Share

Chapter 29

Matapos ang masaya at masaganang tanghalian ay dinala na kami ni Greg sa mga kuwarto kung saan kami matutulog. Nasa second floor ang lahat ng kuwarto kaya inakyat namin ang mataas na hagdan. Mayroon pa ring benda ang siko ko at hirap pa rin ako igalaw ito kaya palaging nakaalalay si Greg sa tabi o 'di kaya ay sa likuran ko.

Malawak ang bahay. Sa sala ay mayroong isang malaking bintana, nakabukas ito kaya kitang-kita ang tanawin sa labas. Napakasimple lang ng mga kagamitan ngunit kaaya-ayang tingnan. Para itong isang rest house ng mga mayayaman na nakikita ko sa mga larawan sa magazine at libro.

Pagkarating sa ikalawang palapag ay mayroong apat na kuwarto. Dalawang magkatabi sa kanan at ganoon din sa kaliwa. Sa dulo ay mayroong terasa ngunit may salaming pinto na nakaharang. Unang binuksan ni Greg ang silid na para kay Josephine. Malapit ito sa terasa dahil nasa pinakahuling bahagi. Malungkot at matamlay pa rin si Josephine, kahit na kanina habang kumakain kami ay pinipilit niya lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status