Share

Chapter 8 || Attacked by the past...again

Attacked by the past... again.

Kris POV:

Kasalukuyan kaming naghihintay dito sa Pizza House kasama ko si Tyler, Kian at isa ko lang kaklaseng lalaki na si Kieth

Ang iba naming mga kaklase ay bumili ng ibang pagkain at ang iba naman ay nandoon na sa park kung saan kami magpi-picnic. Ginamit namin ang perang napanalunan namin sa Cheering Contest at sa On the spot singing contest kanina sa pagbili ng mga pagkain namin ngayon.

Kailangan daw kasi naming e-celebrate ang pagkapanalo namin kaya napagpasyahan naming mag-picnic doon sa park kung saan malapit may malapit na dagat na hindi naman kalayuan sa San Infante High School-Senior High School na siyang paaralan namin.

Lahat kami ay pagod dahil sa program kanina pero nakuha pa naming mag picnic. Ayos na rin ‘yon kaysa sa magmukmok ako do’n sa bahay.

“Ang tagal naman,” reklamo ni Tyler.

“Oo nga, nagugutom na ako.” Napakamot naman ng ulo si Kian. 

“Kung nagugutom kayo e paano naman ‘yong mga kaklase naming mga patay gutom do’n?” natatawang giit naman ni Kieth sabay tingin sa kanila. Napailing na lang ako sa narinig. Paano naman kaya ako?

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago naluto yung Pizza na binili namin.

Pagkatapos naming kuhanin ang biniling pizza ay dumiretso na kami doon sa Park kung nasaan ang ibang kaklase namin. 

Pagkarating namin ay kumpleto na silang lahat at nagtatawanan pa. Kami na lang ang yata ang hinihintay nila.

"Oh? Andyan na sila!"

"Yes makakakain na tayo!"

"Sa wakas!"

"Ang tagal niyo gutom na’ko," sunod sunod na reklamo ng mga kaklase ko nang makita nila kami.

"Natural lang na magtagal kami, hindi tayo VIP do’n para unahin nila," sarkasmong giit ko na ikinatawa naman nila.

Nagsimula na kaming kumakain habang nagkwekwentuhan at naglolokohan. 

“Kris sino ‘yong lalaking nag-gitara kanina noong nasa stage ka?” tanong ng isa kong kaklase na si Jad. Agad namang bumalik ang lungkot sa puso ko ng maalala ko. Ba’t pa kasi niya pinaalala eh.

“Oo nga Kris ang gwapo niya,” sambit naman ng isa kong kaklaseng babae na tila kinikilig pa. Echoserang ‘to!

Totoo namang gwapo si Shawn. Matangos ang ilong at mas nakaka-attract sa mukha niya ay ang tuldok na birthmark niya sa gilid ng kaniyang ilong na siyang malapit sa mata niya. Perpekto ang hugis ng mukha niya, dagdag pa ang kulay ng balat niya na siyang bumagay sa mukha’t awra niya.

Ngumiti ako sa kanila at mukhang nag-aalinlangan pa kung sasabihin ko ba o hindi. Napunta ang paningin ko kay Roce na siyang tutok din sa kakatingin sa akin.

“Ahh. Si Shawn, kakilala ko dati,” sabi ko sa mahinang boses. Nagsitanguan naman ang iba kong kaklase.

Nang matapos kami sa pagkain ay napagpasyahan naming pumunta at maglakad lakad muna sa gilid ng dagat. 

“Tara! Ligo tayo!” masayang aniyaya ni Kieth. Napatawa naman ang iba kong mga kaklase dahil sa sinabi niya. 

“Seryoso ka Kieth?”

“Ayan! Pairalin mo pagka-isip bata mo.” 

“Ikaw na lang Kieth! Papanuorin ka namin!”

“Try mo! Tignan natin kung kung hindi ka masesermonan ng mga nagbabantay dito,” sunod-sunod na sabi ng mga kaklase ko. Napakamot naman ng ulo si Kieth dahil ingay at sunod-sunod nilang sermon. 

‘Tibay din ‘tong batang ‘to eh. Sige maligo ka Kieth tignan natin kung sinong magmukhang sisiw na nilalamig mamaya,’ giit ko sa utak ko. Minsan di rin pinapairal utak nila eh ‘no.

Napangiti ako ng makarating kami malapit sa tubig dagat. Ang sarap sa pakiramdam dahil parang nakalanghap ako ng sariwang hangin at nalamigan ang ulo ko. Sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko at tingin ko kailangan ko munang magpahinga at e-refresh ang utak ko, halos hindi na kasi makain ng utak ko ang mga nangyayari sa araw na ito.

Naglakad ako sa parte ng buhangin kung saan may tubig, naramdaman ko ang lamig ng tubig sa paa ko kasabay ng paghampas ng malamig na hangin kaya napapikit ako sa ganda ng pakiramdam.

'When future comes and I’m already succesfull, I will build a house near the sea, so whenever I feel sad, lonely and even when I'm in pain I'll just go outside and walked while listening the waves until I get tired.’

Pero ang tanong…Magiging succesfull kaya ako? Magiging successful kaya ako sa laban ng buhay ko?

"Kris ‘wag kang matulog!" Napatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa gilid ko. At nang tignan ko ay walang iba kung hindi si Tyler. Mabilis ko siyang pinalo sa braso dahil sa inis. Halos lumabas ang kaluluwa ko dahil sa ginawa niya.

"Anong problema mo sa buhay? Alam mong tahimik akong nag e-emote dito tapos bigla-bigla ka na lang nagsasalita?" mahinahong may sarkasmong sabi ko. Agad naman siyang nag piece sign

"Hehe hindi ko alam eh. Ba’t ba kasi nandito ka pa, alam mo bang nandoon na kami sa malayo. Kung hindi kita binalikan ewan ko lang sa’n ang punta mo," sagot niya din sa sarkasmong boses. 

Nang tignan ko ang mga kaklase ko ay talagang nasa malayo na silang nakatayo at mukhang hinihintay kami.

"Tara na nga! Uuwi na ba tayo?" takang tanong ko at nangunang naglakad.

"Oo, alas nuwebe na eh. Maraming walang uuwian pag nagpagabi pa tayo dito,” natatawang sambit niya.

Tahimik lang ako buong byahe papauwi sa bahay. Hinatid kami ng isa naming kaklaseng lalaki dala ang sasakyan niya at kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa loob habang tinatahak ang daan papauwi. Dalawa na lang kami ngayon sa loob ng sasakyan dahil nauna na naming ihatid si Roce at dalawa pa naming kaklaseng babae dahil mas malapit lang naman ang bahay nila kaysa sa akin. Sina Tyler at Kian naman ay napagpasyahan na mag commute na lang papauwi. 

Nakarating na kami sa harap ng gate namin ng hindi ko namalayan. Nagpasalamat muna ako kay Kieth na siyang naghatid sakin bago ako bumaba sa sasakyan. Hinintay ko muna siyang makaalis bago pumasok sa gate.

Nang makapasok ako sa bahay ay wala akong ibang nadatnan kun’di ang aso ko. Naabutan ko siyang payapang nakatingin sa pinto at nang makita niya ako ay mabilis itong tumakbo papunta sa direksiyon ko.

Agad naman akong lumuhod upang mayakap siya. Nang mayakap ko siya ay doon na tumulo ang luha kong kanina ko pang gustong ibuhos. 

Bago pa may makakita sa akin ay mabilis kong binuhat ang aso ko at tumungo sa kwarto at doon umiyak ng umiyak.

"Zoe?" tawag ko sa pangalan ng aso ko. "Im sorry… ‘Diba sabi ko sa’yo hindi na ako iiyak? Im sorry… Umiiyak naman ako. I really can’t handle it anymore, so excuse me this time," sabi ko sa kaniya sa mahinang boses. 

Matagal ko nang inaalagaan si Zoe, nakakatawa man isipin ay siya lagi ang nakasaksi sa pag iyak ko, siya rin ang kinakausap ko at pinagkwekwentuhan ko ng mga problema ko kahit alam ko na hindi siya nakakaintindi.

In short, si Zoe ay isa sa palaging nandiyan sa tabi ko ng mga panahong masaya, malungkot, o kapag sukong-suko na'ko.

I only have her during my success, my down moments and rainy days. Roce was also there but I prefer not to disturb her because she also have a life to live and problem to solve that’s why I prefer to be quite and fight rainy days without telling anybody.

Hindi natigil ang pagsakit ng damdamin ko kaya hinayaan ko lang ang sarili kong malunod sa sariling emosyon at doon umiyak ng iyak hanggag sa makatulugan ko ito. 

Pag gising ko ng umaga parang namanhid lahat ng parte ng katawan ko. Wala akong lakas na tumayo kahit pilitin ko.

May pasok pa kami ngayon ngunit ramdam ko ang pagod ng katawan ko kahit kagigising ko lang at wala pa akong ginawa.

Pinili ko munang humiga ngunit maya-maya lang ay hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Sobrang daming pumapasok sa utak ko, at ayokong maranasan ulit ang naranasan ko noon.

Ayokong maranasan muli ang panahong nawawala ako sa sarili ko. Panahong hindi ko na ma control ang sarili ko at kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.

I’ve been there before at hindi kataka-takang umabot ulit ako sa ganon o sumobra pa ako do’n ngayon.

Pilit kong inabot ang cellphone ko na nasa side table upang tignan ang oras, nang tignan ko ay7:23 na ng umaga at 7:30 ang klase namin.

Gustuhin ko mang bumangon ngunit parang ayaw ng katawan ko. Napagpasyahan kong hindi muna pumasok dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Kumuha muna ako ng lakas bago bumangon kahit ramdam ko ang pananakit nito, inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba sa sala at kumain.

Pagkababa ko ay walang tao sa sala, sanay naman akong makitang walang tao ang bahay dahil si mama ay madalas na nasa kwarto lang. May ulam nang nakahanda sa dining ng makarating ako kaya nagsimula na akong kumain, mag-isa.

‘May aasahan pa ba akong bago?’

Flashback:

“Hello, Krissy? Hintayin mo ‘ko diyan, sabay tayong kakain ha,” sabi ni Shawn sa kabilang linya. Napangiti naman ako, mabuti na lang at nandiyan si Shawn upang sabayan ako sa kahit ano kada oras.

“Oo sige. Teka lang nagbibihis pa nga ako eh,” natatawang sabi ko sa kaniya.

“Oy Barbas bilisan mo diyan at late na tayo!” singhal niya sa akin mula sa kabilang linya. Tinawanan ko lang siya at agad na binabaan ng telepono at agad na pinagpatuloy ang aking pagbihis.

Ilang minuto ang lumipas at narinig ko na kaagad ang boses ni Shawn sa baba ng bahay naming.

“Barbas bilisan mo gutom na ako!” sigaw niya. Natawa naman ako at agad na lumabas ng kwarto.

“Kanina pa ba umalis mama mo?” bungad niya sa akin ng makita niya ako.

“Ahh… Oo eh,” maikling sagot ko“Tara kain na tayo,” anyaya ko sa kaniya, agad naman siyang ngumiti at sumunod na tumungo sa dining.

Isang malaking kasinungalingan kapag sinabi kong hindi ko nami-miss ang gawain namin ni Shawn noong panahong ‘yon. Nakakalungkot lang na hindi na ‘yon naulit at hanggang doon na lang iyon. Nakakalungkot lang ‘yong taong na siyang kung saan ka komportable noong una ay ngayon naiilang ka na kahit katitigan pa lang. 

Magiging ganito ba ako ka mapag-isa kung hindi umalis si Shawn? Kung nanatili siya, malulungkot pa kaya ako? Kung katulad ba kami ng dati ngayon ay magbabago pa kaya ang mga nakaugalian ko?

Napabuga ako ng malalim na hininga ng matauhan ako sa mga naisip ko. ‘Bakit pa nga ba ako umaasa? eh alam ko naman hindi na mauulit ‘yon’. Nangyari na ang mga bagay at wala na dapat pang ibalik pa. 

Bakit kung gusto ko bang ibalik ang dati ay ganon din siya? Paano kung ako lang ito ang namo-mroblema?

Sa halip na mag isip ay pinagpatuloy ko na lang ang tahimik kong pagkain. Nasanay na akong tahimik ang paligid kapag gumagawa ako ng kahit ano dito sa bahay. Dapat lang talaga ay masanay ako. 

Tinapos ko na agad ang aking pagkain at agad namang humanda ng pagkain para sa aso kong si Zoe.

Ganto palagi ang ganap dito sa bahay, kumain ako ng mag-isa. Pagkatapos kong kumain ay pinapakain ko na rin si Zoe at bumalik na ako kaagad sa aking kwarto.

Buong maghapon akong nagmukmok sa kwarto. At buong maghapon din ako hindi nilubayan ng mga iisipin ko. Mga iisiping tinatakasan ko simula pa no’ng una, at naghahabol pa rin sa akin hanggang ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status