Dinambahan agad niya ako ng mahigpit na yakap. Umaapaw ang puso ko sa tuwa. Nasasabik na makita muli ang dating kaibigan.Kumalas kami sa pagyayakapan. Humawak ako sa balikat niya, taas-babang hinagod ang kanyang hitsura at katawan. Malaking pagbabago na ang bumungad sa akin, malayo sa Carmelle na palaiyak at dugyot. Pareho kaming bumungisngis ng tawa. "Kamusta ka na Carms." maluha-luhang sabi ko. Umikot siya at nag pose pa na parang modelo. Hindi ko maiwasan mapamangha. Parang naging model na din ang kababata ko."Heto go pa rin ng go sa buhay. Eh Ikaw? Kamusta ka na Den-den." nagngingiti ako sa palayaw niya sakin. Napa kibit balikat ako. Same old Eden."Wala pa ding pinagbago di kagaya mo, Sosyalin mo na. I'm proud of you." bulalas ko."Ano ka ba, konting paganda lang naman to. Skincare with healthy habits ba." pabirong aniya."Halika muna sa loob, alangan naman tatayo lang tayo rito.""Sige, sige naka heels pa din naman ako." Nilakihan ko ang awang ng pinto namin."Ang tahimik ata
Last Updated : 2026-09-18 Read more