CHAPTER 1
“Let’s end this set-up,” malamig na wika ni Giovanni.
“B-Bakit?” Hinila ni Summer patakip sa kanyang kahubaran ang kumot habang pinapanood si Giovanni magbihis. Hindi na bago sa kanya na matapos nilang magniig ay aalis agad ito.
They’ve been in a no-strings-attached relationship for 2 months now. Pangkama lang!
Sa perspektibo nito ay purong init ng katawan lamang ang namamagitan sa kanila. Ngunit para kay Summer, ay pagmamahal ang bawat sandali na ibinibigay niya ang sarili.
“Amber and our son are back.Wala akong oras para sa ibang bagay.”
Nang hindi siya sumagot ay walang pakialam na iniwan siya ni Giovanni.
Kailan ba niya matatanggap ang katotohanan na hinding-hindi mapapasa-kanya si Giovanni?
Naghiwalay ito at si Amber kaya sinunggaban niya ang pagkakataon. Ibinigay niya ang virginity kay Giovanni at sa loob ng dalawang buwan ay ‘parausan’ siya nito.
She’s been in love with him since they were teens. Dumating pa sa puntong ini-stalk niya ito. At sa tuwing ginagawa niya iyon ay palagi lamang siyang umuuwing luhaan dahil kay Amber.
“TITA LYZZA has been asking me how are you doing. Hindi mo raw sinasagot ang mga text niya,” sermon sa kanya ng matalik na kaibigan na si Kelly Jane.
Kababalik pa lang nito sa New York mula sa bakasyon. Pareho sila ni Kelly Jane na kaka-graduate pa lang sa Military School.
Ang pamilya ni Summer ay darating sa susunod na araw sa New York para sa selebrasyon ng graduation niya.
“I’ve been busy with things,” sagot niya habang sinasabayan ito sa paglalakad sa Central Park.
“Busy o busy-busy-han. Akala mo, hindi ko alam ang pinaggagawa mo kasama si Ivanovich?”
Don’t worry. Hindi na kami magkikita.”
“Talaga?”
“Bumalik na si Amber.”
Natahimik sandali ang kaibigan niya bago bumusangot ng todo.
“Ako lang ba pero naiinis din ako sa babaeng iyon. Kung ayaw niya kay Giovanni, dapat nililinaw niya. Pakawalan niya na. Hindi iyong tinatapon niya si Giovanni kapag may boyfriend siyang iba tapos pupulutin kapag ayaw niya ng maglaro.”
Summer too, couldn’t stand the woman. How can Amber take Giovanni for granted while she needs to exert great effort for his attention?
“It’s irritating. I need an ice cream!” bulalas nito at saka siya hinila sa ice cream truck na nakaparada sa kalakihan ng New York Central Park.
“Thenk you!”
Napatingin siya sa pamilyar na bata na kakakuha pa lang ng binili nitong Ice Cream.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Kelly Jane nang wala sa loob na sinundan niya ang bata. Nagtago si Summer sa likod ng malaking puno nang makita niya kung sino ang kasama nito.
Giovanni and Amber were laughing when the little boy, about 4 or 5 years old, showing his teeth.
“You’re heavy!” komento ni Giovanni nang binuhat nito ang bata at itinapon-tapon pa sa ere.
“Big boy me, Dad!”
“You are?”
“Yis! Ask Mom!”
Napuno ng inggit ang puso ni Summer.
Tila kutsilyong humihiwa sa puso niya ang mataginting na halakhak ng tatlo. Hindi siya sigurado kung paano siya nakaalis doon. Namalayan na lang niya na nakabalik na sila sa Hotel at humahagulgol siya sa kaibigan.
“I’m going to crush his balls! D amn him for hurting you like this!”
“W-Wala naman siyang kasalanan. Ako naman kasi ang may gusto…”
“Hindi ka niya dapat pinaasa!” gigil na sabi ni Kelly, naiiyak na rin.
Nag-inuman sila ng kaibigan. Sa kasamaang-palad ay hindi nila naubos ang bote ng wine dahil kailangan nitong umalis.
Ang hindi nito alam ay plano niyang magpakalasing ngayong gabi. Tamang-tama na tinawagan siya kanina ni Dhenaly para sa mini-reunion nila.
Si Dhenaly, si Giovanni at iba pa, ay mga kababata niya sa Northshire Village sa Pilipinas. Bukod sa magkakaibigan kanilang mga magulang ay iisang eskwelahan din sila noong grade school. Nagkahiwa-hiwalay lang nang tumuntong silang Senior High at College.
Giovanni went to Russia while Summer went to Military School in the US.
“Lasing ka na ba agad?” tanong ni Dhenaly nang salubungin siya sa pinto ng bar sa Hotel.
“No. But I want to get wasted tonight. Sa itaas lang ang suite ko.”
“Fine. Pero batiin mo muna ang mga kaibigan natin. Ang tagal na nang huling beses ka nilang nakita.”
Katulad ng dati, si Dhenaly ay parang ate na inutusan nito ang mga kaibigan nila na batiin siya.
Yumakap sa kanya ang pinsan ni Giovanni na si Zacharias Funtellion. Malapit sila sa isa’t isa dahil saksi ito sa pagiging ‘stalker’ niya noon.
“Congratulations, Pinky,” wika nito gamit ang palayaw sa kanya. Pinky raw dahil palagi siyang naka-pink noong bata pa sila.
“Thank you.”
“Zacharias, tama na ang yakap.”
Tumawa siya nang hinila na naman siya ni Dhenaly. This time, they went to far side where Giovanni and Massimo sitting.
Binati siya ng huli habang si Giovanni ay tiningnan lang siya bago walang pakialam na ipinagpatuloy ang pag-inom.
“Topakin talaga,” inis na komento ni Dhenaly nang makabalik sila sa kanilang mesa.
“Sanay na ako,” biro niya habang may pilit na ngiti. “Can I get wasted now?”
“Sure.”
Nginisian niya si Dhenaly. Dumiretso siya sa bar counter at dinampot ang bote ng Johnnie Walker. She chugged it like a water.
Tinamaan na siya ngunit nakakatayo pa rin.
Nang makitang naglalakad palapit si Giovanni ay galit siyang tumayo at kwinelyuhan ito.
“You are going to marry me,” Summer drunkenly declared.
Umiling si Giovanni at inalis ang kanyang kamay.
“Papakasalan mo rin ako. Sa akin ang bagsak mo, Giovanni Ivanovich. Sa akin!” Mas lalo siyang nahilo nang nagsisigaw siya dahil kahit nanlalabo ang tingin niya ay namataan niya si Amber na papasok sa bar.
Parang sirang-plaka na paulit-ulit sa utak niya ang nakita kanina sa Central Park.
Hinila niya ang kwelyo ni Giovanni at gigil na hinalikan ito sa labi. Nanghina ang mga tuhod niya at bumulagta.
“Ah! Hmnn…”
Kinuyumos niya ang bed sheet nang maramdaman ang pag-ulos ni Giovanni sa pagitan ng kanyang mga hita.
Nagkamalay na lang siya na inilapag siya nito sa kama kanina. Pinigilan niya itong umalis at muling ibinigay ang sarili sa takot na pupuntahan nito si Amber.
“Giovann…oh. Sh!t!”
“You f ucking want this?”
“Y-Yes! Ah…” Nagdidirilyo na siya sa sarap. Inilagay nito ang kamay sa leeg niya at mas lalong diniinan ang bawat paglabas-masok ng p agkalalaki sa loob niya.
She came as much as Giovanni spilled inside her.
Regular ang pagpi-pills niya kaya alam niyang hindi siya mabubuntis. Walang magiging problema…
Iyon ang akala niya. Dahil kinaumagahan ay galit na galit na mukha ng Daddy niya ang sumalubong sa kanya nang magmulat siya ng mata.
Mabuti na lang at nakadamit na siya dahil tinutukan ng daddy niya ng baril si Giovanni na hubad pa rin sa ilalim ng kama.
“I want a d amn marriage for my daughter, Cale!” he demanded angrily to Giovanni’s father. Pinapakalma ito ng mommy niya subalit hindi iyon sapat.
Nasa New York din pala ang mga magulang ni Giovanni kaya nagkaharap-harap ang pamilya nila.
“My daughter is a woman. Siya ang dehado rito!”
“Daddy, it’s not like that—”
“Shut up, Young Lady,” he snapped at her.
Napayuko si Summer. Mabibilang sa mga daliri niya kung ilang beses lang naging ganon ang tono nito sa kanya.
“We understand, Gideon. Pero nasa mga bata ang disisyon,” Cale answered.
“No!” The former Lieutenant General Gideon Vesarius stand up angrily. “I said it clearly. Pakasalan ng anak niyo ang anak ko. O kalimutan na natin ang pagkakaibigan na meron ang mga pamilya natin! Kung nagkabaliktad tayo ng sitwasyon, gagawin niyo rin ang ginagawa ko.”
Pinaglaruan niya ang mga daliri. Hiyang-hiya sa mag-asawang Ivanovich na walang ipinakitang masama sa kanya.
Pumayag ang mga magulang ni Giovanni. Noong una, ay nakarinig pa siya ng pagtutol kay Giovanni subalut matapos itong kausapin ng mga magulang ay wala rin nagawa.
On the same day, they got married.
MABIGAT ang dibd ib na nakatingin si Summer sa bakanteng espasyo ng kama. It was supposed to be their honeymoon night, but her husband left her alone in their suite.
Naiintindihan niya na galit ito sa kanya dahil hindi naman talaga siya nito mahal.
“Are you in the club? We’re at the VIP!” tanong agad ni Dhenaly nang sinagot niya ang tawag nito.
“Club?” naguguluhan niyang balik-tanong.
“Yeah. We saw Giovanni around.”
“Nasa hotel room namin ako.”
Sandaling natigilan si Dhenaly sa kabilang linya bago niya narinig ang malutong na mura nito. “F ucking cheater!”
Napaahon siya sa kinahihigaan. “Anong nangyayari?”
“Nandito si Giovanni kasama si Amber El Greco.”
Nabitawan niya ang cellphone. Namasa ang kanyang mga mata at napahagulgol sa kirot na bumalot sa buong sistema niya.
Her eyebags were evident when she woke up the next day.
“I want Mommy. Want her!” malakas na iyak ng pamilyar na boses.
Naabutan niya sa living room ang batang umiiyak. Nakasalampak ito sa sahig habang nakatingala kay Giovanni.
“Get up, Lucian. This is not the right time to sulk.”
“Anong nangyayari?” Itinago niya na muna ang sama ng loob sa asawa at nilapitan ang anak nito.
“Mommy. Mommy…”
Pinagpapalo nito ang kanyang kamay nang akmang itatayo niya. Masakit pero mas masakit na hinila siya ni Giovanni palayo na para bang ayaw nitong ipahawak sa kanya ang anak.
“You will stay with us,” seryosong sabi ng asawa niya sa bata.
Hindi man lang tinanong kung pumapayag ba siya o hindi. Ngunit, ano bang karapatan niya kung malinaw na sa papel lang naman siya kasal.
Nalaman niya na nasa ospital si Amber. Comatose ito kaya walang pagpipilian si Giovanni kundi kunin ang bata.
“We need to go back to the Philippines. Sasama sa atin si Lucian,” wika ng asawa niya sa tonong hindi siya binibigyan ng permiso para tumutol. Mula nang araw na ikasal sila, iyon ang unang beses na kinausap siya nito.
“P-Paano si Amber?”
“Her parents will take her back to Russia.” Giovanni took a sip from his brandy while his jaw was clenched.
Sumikip ang dibd ib niya dahil malinaw na malinaw ang lungkot sa mga mata nito.
PALAGING WALA SI GIOVANNI nang makauwi sila sa Pilipinas.
Iniintindi na lang si Summer dahil may mga responsibilidad ito sa pamilyang Ivanovich na nakabase sa Russia.
“Hindi ka na ba talaga tutuloy?” puno ng panghihinayang ang boses ng matalik niyang kaibigan habang nasa video call sila.
“Kasal na ako, Ely,”
Kelly Jane rolled her eyes. “Summer Vesarius, you graduated top of our class. Nakalimutan mo na ba inaasahan noon ng mga Seniors natin na ikaw ang unang makakapasok sa US military?”
“Hindi na iyan ang priority ko.”
“Priority mo na nga pala ang maging mabuting may-bahay sa asawa mong walang kwenta. Ginawa ka pang ina sa batang hindi mo naman kadugo. I don’t hate the kid but Giovanni was so insensitive. Pinaalaga pa talaga sa ‘yo ang anak ng taong pinagseselosan mo!”
“Mabait naman si Lucian.”
“Ang tatay ba mabait? Summer, hindi ka niya mahal! Palagi nga siyang wala riyan sa bahay niyo. God knows kung anong pinaggagawa niya sa Russia.”
“H-He’s not like that…”
Giovanni can be anything but not a cheater.
“Kumbinsihin mo pa ang sarili mo. Ilang buwan na ba kayong mag-asawa? Kahit minsan ba pinaramdam niya na gusto niyang manatali sa kasal niyong ‘yan?”
“Busy lang siya.”
Dismayadong umiling ito. “I don’t know, Summer. Hindi ko gusto ang nangyayari sa ‘yo. Nagtataka rin ako kung bakit hinahayaan ng mga magulang mo na maging miserable ka.”
Hindi alam ng mga magulang niya dahil halos hindi siya magpakita sa mga ito. Summer knew she had disappointed her father so much.
Dala ng hiya, mas pinili niyang manirahan sa Southshire City kaysa sa bahay na malapit sa mga magulang niya.
Nang mawala sa kabilang linya ang kaibigan ay ipinagpatuloy niya ang pagdampot ng mga nagkalat na laruan ni Lucian. Nagluto na rin siya ng hapunan at isinalang ang maruruming damit sa washing machine.
Pagod sa mga gawain, ay kinuha niya pa rin ang susi ng kotse para sunduin si Lucian sa school nito. Hatid-sundo niya ang bata, gumigising ng maaga para ipagluto ito ng pagkaim at paliguan.
Sometimes, she still can’t believe she’s now a mother. Ilang beses na niyang naranasan na huwag matulog dahil binabantayan niya si Lucian na may sakit. Ang hirap pero kinakaya niya dahil bukod sa napamahal na sa kanya ang bata ay naisip niyang baka kapag nakita ni Giovanni ang mga ginagawa niya ay mamahalin siya nito.