Share

2

Author: UPSOUR
last update Last Updated: 2025-11-25 12:55:32

Maaga pa nang magising ako. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan sa sala ang marahang tumitibok sa katahimikan. Alam ko na kagabi pa lang ay umalis na si Kael. 

Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi, o kung tulog ba talaga iyon. Mabigat ang mga mata ko, hindi dahil sa antok, kundi dahil parang naubos na ang kaya kong iyak.

Nagbihis ako nang mabilis. Puting blouse, itim na slacks. Walang kolorete, walang pabango. Gusto ko lang matapos ang araw na ito. Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakatingin pabalik. Walang ningning ang mga mata, walang lambing ang mga labi. Para siyang estrangherang pinilit kong katawanin.

Sa labas, malamig ang hangin. Nilamon ng hamog ang paligid, at bawat hakbang ko patungo sa kotse ay parang humihila ng bigat sa dibdib. Habang nagmamaneho papunta sa korte, pilit kong iniwasan ang alaala kagabi. Pero kahit anong pagtabi ko sa isip, bumabalik ang huling sandali namin ni Kael, ang malamig niyang halik, at ang salitang pumunit sa lahat.

Pagdating ko sa courthouse, nakita ko agad siya. Nakasandal sa itim niyang sasakyan, nakayuko habang nakatutok sa cellphone. Suot pa rin niya ang kulay na akma sa ugali niya ngayon, itim, pormal, malamig. Nang makita niya akong paparating, ibinulsa niya kaagad ang telepono, saka ako tinitigan nang diretso.

“You’re late,” sabi niya agad, malamig ang tono.

Tiningnan ko ang relo ko. “Five minutes lang.”

“Still late.” Umiling siya. “I was supposed to visit Natalyn before lunch.”

Napahinto ako. Of course. Siya pa rin ang iniisip mo.

Hindi ako sumagot. Wala akong lakas makipagtalo.

“Let’s go inside,” aniya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.

Tahimik kaming naglakad papasok sa gusali. Ang bawat yabag sa marmol na sahig ay parang mas malakas pa kaysa tibok ng puso ko.

Sa maliit na silid ng korte, puting dingding, mahabang mesa, at dalawang abogado, sinimulan ang proseso. Ang mga papel sa harap namin ay parang mga piraso ng buhay na pipirmahan para tuluyang mapunit.

“Ma’am Solene, do you understand the implications of signing this?” tanong ng judge.

“Yes, Your Honor.”

“Are you signing of your own free will?”

“Yes.”

Iniabot sa akin ni Atty. Ledesma ang panulat. Huminga ako nang malalim bago pumirma. Sa bawat stroke ng ballpen, naririnig ko ang boses niya kagabi.

Let’s get a divorce.

Pagkatapos kong pirmahan, inabot ko iyon kay Kael. Wala siyang alinlangan, parang matagal na niyang gustong matapos ito.

Paglabas namin ng silid, nagsalita siya,“Do not tell my grandparents about this.”

Napatingin ako sa kanya. “Bakit hindi?”

“I don’t want to upset them. They still think this marriage is working.”

Umangat ang sulok ng labi ko, mapait. “Of course. You wouldn’t want to ruin the illusion.”

Hindi siya sumagot. Nang pumasok siya sa elevator, nanatili akong nakatayo sa hallway. Nang magsara ang pinto, doon lang ako muling nakahinga.

Nakakatawang isipin na matapos lang lahat sa isang araw.

Pero nang maramdaman kong muli ang paninikip ng dibdib ko, napapikit ako. 

‘Dapat masaya ako, hindi ba? Nakawala na ako sa one-sided love.’ Pero bakit ang hirap huminga?

Lumabas ako ng gusali at diretso sa kotse. May isa pa akong kailangan tapusin ngayong araw.

Habang nagmamaneho papunta sa ospital, ilang ulit kong tinanong ang sarili ko kung sasabihin ko ba ito kay Kael. Pero ano pa ba ang saysay? Wala na rin naman kaming dalawa. At ayoko nang maging dahilan na lang ako ng obligasyon niya.

Pagdating ko sa ospital, nakita ko agad si Valerie sa labas ng office niya, hawak ang kape at nakasuot ng puting coat.

“Solene,” tawag niya, sabay ngiti. Pero agad iyong nawala nang mapansin ang mukha ko. “What happened? Kanina pa kita inaantay. Mabuti nalang ay nakarating ka. Halika na sa loob. I-start na natin ang check-up mo.”

Sumunod ako sa kanya papasok sa clinic lounge. Umupo ako sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.

“Humiga ka muna rito,” sabi niya at sumunod naman agad ako. Dahan-dahan akong humiga, sinimulan niyang itinaas ang suot kong shirt. “Any pain?” tanong niya habang binubuksan ang chart.

Umiling ako, nakatingin lang ako sa screen. Wala pa naman akong nakikita pero ramdam ko na na may buhay sa loob ng tyan ko. 

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang luha. 

“Hey, are you alright?” tanong ng kaibigan ko, tinigil niya muna ang ginagawa niya at tumingin sa akin. “You sure na gusto mong ituloy lahat today? Pwede namang i-resched kung, ”

“No.” Huminga ako nang malalim. “I want to get through this.”

Tumango siya, may bahagyang ngiti pero may lungkot din sa mata niya. “Okay. Let’s do this.”

Habang kinukuha niya ang BP ko, tahimik lang kaming dalawa, pagkatapos, umupo siya sa tabi ko, malapit pero hindi masyadong dikit.

“Solene… you know you’re not alone, right?”

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa ultrasound picture na nakalapag sa maliit na mesa, yong maliit na puting spot sa loob ng itim na screen.

Isang buhay, isang lihim at isang bagay na hindi ko pa alam kung paano haharapin.

Tahimik na tinanong ni Valerie, “When are you planning to tell Kael?”

Doon ako natigilan.

Huminga ako nang mabigat bago sumagot, halos pabulong, “Hindi ko alam. And… I don’t think it matters anymore.”

Naningkit ang mata niya. “What do you mean ‘it doesn’t matter’?”

Tumingin ako sa sahig. “Naghiwalay na kami, Val.”

Napatigil siya. Parang may sumabog na galit sa loob niya. “Excuse me, ANO?”

“Kanina lang. Sa korte doon ako galing bago ako dumiretso dito.” Umiling ako, pilit nilulunok ang panginginig ng boses ko. “He prepared everything for this…at ang gusto niya lang gawin ko ay pumayag na makipagiwalay.” 

“Wait…I don’t understand, Sol. Bakit siya nakipaghiwalay? At bakit ka pumayag? Noong huli tayong nag-usap tungkol sa kanya, sa relasyon niyo. Sabi mo, nasa maayos kayo…and he accepted you as his wife, kaya nga buntis ka na ngayon.”

Bakas ko sa boses ng kaibigan ko ang galit. Pero kailangan kong sabihin ngayon, gusto kong ilabas ang sakit mula palang kagabi.

“He broke up with me because his ex-girlfriend…is sick. Si Natalyn. And you know what’s funny? He told me that, while we’re having sex last night.”

“What the hell? Gago ba siya! Damn it, you’re pregnant now, Sol. Mas may karapatan ka sa kanya kung sasabihin mo ang totoo at hindi na makipaghiwalay…saan ba siya? I will smash his face for godsake!”

Hinawakan ko ang kamay ni Valerie para pakalmahin siya, tumingin ako sa kanya sabay iling. 

“I will not use my child for him to love me back, Val. I just…maybe, it’s time to let him go.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   5

    SOLENE POV:Tahimik ang byahe nang sinimulan ni Valerie ang pagmamaneho. Gabi na ang daan kaya hindi rin traffic. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kanina sa loob kung bakit siya bumalik, pero nawalan narin ako ng lakas para pigilan ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa building ng condo niya, tahimik lang din akong sumunod sa kanya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya. Pagbukas ng pinto ng condo niya, hindi na ako nakagalaw. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa wakas, ligtas akong makakahinga, kahit saglit lang.“Sol,” tawag ni Valerie, inagaw ang isa kong maleta. “Doon sa guest room.”Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko, iiyak ako nang walang tigil.Pagpasok ko sa guest room, ramdam ko na ang kaginahawaan pero ramdam ko rin na pinipigilan ng mata ko ang luha. “Umupo ka,” saad ni Valerie.Umupo ako sa gilid ng kama. Sumunod ako tulad ng isang batang nadapa at hindi alam kung ano a

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   4

    KAEL POV:Tahimik ang opisina ng doktor, pero mabigat ang bawat segundo, parang kumakapal ang hangin habang tumatagal. Ang ilaw sa kisame, puting-puti, tumatama sa stainless na mesa sa pagitan naming tatlo. Sa tabi ko si Natalyn, nakayuko, hinahaplos ang gilid ng diagnostic report na para bang tinitimbang kung gaano kabigat ang mga salitang nandoon.Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nanginginig. Nakaupo lang siya nang diretso, ramdam ko ang paghugot niya ng hininga sa bawat paggalaw ng dibdib niya.Huminga nang malalim ang doktor, parang kailangan muna niyang bilhin ang lakas bago magsalita. “Miss Salvador…” Pinadulas niya ang salamin sa mesa. “Late stage na ang cancer. We estimate… at best… six months.”Umusog ang upuan ko nang hindi ko sinasadya. Dumulas ang tunog sa sahig, pero hindi iyon nakaistorbo kay Natalyn. Tahimik lang siyang tumango na para bang tinanggap niya na ang sinabi ng doktor.“Six months,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “That’s enough time.”Pinisil

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   3

    Hindi ko namalayan kung ilang oras na pala akong nakaupo sa opisina ni Valerie. Marami na kaming napagkwentuhan lalo na tungkol sa pasyente niya pero kahit na gano’n ay hindi parin mawala sa isipan ko ang tungkol sa amin ni Kael.Nang marinig ko ang biglang pagtaas ng boses ng anchor mula sa TV, halos sabay kaming napalingon ni Valerie.“Breaking news!”Lumabas sa screen ang mukha ni Natalyn Salvador, payat, naka-hospital gown, pero may pilit na ngiti. Nakahiga ito sa kama, halata sa mukha ang lungkot at panghihina.Habang sinasabi ng reporter ang diagnosis niya, sunod-sunod na gumalaw ang mga larawan. Hindi ko na kinailangan pakinggan ang buong detalye. Iyong pangalan ni Kael ang tumama sa tenga ko, kasunod ang statement ni Natalyn tungkol sa pagrespeto sa isang “marriage she will never interfere with.”Napakuyom nang bahagya ang daliri ko sa laylayan ng suot kong cardigan. Ramdam ko rin ang pagsulyap sa akin ni Valerie, ngunit hindi siya nagsalita. Mayamaya, pinatay niya ang TV sa

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   2

    Maaga pa nang magising ako. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan sa sala ang marahang tumitibok sa katahimikan. Alam ko na kagabi pa lang ay umalis na si Kael. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi, o kung tulog ba talaga iyon. Mabigat ang mga mata ko, hindi dahil sa antok, kundi dahil parang naubos na ang kaya kong iyak.Nagbihis ako nang mabilis. Puting blouse, itim na slacks. Walang kolorete, walang pabango. Gusto ko lang matapos ang araw na ito. Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakatingin pabalik. Walang ningning ang mga mata, walang lambing ang mga labi. Para siyang estrangherang pinilit kong katawanin.Sa labas, malamig ang hangin. Nilamon ng hamog ang paligid, at bawat hakbang ko patungo sa kotse ay parang humihila ng bigat sa dibdib. Habang nagmamaneho papunta sa korte, pilit kong iniwasan ang alaala kagabi. Pero kahit anong pagtabi ko sa isip, bumabalik ang huling sandali namin ni Kael, ang malamig niyang h

  • Chasing What's Gone: Husband's Regrets   1

    Napakapit ako sa likod ni Kael nang marahas niya akong hilahin palapit. Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Walang paalam nang lumapit ako sa kama. Hinalikan niya ako kaagad, mabigat at mapusok. Nagulat man ay hinayaan ko nalang din siyang gawin ang nais niya.Napaingiti ako nang palihim. Sinabayan ko ang mga haplos niya sa katawan ko. Peor mayamaya, napaigik ako nang bahagya dahil ramdam ko ang tigas ng kamay niya sa balikat ko. Pinilit kong huminga nang maayos. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa paraan ng pagkilos niya.Saglit kong hinawakan ang ulo niya, pinilit siyang tignan. Ngunit malamig ang mga mata niya, bakas ang matalim na tingin na ibinigay sa akin. Tatanungin ko na sana siya kung may problema ba, pero bago pa ako makapagsalita, hinalikan na naman niya ako, mas marahas, at mas mabilis.Kinagat niya ang labi ko, dahilan para mapasinghap ako. Dumulas ang isang kamay niya sa ilalim ng suot kong nightdress. Mabilis. Walang alinlangan. Napaungol ako nang maramdaman ang haplo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status