تسجيل الدخولMagandang araw po, si Mir po ito. I woke up with very sad news, NINAKAW po ako istoryang isinulat at pinaghirapan ko. Hindi na po bago sa aming mga Authors ang manakawan ng kwento. Pero gusto ko po sanang malaman niyo ang epekto sa amin nito. Para sa aming mga nagsisimula pa lang, sobrang nakakasira po ng loob. Maraming successful writers na tinitingala namin at gusto naming tularan. Pero paano po kami aabot doon kung hindi pa kami umaarangkada, may humihila na kaagad sa amin paatras? Hindi po basta-basta ang pagsulat ng mga istorya, lalo ng mga nobela. Umaasa po kami na isang araw hindi na namin kailangang magtrabaho para sa iba, at matustusan kami ng sarili naming talento. Pero malabo pong mangyari iyon kung ganitong palagi kaming ninananakawan. Para po sa mga READERS, please po huwag sana kayong tumangkilik sa mga nagbebenta dito sa f******k. Nasa platforms po ang mga libro. Goodnovel, D****e, Yugto, Selebox, etc. Kung ayaw niyo pong magbayad may bonus at rewards po, pw
Kim’s POVBuong hapon akong parang uod na inasinan sa desk ko, kahit na malayo ako sa kanila. Paano ba naman, yung boses ni Genevieve ay abot hanggang dito sa tindi ng kaartehan! Sarap sungalngalin ng oxcalic, nakakainis!“Oh my gosh, Dylan! Ang lamig naman ng aircon dito, baka pwedeng paki-adjust? My skin is getting so dry na,” narinig kong reklamo niya habang paypay nang paypay gamit ang kamay niya.“Dry ang skin mo? Bakit hindi mo lagyan ng floor wax hanggang mukha mo para kuminang?” bulong ko.Ilang sandali pa ay narinig ko ang pag-usog ng upuan. Aba? Talaga inadjust niya ang temp ng aircon?!“Kim, kawawa yung keyboard mo baka masira,” paalala sa akin ng katabi ko pero hindi ko siya alintana, “Dahan dahan sa pagtatype huy!”“Okay na sa ‘yo yan?” tanong niya.Napangiti ako ng mapait.“Yes, thank you si much Daddy D!” Daddy D… Daddy D… Daddy D…Sinubukan kong alisin sa utak ko ang mga narinig ko pero hindi ko talaga kaya. Pabalagbag kong itinulak ang upuan ko at saka lumapit sa a
Magandang araw sa inyo! May dalawang bagay akong kailangang sabihin sa inyo. Una, tungkol sa health ko at pangalawa tungkol sa regalo ko para sa inyo. Unahin na natin ang palaro natin para naman hindi masyadong mabigat. Mamimigay po tayo ng 1 winner ng 200 pesos gcash at 3 winners ng 100 pesos gcash. Ang kailangan niyo lang gawin ay sagutin ang tanong at iwan ang sagot sa REVIEW SECTION! Ito ang tanong: Question: Ano ang favorite scene mo sa librong ito? At bakit? Sa tuwing madadagdagan ng 5k views ang story natin, pipili ako ng may pinakamagandang sagot at siya ang mananalo. Don't worry dahil mabilis po ang usad ng views natin. Ipopost ko po ang winners sa Author's note, sa last part ng chapters. Kaya lagi biyo pong babasahin at i-like. Ang pangalawa ko naman pong announcement ay medyo malungkot. Sa tingin ko it is my duty to tell you guys about my health condition right now. Last week galing ako sa Doctor at doon ko lang nalaman na life threatening at posible akong ma-comatos
Kim’s POV“Mayroon tayong bagong makakasama sa office ngayon. She will be joining the Sales Department starting today bilang bagong account executive natin. Please welcome, Genevieve.”Napansin ko ang biglang pagtigas ng katawan ni Dylan sa tabi ko. Para siyang natuod. Kung kanina ay puno siya ng kakulitan, ngayon ay bigla siyang naging seryoso. Ang mga mata niya ay nakatitig nang diretso sa babaeng nasa harap.Si Genevieve ang babaeng niligtas niya sa bar nung gabing birthday ni Lander. Ang babaeng ubod ng yaman na maarte. Ang nag-iisang babaeng dating niligawan ni Dylan noon binasted siya base sa kwento ng tsismosong si Kris.Naka-designer dress ito na kulang na lang ay lumabas na ang buong kaluluwa niya, may bitbit na mamahaling bag, at kung gumalaw akala mo naghahanap ng alikabok sa bawat sulok ng opisina namin. Ang arte ng tayo niya, akala mo ang dumi dumi namin.Teka lang naman, anong ginagawa ng isang alta-sociedad na katulad nito sa Sales Department? Bakit kailangan niya pa ma
“Wow, Kim! Iba ang ngiti natin ngayon, ah? Abot tainga, balak mo ba mag-apply sa colgate?” asar agad sa akin ni Sarah pagkapasok ko pa lang sa p***o ng opisina.“Grabe ka naman sa akin! Hindi ba pwedeng masaya lang talaga ako dahil maganda ang gising ko?” sagot ko sabay kindat sa kanya. “Huwag ka ngang basag-trip diyan. Hayaan mo akong mag-enjoy dahil maganda ang simula ng araw ko ngayon.”O baka mas tamang sabihin na maganda ang tulog ko dahil kay Dylan kagabi, hihi!“Naku, baka naman inspired ka lang? Huwag mo sabihing diniligan ka na ni Dylan?” bulong niya nang may kasamang malanding pagsiko sa braso ko.“Hala, siya oh! Trabaho muna, Sarah! Kung ano anong pinagsasasabi mo, kaganda ganda mong babae eh, m*nyak ka!” pag-iwas ko sa paksa, kahit ang totoo ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang mukha ng mokong na si Dylan.Pero, paano kung… erase, erase, erase! Ano ka ba naman Kim? Nahawa ka na sa kamany*kan ni Sarah eh!Naglakad na ako papunta sa sarili kong cubicle
Kim’s POVSabay-sabay na sumindi ang mga ilaw sa sala. Sa sobrang gulat ko, muntik ko nang maibato ang helmet ko sa ceiling fan!Napatitig ako sa gitna ng sala. At doon, nanlamig ang buong katawan ko.Nakatayo si Mama sa tapat ng switch ng ilaw, nakapamewang at ang talim ng tingin sa akin na parangready na siyang bigwasan ako anytime. At sa may sofa namin, nakaupo si Dylan habang nakadekuwatro at humihigop ng kape. Wow, grand reveal naman yata sila masyado!Anak ng pating na may pakpak!“M-Ma... Gising pa pala kayo? D-Dylan… anong ginagawa mo dito?” pilit akong ngumiti ng matamis kahit na ang totoo ay gusto ko nang magpakain sa lupa sa sobrang kaba. “Hehehe, ang late pala oh? Bakit hindi pa kayo natutulog? Uwi ka na Dylan, baka mapano ka pa sa daan kapag ginabi ka pa.”“Kimberly.” Mababa at nakakatakot ang boses ni Mama. “Saan ka galing?”Patay na…“Ah, ano po... sa opisina po! Sobrang daming backlog sa Sales, Ma! Alam mo naman, ang hirap maghabol ng quota ngayon—”“Overtime?” sumingit







