LOGINTINULUNGAN ko si Nanay sa mga pinamili niya. Bahagya kong tinabi ang mga iyon at inalalayan makaupo siya sa nag-iisang long sofa.
"Tinanghali ka ata nay, marami bang bumibili sa bayan?" saad ko matapos magmano sa kanya.
"Oo eh sinusumpong pa ako nitong rayoma ko." ngumiwi ang mukha niya tila may iniinda. Napahawak ako sa balikat niya.
"Okay ka lang po? Sana ako na lang ang tumulak sa bayan" nag-alala kong sabi.
Mabilis siyang umiling. Nagpapahid sa pawis na bumubuo sa noo niya.
"Ikuha mo lang ako ng tubig Den, nauuhaw ako bigla." mahinang tulak niya sa akin para tumayo.
"Sige nay." saglit ko siyang iniwan para kuhanan siya ng maiinom. Pagbalik ko nagsalita ulit siya.
"Nga pala sino iyong kakaalis lang na kotse. Nakita kong galing dito, nakasalubong sa sinakyan kong tricycle?" kalmado ang boses ni Nanay. Pinatapos ko muna siyang tumungga ng tubig.
"Si Kikay iyon Nay, Anak ni Victor at Connie. Naalala niyo ho sila?" natigil siya, naniningkit ang mga matang tumingin sa akin. Dahan-dahan akong naupo sa tabi niya.
"Kikay? Hindi ba doon na iyon naninirahan ng Maynila." kunot noong sabi niya.
Nakita niya akong napakibit balikat. Inaabot niya iyong isang newspaper sa may lamesa.
"Nay totoo po ang sinasabi ko." natatawang sabi ko. Bigla ba naman akong hampasin.
"Papaano nga hindi ba naglayas iyon kasi nagrebelde-" tila siya pa ang nainis. Napakamot ako sa leeg ko.
"Aba anong nakakatawa Eden. Baka nakalimutan mo panay ang paninira ng nanay niya nung nahulog kayo pareho sa puno. Ikaw ang sinisi ng batang iyon hind-" Maagap ko siyang pinahinto sa bilis ng pagsasalita. Inirapan niya ako, hinahawi ang hintuturo kong nakaharang sa bibig niya.
"Kalma ho. Okay naman po kami at isa pa ang liliit pa namin dati. Kaya nga pumarito siya kanina para makipag ayos, may dala pa siyang pasalubong." nginuso ko ang nakapatong na paperbag sa gilid niya lang din.
"Plastic ang ganyan na tao." kumikibot ang bibig niya. Malaki talaga ang hinanaing niya sa pamilya ni Carmelle. Away bata lang naman ang nangyari noon pinalaki pa ng aming mga ina.
"Hay ewan ko sayo nay." Tumayo na ako para tumungo ng kusina. Kailangan ko na palang magluto sa pananghalian namin.
Sa kalagitnaan ng pagpapakulo ko ng tinolang manok. Sumilip ako sa gawi ni Nanay. Nakaupo pa din naman siya, iyon nga lang napatawa ako ng tahimik.
Padabog niya kasing hinalungkat ang dala ni Carmelle. Akala ko ba ayaw niya. Nakita ko pa paano umamo ang mukha niya ng kumagat ng tobleron chocolate. Napailing iling kong binalingan ang niluluto ko.
Minsan kasi pahirapan ng pride ang nasa dugo nila. Hindi nakapagtataka nakuha ko iyon sa kanya.
"KAIN na ho." Si nanay ang nag lead ng dasal bago kami nagsimulang kumain. Habang nasa kaligatnaan ng aming pananghalian. Naisip ko iyong offer ng aking kababata.
Pinagmasdan ko siyang abala sa paghiwa ng karne.
"Ikaw ang gusto kong papalit sa former work ko dun sa Manila."
"Teka lang Carms, bakit ako ang ipapalit mo. Edi mawawalan ka ng trabaho." napatampal naman siya sa noo niya.
"Hindi na ako mawawalan ng trabaho kasi magreresign naman na ako. Kumbaga ikaw ang papalit sa posisyon ko. Grab mo na." pamimilit niya.
Tama kaya na papayag ako. Pero tiyak hindi iyon aayon.
"Ayaw mo ba?"
"Wait lang pag iisipan ko muna."
"Kung natatakot ka sa Nanay mo. Ipa-intindi mo na lang hanggang sa papayag siya. Luluwas na ako sa susunod na araw. Babalik din agad ako ng Manila, may aasikasuhin pa din akong iba."
"Ba't ang bilis naman ata ng pag-alis mo kakauwi mo pa lang dito." hindi ako makapaniwala na nakaya niya pang iwan ang mga magulang muli para magpunta agad pabalik ng Maynila.
"Dapat ngayon palang pag-iisipan mo na para malaman ko bukas ang magiging desisyon mo. Tandaan mo hindi ka na bata na palaging aasa sa nanay mo. Be independent dzai walang mawawala dun."
"Nay?" tawag kong pansin sa kanya. Tamad siyang nag angat ng tingin na kagagaling sa pag-ihip ng sabaw.
"Den?"
Nangangapa ako ng isasagot. Tama pa ba itong sasabihin ko o mamalasin. Inabot ko ang baso na puno ng tubig.
Pinagmasdan niya akong umiinom. Nakakalahati ko pa iyon.
Halos mapatalon ako ng tumunog ang kutsara na tinabi niya sa plato. Ninerbyos ako bigla
"Natameme ka agad diyan."
Humilig ako sa sandalan ng upuan. Siya naman mabagal ang pag nguya ng karneng manok. Puno ng pagtataka ang ipinakita niyang tingin.
"May iba pa kasing pinunta ni Carmelle rito kanina. Hindi lang iyong pangkamustahan kundi nang-aalok ng -" nauutal kong sabi. Nakaabang ako sa kilos ng kanyang kamay, hawak ang sandok para pangkuha ng gulay sa mangkok.
"Anong klaseng alok ba iyan. Kung nakakaganda iyan sa future mo edi okay lang tanggapi-"
"Ako po iyong ipapalit niya bilang Personal Assisstant sa Maynila!"
Pareho kaming nagulat nang magkasabay na bumitaw ng salita. Bahagya akong yumuko ng mabitiwan niya ang sandok pabalik sa mangkok.
Umalingawngaw iyon kahit hindi naman kalakas ang pagbagsak nun. Kumabog ng malakas ang puso ko lalo ng hindi ito makaimik.
Pagkaraan binasag niya din ang nakakabinging katahimikan.
"Anong trabaho iyan." malumanay na sabi niya. Hindi iyon tanong.
"Parang secretary po pero ako ang taga asikaso, tagadala."
"So parang katulong, Utility?" Suminghap si Nanay ng hindi ako makasagot. Napangunahan ako ng takot.
"Kailan?" nagpatuloy siyang kumain ng kanin upang pigilan ang sarili na huwag ako bulyawan. Basang basa ko na ang mannerism ni Nanay.
"Kung papayag ka po... Sa susunod na araw ang alis namin." pikit matang tugon ko.
"Mas mabuting mag pokus ka muna sa kursong tinapos. Gusto ko maging guro ka sa hinaharap" binasa ko ang labi kong natutuyo kahit pa kakainom ko pa ng tubig.
"Sayang naman po nay."
Bumibigat ang sagutan namin. Nang magtama ang aming tingin mag ina, nahinuha kong hindi na maganda ang naging reaksyion niya. Namumula ang bandang dibdib niya at magkadugtong na halos ang dalawang kilay.
"Anong ibig mong sabihin Eden." mahinahon ngunit may bantang salita na binitawan niya.
"Pero kasi nay mas may advantage na pasukin ko ang ibang klase na trabaho para may experience ako kahit naman-" padabog siyang tumayo at nilampasan akong hindi natapos ang sasabihin.
Nalaglag ang panga ko ng iwan niya ako mag-isa. Sinundan ko si Nanay ng tingin na puno ng pagsusumamo. Na sana tignan niya ako na hindi na dapat tratuhing bata.
"Nay" winaksi niya ang braso kong pilit siyang hawakan sa oras ng dumaan siya sa akin.
"Bahala ka Eden" Iyan ang huling sinabi niya ng tuluyang lumaho ang likod niya ng makapasok ng kwarto.
Bumagsak ang braso ko ng mapagtanto ang ginawa ko. Hindi ko na dapat pilitin kung ayaw niya. Bukas ko nalang kakausapin si Carmelle. Ayaw ni nanay kaya makinig na lamang ako sa nag-iisang taong na naniwala sa akin.
HINDI ko maiwasan na mapaiyak nang unti-unting lumalayo ang pigura ni Nanay sa papalayong bus na sinakyan namin ni Carmelle. Kumaway-kaway siya kahit nasa malayo na kami. Hawak niya ang isang rosaryo na at ang panyo na pinunas sa luha niya ng magpaalam kami sa isa't isa. "Babalik Ako muli Nay. Tatawag Ako sa iyo Araw-araw. May Skype at messenger naman na ini-install ko sa cellphone mo" "Yung mga bilin ko sayo Eden palagi mong tandaan. Mag isa kang titira dun, kakayod at uuwing pagod. Huwag mong hayaan na apak-apakan ka ng mga tao dun. Kapag napagod ka na huwag kang magdadalawang isip na umuwi sa atin." Pinaghahawakan ko ang huling pabaon ni Nanay. Dadalhin ko ito kung saan man Ako dadalhin ng mga paa ko. "Pst. Tahan na." ngumiti Ako ng pilit. Kanina na pala nakatingin si Carmelle sa akin. "Okay na Ako. Nadala lang ng emosyon." "Oo naman naiintindihan kita. Mas mabuting iidlip ka muna total 2 hrs tatayong babyahe papuntang Airport." tumango ako sa tinuran niya. Humilig
Sumapit ang gabi hindi ako pinatulog ng konsensiya ko. Walang kibo si nanay at nagkulong ng kwarto. Kaya kinabukasan maaga akong nagising para gawin ang palagi ko ng ginagawa sa bahay. Linggo ngayon at magsisimba ako pagkatapos nito. Dinaanan ko pa ang ibang kapitbahay na nais o-order ng kakanin. "Dalawang bilao sa akin Den puro kutsinta lang ha.""Sige po Te Pacita"Tumungo ako sa sumunod na bahay."Ay isa lang sa akin gaya pa rin ng dati na puto. Medyo out of budget pa ngayon, sa susunod na lang dadamihan ko.""Okay lang Lumi. Salamat pa rin at babalik na lang ako bukas rito." paalam ko.Malimit ang nag order ngayon kaya napagpasyahan ko ng tutungo sa simbahan namin. Mag a-alas nueve na din sa umaga. Late na ata Ako.Inabot ako ng 10 minutes pagdating, tamang tama ang pagdating ng kora at pari. Mabuti na lang din may bakante pang mauupuan."TAO po" kakatapos lamang ng misa ay sinadya ko ng dinaanan ang bahay ni Carmelle.Pansin kong maraming tao sa bakuran nila. "Uy Eden naparit
TINULUNGAN ko si Nanay sa mga pinamili niya. Bahagya kong tinabi ang mga iyon at inalalayan makaupo siya sa nag-iisang long sofa."Tinanghali ka ata nay, marami bang bumibili sa bayan?" saad ko matapos magmano sa kanya."Oo eh sinusumpong pa ako nitong rayoma ko." ngumiwi ang mukha niya tila may iniinda. Napahawak ako sa balikat niya."Okay ka lang po? Sana ako na lang ang tumulak sa bayan" nag-alala kong sabi.Mabilis siyang umiling. Nagpapahid sa pawis na bumubuo sa noo niya."Ikuha mo lang ako ng tubig Den, nauuhaw ako bigla." mahinang tulak niya sa akin para tumayo."Sige nay." saglit ko siyang iniwan para kuhanan siya ng maiinom. Pagbalik ko nagsalita ulit siya."Nga pala sino iyong kakaalis lang na kotse. Nakita kong galing dito, nakasalubong sa sinakyan kong tricycle?" kalmado ang boses ni Nanay. Pinatapos ko muna siyang tumungga ng tubig."Si Kikay iyon Nay, Anak ni Victor at Connie. Naalala niyo ho sila?" natigil siya, naniningkit ang mga matang tumingin sa akin. Dahan-dahan
Dinambahan agad niya ako ng mahigpit na yakap. Umaapaw ang puso ko sa tuwa. Nasasabik na makita muli ang dating kaibigan.Kumalas kami sa pagyayakapan. Humawak ako sa balikat niya, taas-babang hinagod ang kanyang hitsura at katawan. Malaking pagbabago na ang bumungad sa akin, malayo sa Carmelle na palaiyak at dugyot. Pareho kaming bumungisngis ng tawa. "Kamusta ka na Carms." maluha-luhang sabi ko. Umikot siya at nag pose pa na parang modelo. Hindi ko maiwasan mapamangha. Parang naging model na din ang kababata ko."Heto go pa rin ng go sa buhay. Eh Ikaw? Kamusta ka na Den-den." nagngingiti ako sa palayaw niya sakin. Napa kibit balikat ako. Same old Eden."Wala pa ding pinagbago di kagaya mo, Sosyalin mo na. I'm proud of you." bulalas ko."Ano ka ba, konting paganda lang naman to. Skincare with healthy habits ba." pabirong aniya."Halika muna sa loob, alangan naman tatayo lang tayo rito.""Sige, sige naka heels pa din naman ako." Nilakihan ko ang awang ng pinto namin."Ang tahimik ata
FOUR YEARS LATER"Eden." mariin kong minulat ang mga mata, na tinamaan sa sinag ng araw na sumusuot sa bintana.Napaunat akong bumangon sa pagkakahiga. Ninamnam ang bagong gising kong diwa."Po gising na." garalgal ang boses ko. Naririndi ako sa sigaw ni Nanay sa baba.Ang aga niya atang nagising ngayon. Sabado naman walang labada."Ikaw na ang bahala sa bahay. Pupunta ako sa merkado para bibili ng grocery pandagdag sa tindahan natin." Nadatnan ko si mama sa sala na nakabihis ng bagong damit.Nagmamadali siyang magsuklay ng buhok samantalang tumungo ako sa kusina para magmugmog, hilamos, pakainin na rin ang mga manok."May ulam at sinaing na kanin diyan. Nilagay ko sa rice cooker, mahirap na umaaligid ang alaga mong mga pusa." aniya sa may sala."Oho nay nakita ko na." sagot ko pabalik. Tinakpan ko muna ang rice cooker bago lumabas.Tinawag ko iyong mga manok, nagsibabaan naman sila nang maghagis ako ng feeds nila.Dinamihan ko na din ng bahaw na kanin."Alis na ako Eden. Yung mga sin
Tagaktak ang pawis kong tinatahak ang maliit na kubo ng aking nobyo. Hindi alintana ang maputik na pilit nilulubog ang dalawa kong paa. May iilang putik na tumalsik sa mukha ko.Nagkukumahog akong umakyat sa kawayan na hagdan nila."Dante! Mahal... ako to si Eden!" sigaw ko, katok ng katok at desperadang makita siya na lalabas sa lumang pinto.Nagbabasakali ako nandiyan pa siya."Dante-" Bumukas ito at hinanda ko ang aking mga braso upang dambahin siya ng yakap. Ngunit napawi ang aking ngiti. Binaba ang dalawang braso."Ano ba? Masisira mo itong pintuan namin. May pera ka bang ipapagawa dito, Ha?" Si Aling Lydia, matalim ang mga mata na pinukol sa akin. Nanay niya ang nakaharap ko."Aling Lydia, si Dante ho nariyan ba siya hindi ba? Sabihin niyo naman po gusto ko siyang makausap-" parang tigre na humakbang siya papalapit sa akin. Napaatras ako sa takot."Wala na siya dito. Makakaalis ka na." asik nito.Hindi iyon totoo.Nangako siya kahapon."Parang awa niyo na po. Huwag niyo po siya


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




