Teilen

CHAPTER 34

last update Veröffentlichungsdatum: 22.02.2026 21:55:14

Bigla niyang naalala ang cellphone na gamit ni Samantha—iyung ibinigay niya rito. Isa itong customized na pang-magkasintahan na may hidden feature para malaman ang lokasyon ng isa’t isa.

Hindi niya pa ito kailanman ginagamit. Pero alam niyang iyon pa rin ang phone na gamit ng dalaga.

Dahan-dahan siyang tumingin sa kanyang screen, binuksan ang tagong location feature, at pinindot ang tracking button. Pagkalipas ng ilang segundo—lumabas ang resulta.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Sabi ni Avery, na
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 69

    Namumula ang kanyang mga mata sa galit. Parang may mga mababangis na hayop na kumakawala sa kanyang dibdib.Napaka-seloso at pihikan ni Billy pagdating sa mga bagay-bagay. Sa buong buhay niya, si Samantha lang ang kaisa-isang babaeng minahal at nakasama niya nang ganoon.Hindi niya matanggap ang isiping may ibang lalaking humahawak o lumalapit sa babae. Para sa kanya, ang kagandahan ni Samantha ay para sa kanya lang.Pero ngayon, harap-harapan siyang sinasabihan na may nangyari sa kanila ni Anton.“Bitawan mo ako. Nasasaktan ako sa pagkaka-dagan mo,” sabi ni Samantha nang walang pakialam.“Nasasaktan?” pang-uuyam ni Billy. “’Di ba ito naman ang pinakagusto mo noon?”Sa isang biglang galaw, pinunit ni Billy ang suot na nightgown ni Samantha.Naramdaman niya ang lamig sa kanyang balat. Sa isang iglap, nasira na ang kanyang damit.Nabigla siya at hindi nakagalaw.Nang muling halikan ni Billy ang kanyang mga labi, naramdaman niya ang init na matagal na niyang hindi nararamdaman.Parang na

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 68

    Pinakawalan lang siya ni Billy matapos masigurong wala siyang bakas ng halik o kagat sa kanyang mga labi at leeg. Dahan-dahang ngumiti ang lalaki.“Sabi niyo ni Anton, pupunta kayo doon para sa trabaho, pero nag-date talaga kayo, ’di ba? Mukhang nag-enjoy ka sa dalawang araw at isang gabing iyon.”Naramdaman ni Samantha na may kakaiba. Bakit parang bakas ang pagseselos sa mga salita nito?“Bakit hindi ka makapagsalita? Natamaan ka ba sa sinabi ko? may katotohanan ba?”Lalong nagalit si Billy. Galit na galit ang kanyang mga mata nang bigla niyang itulak si Samantha sa kama.Simpleng nighties ang suot ni Samantha, kaya pagkabuwal niya sa kama, halos makita na ang kanyang kabuuan. Nagmamadali siyang bumangon.Pero bago pa siya makagalaw, hinawakan ni Billy ang kanyang mga pulso. Kinuha nito ang shawl na nasa tabi at mabilis na itinali ang kanyang mga kamay sa headboard ng kama.Namula si Samantha sa kaba at inis.“Billy, anong ginagawa mo? Mawawala ka na ba sa sarili mo?”Ngumiti si Bill

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 67

    “Pumunta ka talaga ng Pampanga? Sabi ko sa’yo, delikadong magmaneho nang mag-isa. Kung kailangan mo talagang pumunta, dapat isinama mo man lang si Luis.”Hindi na sumagot si Billy. Ibinaba niya ang telepono, inapakan ang silinyador, at mabilis na nag- overtake ang sunod-sunod na truck. Para siyang aninong humaharurot sa highway.Mahigit 100 kilometro ang layo ng Manila sa Pampanga. Mahigit apat na oras nagmaneho si Billy at nakarating siya doon saktong bago pa man mag umaga.Hindi siya nakatulog kahit saglit nang gabing iyon. Ang galit sa kanyang puso ay unti-unting nawala kasabay ng bilis ng takbo ng kotse, hanggang sa kumalma na siya.Nakakatawa.Ngayon lang siya nawalan ng kontrol nang dahil sa isang babae.Napangiti na lang siya nang mapait sa sarili.“Samantha, matindi ka talaga.”Mula nang umalis si Samantha, parang nahati sa dalawang magkaibang mundo ang buhay niya.Dati, parang yelo si Billy at apoy naman si Samantha.Pero ngayon, unti-unti na siyang nagiging apoy, habang si

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 66

    Nauutal na sumagot si Luis, “Um... tungkol po sa kanya, balita ko ay tumanggap siya ng proyekto sa Pampanga at kailangan niyang pumunta roon para sa isang inspeksyon.”Nanatiling kalmado ang mukha ni Billy, pero sa loob-loob niya ay gulung-gulo ang kanyang nararamdaman.Tumanggap ng proyekto?Isang linggo na siyang walang balita mula sa babae. Tapos ngayon, nalaman na lang niya na tahimik itong tumanggap ng trabaho at nag-out-of-town pa?Bahagyang ngumiti si Billy, pero puno ito ng pait. “Lintik! ang galing niya talaga. Masyado ko siyang minaliit. HIndi ko akalaing kaya niyang gumalaw ng gaito.”Akala ni Billy, dahil ibinuhos ni Samantha ang lahat sa disenyo ng kanilang collaboration project, at dahil napakalaking kumpanya ng Legazpi Group, kailangan lang niyang maghintay at kusa itong lalapit sa kanya para magmakaawa.Nagpunta pa nga siya sa bahay nito para maghapunan at tumulong pa sa paghuhugas ng pinggan. Binigyan niya si Samantha ng lahat ng pagkakataon para makabawi sa kanya. Hi

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 65

    Isinama na ni Billy ang kanyang lola pag uwi.Subalit habang nasa biyahe, puro panunumbat at panenermon ang natanggap niya buhat sa matanda. Kulang na lang, ipako siya nito sa krus.Dahil sa inis, tinapakan niya ng madiin ang silinyador, at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan. Subalit ang matandang kasama niya, hindi man lang natinag. HUmigpit lang ang kapit nito sa handle ng pinto, at patuloy pa rin ang pag rarap na parang si Gloc 9. Lahat na yata ng klase ng mura ay natanggap niya.Wala na siyang nagawa, kundi pakinggan ang matanda, ang taong hindi man siya iniluwal, subalit siyang naging magulang niya habang siya ay lumalaki. Pinagtiisan niya ang lahat, hanggang makarating sila sa umang bahay.Subait pagbaba ng matanda sa sasakyan, nakangiti pa ito at maaliwalas ang mukha. Agad na lumapit si Hilda sa matanda.“Ma! Saan ba kayo nagpunta buong araw? Nag aalala kami sa inyo! Hindi man lang kayo nagpaalam o nagsama ng isang katulong!”Umirap ang matanda, saka masungit na nagsalita, “nam

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 64

    Dahil hindi inaasahan ang pagkadulas, napasigaw si Samantha sa gulat.Sa isang iglap, mabilis na inabot ni Billy ang kamay niya at hinila siya pabalik nang malakas.Pakiramdam ni Samantha ay parang may magnet na humihila sa kanya, at bago pa niya namalayan, nasa mga bisig na siya ni Billy.Dahil sa biglang paghila, napaatras si Billy at malakas na tumama ang likod niya sa doorknob ng pinto. Napasinghap siya sa sakit.Awtomatikong tumingala si Samantha, puno ng pag-aalala ang boses.“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?”Nang marinig ni Billy ang pag-aalala sa boses niya, sinadya niyang magmukhang sobrang nasasaktan. Ginawa niyang kawawa ang kanyang boses.“Masakit… ang likod ko… parang nabali—”“Ano?!”Hindi na nag-isip pa si Samantha. Agad niyang tinaas ang laylayan ng damit ni Billy para tingnan kung saan ito tumama.May pulang marka sa maputi nitong balat dahil sa stainless steel na doorknob.Parang tumigil sandali ang tibok ng puso niya. Mabilis niyang kinuha ang first-aid kit mula sa

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status