagtanto namin. Nagkaroon ng palitan sa dalawang sperm—"

"Alam ko na po iyon, dok," mahina kong sagot.

"H-Ha? Paano?"

"Kasama ko po iyong may-ari ng sample na aksidenteng na-fertilized sa sample ko," pagpapaliwanag ko. "Si Mr. El Zamora, hindi po ba?"

"Ganoon na nga, Miss Rivera," sagot naman niya na halata pa rin ang pangamba sa tinig niya. "Ang sabi niya sa doktor niya, kapag hindi ka raw pumayag sa kasunduan ay ipapakulong niya kami at tatanggalan ng lisensya. Miss Rivera, sana ay pumayag ka na. May anak akong cancer patient, please."

Kasunduan?

"Tatawagan ko po kayo ulit, dok." Kaagad ko nang pinatay ang tawag.

Kaya marahil ay pinuntahan niya talaga ako sa boarding house ko dahil may ginawa siyang kasunduan. Iyon yata ang gusto niyang pag-usapan namin.

Anong kasunduan naman kaya iyon?

Hindi ko namalayang tumigil na pala ang kotse. Bumaba si Sir Javier at dali-daling umikot para pagbuksan ako ng pinto. Hindi ko alam kung anong mararamdaman talaga. Awkward?

Iyong lalakeng laging galit at sinisigawan ako, ito at pinagbubuksan ako ng pinto. Just how fast the night changes indeed.

"Pambihira ka naman, Javier."

Nalipat ang tingin ko sa lalakeng sumalubong sa amin.

"Huwag ka nang magreklamo at ipapa-transfer ko kaagad ang isang milyon sa account mo, happy?"

Isang milyon!

Para lang makapagpili ako ng gusto kong kainin?

Ibang klase talaga ang mga mayayaman!

"Who's this beautiful lady?"

Nabalik ako sa hwisyo nang mapansing nakatingin na pala sa akin ang lalake. Siya yata si Steve?

Kaagad namang hinawakan ni Sir Javier ang kamay ko. "My fiance."

"Fiance?" halos sabay naming tanong ni Steve.

Hindi na nagsalita pa si Sir Javier at marahan akong hinila papasok sa backdoor ng supermarket.

Napapailing na lang ako nang mapagtantong kami lang ang tao sa loob. Pinasara niya nga talaga. Tapos nagbayad pa siya ng isang milyon.

Pwede ko kayang hingiin na lang ang isang milyon na iyon?

Ay tang ina ko talaga!

Hindi ko namalayang may tulak-tulak na siyang cart.

"Kumuha ka ng kahit anong gusto mo." Authoritarian, as always.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. "Kahapon lang ay—"

"Will you marry me?"

Naloko na!

Ano raw?

"Seryoso ka? Dito talaga sa supermarket nag-propose tapos wala man lang singsing?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko! "A-Ang ibig kong s-sabihin, b-bakit naman? Hindi tayo magkarelasyon—"

"We're having a baby, hindi pa ba sapat na rason iyon para magpakasal?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 43

    Tahimik ang biyahe pabalik sa mansyon ni Javier.Hindi iyong uri ng katahimikang komportable, kundi katahimikang puno ng bigat—parang bawat segundo ay may pasan na lungkot na walang gustong magsalita. Ang tunog lang ng gulong sa kalsada at ang mahinang ugong ng makina ang pumupuno sa pagitan namin.Nakatanaw lang ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw na dumaraan, mabilis na nawawala, parang mga alaala na ayaw kong iwan pero wala rin akong magawa.Hindi ako umiyak sa biyahe.Siguro dahil ubos na ang luha ko. O baka dahil pagod na pagod na ang puso kong masaktan.Pagdating namin sa mansyon, sinalubong kami ng liwanag—malinis, maliwanag, tahimik. Lahat ay maayos. Lahat ay kontrolado. Parang walang nangyaring trahedya sa mundo. Parang walang pamilyang nasunog. Parang walang isang babaeng nawalan ng lahat sa isang iglap.At doon ko lalo naramdaman ang pagkakaiba.Ang layo ng mundong ito sa mundong kinalakihan ko.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, agad akong bumaba. Hindi ako naghintay. H

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 42

    Hindi ko na alam kung gaano na katagal akong nakaluhod sa harap ng mga puntod habang hawak ang payong na iniwan ni Javier, may kakausapin lang daw siya.Basa na ang damit ko. Mabigat na ang bawat hibla ng tela na kumakapit sa balat ko. Ang ulan ay patuloy sa pagbuhos, tila walang balak tumigil, tila may sarili rin itong dalamhati na nais ilabas.Ang putik ay kumakapit sa mga palad ko habang nakaluhod ako sa lupa, parang ayaw din akong pakawalan—parang gusto nitong ipaalala sa akin na narito ako, sa mismong lugar kung saan tuluyan kong iniwan ang kalahati ng sarili ko.Humahagulgol ako. Hindi na pigil. Hindi na tahimik. Isang iyak na nagmumula sa kailaliman ng dibdib ko, parang hinuhugot ang lahat ng natitirang lakas ko sa bawat paghikbi.Hindi ko na iniisip kung may makakita. Hindi ko na iniisip kung may makarinig. Wala na akong pakialam.Kung may natitira man sa akin, iyon ay ang sakit.“Sobrang sakit,” bulong ko sa hangin, sa ulan, sa lupa. “Hindi ko yata kakayanin...”Parang may su

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 41

    Tahimik ang paligid sa loob ng isang linggo.Hindi iyong uri ng katahimikan na payapa—kundi iyong katahimikang may bigat, may laman, may kirot. Ang bawat sulok ay puno ng alaala, ng mga bulaklak na unti-unting nalalanta, ng amoy ng kandila at insenso na kumakapit sa balat ko kahit ilang beses na akong maligo.Isang linggong lamay sa isang funeral home.Isang linggong parang huminto ang oras, pero ako lang ang naiwan sa gitna ng paggalaw ng mundo.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong tinanong kung kumusta ako. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses akong tumango, ngumiti nang pilit, at nagsabing “okay lang ako” kahit alam kong kasinungalingan iyon.Parang may script na kailangang sundin, at pagod na pagod na akong gumanap.Sa gitna ng funeral home, magkakatabi ang mga kabaong.Mama.Papa.Ang mga kapatid ko.Magkakatabi sila—parang natutulog lang. Parang anumang oras ay maaari silang bumangon at tawagin ako. Parang sasabihin lang ni Mama na, “Sol, halika na, kumain ka muna.”Para

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 40

    Nagising ako sa tunog ng mga alon.Iyon ang una kong narinig—ang banayad na hampas ng tubig sa pampang, ang huni ng mga ibon sa labas ng bintana ng resort, at ang mahinang paghinga ni Javier sa tabi ko. Ito na ang araw. Araw na dapat sana’y pinakamaligaya sa buhay ko.Araw ng kasal namin.Bahagya akong ngumiti habang nakatitig sa kisame. Walang kaba. Walang takot. May kakaibang katahimikan sa dibdib ko, parang sa wakas ay may lugar na akong uuwian—hindi lang pisikal, kundi emosyonal.Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising. Lumapit ako sa bintana at hinayaan kong dumampi sa balat ko ang sikat ng araw. Kulay ginto ang langit. Tahimik ang paligid. Parang walang masamang maaaring mangyari sa mundong iyon.Napahawak ako sa dibdib ko, saka sa tiyan ko—isang reflex na naging natural na sa akin nitong mga huling linggo. May ngiti sa labi ko.“Magiging maayos ang lahat,” bulong ko sa sarili ko.At doon tumunog ang phone ko.Isang beses.Hindi ko agad sinagot. Inisip ko munang baka

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 39

    Magaan ang sikat ng araw nang magising ako kinabukasan.Hindi iyon ‘yong uri ng liwanag na nagmamadali, hindi rin ‘yong pilit na sumisilip sa pagitan ng kurtina. Ito ay banayad—parang may sariling paalala na huminahon, na namnamin ang sandali.Isang araw na lang.Bukas, ikakasal na ako.Huminga ako nang malalim habang nakahiga pa rin sa kama, nakatingin sa kisame na ilang linggo ko nang tinititigan pero ngayon lang parang may ibang kahulugan. Hindi na ito kisame ng isang babaeng nalilito, o babaeng nadala lang ng mga pangyayari. Ito na ang kisame ng babaeng handa—kahit may kaunting kaba, kahit may bahagyang takot.Pero higit sa lahat, may pananabik.Tumayo ako at dahan-dahang inayos ang kama. Hindi ko minadali ang kilos ko. Parang gusto kong pahabain ang araw na ito, iunat ang bawat minuto bago ito tuluyang lumipas.Sa labas ng kwarto, abala na ang bahay. May mga kahon sa gilid ng sala—mga damit, sapatos, ilang personal na gamit na dadalhin namin sa resort. May mga garment bag na main

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 38

    Tatlong araw na lang.Tatlong umaga na lang ang gigisingin ko bilang si Sol na hindi pa kasal. Tatlong gabi na lang ang paghahati ko sa pagitan ng kaba at pananabik, ng mga tanong at sagot na hindi ko pa rin kayang bigkasin nang malakas.At ngayong araw, narito kami ni Javier sa isang tahimik ngunit eleganteng atelier sa gilid ng lungsod—ang huling yugto bago tuluyang maging totoo ang lahat.Final fitting.Hindi ito engrandeng eksena. Walang camera. Walang press. Walang mga taong nagtataas ng kilay para husgahan kung tama ba ang desisyon ko. Kami lang. Ang mga mananahi. Ang mga salamin. At ang katotohanang tatlong araw na lang ang pagitan ko sa salitang “asawa.”Huminga ako nang malalim habang inaayos ni Madam Ros ang laylayan ng gown. Tahimik ang buong silid maliban sa marahang tugtog ng klasikal na musika at ang maingat na paggalaw ng mga kamay na sanay humawak ng pangarap ng ibang tao.“Relax, hija,” sabi niya nang mahina. “Perfect na ang fit mo.”Ngumiti ako, kahit ramdam kong mas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status