Blair Castro
INABOT ko sa labas ng bahay si Lukas nang lalabas sana ako para bumili ng almusal. Pabalik-balik siya sa may gate ng bahay niya habang nakapamaywang at nasa tainga ang isang cellphone.
Nagulat ako nang hampasin niya ang gate. “Damn it!”
Nilapitan ko siya. “Lukas, anong nangyayari?”
Tumingin siya sa akin. Marahas ang bawat paghinga niya habang nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang frustrasyon para sa isang bagay.
Nagtiim-bagang siya. “Alicia is hiding Lira,”
Pakiramdam ko'y nayanig ang mundo ko dahil sa narinig ko. Nasapo ko ang bibig ko. Mauulit na naman ba ang nangyari noon? Mawawalan na naman ba ako ng puwang sa buhay ng anak ko? Hindi pwede! Paano kung tuluyan ko nang hindi makasama ang anak ko?
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi saka marahas na umiling-iling. &ldq
Blair Castro“LET'S go, Blair,” seryoso ang boses ni Cloud na tiningnan at inaya ako. Napatitig ako sa kaniya. Gusto ko pang kausapin si Lukas pero ayoko namang magalit sa akin si Cloud.Bumuntong-hininga ako at binawi ang braso ko mula sa kanilang dalawa. Hinarap ko si Lukas. “Uuwi na kami, Lukas.”Bumagsak ang balikat niya habang nakatingin sa akin. Yumuko siya. “I still want to talk to you,”Tipid akong ngumiti. “Next time nalang tayo mag-usap,”Sakay ng kotse ni Cloud ay bumalik kami sa bahay. Nalaman kong napansin niya ang kotse niya kaya bumaba siya ng taxi na sinakyan niya mula sa airport. Nang makarating kami sa bahay ay tahimik si Cloud. Hindi ko naman alam kung paano ko siya kakausapin.“Bakit kasama mo si Lukas? Saan ka dapat pupunta? Bakit sira ang unahan ng kotse niya, nabu
Blair Castro“ANONG nawawala? Anong sinasabi mo? Paano sila nawala?” sunod-sunod ang tanong ko matapos kong mabingi ng ilang sandali. Ayaw tanggapin ng isip ko ang sinabi ni Cloud. Bakit mawawala ang kambal? Paano sila mawawala? Hindi pwede 'yon!“Hindi ko rin alam. Aalamin ko pa pagtawag ulit ng private investigator ko,” sagot ni Cloud na bakas sa tono ang pagkabahala.Napaupo ako sa hagdanan saka pinagsiklop ang mga palad ko. Diyos ko! Anong gagawin ko? Nawawala ang mga anak ko! Kasalanan 'to ni Alicia. Mananagot sa 'kin ang babaeng 'yon!Tumayo ako at lumabas ng bahay. Hinabol naman ako ni Cloud. “Blair, sandali!”Hindi ko siya pinansin. Tamang-tama naman na kadarating lang ng kotse ni Lukas at agad siyang bumaba nang makita ako hindi pa man naipaparada ng maayos ang sasakyan niya.&l
Blair CastroNAGISING ako sa amoy ng gamot at hospital. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at puting kisame ang kaagad na bumungad sa akin.“Blair!”Napatingin ako sa tumawag sa akin. It was Cloud who looked so worried as he dropped his phone on the table and went to me. Agad niyang hinawakan ang kamay ko. “Okay ka na?”Tumango ako. “Oo,” tumingin ako sa paligid. Nasa private room ako. “Bakit dinala mo pa ako sa hospital?”Nangunot ang kaniyang noo, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. “Blair, nahimatay ka. Sabi ng doktor dahil sa pinaghalo-halong stress, gutom at pagod. Alam ko namang nag-aalala ka sa mga bata pero hindi mo naman dapat pinababayaan ang sarili mo. Paano kung may mangyari sayo, magkasakit ka, paano ang mga anak mo?”Hindi ako nakasagot. Alam ko namang ma
Blair Castro“CAREFUL!” ani Cloud nang muntik akong mapatid pagpasok ko sa bahay. Pinauwi na kaagad ako ng doktor dahil wala naman daw problema sa akin. Pinilit ko rin naman kasing makauwi na dahil hindi ako komportable sa hospital.“Dito ka lang. Gusto mo ba ng tubig? Kape?”Napapantastikuhang nilingon ko si Cloud. “Hindi naman ako baldado. Wala rin akong sakit para mag-alala ka ng ganiyan. Umayos ka nga!”Bumuntong-hininga siya. “Ayoko lang mahimatay ka ulit. Akala mo ba hindi ako natakot nang mawalan ka ng malay? I was scared, Blair. Akala ko kung napano ka na.”Napailing nalang ako. Minsan talaga may pagka-OA din 'to si Cloud.“Dito ka muna. Mamimili lang ako at wala ka palang stocks ng pagkain dito. Para kang sundalo e, saan-saan kumakain.”Napangiwi ako sa s
Blair Castro“MOMMY!” Napatingin ako sa batang tumawag sa 'kin. Mangiyak-ngiyak akong ngumiti nang makitang tumatakbo palapit sa akin ang tatlong batang magkakamukha. Kapuwa sila nakangiti habang paulit-ulit na tumatawag ng 'mommy'.“Mga anak ko!” nakangiti akong humakbang para salubungin sila pero napasinghap at natigilan ako nang lumitaw sa likuran nila si Alicia.Napahiyaw ako at napaupo sa gulat nang maglabas ng baril si Alicia at walang anu-anong binaril ang mga bata.“AAAHHHH!” nagsisigaw ako habang umiiyak. Hawak ko ang ulo ko habang nagpapapadyak.“Blair! Blair, wake up!”Humigop ako ng hangin at napamulat ng mata. Sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni Cloud na agad sinapo ang pisngi ko. Lumamlam ang kaniyang mga mata. “Nananaginip ka,”Napahikbi ako at
Blair CastroHINDI ako mapakali habang hinihintay ang pagbalik ni Lukas. Labis-labis ang kabang nararamdaman ko pero wala akong magawa kundi maghintay. Napalingon ako kay Cloud na pumasok sa kusina at paglabas ay inabutan ng juice si Jeanette. Inalok ako ni Cloud pero umiling ako.Pinagsiklop ko ang mga palad ko saka tumulala sa kawalan. Hindi pwedeng nandito lang ako.Naramdaman ko ang pagvibrate ng hawak kong cellphone. Pasimple kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Tumayo ako nang makitang si Alicia ang tumatawag.Napatingin sa akin si Cloud.Tumikhim ako. “Sa kwarto lang ako.”Nang tumango siya ay agad akong tumalikod. Pumasok ako sa kwarto at inilock ang pinto. Sinagot ko ang tawag na nasa loob ako ng banyo.“Alicia.”[Let's meet.]Kumabog ng husto ang puso k
Blair Castro“WHAT is this, Lukas? Bakit may kasama kang mga pulis at sino ang babaeng 'yan?” masungit ang pagkakataong ng isang sopistikadang babae kay Lukas. Nakasuot siya ng mamahaling damit at kumikinang na mga alahas. Nasa bahay lamang siya ngunit maayos ang kaniyang suot at nakatakong na para bang pupunta sa isang magarang party.Nagtaas ng kilay ang babae sa akin. “Who the hell are you?”Kilala ko siya. Siya ang ina ni Alicia. Hindi niya ako kilala dahil kailanman ay hindi ako nakatuntong pamamahay nila noon at hindi ako ipinakilala ni Alicia sa pamilya niya bilang kaibigan. Dapat doon palang ay naisip ko na na hindi talaga kaibigan ang turing niya sa akin.“Mrs. Gonzales, we have a search warrant,” ani Lukas saka itinaas ang hawak niyang papel.Gulat na kinuha at binasa naman ito ng isang lalaking nakatayo sa lik
Blair CastroMARAHAN kong tinulak ang balikat ni Lukas palayo sa akin. Inayos ko ang damit kong nagulo at itinaas ito sa balikat ko dahil halos mahubaran na niya ako. Inayos ko rin ang mas nagulo kong buhok at tiningnan si Lukas sa mga mata. He was watching me. Namumula at basa ang kaniyang labi habang mainit pa ring nakatitig sa akin ang kaniyang mga mata.Umayos ako ng upo. Unti-unti namang bumalik sa ayos ang inuupuan ko. Ikinabit ko ang seatbelt ko saka ako tumikhim. “Umuwi na tayo.”Bumuntong-hininga si Lukas saka umayos ng upo. Bahagya akong nagtaas ng noo. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. Napakainit pa rin ng katawan ko dahil sa mga halik niya at mayroon pa ring munting apoy na naglalaro sa kaibuturan ko pero mas nanaig ang pagiging ina ko kaya itinulak ko siya palayo.Hindi ako magiging masaya kapag wala ang mga batang iniluwal