Share

Chapter 8.3: Cocktail Party

last update Last Updated: 2025-12-12 10:30:55

SA TOTOO LANG, hindi pa naman ganoon katanda si Fae; ang 27 ay hindi naman 72. Ngunit ang limang taon ng isang nakakapigil-hiningang pagsasama nila ni Jago at bunga ng isang pangmatagalang anorexia ay nagpamukha sa kanya na mas matanda ang babae sa kanyang edad. Daig niya pa ang mayroon ng ilang anak ang hitsura. Sa isip at pisikal niya iyon makikita. Tumango lang si Fae at habang pabalik ng villa kasama ang driver ay huminto sila sa isang botika upang bumili lang ng maraming food supplements at mga kailangan niyang vitamins para sa kanya.

“Manong, komontak ka nga sa isang housekeeping company at maghanap ng ilang maaasahang magiging kasambahay, ‘yung mahusay magluto, mas mabuti kung may sertipiko rin ng isang nutritionist.”

Naupo si Fae sa likurang upuan dala ang isang bag ng mga pinamili habang patuloy kinakausap ang driver.

“Masusunod po, Madam.”

Pagkatapos pakasalan si Jago, iminungkahi ng magkabila nilang angkan na kumuha ng mga katulong para maglinis, mag-ayos ng bakuran, at m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 8.4: Isa sa Kerida

    NAGING PULA ANG ilaw sa unahan, huminto ang kanilang sasakyan, at sa wakas ay iginalaw ni Jago ang kanyang leeg at doon pa lang siya lumingon sa asawa. Napansin niya kasing tutok na tutok ito sa kanyang cellphone na bihira lang nitong gawin noon. Na-curious na siya kung sino ang kausap kaya umulyap na siya noon sa asawa. Doon niya napansin ang kakaibang anyo ng ayos ni Fae ngayon. Sa halip na papuri ang lumabas sa bibig, iba ang nasabi niya. “Mukhang pinaghandaan mong mabuti ang party. Kailangan ba talagang ganyan ang damit mo, Feli?”“Ano bang inaasahan mo? Cocktail party ‘yun di ba? Malamang magbibihis ako ng maganda. Ano bang inaasahan mong suot ko, Jago? Terno na pantulog?”Tinaasan siya ni Jago ng isang kilay. Mukhang tama nga ang mga drama sa TV kung saan binago ng bidang babae ang kanyang istilo at ginulat ang bidang lalaki ay peke lamang. Sa halip na magustuhan nito ang pagbabagong anyo niya, kabaliktaran iyon doon. Tumagal pa ang titig ni Jago sa kanyang hinaharap. Ibinaba

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 8.3: Cocktail Party

    SA TOTOO LANG, hindi pa naman ganoon katanda si Fae; ang 27 ay hindi naman 72. Ngunit ang limang taon ng isang nakakapigil-hiningang pagsasama nila ni Jago at bunga ng isang pangmatagalang anorexia ay nagpamukha sa kanya na mas matanda ang babae sa kanyang edad. Daig niya pa ang mayroon ng ilang anak ang hitsura. Sa isip at pisikal niya iyon makikita. Tumango lang si Fae at habang pabalik ng villa kasama ang driver ay huminto sila sa isang botika upang bumili lang ng maraming food supplements at mga kailangan niyang vitamins para sa kanya.“Manong, komontak ka nga sa isang housekeeping company at maghanap ng ilang maaasahang magiging kasambahay, ‘yung mahusay magluto, mas mabuti kung may sertipiko rin ng isang nutritionist.” Naupo si Fae sa likurang upuan dala ang isang bag ng mga pinamili habang patuloy kinakausap ang driver.“Masusunod po, Madam.” Pagkatapos pakasalan si Jago, iminungkahi ng magkabila nilang angkan na kumuha ng mga katulong para maglinis, mag-ayos ng bakuran, at m

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 8.2: Pag-agaw

    LUMAPAD PA ANG ngisi ng lalaki na animo puri ang narinig kay Odessa. Hindi na maalis noon ang mata sa nobya na halatang inlove na inlove na siya dito.“Namimigay ako ng mga flyers diyan lang sa malapit dito kaya naisipan kong dumaan saglit para makita ka. Dinalhan din kita ng takoyaki. Your favorite!” yabang pa ng lalaki na tinaas na ang bitbit nito doon.Ang ngiti ng lalaking iyon ay katulad ng kay Odessa, ang mga mata niya ay kumukurba na parang gasuklay na buwan sa madilim na kalangitan. Perpektong tugma ito sa babae, ngunit malupit silang pinaghiwalay ni Jago noon dahil sa isang trahedya. Hindi mapigilan ni Fae na makaramdam ng lungkot, kung siya magagawa niyang iwasan ang mas masaktan ang lalaking may pangalang Ryan, paano niya kaya iyon magagawang iwasan? Hindi niya alam.“Ano ka ba? Ang makita mo lang ako at makita kita kahit saglit ay sapat na, Ryan. Sobrang laki kaya ng hirap mo sa pamamahagi ng mga flyers para kumita lang kaya huwag mong sayangin ang pera mo sa pagdadala sa

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 8.1: Odessa's Boyfriend

    SA KADAHILANANG MINSAN ng namatay si Fae kaya dapat ay kalmado at payapa na ang puso niya habang nauulit ang mga nakaraan nilang scene ng kanyang asawa. Naalala niya na sa panahong iyon ay nagawa na ng asawang makuha ang kanyang pagkababae na binigay niya sa ikalimang taong anniversary nila na sa panahon ngayon ay hindi pa nangyayari dahil nga nabago ang takbo ng timeline ng kanilang buhay mag-asawa. Hindi si Fae naghanda noong fifth anniversary nila. Kumalabog pa ang puso ni Fae nang maalala ng isipan ang tagpo gayong napagdaanan niya naman ang lahat ng mga ito. Tila may sariling buhay ang kamay ni Fae na umangat at malakas na niyang sinampal ang gwapong mukha ni Santiago.“Anong tingin mo sa akin, babaeng kaladkarin?!” Nagagalit si Fae dahil batid naman nitong birhen pa siya ngunit kung makapagbintang ay akala mo ay nahuli siyang may kaniig na lalaki. Syempre hindi ito maniniwala, saka pa lang ito naniwala noong may nangyari na at buong akala nito ngayon ay wala na siyang puri. Sa

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 7: Ibang Kilos

    NAGSALUBONG NA ANG mga kilay ni Jago. Kumunot na rin ang noo dahil hindi maintindihan ang sinasabi ng asawa. Sa pakiwari niya ay nasa dreamland pa ito at wala pa sa realidad kaya naman kung anu-ano ang sinasabi.“Ang lalaki kagabi, Jago. Saan mo siya itinago?” Ipinakita pa ni Fae ang kanyang kamay na mayroong benda. Hindi iyon pwedeng pabulaanan na hindi totoo. Sigurado siyang may kinalaman ang asawa kung nasaan ang lalaki. Iniisip pa nga niyang baka may ginawa na itong masama dito.“Hindi ba at siya ang naghatid sa akin dito?” Isang buwan na lang, mababaliw na ang asawa ni Fae na si Jago sa ibang babae; kaya bago iyon mangyari kailangang may lalaking sasalo sa kanya nang sa ganun ay hindi naman siya gaanong masasaktan at malulungkot. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang maghanap ng papalit sa lalaki kahit bata ito sa kanya. Ibabaling na niya dito ang pagmamahal niya. “Anong sinasabi mo, Fae? Tulog ka pa ba?” Agad na namula sa galit ang guwapong mukha ni Jago nang ma-realize ang

  • Changing Fate: Forever Starts Again with the Heartless CEO   Chapter 6: Bangungot ng Nakaraan

    PAYAK ANG NAGING ngiti ni Fae na parang gusto ng magmartsa palayo bunga ng pagkapahiya. Nababasa niyang hindi iyon kakagatin ng sariwang isdang binibingwit niya. Namutla na sa gulat na lumingon ang lalaki na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang pa. Kapagdaka ay ilang beses itong paulit-ulit na umiling ang uli na may bakas ng takot.“Pasensya na, iba na lang. May girlfriend na ako.”Aw, buti pa ang lalaking ito girlfriend pa lang loyal na.“Ah, ganoon ba? Oh, pasensya na, hahanap na lang ako ng lalaking walang kasintahan…” kindat niya pa upang buuin ang kumpiyansang nayurakan ng lalaki.Yumuko na doon si Fae, oo, pinamanhid ng alak ang ilang bahagi ng katawan niya at hindi na alam ang ibang sinasabi ngunit malinaw sa kanya ang tugon ng lalaki. Tinanggihan siya nito. Ni-reject. Hindi gumana ang alindog ng katawan niya. Nag-iba siya ng direksyon para magpatuloy sa paghahanap ng lalaki. “Saan na pupunta ‘yun?”“Hayaan niyo lang siyang mag-explore. Ang OA mo, Akira. Parang hindi mo na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status