Share

Chapter 6

Author: AzuRayne
last update publish date: 2026-04-15 23:51:07

Chapter 6: Let's Get a Divorce

"Azrael..." naging paos ang boses ni Shuvee, hindi na niya mapigilan ang kanyang paghikbi.

"Hmm? Shuvee?" Hinawakan ni Azrael ang kanyang kamay. "What's wrong? Gusto mo bang umiyak? Sige, umiyak ka lang. Huwag mong kimkimin 'yan."

Napakalumanay ng boses nito, sobrang lambing. Katulad lang noong lumabas siya sa operating room noon; siya at ang mga nurse ang nagtulak sa kanya pabalik sa ward. Nanatili si Azrael sa tabi ng kanyang kama at sinabihan siya sa boses na sobrang lumanay na halos nakakasakit na.

 "Shuvee, masakit ba? Kung masakit, iiyak mo lang, huwag mong pigilan..."

Noong panahong iyon, naramdaman ni Shuvee na ang ganoong klaseng pag-aalaga ay gamot sa kanyang sakit. Sayang lang at inabot siya ng maraming taon bago lubos na naintindihan na ang gentleness at care ng isang lalaki ay hindi kailanman magiging katumbas ng pag-ibig.

"Azrael, let's get a divorce," mahinang sabi ni Shuvee habang dahan-dahang binabawi ang kanyang kamay. Ang hapdi sa kanyang puso ay unti-unti nang nagpapalabo sa kanyang paningin.

Kumunot ang noo ni Azrael; halatang hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng asawa. Matapos ang maikling katahimikan, tinawag niya ang waiter at humingi ng malinis na bowl. Kumuha siya ng isang piraso ng isda, yumuko, at maingat na tinanggal ang mga tinik gamit ang kanyang tinidor.

"Shuvee, alam kong galit ka pa rin, pero irrational na banggitin ang divorce," sabi ni Azrael sa malumanay na boses. "Kung makikipag-divorce ka sa akin, anong gagawin mo? Paano ka mabubuhay nang mag-isa?"

Bumilis ang paghinga ni Shuvee. Sa nakalipas na limang taon, sa mata ng lahat, isa lang siyang dependent; na kung wala si Azrael, isa lang siyang kawawang nilalang na walang gustong kumuha at hindi makakaligtas. Ganito rin ang tingin ni Azrael sa kanya.

"Kaya kong mabuhay ng wala ka!" Sa unang pagkakataon, naging assertive siya sa harap nito. Gusto niyang patunayan ang kanyang sarili.

Ngumiti lang si Azrael, iniisip na nagmamatigas lang ang asawa, at inilagay ang malinis na isda sa harap niya. 

"Kumain ka na. Hahayaan kitang magalit ngayon, pero bawal ka nang magalit pagkatapos mong kumain."

"Hindi ako galit, seryoso ako na gusto ko na ng divorce!" bahagyang napataas ang boses niya.

Paano ba niya ipapaliwanag kay Azrael na hindi lang ito udyok ng galit?

"Shuvee." Ibinaba ni Azrael ang kanyang kurtsara. "Alright, I turned down two meetings and a business meeting today just to come and spend time with you. I might not have this much time tomorrow or the day after. Uulitin ko, si Scarlett ay mabuting kaibigan naming lahat, parang kapatid ko na rin siya. Wala siyang pagkakaiba sa turing ko kay Owen at sa iba pa. Gustung-gusto ka rin niya at gusto ka niyang maging kaibigan. Pero sa attitude mong 'yan... paano ko siya ipapakilala sa'yo?"

"Kung ganoon, hindi mo na siya kailangang ipakilala sa akin." Hindi naniniwala si Shuvee na gusto talaga siyang maging kaibigan ni Scarlett.

"Shuvee!" Bakas na ang inis sa boses ni Azrael. Alam ni Shuvee na basta si Scarlett na ang usapan, hindi na nagiging maayos ang temper nito.

"Kumain ka na lang. Pagkatapos natin dito, mag-shopping tayo at bilhin mo lahat ng gusto mo, tapos pupunta tayo sa parents mo para mag-dinner. Gaano na ba katagal mula noong huli mong dinalaw ang mga magulang mo?" Patuloy ang paglalagay ni Azrael ng pagkain sa pinggan ni Shuvee.

Ayaw ni Shuvee na pahirapan ang sarili, kaya kinuha niya ang kutsara at kumain. Anuman ang mangyari, kailangan niyang siguraduhin na maayos ang health niya. Hindi niya kailangang idamay ang kanyang tiyan sa galit niya.

"That’s right." Muling lumambot ang boses ni Azrael. "Don’t mention the word ‘divorce’ again."

Tumigil si Shuvee nang sandali, pero ipinagpatuloy ang pagkain nang nakayuko. Pagkatapos ng dinner, ayaw na sana niyang mag-shopping pero nag-insist si Azrael, kaya dumiretso sila sa mall. Sa limang taon ng kanilang marriage, iilang beses lang siyang sinamahan ni Azrael na mag-shopping, at masasabing iilang beses lang din silang lumabas sa publiko nang magkasama.

Napakaliwanag ng mga ilaw sa mall kahit umaga pa lang. Medyo naiilang si Shuvee kaya maingat siyang naglalakad sa anino sa likod ni Azrael habang nakakapit sa kanyang bag. Ang first floor ay puno ng counters para sa designer bags, watches, at jewelry.

"Anong gusto mong bilhin?" tanong ni Azrael sa kanya habang lumingon ito.

Wala siyang gustong bilhin; gusto na lang niyang umuwi! 

Pero bago pa siya makapagsalita, may narinig silang tumawag mula sa malayo.

“Mr. Soriano!”

Lumingon si Azrael dito bago ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Bagong established partner company namin 'yan. I’ll go say hello," bilin ni Azrael. "Mag-ikot ka muna rito, babalikan kita mamaya."

Hindi kilala ni Shuvee ang sinuman sa mga clients ni Azrael. Pinanood niya itong makipagkamay sa isang lalaki sa 'di kalayuan. Nakatayo lang siya doon, nararamdaman na wala sa mga luxurious items na iyon ang gusto niyang bilhin.

"Miss, it's your turn na po," paalala sa kanya ng sales assistant.

Doon lang natauhan si Shuvee na hindi niya sinasadyang nakapila na pala siya sa isang luxury store. 

"Oh, no, thank you," mabilis niyang sagot bago agad na lumabas ng shop.

Naglakad-lakad siya nang walang direksyon sa mall nang bigla niyang mamataan ang isang pamilyar na pigura sa counter ng isang brand-name watch. Si Scarlett iyon. Pagkakita sa brand ng relo, tila may kung anong bumaon sa puso niya, kaya lumapit siya sa counter nang hindi nag-iisip.

Kasama rin ni Scarlett si Owen na tinitingnan ang relo. Habang papalapit siya, mas nagiging malinaw ang usapan ng dalawa.

"Bilhin mo na kung gusto mo," sabi ni Owen.

Sumagot naman si Scarlett sa malambing na tono. "Parang hindi magandang idea e. Masyado talaga itong pricey. Kahit binigay sa akin ni Azrael ang supplementary card niya at sinabing gamitin ko ito as I please, nahihiya pa rin akong gamitin ito para sa ganito kamahal na bagay!"

Napatigil sa paglakad si Shuvee. Masyado nang mabigat ang kanyang mga paa para humakbang pa, at kasing-bigat nito ang kanyang nararamdamang sakit. 

Supplementary card... binigyan ni Azrael ito ng sarili niyang card?

"Kaya niya binigay sa'yo, para gamitin mo talaga 'yan. Kailan pa naging hypocrite si Azrael? Magkakaptid na tayo sa haba ng pagkakaibigan natin, hindi mo ba alam kung anong klaseng tao siya? Sincere gesture ang pagbibigay niya niyan sa'yo," pagpapatuloy ni Owen.

"May point ka..." Sabi ni Scarlett sabay igat ng kanyang pulso sa iba't ibang anggulo para ipakita kay Owen ang relo. Nakita rin ito ni Shuvee.

"Maganda ba, Owen? I really, really love this watch. Noong college pa lang, gusto ko na ito. Nangako si Azrael na bibilhan niya ako nito after graduation, and then..." bitin na kwento ni Scarlett.

And then? Isang mapait at mapang-uyam na ngiti ang namutawi sa puso ni Shuvee. After graduation, ibinibigay ni Azrael ang relong ito sa kanya taon-taon tuwing birthday at anniversary niya. Akala niya noon, kahit walang puso si Azrael, kahit papaano ay inaalala nito ang mahahalagang petsa sa buhay niya. Akala niya, kahit gaano pa ka-careless ang pagpili ng regalo, valuable naman ito.

Ngayon, napatunayan niyang hindi pala ito heartless o inattentive; sa katunayan, napaka-attentive at devoted ni Azrael. Ang masakit lang, ang lahat ng pagpapahalaga sa puso niya ay walang kinalaman kay Shuvee.

"Ayan! Tinupad na ni Azrael ang promise niya. Pwede mo nang bilhin kahit anong gusto mo. He can afford anything you like," pag-e-encourage ni Owen kay Scarlett.

"Sige, i-swipe ko na ha?" Halatang tempted na tempted na si Scarlett.

Sa kabilang bahagi naman ng mall, natapos na si Azrael sa pakikipag-usap sa kanyang business partner na naroon din para sunduin ang asawang nag-shoshopping. Nang malaman ng partner na sinasamahan din ni Azrael ang asawa nito, nag-offer ang partner na mag-hello rito.

Nang makita ni Shuvee na papalapit si Azrael, mabilis siyang nagtago sa likod ng isang Roman column.

 Pero nakita na ni Scarlett si Azrael kaya kumaway ito at sumigaw. "Azrael, I’m here! Halika rito!"

Mula sa pinagtataguan niyang column, pinanood ni Shuvee si Azrael at ang business partner nito habang naglalakad patungo kay Scarlett. Hinawakan ni Scarlett ang braso ni Azrael at niyanig ito. 

"Azi, gusto kong bilhin ang relong ito, okay lang?"

"Okay," sagot ni Azrael habang nakatingin kay Scarlett nang may napakalambing na mga mata. Ang ningning sa kanyang mga mata ay tila nagbigay-buhay sa buong mukha niya at napakalayo sa itsura nito kapag nasa bahay sila ni Shuvee.

"Thank you, Azrael! I-swiswipe ko na ang card ko ngayon." Tuwang-tuwang iwinagayway ni Scarlett ang supplementary card na bigay ni Azrael.

Nang makita ito, ngumiti ang business partner na kasama nila.

"Ang sweet niyo namang mag-asawa Mr. and Mrs. Soriano. It's really touching."

Mr. and Mrs. Soriano? 

Parehong natigilan sina Azrael at Scarlett sa narinig, pero wala ni isa sa kanila ang

nagbalak na magpaliwanag o itama ang pagkakamali nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 426

    Chapter 426Hindi nagsalita si Azrael. Nanatili lang siyang nakatitig sa kaniya mula sa itaas."Masakit ba... nang sobra?" tanong ni Shuvee habang nakatingin sa kaniya.Alam niyang kakaiba ang kaniyang inuugali ngayon. Sa mata ng ibang tao, baka nagmumukha na siyang baliw. Siya lang ang nakakaalam ng lihim sa kaniyang puso, at hindi niya iyon kailanman maipaliliwanag sa mundo.Nanatiling tahimik si Azrael. Tinitigan siya nito nang ilang sandali bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gate ng simbahan.Naghihintay na sa kanila sina Aliyah at Angelo sa mismong gate."Boss, bakit ang bagal ninyong dalawa?" reklamo ni Angelo habang punong-puno ng dala ang mga kamay at balikat."Kahit kailan talaga napakareklamador mo! Lalaki ka pa naman pero walang pakinabang!" pabalang na panggagaliti ni Aliyah sa kaniya.Nang makitang mag-aaway na naman si Angelo at Aliyah, agad silang pinatigil ni Azrael."Isipin niyo naman kung nasaan kayo bago kayo mag-away," malamig ngunit maawtoridad

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 425

    Chapter 425Kinaumagahan, maaga siyang nagising at nakitang nasa kwarto uli siya sa Haicheng noong labimpitong taong gulang pa lamang siya.Hindi nagtagal ay tumawag si Aliyah."Shuvee! Gising ka na ba? Paalis na kami, paano tayo magkikita?" tanong ni Aliyah sa kabilang linya.Hindi alam ni Shuvee kung paano sila karaniwang nagkikita."Hindi ba sa school ang usapan?" tanong ni Shuvee.Dati kasi kapag may lakad sila, lagi silang nagkikita sa school bago umalis."Hindi ako dadaan doon. Diretso na ang mamaneho ni Azrael mula rito. Pwede ka ba o susunduin ka na lang namin diyan?" tanong ni Aliyah.Nagulat si Shuvee sa narinig.Nagmamatagumpay na ba si Azrael sa pagmamaneho? Hindi pa man lang ito labingwalong taong gulang, paano ito makakapagmaneho?"May kotse ba siya? May driver's license na ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Shuvee."Oo, mayroon na. Pwede ba kaming pumunta riyan sa inyo?" maingat na tanong ni Aliyah.Medyo naninibago at napapaisip si Shuvee sa mga nangyayari."O kaya sa

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 424

    Chapter 424Tumingin nang kakaiba si Angelo kay Azrael."Pupunta ka talaga sa parish church bukas? Sabi mo nung isang araw may mahalaga kang aasikasuhin sa shop bukas?" tanong nito."Hmm," malamig na sagot ni Azrael. "The shop matter can be postponed.""Oh," natuwang tango ni Angelo. Mas masaya nga naman kung marami sila kaysa silang dalawa lang ni Aliyah ang pupunta sa simbahan. Bigla nitong naisip si Shuvee. "Bakit biglang sasama ulit si Shuvee sa atin? Isang taon na siyang hindi sumasama sa mga lakad natin, 'di ba?""I don't know," walang interes na sagot ni Azrael. "Aliyah is close to her.""Sabagay," sang-ayon ni Angelo. "Kahit hindi na natin siya nakakasama, magkaibigan pa rin naman sila ni Aliyah. Boss, hindi ka naman galit o naiilang, 'di ba?""Naiilang saan?" tanong ni Azrael."Naiilang na sasama si Shuvee bukas?" alam kasi ni Angelo ang ugali ng kaniyang boss; napakataas ng boundaries nito at mabilis umalis kapag may taong labas sa circle nila ang sumasama."Whatever," irita

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 423

    Chapter 423Hindi alam ni Shuvee kung anong nangyari sa taong 'yon at kung bakit hindi na siya sumasama sa mga lakad ng grupo. Pero ang simbahan ang lugar kung saan siya dating nanalangin nang buong puso...Gusto niyang pumunta roon para tingnan kung nandun pa rin ba siya paggising niya bukas."Tawagan mo na lang ako bukas nang umaga tapos pag-usapan natin," sagot niya.Kapag wala na siya rito bukas, kay Shuvee na nakasalalay ang desisyon kung pupunta ba siya o hindi."Sige! Kapag okay na 'yang pakiramdam mo bukas, tuloy tayo," masayang sang-ayon ni Aliyah."Bakit nga pala kayo magsisimba?" tanong ulit ni Shuvee.Lumapit nang kaunti si Aliyah sa kaniya at bumulong nang may halong hiwaga sa boses."Last year na natin 'to sa high school, 'di ba? Pinagsimba talaga ako ni Mommy para magdasal, hehe," tawa nito.Hindi napigilan ni Shuvee na mapatingin kay Azrael. Naniniwala pa rin ba ito sa ganun?Hindi na sila nagtagal nang matagal sa palamigan. Pagkatapos kumain ay bumalik na silang apat

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 422

    Chapter 422Nadarama pa rin ni Shuvee ang hubog ng mga kalamnan sa palad niya. Totoo ang mga iyon, buong-buo ang buhay, at tila tumitibok pa nga sa kaniyang hawak."Nandito ka ba talaga? Totoong ikaw na 'yan, 'di ba?" tanong niya habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang mukha.Ang kasagutan na matagal na niyang gustong makuha ay isang bagay na hindi pa kayang intindihin ng labimpitong taong gulang na si Azrael. Napatitig lang ito sa kaniya nang walang nagawa."Oo, nandito ako," sagot nito sa kaniya.Nang makita niyang umiiyak na rin ito nang tuluyan, kumuha si Shuvee ng tissue at inabot ang mukha nito upang punasan ang mga luha."Nandito lang naman ako palagi, eh. Hindi naman ako umalis. Ikaw lang 'tong ayaw nang humahanap sa akin," mahinang sabi nito.Umiling-iling si Shuvee.Hindi 'yun ang sagot na gusto niyang marinig. Hindi niya pa rin mahanap ang totoong sagot."Azrael, hindi ko na mahanap 'yong sagot..." pag-iyak niya habang bulong sa sarili na hindi na rin niya ito ma

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 421

    Chapter 421Paulit-ulit na naglalaro sa isip ni Shuvee ang imahe ni Azrael.Iyon ang Azrael na namumutla, nanghihina, at nagmamakaawa sa kanila ng lola niya na huwag na itong bisitahin sa ward.Bigla iyong napalitan ng anyo ng masigla at batang Azrael na nakatayo ngayon mismo sa harapan niya.Tinitigan niya ang binata. Ang mga luha na hindi man lang niya naubos na maiyak noong nasa London siya ay muling umagos nang walang patid.Hindi siya makapagsalita. Nakatitig lang siya rito habang patuloy ang pag-bagsak ng sariling mga luha.She couldn't stop crying.Siya si Shuvee na trenta anyos na.At thirty, Shuvee could just hug Azrael and cry her heart out. Wala siyang pakialam kung divorced man sila o kung ex-husband niya na ito.Pero hindi niya magawa iyon ngayon. The current Azrael in front of her is only seventeen years old.Nasa loob pa sila ng campus habang nagaganap ang taunang sports meet.Nasa paligid ang lahat ng estudyante sa playground, sa ilalim ng matatalim at mausisang tingin

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 1

    Chapter 1: Fifth AnniversaryAlas-tres na ng madaling araw. Kakauwi lang ni Azrael at narinig ni Shuvee ang tunog ng running water mula sa banyo. He was taking a bath.Nakatayo si Shuvee sa tapat ng pinto ng banyo, balisa at gustong kausapin ang asawa Kinakabahan siya, iniisip kung papayag ba ito s

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 7

    Chapter 7Pinanood ni Shuvee sina Azrael at Scarlett habang mabilis na nag-a-adapt ang mga ito sa kanilang mga bagong identity. Matapos ang panandaliang pagkailang, bakas sa mukha ng dalawa ang saya habang tumatawa at nakikipag-usap sa kani-kanilang mga partner."Bagay na bagay talaga sila," bulong

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 4

    Chapter 4: I don’t want to face herHabang pinagmamasdan ang sitwasyon, sumingit si Scarlett sa tamang pagkakataon. "Azi, huwag kang magpaapekto dahil lang sa mga sinasabi nila tungkol sa asawa mo. Talagang nag-aalala lang naman sila sa'yo," malambing na sabi ni Scarlett habang nakatingin sa lalak

  • Chasing My Runaway Crippled Wife   Chapter 5

    Chapter 5: My Own RedemptionMatapos ang masakit na rebelasyong iyon sa office, muling binalikan ni Shuvee ang kanyang mga libro. Hindi niya masyadong pinag-isipan ang magiging resulta noon; ang gusto lang niya ay lagyan ng kaunting pag-asa ang kanyang buhay. Naisip niya na kung may ginagawa siya,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status