FAZER LOGIN'Nais na ba niyang mawala ako sa mundo?'
Limang taon silang nagsama ng kanyang asawa, at sa mga taon bang iyon, talagang matitiis siya ng lalaki sa ganoong kalagayan? Talaga bang pababayaan siya nito, at ipagpapalit sa kanyang sinungaling na half sister? Hindi man lang ba siya minahal ng lalaki kahit kailan?
Parang unti unti siyang dinudurog ng bumahang katanungang iyon sa kanyang isipan.. Parang hindi niya kayang tanggapin na doon lamang hahantong ang lahat.
Dahil na rin sa pagod at sakit ng katawan na dulot ng pagkakahila at pagkakasalya ni Billy sa kanya, unti unting ipinikit ni Samantha ang mga mata, na tila ba tatanggapin na lang niya ang kanyang kapalaran sa pagkakataong ito. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang mga mata, at kinain na ng karimlan ang kanyang isipan.
***************
Nagising si Samantha makalipas ang dalawang araw.
Ang huli niyang naramdaman bago tuluyang mawalan ng ulirat, ay ang sigawan ng mga tao, ang mahinang tunog ng ambulansiya, at ang pag angat niya mula sa semento. Sumaya ng kaunti ang kanyang isipan, at naalala, na baka si Billy mismo ang tumawag ng ambulansiya para sa kanya, dahil nakita nito na hindi na siya makagulapay.
Unti unti niyang iminulat ang nanlalabo niyang mga mata, at unang bumungad dito ay ang puting kisame at ang liwanag ng ilaw sa itaas. Sumusuot din sa kanyang ilong ang amoy ng dis infectant. Maliwanag sa kanya, nasa ospital siya.
Mahigpit na hinawakan ng kanyang best friend na si Eris ang kanyang kamay, nanginginig ang boses sa matinding emosyon. Dala na rin ng kaba, dahil sa hindi niya pagkagising kaagad.
“Sam, buti naman nagising ka na! Ilang araw na akong nag aalala sayo. Mabuti na lang, okay kayo ng baby mo. Thanks God!”Kumunot ng bahagya ang noo ni Samantha, parang hindi pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang kaibigan, "Baby...? Anong baby?"
"Hindi mo ba alam? three months preggy ka na, my God!" nakatitig si Eris sa kanya ng naguguluhan, "pati ba cycle ng menstruation mo hindi mo na rin pinapansin? ano ka ba naman, Sam!"
Dahan dahang umupo si Samantha. Inalalayan naman siya ni Eris. Nakaramdam siya ng panginginig ng kalamnan, kaya bahagyang hinagod ng kaibigan niya ang kanyang likod.
May PCOS siya, at irregular ang kanyang mens. Minsan, magkakameron, minsan, dalawang buwang wala. Lagi niya noong iniisip na buntis siya, subalit lagi lang iyong pag aakala. At kagaya ngayon, akala niya, delayed pa rin siya, subalit bata na pala ang nasa kanyang sinapupunan. Hindi niya akalaing ngayon pa niya iyon malalaman, kung kailan may alitan sila ng asawa niya.
Maaaring ang batang ito, ay ibinigay sa kanya, upang makamit niya ang pagmamahal ng kanyang asawa. Baka sakaling kapag nalaman ni Billy na magkakaanak na sila, bumalik ito sa kanya at ayusin ang kanilang marriage.
Agad niyang inayos ang sarili, at pilit na bumababa sa kama. Mabilis namang umalalay si Eris sa kanya, "Sam! kailangan mo pang magpahinga, ano ka ba?"
"Pumunta na ba si Billy dito? Kailangan naming magkausap. Kailangan niyang malaman na mabubuo na ang pamilya namin.." pilit niyang inaabot ang kanyang tsinelas.
Kinakabahan siya, subalit ang biyayang nasa sinapupunan niya ay hindi na makakapaghintay. Kailangang ibalita niya sa kanyang asawa ang good news na ito.
"Busy lang siya ngayon, Sam.." pagsisinungaling ni Eris, "sige na, mamaya na natin siya hanapin, magpahinga ka na muna, please.." nag iwas pa ng tingin si Eris, pilit itinatago ang guilt.
"Si Hera..? kasama ba niya ang asawa ko?" straight niyang tanong sa kaibigan, "siya ba ang inaalagaan ni Billy? Sumagot ka!"
Hindi nakapagsalita si Eris sa kanyang tanong. Malinaw na sa kanyang isipan, na naroon nga si Billy sa piling ng kanyang half sister. Hindi kayang magkaila ni Eris sa kanya, kaya mas pinili nito na hindi siya sagutin.
Parang piniga ang kanyang puso. Napakasakit ng kanyang nararamdaman! Hindi man direktang umamin ang kaibigan, alam niya ang katotohanan. Biglang sumikip ang kanyang paghinga. Bigla niyang naalala ang ginawa sa kanya ni Billy. Matapos siyang itapon sa kalsada, pumunta ito sa kalaguyo habang siya ay nagdurusa.
Wala man sa sarili, pinilit makalabas ni Samantha sa silid. Wala siyang direksiyon, walang konkretong mapupuntahan. Ang kanyang mga paa, ay may sariling buhay na humahakbang mag isa. Para siyang multo na lumulutang sa hangin.
Nakasalubong si Sam ng kanyang attending physician.
"Do-Dok.." mahina niyang sabi.
"Oh, bakit ka naglalakad? mahina ka pa. Kailangan mong magpahinga, para sa inyo ng dinadala mo. Wag mong piliting kumilos habang mahina pa ang katawan mo." bilin ng Doktor sa kanya, saka bahagya siyang inalalayan.
"Bu- buntis po ba talaga ako?" hindi pa rin nagsisink in sa isipan niya ang sinabi ng doktor.
"Oo, buntis ka. At medyo nasa criticall stage ka ng pagbubuntis dahil sa nangyari sayo.. mabuti na lang, may mga nakakita sayo at nadala ka agad dito bago pa mahuli ang lahat.."
"Samantha!" nagmamadaling inalalayan ni Eris ang kaibigan, "naku, pasensiya na po kayo, Dok.. medyo frustrated lang po siya ngayon.."
"Okay lang," ngumiti ang doktor kay Eris, "buweno, papuntahin niyo ang asawa niya dito para makapirma sa mga papers."
Mas lalong naguluhan si Samantha ng marinig ang huling sinabi ng doctor.
Hinahanap ang kanyang asawa? nasaan nga ba iyon?
Umiyak si Samantha sa harapan ng doktor. Nahihiya namang nagpaalam si Eris.
"Naku doc, pasensiya na po kayo.. uuna na po kami.. dadalahin ko po siya sa silid niya. Marami pong salamat."
Inalalayan niya si Sam, na dahan dahang naglalakad pabalik sa silid.
Nang makarating sila doon, agad kinuha ni Samantha ang kanyang cellphone, saka idinial ang number ng kanyang asawa. Nag ring naman iyon kaagad.
“Billy,” pabulong niyang sabi nang sagutin nito ang tawag. “Pwede ka bang pumunta rito sa ospital? May gusto lang akong sabihin sayo...”
“Sabihin mo na ngayon,” malamig at walang pakialam ang tono ng lalaki, "Busy ako ngayon, unstable pa si Hera."
“May mahalaga akong sasabihin sa’yo.” may halong pakiusap ang tinig niya.
“Wag mo na akong isamay sa kung ano ang iniisip mo. Kaya mo namang asikasuhin ang sarili mo," wala pa ring pakialam na tugon ni Billy.
"Ano ka ba? mahirap ang sitwasyon ko! harapin mo ako at mag usap tayo!" hindi na napigilan ni Samantha na magalit sa mga oras na iyon.
"At ano namang karapatan mong sigawan at utusan ako kung ano ang kailangan kong gawin?" mapanuyang tanong ni Billy sa kanya.
“Dahil asawa mo ako!”
“Ngayon.” lalo lamang lumamig ang tono ni Billy, "asawa mo pa ako, ngayon.. Pero saglit na lang iyon."
"Makakawala ka lang sa akin kapag namatay na ako! Kapag biyudo ka na, saka mo na lang isiping makakasama mo ng legal iyang kabit mo!" inis na sigaw ni Samantha, "Maghintay ka diyan, pupuntahan kita!"
“Maliban na lang kung patay na ako, hinding-hindi kita hihiwalayan!” mariing sagot ni Samantha, mahigpit ang kapit sa telepono. “Manatili ka riyan. Pupuntahan kita ngayon din!”
Ang operasyong pinagdaanan ni Samantha, ay tapos na.. subalit ang anak na sumisibol sa kanyang sinapupunan ay wwala na.Ngunit may hindi kanais nais na pangyayari bukod sa pagkawala ng kanyang anak.. Ang kanyang bahay bata ay nagkaroon ng kumplikasyon.Agad na nakipag usap si Eris sa doctor, at tinanong ang kalagayan ng kanyang kaibigan."Doc, kumusta na ang kaibigan ko?"May halong lungkot ang mukha ng doktor. Tila ba hindi niya kayang sabihin ang kalagayan ni Samantha, subalit kailangan.Huminga siya ng malalim, saka nag umpisang magpaliwanag."Maayos na siya.. ligtas na siya sa tiyak na kapahamakan.. subalit-- ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay-- hindi na nailigtas. Isa pa.. dahil sa labis na pagdutugo na nangyari sa kanya, naging marupok ang kanyang matres.. Nagkadamage iyon at--""Diretsuhin mo na nga dok ang sinasabi mo! Wag ka ng magpaliguy ligoy pa! Ano ang lagay niya?" mataas ang tono ni Eris. Naiinis siya sa paikut ikot na kwento ng doktor.Huminga ng malalim ang doktor,
Tila ba napakatagal ng oras.. Hindi na mapakali ang mga bantay sa labas, dahil sa labis na pag aalala.Naroon pa rin sa itaas ng pinto ang kulay pulang ilaw. Ipinapakita nito ang isang mas matagal na oras ng paghihintay. Hindi pa tapos ang operasyon. Ang ilaw na iyon ang hinihintay nilang mawala. Ang bawat yabag ng mga nars ay hindi lamang tunog ng sapatos na umaalingawngaw sa sahig; bawat hakbang nila ay tila maso na pumupukpok sa nanunuyong dibdib ni Billy.Pabalik-balik siyang naglalakad, animo’y isang sugatang hayop na nakakulong sa rehas. Para sa kanya, tila ba wala ng saysay ang lahat.. Ang kanyang kayamanan ay isa na lamang palamuti sa kanyang buhay. Ang kanyang konsensiya ang patuloy na lumalamon sa kanya. Ang tanging natira sa isip niya ay ang maputlang mukha ni Samantha at ang batang ngayon lamang niya nalaman na bahagi pala ng kanyang dugo, ngunit baka bawiin pa ng langit bago niya man lang mayakap.Nang bumukas ang pinto, sinunggaban ni Billy ang nars. Ang kanyang mga ma
Hindi na makatagpo ng kahit katiting na katahimikan si Billy. Para siyang nawalan ng bait sa kakalakad pabalik-balik sa pasilyo, habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga matatag at tila pamamaalam na huling salita ni Samantha—mga salitang pumupuno sa kanya ng takot na hindi pa niya kailanman naramdaman.Buntis si Samantha.At gayon pa man, sa mga nagdaang araw, itinuring niya ito na parang basura.May pakialam ba talaga siya sa damdamin nito? Sa loob ng limang taon, ginamit niya si Samantha bilang lagusan ng galit at pagkabigo— inaangkin niya ito kapag kailangan niya na maglabas ng init ng katawan, at pagkatapos ng init, babalik na ang kanyang pagiging malamig.Ang asawa niya ang nag aasikaso sa kanya. Kahit may katulong sila, personal nitong inaayos ang kanyang pagkain, ang kanyang gamit at kapag siya ay may sakit, nagiging personal nurse niya rin ito. Pero siya.. ano nga ba ang nagawa niya para sa kanyang asawa?“Ngayon ka nagpapanik? Ngayon ka nag aalala? Nasaan a
Biglang humarap si Lucy kay Billy, nanginginig sa galit ang buong katawan habang pasigaw niyang itinanggi ang lahat. Hindi maaaring malaman ng lalaki ang katotohanan!“Billy, huwag kang magpaloko sa mga kasinungalingan niya! Gawa-gawa lang lahat niya ang lahat! Hindi ganyang klaseng babae ang anak ko—alam mo iyan!”Isang malamig, hungkag na tawa ang pumunit sa katahimikan. Naroon ang determinasyon na ipagtanggol ang sarili.Mula kay Samantha iyon—walang saya, walang luha, tanging pangungutya at sakit ang laman. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin, at ang malamig niyang tingin ay dumaan sa kanyang ama at madrasta, parang patalim na handang pumatay.“Tigilan na ninyo ang pagpapanggap niyo,” malamig niyang sabi. “Narinig ko ang usapan ninyo sa loob ng study room noong isang araw—lahat.”Sa isang iglap, namutla ang mukha ni Lucy. Parang umurong ang kanyang dila.“I-Ikaw… ano ang narinig mo?” halos pabulong niyang tanong, bakas ang takot na pilit tinatakpan.Biglang tumayo si Virgilio, k
Mariing ibinagsak ni Samantha ang telepono matapos makausap ang kanyang asawa. Hinihingal siya sa galit at inis, saka biglang may naalala..Muli siyang nagdial sa kanyang phone, saka tinawagan ang isa pang numero..Nagring lang iyon saglit, bago tuluyang sinagot.“Anton, magkaibigan naman tayo di ba? Noong bata pa tayo, ako lagi ang tumutulong sayo, in short, malaki ang utang na loob mo sakin?” may halo ng panunumbat at pakiusap ang kanyang tinig.Sa kabilang linya, napatda si Anton. Parang hindi niya inaasahan ang kaibigan na magsasalita ng mga ganoong bagay. "Ha? ano namang sinasabi mo? oo naman.. magkaibigan tayo noon pa.""Hanapin mo ang ospital kung saan naka- confine si Hera.. ngayon na. Alamin mo kung naroon din ang asawa ko!""Mataas ang kanyang tono, na halos umagaw sa atensiyon ng mga dumaraan. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang phone. Namumutla na ang kanyang mga kuko dahil sa diin ng kanyang pagkakakapit.Halos isang oras ang lumipas, nakatanggap na siya ng message mula ka
'Nais na ba niyang mawala ako sa mundo?'Limang taon silang nagsama ng kanyang asawa, at sa mga taon bang iyon, talagang matitiis siya ng lalaki sa ganoong kalagayan? Talaga bang pababayaan siya nito, at ipagpapalit sa kanyang sinungaling na half sister? Hindi man lang ba siya minahal ng lalaki kahit kailan?Parang unti unti siyang dinudurog ng bumahang katanungang iyon sa kanyang isipan.. Parang hindi niya kayang tanggapin na doon lamang hahantong ang lahat.Dahil na rin sa pagod at sakit ng katawan na dulot ng pagkakahila at pagkakasalya ni Billy sa kanya, unti unting ipinikit ni Samantha ang mga mata, na tila ba tatanggapin na lang niya ang kanyang kapalaran sa pagkakataong ito. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang mga mata, at kinain na ng karimlan ang kanyang isipan.***************Nagising si Samantha makalipas ang dalawang araw.Ang huli niyang naramdaman bago tuluyang mawalan ng ulirat, ay ang sigawan ng mga tao, ang mahinang tunog ng ambulansiya, at ang pag angat niya mula sa sem







