Share

CHAPTER 3

last update Last Updated: 2026-01-25 22:01:36

Mariing ibinagsak ni Samantha ang telepono matapos makausap ang kanyang asawa. Hinihingal siya sa galit at inis, saka biglang may naalala..

Muli siyang nagdial sa kanyang phone, saka tinawagan ang isa pang numero..

Nagring lang iyon saglit, bago tuluyang sinagot.

“Anton, magkaibigan naman tayo di ba? Noong bata pa tayo, ako lagi ang tumutulong sayo, in short, malaki ang utang na loob mo sakin?” may halo ng panunumbat at pakiusap ang kanyang tinig.

Sa kabilang linya, napatda si Anton. Parang hindi niya inaasahan ang kaibigan na magsasalita ng mga ganoong bagay. "Ha? ano namang sinasabi mo? oo naman.. magkaibigan tayo noon pa."

"Hanapin mo ang ospital kung saan naka- confine si Hera.. ngayon na. Alamin mo kung naroon din ang asawa ko!""

Mataas ang kanyang tono, na halos umagaw sa atensiyon ng mga dumaraan. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang phone. Namumutla na ang kanyang mga kuko dahil sa diin ng kanyang pagkakakapit.

Halos isang oras ang lumipas, nakatanggap na siya ng message mula kay Anton. Naningkit ang kanyang mga mata ng mabasa iyon.

Kahit halos mahina pa ang kanyang katawan, umalis siya sa ospital kung saan siya nakaconfine at nagmamadaling nagtungo sa ospital kung saan naroon si Hera.

Dalawampung minuto lang, naroon na siya sa ospital na binanggit ng kaibigan.

Nakasuot pa siya ng hospital gown, namumutla pa ang kanyang mukha at halata pa ang pagod sa kanyang hitsura. Ni hindi man lang nasuklay ang kanyang buhok. Para siyang isang pulubing nawawala. 

Samantalang si Hera, maganda ang ayos habang nakahiga sa hospital bed. May light make up pa nga at parang nirebond ang buhok. Para bang habang "may sakit" ang kanyang kapatid, ay diretso na nagpasalon.

Hindi niya pinansin ang kanyang kapatid, mas inuna niyang puntahan si Billy, saka hinawakan ito sa braso.

"Sumama ka sa akin. Hinahanap ka ng ospital para asikasuhin ang mga papers ko!" may bahid inis ang kanyang tinig.

Wala man lang pakialam sa kanya ang sariling asawa, ni hindi man lang siya nito nilingon, "Anong ginagawa mo dito? malinaw na sayo ang sinabi ko, hindi ba? ayoko na sayo!"

"Ako ang asawa mo, may legal kang obligasyon sa akin! Kailangan mong asikasuhin ang mga papers ko!" namula sa galit si Samantha, at nanginginig ang kanyang buong katawan, mababakas iyon sa kanyang tinig, "Hipag mo si Hera, at mas nais mo pa siyang bantayan, kaysa sa akin?!"

Ngumisi si Billy, saka mag panunuyang nagsalita, "Kung hindi mo pinasama ang loob niya, wala sana siya diyan sa hospital bed ngayon."

Gumuho ang mundo ni Samantha, matapos mapagtanto na talagang walang pakialam sa kanya ang kanyang asawa. Baka nga mas okay pa dito na namatay na lang siya ng tuluyan.

Biglang nawalan ng kulay ang pagmamahal niya sa lalaki. Magpaparaya na sana siya.. subalit binigyan pa siya ng Diyos ng isa pang pagkakataon para kumapit. Ang asawa niya ang ama ng batang dinadala niya. Sa loob ng ilang taon nilang pagsasama, lahat ay ginawa niya. Lahat na obligasyon bilang asawa. Tapos ngayon, mag isa lang  siyang magtataguyod ng kanilang magiging anak? habang ang lalaking ito ay magpapakasarap kasama ang kabit nito na kanyang kapatid?

Hindi niya hahayaang lumaki ang kanyang anak na walang ama.

"Halika na, sumama ka sakin!" nanginginig ang kanyang tinig, habang sinusubukang hilahin ang lalaki, "Hindi ako makakapayag, na habang walang nag aalaga sa akin, ikaw, na asawa ko, ay narito at nag aalaga ng ibang babae!"

Biglang tumayo si Billy, at natakpan ng husto ang kanyang katawan. Madilim ang anyo nito, mapanganib ang tingin at may galit siyang sinita.

"Tumigil ka! Wag kang mag assume na may halaga ka sa akin! Matagal na akong walang pakialam sayo. Ang makita ang pagmumukha mo, ay kasuka suka para sa akin!" singhal ni Billy, saka marahas na itinulak ang babae papalayo.

Napaatras si Samantha. Parang may matinis na tunog na pumasok sa kanyang tainga, matapos niyang mapasalpok sa lamesang bakal na nasa gilid ng pinto. Ang sakit ay sumigid sa kanyang katawan. Subalit hindi siya susuko. Huminga siya ng malalim, saka matatag na tumayo.

Tumingin siya sa asawa, na parang isang nakakaawang kuting na itinapon sa kalsada, "Dekada na--" natigilan siya ng bahagya, saka huminga ng malalim at muling nagsalita, "Limang taon tayong nagsama, Billy.. limang taon. Sa loob ng mga panahong iyon.. talaga bang-- wala ka man lang naramdaman sa akin.. kahit konti?"

"Wala." Matipis, diretso at walang emosyon na tugon ng lalaki.

Isang salita lamang iyon, subalit winasak ang puso ni Samantha. Isang salitang walang kasing sakit. Walang kasing pait.

Ang tatay ni Samantha at ang ina ni Hera ay naroroon, na parang nanonood ng pelikula. Mga kunwari ay nag aalala kay Samantha, subalit ang totoo, nasisiyahan sila sa eksenang nakikita.

Agad na dinamayan ni Lucy si Samantha, saka kunwari ay may pag aalalang inalalayan, "Billy, pag usapan niyo ito, wag kang magalit kay Samantha. Kung may hindi kayo pagkakaunawaan, maaari niyo namang pag usapan sa bahay yan. Hindi man siya katulad ni Hera na maunawain, pero kailangan mo pa rin siyang paliwanagan ng maayos. Maghiwalay kayo ng walang samaan ng loob."

Nalungkot lalo si Samantha. Ang kanyang pamilya, na hinahangad na maghiwalay sila ng kanyang asawa, para sa kanyang kapatid. Napakahusay!

Narealize niya, na wala nga pala siyang kakampi.. Walang nagmamalasakit sa kanya sa silid na iyon. Isa isa niyang tiningnan ang kanyang mga "itinuturing" na kamag anak.

Umiwas ng tingin ang kanyang ama sa kanya. Hindi nito kayang salubungin ang tingin mg sariling anak. Si Lucy naman, na ina ni Hera, ay parang isang babaeng nanalo sa lotto, kasabay ang ngiti na parang inaasar pa siya, at si Hera naman ay nananatiling maganda sa higaan, na hindi masasabing pasyente.. mas mukha pa nga itong nakatambay sa hotel kaysa sa hospital.

Lahat sila’y magkakasabwat.

Ang pera ng kanyang ina ay ninakaw ng mga ito, siniraan siya at ginawang masama sa paningin ng kanyang asawa, at ngayon, nais pa nilang agawan ng tatay ang kanyang magiging anak. Talagang ang kakapal ng mga mukha!

"Managinip kayo!" sigaw niya, saka sumiklab ang kanyang dugo at sinugod si Hera na nakahiga sa hospital bed. Bago pa makapag react ang sinuman, isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa pisngi nito.

"Ang lakas ng loob mong agawin ang asawa ko!" sigaw niya, "Bilang ate mo, kailangan kitang turuan ng leksiyong malandi ka!"

Muli sana niyang sasampalin ang kanyang kapatid, ng bigla siyang maunahan ng isang malupit na kamay. Ang malapad na palad na iyon ay dumampi sa kanyang pisngi. Napaatras siya, at tumama sa headboard ng kama.

Umugong ang kanyang pandinig. Kasabay ang isang matinding sakit sa kanyang puson. Sinapo niya ang kanyang tiyan, saka iniangat ang paningin.

Ang sarili niyang ama ang nanakit sa kanya, na sa simula pa lang ay iginagalang na niya ng husto.

"Sobra ka na!" inis na sigaw ng matanda, "lagi mong inaapi ang kapatid mo, muntik mo pa siyang patayin, at ngayon, may kapal ka pa ng mukhang sampalin siya? hindi mo ba nakikitang nakahiga siya sa kama ngayon at iniinda pa rin ang bagay na ginawa mo?!"

Hindi pa man siya nakapagsalita, biglang sumugod si Lucy sa kanya. Hinila nito ang buhok niya at marahas na isinubsob siya sa pader.

"Bata pa lang kayo, binubully mo na ang anak ko!" sigaw nito. "Halos wala ng buhay ang kawawa kong anak ng makita ko siya dito sa ospital, tapos, ito lang ang gagawin mo? Itinuring kitang anak, tapos ito lang ang igaganti mo sa akin?!"

“Lumayas ka!” dagundong ni Virgilio, ang boses ay parang kulog na yumanig sa wasak na puso ni Samantha. “Simula ngayon, wala na akong anak na nagngangalang Samantha! Itinatakwil na kita!”

Nahilam ang mga mata ni Samantha ng luha. Lantad ang pagkampi ng mga ito sa anak sa labas ng kanyang ama. Wala man lang nagtangkang kumampi sa kanya. Para siyang dinaganan ng isang malaking bato sa dibdib.

"Anong sinabi mo, Pa?" paos niyang tanong. "Ginamit mo lang ako para makuha ang gusto mo, at ngayong wala na akong silbi sayo, itatapon mo lang ako na parang basura?" Hindi ko akalaing ang pagmamahal ko sa inyo ng labis ay tutumbasan niyo ng ganito kalupit!"

"Kasalanan mo yan!" ngunit may bahid ng takot sa mga mata ni Virgilio. Kinakabahan siya sa maaaring sabihin ng kanyang anak.

"Kasalanan ko?" mapait na tanong ni Samantha sabay turo sa sarili. May dugong bumabagsak mula sa kanyang labi, "Noong akala niyong malulugi na ang pamilya nina Billy, nag isip kayo ng paraan para maligtas maikasal ang paborito niyong anak sa kanya, Kaya gumawa kayo ng paraan, para lasingin kami ni Billy, at ako ang kanyang pakasalan, hindi ang paborito mong anak!"

Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, puno ng panunuya ang kanyang tinig.

"Pero iba kumilos ang Diyos, hindi ba? Nakabawi sa krisis ang pamilya Legazpi. Samantalang ang mayaman at mabuting asawa na nakuha ng paborito mong anak ay nalugmok sa kahirapan. Ngayon, nagkamali kayo sa mga desisyon niyo, at nais niyong bawiin ang asawa ko mula sa akin?"

Nanigas ang buong katawan ni Billy ng marinig ang sinabing iyon ni Samantha.

Bigla siyang sumugod at mahigpit na hinawakan ang braso ni Samantha na parang bakal. Hinila niya ito palapit, ang boses ay mababa ngunit puno ng panganib.

“Anong klaseng kasinungalingan ang pinagsasasabi mo ngayon? Ganyan ka na ba kadesperada?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 7

    Ang operasyong pinagdaanan ni Samantha, ay tapos na.. subalit ang anak na sumisibol sa kanyang sinapupunan ay wwala na.Ngunit may hindi kanais nais na pangyayari bukod sa pagkawala ng kanyang anak.. Ang kanyang bahay bata ay nagkaroon ng kumplikasyon.Agad na nakipag usap si Eris sa doctor, at tinanong ang kalagayan ng kanyang kaibigan."Doc, kumusta na ang kaibigan ko?"May halong lungkot ang mukha ng doktor. Tila ba hindi niya kayang sabihin ang kalagayan ni Samantha, subalit kailangan.Huminga siya ng malalim, saka nag umpisang magpaliwanag."Maayos na siya.. ligtas na siya sa tiyak na kapahamakan.. subalit-- ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay-- hindi na nailigtas. Isa pa.. dahil sa labis na pagdutugo na nangyari sa kanya, naging marupok ang kanyang matres.. Nagkadamage iyon at--""Diretsuhin mo na nga dok ang sinasabi mo! Wag ka ng magpaliguy ligoy pa! Ano ang lagay niya?" mataas ang tono ni Eris. Naiinis siya sa paikut ikot na kwento ng doktor.Huminga ng malalim ang doktor,

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 6

    Tila ba napakatagal ng oras.. Hindi na mapakali ang mga bantay sa labas, dahil sa labis na pag aalala.Naroon pa rin sa itaas ng pinto ang kulay pulang ilaw. Ipinapakita nito ang isang mas matagal na oras ng paghihintay. Hindi pa tapos ang operasyon. Ang ilaw na iyon ang hinihintay nilang mawala. Ang bawat yabag ng mga nars ay hindi lamang tunog ng sapatos na umaalingawngaw sa sahig; bawat hakbang nila ay tila maso na pumupukpok sa nanunuyong dibdib ni Billy.Pabalik-balik siyang naglalakad, animo’y isang sugatang hayop na nakakulong sa rehas. Para sa kanya, tila ba wala ng saysay ang lahat.. Ang kanyang kayamanan ay isa na lamang palamuti sa kanyang buhay. Ang kanyang konsensiya ang patuloy na lumalamon sa kanya. Ang tanging natira sa isip niya ay ang maputlang mukha ni Samantha at ang batang ngayon lamang niya nalaman na bahagi pala ng kanyang dugo, ngunit baka bawiin pa ng langit bago niya man lang mayakap.Nang bumukas ang pinto, sinunggaban ni Billy ang nars. Ang kanyang mga ma

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 5

    Hindi na makatagpo ng kahit katiting na katahimikan si Billy. Para siyang nawalan ng bait sa kakalakad pabalik-balik sa pasilyo, habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga matatag at tila pamamaalam na huling salita ni Samantha—mga salitang pumupuno sa kanya ng takot na hindi pa niya kailanman naramdaman.Buntis si Samantha.At gayon pa man, sa mga nagdaang araw, itinuring niya ito na parang basura.May pakialam ba talaga siya sa damdamin nito? Sa loob ng limang taon, ginamit niya si Samantha bilang lagusan ng galit at pagkabigo— inaangkin niya ito kapag kailangan niya na maglabas ng init ng katawan, at pagkatapos ng init, babalik na ang kanyang pagiging malamig.Ang asawa niya ang nag aasikaso sa kanya. Kahit may katulong sila, personal nitong inaayos ang kanyang pagkain, ang kanyang gamit at kapag siya ay may sakit, nagiging personal nurse niya rin ito. Pero siya.. ano nga ba ang nagawa niya para sa kanyang asawa?“Ngayon ka nagpapanik? Ngayon ka nag aalala? Nasaan a

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 4

    Biglang humarap si Lucy kay Billy, nanginginig sa galit ang buong katawan habang pasigaw niyang itinanggi ang lahat. Hindi maaaring malaman ng lalaki ang katotohanan!“Billy, huwag kang magpaloko sa mga kasinungalingan niya! Gawa-gawa lang lahat niya ang lahat! Hindi ganyang klaseng babae ang anak ko—alam mo iyan!”Isang malamig, hungkag na tawa ang pumunit sa katahimikan. Naroon ang determinasyon na ipagtanggol ang sarili.Mula kay Samantha iyon—walang saya, walang luha, tanging pangungutya at sakit ang laman. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin, at ang malamig niyang tingin ay dumaan sa kanyang ama at madrasta, parang patalim na handang pumatay.“Tigilan na ninyo ang pagpapanggap niyo,” malamig niyang sabi. “Narinig ko ang usapan ninyo sa loob ng study room noong isang araw—lahat.”Sa isang iglap, namutla ang mukha ni Lucy. Parang umurong ang kanyang dila.“I-Ikaw… ano ang narinig mo?” halos pabulong niyang tanong, bakas ang takot na pilit tinatakpan.Biglang tumayo si Virgilio, k

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 3

    Mariing ibinagsak ni Samantha ang telepono matapos makausap ang kanyang asawa. Hinihingal siya sa galit at inis, saka biglang may naalala..Muli siyang nagdial sa kanyang phone, saka tinawagan ang isa pang numero..Nagring lang iyon saglit, bago tuluyang sinagot.“Anton, magkaibigan naman tayo di ba? Noong bata pa tayo, ako lagi ang tumutulong sayo, in short, malaki ang utang na loob mo sakin?” may halo ng panunumbat at pakiusap ang kanyang tinig.Sa kabilang linya, napatda si Anton. Parang hindi niya inaasahan ang kaibigan na magsasalita ng mga ganoong bagay. "Ha? ano namang sinasabi mo? oo naman.. magkaibigan tayo noon pa.""Hanapin mo ang ospital kung saan naka- confine si Hera.. ngayon na. Alamin mo kung naroon din ang asawa ko!""Mataas ang kanyang tono, na halos umagaw sa atensiyon ng mga dumaraan. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang phone. Namumutla na ang kanyang mga kuko dahil sa diin ng kanyang pagkakakapit.Halos isang oras ang lumipas, nakatanggap na siya ng message mula ka

  • Chasing my True Love: Betrayed by My Love   CHAPTER 2

    'Nais na ba niyang mawala ako sa mundo?'Limang taon silang nagsama ng kanyang asawa, at sa mga taon bang iyon, talagang matitiis siya ng lalaki sa ganoong kalagayan? Talaga bang pababayaan siya nito, at ipagpapalit sa kanyang sinungaling na half sister? Hindi man lang ba siya minahal ng lalaki kahit kailan?Parang unti unti siyang dinudurog ng bumahang katanungang iyon sa kanyang isipan.. Parang hindi niya kayang tanggapin na doon lamang hahantong ang lahat.Dahil na rin sa pagod at sakit ng katawan na dulot ng pagkakahila at pagkakasalya ni Billy sa kanya, unti unting ipinikit ni Samantha ang mga mata, na tila ba tatanggapin na lang niya ang kanyang kapalaran sa pagkakataong ito. Tuluyan ng nagdilim ang kanyang mga mata, at kinain na ng karimlan ang kanyang isipan.***************Nagising si Samantha makalipas ang dalawang araw.Ang huli niyang naramdaman bago tuluyang mawalan ng ulirat, ay ang sigawan ng mga tao, ang mahinang tunog ng ambulansiya, at ang pag angat niya mula sa sem

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status