Se connecterMabilis na tumakbo si Solene habang halos mawalan siya ng hininga sa matinding takot. Nanginginig ang buong katawan niya, at paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga kamay na humawak at dumakma sa kaniya ilang segundo lang ang nakalipas. Sa madilim na eskinita ng lumang subdivision, halos hindi niya makita ang dinaraanan, pero wala siyang pakialam. Isa lang ang nasa isip niya, makatakas.“Help… tulong…” paos niyang sigaw habang pilit pinapabilis ang takbo kahit nanlalambot na ang mga tuhod niya.Sa likuran niya, narinig niya ang galit na mura ng dalawang lalaki.“Bwisit! Habulin mo!”“Hindi puwedeng makatakas ‘yan!”Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Solene. Instinct na niyang ipinulupot ang isang kamay sa tiyan niya habang tumatakbo. Kahit gaano siya katakot para sa sarili niya, mas nangingibabaw ang takot niya para sa batang nasa sinapupunan niya.Hindi puwedeng may mangyari.Pagliko niya sa isa pang madilim na kanto, bigla siyang nadulas sa basang sementado at halos matumba.
Kasama ng divorce agreement ang isang black card, ang card na minsang ibinigay ni Kael kay Solene. Ang parehong card na nagsilbing simbolo ng pagiging Mrs. Vidal niya sa loob ng tatlong taon.Ngunit ngayon…nakapatong iyon sa ibabaw ng divorce papers, parang tahimik na deklarasyon na wala na siyang balak bumalik pa.Unti-unting lumamig ang ekspresyon ni Kael. Dahan-dahan niyang ibinaba ang bouquet at ang gift box bago binuksan ang dokumento.Habang isa-isang binabasa ang laman nito, lalo lamang dumilim ang mga mata niya. Si Solene mismo ang naghanda ng divorce agreement.At higit sa lahat, nakapirma na ito. Biglang sumikip ang dibdib ni Kael.Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Solene. Ngunit matapos lamang ang ilang segundo, malamig na automated voice ang sumagot, “The number you are calling is currently powered off.”Nanigas ang mukha niya.Walang pag-aalinlangan siyang lumabas ng kwarto at mabilis na bumaba patungo sa silid ni Madam Concepcion.Pagkabukas niya ng pinto
“Hindi ka pa pala tulog?” mahina ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Kael habang nakatingin kay Solene. “Hinintay mo ako?”Noon, tuwing inaabot siya ng gabi sa study dahil sa trabaho, tahimik lang na naghihintay si Solene sa kama hanggang sa makabalik siya.Parang ganoon ulit ang eksena ngayon.Ngunit sa pagkakataong ito, masyadong tahimik si Solene.Hindi siya sumagot.Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang mukha ng lalaki sa harap niya, para bang pilit niyang inuukit sa alaala ang bawat detalye nito.Bahagyang tinaas ni Kael ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya.“Ano’ng iniisip mo?” mahina nitong tanong.“Wala naman.”Ngunit halatang may malalim na emosyong nakatago sa mga mata ni Solene. Hindi na iyon tinanong pa ni Kael.Sa halip, yumuko ito at marahang hinalikan ang labi niya. Mainit at mabagal ang halik na parang matagal nitong hinintay.Unti-unting ipinatong ni Solene ang kamay niya sa baywang ng lalaki bago niya ipinikit ang mga mata at buong pusong sinagot ang hali
Bahagyang nanlamig ang ekspresyon ni Solene habang dahan-dahan siyang lumingon kay Natalyn.“Hindi mo kailangang makialam sa buhay ko,” kalmado ngunit malamig niyang sabi. “Mas mabuting sarili mo ang asikasuhin mo.”Agad namang sumimangot si Natalyn at pinaandar ang wheelchair palapit sa kanya.“Nilalait mo ba ako?” matalim nitong tanong. “Solene, saan ka kumukuha ng lakas ng loob para kausapin ako nang ganiyan?”Ngunit wala nang emosyon sa mukha ni Solene.Hindi na siya galit. Hindi na rin siya interesado makipagtalo. Pagod na pagod na siya.“Wala akong oras para sermonan ka,” mahinahon niyang sabi. “Pero tandaan mo ito…”Unti-unti siyang tumingin diretso sa mga mata ni Natalyn.“Kapag sinubukan mong saktan ulit si Axel…” malamig niyang dagdag, “kahit si Kael, hindi ka na kayang protektahan.”Pagkasabi niyon, tumalikod na siya at diretsong naglakad papasok ng bahay.Ngunit hindi doon nagtapos si Natalyn.“Kael was willing to shoot for me!”Malakas ang boses nitong sumunod sa kanya.“
Mahigpit na nakakapit si Natalyn sa armrest ng wheelchair niya, pilit kinokontrol ang panginginig ng katawan. Ngunit gaano man niya subukang magmukhang kalmado, hindi niya maitago ang matinding takot na bumabalot sa kanya sa sandaling iyon.Kitang-kita iyon sa maputla niyang mukha.Samantala, tahimik lamang na pinindot ni Aries ang cellphone niya.“Narito ang audio recording,” malamig nitong sabi habang iniangat nang bahagya ang telepono. “Pakinggan nating mabuti… at alamin kung boses ba talaga ito ni Natalyn.”Ngunit bago pa niya mapatugtog ang recording, isang mababa at malamig na boses ang biglang pumutol sa katahimikan.“Enough.”Sabay-sabay na napalingon ang lahat kay Kael, na kanina pa tahimik na nakaupo sa sofa.Dahan-dahan itong tumayo.Mabigat ang aura nito, at ang malamig nitong mga mata ay diretsong nakatingin kay Aries.“President Barrios,” malamig nitong sabi, “can we talk privately?”Bahagyang ngumiti si Aries, para bang matagal na niyang hinihintay ang sandaling iyon. P
Sa sandaling marinig ni Natalyn ang sinabi ng katulong, tila biglang naglaho ang lahat ng sama ng loob sa dibdib niya. Halos hindi niya maitago ang tuwang sumilay sa mga mata niya.Sa wakas, may pagkakataon na naman siyang idiin si Solene.Bahagya niyang itinaas ang baba habang kunwang napapailing.“Solene,” sarkastiko niyang sabi, “talagang hindi mo marunong mag-ingat, no? Pati mga lalaking nakikilala mo sa labas, diretsong pumupunta rito sa bahay ng pamilya Vidal para hanapin ka.”Bahagya siyang natawa bago nagpanggap na nag-aalala.“Kapag may nakarinig nito, saan pupulutin ang kahihiyan ng pamilya Vidal? Paano si Kael?”Pagkarinig ni Kenneth, agad din itong sumiklab.“Ano bang ibig sabihin nito, Solene?” galit nitong sigaw habang nakaturo sa kanya. “Niloloko mo ang kapatid ko?!”Lalong tumindi ang inis sa mukha nito habang padabog na tumayo.“Huwag n’yong papasukin dito ang kung sinong lalaki!” sigaw niya sa mga katulong. “Paalisin n’yo siya!”“How dare you!”Malamig ngunit mabigat
Sinundan ni Kael ang naglalakad na babae kasunod ng manager papasok sa isang VIP room sa shop kung saan doon sinasagawa ang malaking transaction na customer na bibili ng product nila. Hindi namalayan ni Kael na naglalakad narin siya patungo roon. “Kael, where are you going?” takang tanong ni Natal
Nang matapos si Solene sa ospital, dumiretso naman siya sa isang building na malapit lang din sa ospital nila Valerie. Pagkapasok niya palang sa elevator ay mabilis na napatigil ang iilang staff, tila nakakita ng multo. Mga gulat, hindi inasahan ang pagdating niya. Tinignan niya ang iilang malapit
Iyon ang unang ginawa nila noong araw na iyon, sinamahan ni Valerie si Solene sa Toyota Shop para bumili ng kotse. Tama lang para sa katawan nilang dalawa, lalo na’t mag-isa lang din si Solene kaya gusto niya iyong maliit na kotse pero quality. “Ano bang kulay gusto mo?” tanong ni Valerie habang n
SOLENE POV:Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang magising ako mula sa hindi malaman na pangyayari. Alam kong panaginip lang iyon lalo na't sa panahinip na iyon ay kasama ko si Kael at ang aming anak na sobrang saya. Nang maramdaman kong may mali sa eksena, napaisip ako na marahil ay pa







