LOGINHindi ko namalayan kung ilang oras na pala akong nakaupo sa opisina ni Valerie. Marami na kaming napagkwentuhan lalo na tungkol sa pasyente niya pero kahit na gano’n ay hindi parin mawala sa isipan ko ang tungkol sa amin ni Kael.
Nang marinig ko ang biglang pagtaas ng boses ng anchor mula sa TV, halos sabay kaming napalingon ni Valerie.
“Breaking news!”
Lumabas sa screen ang mukha ni Natalyn Salvador, payat, naka-hospital gown, pero may pilit na ngiti. Nakahiga ito sa kama, halata sa mukha ang lungkot at panghihina.
Habang sinasabi ng reporter ang diagnosis niya, sunod-sunod na gumalaw ang mga larawan. Hindi ko na kinailangan pakinggan ang buong detalye. Iyong pangalan ni Kael ang tumama sa tenga ko, kasunod ang statement ni Natalyn tungkol sa pagrespeto sa isang “marriage she will never interfere with.”
Napakuyom nang bahagya ang daliri ko sa laylayan ng suot kong cardigan. Ramdam ko rin ang pagsulyap sa akin ni Valerie, ngunit hindi siya nagsalita.
Mayamaya, pinatay niya ang TV sa opisina niya at inaya akong umalis. Tumayo kami pagkatapos ng ilang minuto. Habang naglalakad palabas, lumakas ang mga yabag ng mga tao, may sumigaw ng “Nandiyan si Nat!” at parang naghati ang hallway para tumakbo ang mga reporter. Isa sa kanila kumalabog sa balikat ko, hindi malakas pero sapat para mapa-atras ako. Napahawak ako sa lugar kung saan tumama, saka sa tiyan ko. Automatic na gesture para protektahan ang tyan ko.
Sumigaw si Valerie at tinawag ang mga guard. Pero nanatili akong nakatayo, hindi gumagalaw, habang unti-unting bumubukas ang espasyo sa harapan ko, nakita kong naglalakad si Kael papasok.
Nasa braso niya si Nat, halos parang tinatakpan niya mula sa mga camera. Ang isang kamay niya nakapulupot sa balikat nito, ang isa handa laging humarang sa mga mikroponong sumusulpot. Ang buhok ni Nat, mahaba at magulo sa hangin ng hallway. Halata sa kanya ang takot habang pilit niyang kumakapit kay Kael.
Parang eksena sa k-drama, pero hindi ako ang female lead.
Pinanood ko lang sila. Wala akong ginawa para maitago ang sarili ko. At hindi niya rin ako nakita.
May bigat sa loob ng dibdib ko na hindi ko na kayang pangalanan, kaya ngumiti na lang ako, yong tipong mabilis na pag-amin at huminto dahil napagod na. Iyon ang nararamdaman ko, para bang lahat ng nangyari sa relasyon namin ni Kael ay ngayon lang naramdaman ang pagod.
Paglapit ni Valerie sa tabi ko, ramdam ko ang tensyon sa panga niya. “Hindi ka man lang ba?”
Umiling ako bago niya pa matapos. Hindi na kailangan.
Nilingon ko ulit si Kael at Nat. Wala namang nagbago sa ginagawa nila. Si Kael, nakaharang. Si Nat, umaasa sa braso niya.
“Ang kapal talaga, ” panimula ni Valerie, pero hinawakan ko siya sa braso.
“Val,” mahinahon kong tawag.
Napakurap siya, sabay bitaw ng malalim na hinga. Tumango. “Okay. Fine. Sasamahan na kitang umuwi, pero five minutes. I’ll check my patient tapos uuwi tayo. Promise.”
Pag-alis niya, naglakad ako papunta sa lobby. Umupo ako sa pinaka-kanto, malayo sa gulo, pero hindi sapat ang distansya para hindi ko marinig ang mga pangalan nilang dalawa.
Pinagsiksik ko ang sarili ko sa upuan, saka kinuha ang telepono. Pagbukas ko ng gallery, lumitaw agad ang mga larawan, ako at si Kael sa harap ng dagat, ako na nakasandal sa kanya habang nakaupo sa kotse, yung last na Christmas picture namin sa sala. Nakaangat ang kilay niya sa litratong iyon, parang napipilitan siyang ngumiti pero heto ako, sabik na sabik.
Pinisil ko ang screen, nag-scroll pababa. Puro kami. Puro alaala na ako lang ang nagpreserba.
Tumigil ako sandali. Nakaangat ang daliri ko sa delete button, hindi gumagalaw.
Mayamaya, pinindot ko na rin. Lahat. Select all. Delete all.
Humilig ako saglit, pinikit ang mata. Habang nakayuko ako, dumaan ulit ang isang grupo ng reporter sa kabilang hallway. Pag-angat ko ng tingin, nandoon si Kael ulit. Nakatalikod siya sa mga camera, pero kita ko ang profile niya, yong matigas na panga, yong tikas ng balikat niya habang hinihintay matapos ang mga tanong kay Nat. Nakatayo lang siya, hindi pa rin tumitingin sa kahit sinong iba.
Huminga ako nang malalim at handa na sanang tumayo at umalis, pero hindi ko inasahan na makatingin ulit ako kung nasaan sila at doon ko nakita ang malamig na tingin ni Kael sa akin.
Nagtagpo ang mga mata namin.
Hindi ako napahinto o nataranta. Parang simpleng pagkakatama lang ng tingin sa isang taong kilala mo pero hindi mo na sigurado kung saan mo siya ilalagay sa buhay mo.
Wala akong binasa sa mga mata niya. Wala rin akong hinanap.
Pagkatapos ng dalawang segundo, ako ang unang kumalas. Bumaling ako sa kabilang direksiyon, tahimik na tumayo, at nagsimulang maglakad palayo.
Habang tinatahak ko ang daan pabalik sa lobby entrance, isang malamig na hangin mula sa bukas na pintuan ang sumalubong sa akin. Hinayaan ko lang na tumama iyon sa mukha ko, parang pantanggal ng usok na matagal nang nakakulapol sa dibdib ko.
Sa likod ko, patuloy pa ring sumisigaw ang mga reporter ng “Miss Nat!” at “Sir Kael, saglit lang po!” pero hindi ko na nilingon.
Pinilit kong madaliin ang paglakad ko at kinuha ang phone para i-text si Valerie kung saan ko siya aantayin. Hindi ko kayang manatili roon, pakiramdam ko ang sikip ng mundo naming tatlo.
SOLENE POV:Tahimik ang byahe nang sinimulan ni Valerie ang pagmamaneho. Gabi na ang daan kaya hindi rin traffic. Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kanina sa loob kung bakit siya bumalik, pero nawalan narin ako ng lakas para pigilan ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa building ng condo niya, tahimik lang din akong sumunod sa kanya papasok sa elevator hanggang sa makarating kami sa mismong unit niya. Pagbukas ng pinto ng condo niya, hindi na ako nakagalaw. Hindi dahil pagod ako, kundi dahil sa wakas, ligtas akong makakahinga, kahit saglit lang.“Sol,” tawag ni Valerie, inagaw ang isa kong maleta. “Doon sa guest room.”Tumango lang ako. Hindi ko kayang magsalita, dahil pakiramdam ko kapag binuksan ko ang bibig ko, iiyak ako nang walang tigil.Pagpasok ko sa guest room, ramdam ko na ang kaginahawaan pero ramdam ko rin na pinipigilan ng mata ko ang luha. “Umupo ka,” saad ni Valerie.Umupo ako sa gilid ng kama. Sumunod ako tulad ng isang batang nadapa at hindi alam kung ano a
KAEL POV:Tahimik ang opisina ng doktor, pero mabigat ang bawat segundo, parang kumakapal ang hangin habang tumatagal. Ang ilaw sa kisame, puting-puti, tumatama sa stainless na mesa sa pagitan naming tatlo. Sa tabi ko si Natalyn, nakayuko, hinahaplos ang gilid ng diagnostic report na para bang tinitimbang kung gaano kabigat ang mga salitang nandoon.Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nanginginig. Nakaupo lang siya nang diretso, ramdam ko ang paghugot niya ng hininga sa bawat paggalaw ng dibdib niya.Huminga nang malalim ang doktor, parang kailangan muna niyang bilhin ang lakas bago magsalita. “Miss Salvador…” Pinadulas niya ang salamin sa mesa. “Late stage na ang cancer. We estimate… at best… six months.”Umusog ang upuan ko nang hindi ko sinasadya. Dumulas ang tunog sa sahig, pero hindi iyon nakaistorbo kay Natalyn. Tahimik lang siyang tumango na para bang tinanggap niya na ang sinabi ng doktor.“Six months,” bulong niya, halos hindi gumagalaw ang labi. “That’s enough time.”Pinisil
Hindi ko namalayan kung ilang oras na pala akong nakaupo sa opisina ni Valerie. Marami na kaming napagkwentuhan lalo na tungkol sa pasyente niya pero kahit na gano’n ay hindi parin mawala sa isipan ko ang tungkol sa amin ni Kael.Nang marinig ko ang biglang pagtaas ng boses ng anchor mula sa TV, halos sabay kaming napalingon ni Valerie.“Breaking news!”Lumabas sa screen ang mukha ni Natalyn Salvador, payat, naka-hospital gown, pero may pilit na ngiti. Nakahiga ito sa kama, halata sa mukha ang lungkot at panghihina.Habang sinasabi ng reporter ang diagnosis niya, sunod-sunod na gumalaw ang mga larawan. Hindi ko na kinailangan pakinggan ang buong detalye. Iyong pangalan ni Kael ang tumama sa tenga ko, kasunod ang statement ni Natalyn tungkol sa pagrespeto sa isang “marriage she will never interfere with.”Napakuyom nang bahagya ang daliri ko sa laylayan ng suot kong cardigan. Ramdam ko rin ang pagsulyap sa akin ni Valerie, ngunit hindi siya nagsalita. Mayamaya, pinatay niya ang TV sa
Maaga pa nang magising ako. Tahimik ang buong bahay, tanging tunog lang ng orasan sa sala ang marahang tumitibok sa katahimikan. Alam ko na kagabi pa lang ay umalis na si Kael. Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kagabi, o kung tulog ba talaga iyon. Mabigat ang mga mata ko, hindi dahil sa antok, kundi dahil parang naubos na ang kaya kong iyak.Nagbihis ako nang mabilis. Puting blouse, itim na slacks. Walang kolorete, walang pabango. Gusto ko lang matapos ang araw na ito. Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang babaeng nakatingin pabalik. Walang ningning ang mga mata, walang lambing ang mga labi. Para siyang estrangherang pinilit kong katawanin.Sa labas, malamig ang hangin. Nilamon ng hamog ang paligid, at bawat hakbang ko patungo sa kotse ay parang humihila ng bigat sa dibdib. Habang nagmamaneho papunta sa korte, pilit kong iniwasan ang alaala kagabi. Pero kahit anong pagtabi ko sa isip, bumabalik ang huling sandali namin ni Kael, ang malamig niyang h
Napakapit ako sa likod ni Kael nang marahas niya akong hilahin palapit. Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Walang paalam nang lumapit ako sa kama. Hinalikan niya ako kaagad, mabigat at mapusok. Nagulat man ay hinayaan ko nalang din siyang gawin ang nais niya.Napaingiti ako nang palihim. Sinabayan ko ang mga haplos niya sa katawan ko. Peor mayamaya, napaigik ako nang bahagya dahil ramdam ko ang tigas ng kamay niya sa balikat ko. Pinilit kong huminga nang maayos. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa paraan ng pagkilos niya.Saglit kong hinawakan ang ulo niya, pinilit siyang tignan. Ngunit malamig ang mga mata niya, bakas ang matalim na tingin na ibinigay sa akin. Tatanungin ko na sana siya kung may problema ba, pero bago pa ako makapagsalita, hinalikan na naman niya ako, mas marahas, at mas mabilis.Kinagat niya ang labi ko, dahilan para mapasinghap ako. Dumulas ang isang kamay niya sa ilalim ng suot kong nightdress. Mabilis. Walang alinlangan. Napaungol ako nang maramdaman ang haplo







