Share

Chapter 28

Nalula ako nang matapat na kami sa isang malaki at kulay itim na gate. May kalumaan na ito dahil sa mga kalawang at nakupas na pintura. Ang mataas na pader ay halos lamunin na rin ng mga ligaw na halaman. Sa unang tingin ay tila isa itong abandonado na. Nang bumusina si Greg ay agad na bumukas ang gate.

Mahabang oras ang binyahe namin at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Liblib na lugar ang nilalakbay namin at alam kong malayo na sa siyudad ng Gensan ang lugar na ito. Wala ring kabahayan sa paligid at tanging matataas na puno at masusukal na damo lang ang makikita. Kahit na maaga pa ay aakalain mong palubog na ang araw dahil sa dilim na dulot ng mga puno. Kung ito man ang bahay na sinasabi niya, paano niya nagagawang makabalik kaagad sa hospital sa tuwing umaalis siya at nagpapalit ng damit?

"We're here," mahinang usal ni Greg.

Katulad nga ng sinabi niya, dalawang araw lang ang nakalipas ay dinala nga niya kami sa kung saan siya naninirahan. Mabilis na sumang-ayon ang doktor ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status