Home / Romance / Claimed By My Husband's Brother / CHAPTER 76: An Unexpected Announcement

Share

CHAPTER 76: An Unexpected Announcement

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-11-15 14:34:23

CHAPTER 76: An Unexpected Announcement

—

NGUMITI nang malawak si Doña Victoria. “Kung ganoon, baka naman kalahating buwan mula ngayon, may good news na tayo?”

Napatawa nang mahina si Yngrid na nakaupo sa tabi niya. “Mommy, ang bilis naman yata. Hindi pa nga tapos ang treatment.”

“Excited lang ako, Yngrid. Gusto ko nang magkaroon ng bagong baby sa pamilya.”

“Hopefully, Mommy,” sagot naman ni Irish.

“I'm sure magiging maayos ang lahat.” Pagkatapos ay bahagyang nagbago ang tono ni Doña Victoria. “
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 76: An Unexpected Announcement

    CHAPTER 76: An Unexpected Announcement—NGUMITI nang malawak si Doña Victoria. “Kung ganoon, baka naman kalahating buwan mula ngayon, may good news na tayo?”Napatawa nang mahina si Yngrid na nakaupo sa tabi niya. “Mommy, ang bilis naman yata. Hindi pa nga tapos ang treatment.”“Excited lang ako, Yngrid. Gusto ko nang magkaroon ng bagong baby sa pamilya.”“Hopefully, Mommy,” sagot naman ni Irish.“I'm sure magiging maayos ang lahat.” Pagkatapos ay bahagyang nagbago ang tono ni Doña Victoria. “Ganyan talaga kapag ang isang babae marunong mag-alaga ng sarili at alam ang responsibilidad niya bilang asawa. Mas nagiging maayos ang lahat.”Saglit siyang napatingin kay Dani. “Hindi ba, Dani?”Napahinto ang babae sa pag-inom ng tubig. Hindi niya inaasahan na isasama siya sa usapan. Pero ngumiti pa rin siya nang maayos. “Opo, Mommy Victoria.” Matapos niyon ay ibinalik din ng matanda ang atensyon kay Irish. “I'm proud of you, Irish. Mabait ka, mahinahon, at marunong kang umintindi sa asawa mo

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 75: A Journey to New Beginnings

    CHAPTER 75: A Journey to New Beginnings—TAHIMIK ang waiting area ng fertility clinic sa Makati. Tanging mahinang tunog ng wall clock at air-conditioning ang maririnig sa paligid. Magkatabi sina Irish at Raven sa isang mahabang sofa. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naghihintay na tawagin ng doktor. Malamig ang mga palad ni Irish. Hindi niya maiwasang paulit-ulit na paglaruan ang mga daliri niya sa kandungan. “Relax ka lang,” mahinang sabi ni Raven habang bahagyang hinihimas ang likod ng kamay niya.Ngumiti siya nang pilit. “I'm trying, Raven.”“Everything will be fine. Nandito lang ako.”Bago pa makasagot si Irish, bumukas ang pinto ng consultation room. “Mr. and Mrs. Del Fierro, aorry for keeping you waiting.” Lumabas si Dr. Lee na may hawak na folder.Tumayo agad ang mag-asawa. “It's okay, Doctor,” sagot ni Raven. “Take your time.”Ngumiti ang doktor at itinuro ang loob ng kuwarto. “Please, come in. I've reviewed both of your test results. Are you ready to begin the IVF p

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 74: Tomorrow Night

    CHAPTER 74: Tomorrow Night — DIRETSONG tiningnan ni Dani ang mga mata nito. “Hindi dahil gusto kong makipag-unahan kay Irish. At hindi rin dahil gusto kong patunayan kay Mommy Victoria na kaya kong magbigay ng tagapagmana.” Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Light. “Then why?” “Dahil gusto kong magkaroon ng anak.” Napayuko siya sandali. “Matagal ko nang pangarap 'yon. Kahit noong maayos pa kami ni Drake, gusto ko nang magkaroon ng sariling baby.” Muling umangat ang tingin niya. “At kanina, noong nakita ko si Lolo sa hospital, lalo kong naisip na gusto kong matupad 'yon habang nandito pa siya.” Napahawak siya sa gilid ng mesa. “Nangako ako sa kanya na bibigyan ko siya ng apo sa tuhod.” Tahimik lang na nakinig si Light. “Gusto kong makita niyang may sarili na akong pamilya. Gusto kong maranasan niyang makarga ang magiging anak ko.” Bahagyang nangilid ang luha ni Dani, ngunit ngumiti pa rin siya. “Hindi ko alam kung kailan magigising si Lolo. Pero gusto kong maniwala na darating

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 73: The Secret Package

    CHAPTER 73: The Secret Package—SAMANTALA, sa Del Fierro Corporation, abala ang mga empleyado sa kani-kanilang trabaho. Sa lobby ng building, isang delivery rider ang lumapit sa security desk upang mag-iwan ng package.“Sir, delivery po para kay Ms. Danielle Alcantara.”Kinuha ng security guard ang maliit na kahon at tiningnan ang pangalan sa shipping label. Nagkataong dumaan si Allen, ang executive assistant ni Light, kaya agad siyang tinawag ng guard.“Sir Allen, may package po rito para kay Ma'am Dani.”Huminto ang lalaki. “Kay Ms. Alcantara?”“Opo, sir.”Tiningnan ni Sir Allen ang label bago tumango. “Ako na ang magdadala. Nasa executive floor naman siya.”“Thank you, sir.”Tinanggap niya ang package at naglakad papunta sa elevator. Ilang sandali pa, nakarating na siya sa private floor ng Del Fierro Corporation. Pagdating sa executive office, marahan siyang kumatok.“Come in,” narinig niyang sabi ni Light mula sa loob.Binuksan ni Allen ang pinto. Nasa likod ng malaking executive

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 72: Words That Hurt

    CHAPTER 72: Words That Hurt—“ROUND TWO, babe?”May pilyong ngiti sa labi ni Drake habang pinagmamasdan si Irish na mahimbing na natutulog sa tabi niya.Nasa isang luxury hotel sila sa Makati, sa kuwartong palihim nilang ni-book para sa kanilang dalawa. Ilang oras na silang magkasama, at ngayon lang nakakuha ng pagkakataong makapagpahinga ang babae.Bahagyang iminulat ni Irish ang mga mata nang maramdaman niyang hinahaplos ni Drake ang buhok niya. “Seriously, Drake?” antok na reklamo niya. “Hindi ka pa ba napapagod?”Napangisi ang lalaki. “Bakit? Masama bang maraming energy?”“Hindi naman. Pero grabe ka. Parang wala kang kapaguran.”Marahang itinulak ni Irish ang mukha nito palayo bago humiga nang patagilid. Hinila niya ang makapal na comforter hanggang dibdib at muling ipinikit ang mga mata.Pero hindi pa rin tumigil si Drake sa pang-aasar. “Mas okay na 'yon kaysa naman kay Kuya Raven.”Dahan-dahang iminulat ni Irish ang mga mata. “Ano?”“Come on, Irish. Kung masaya ka talaga sa kan

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 71: A Promise to Grandpa

    CHAPTER 71: A Promise to Grandpa—“RAVEN, nasaan ka ngayon?” tanong ni Light sa nakababatang kapatid habang hawak ang cellphone sa harap ng VIP room.Nasa labas pa rin siya ng kuwarto kung saan dapat naka-confine ang lolo ni Dani. Katabi niya ang babae na halatang hindi mapakali matapos makitang walang tao sa loob.“Kakalabas ko lang ng radiology department. Bakit, Kuya?” sagot ng kalmadong boses ni Raven sa kabilang linya.“Nandito ako sa hospital kasama si Dani. Bibisitahin sana namin ang lolo niya, pero wala siya sa kuwarto.”Sandaling natahimik ang kausap niya bago sumagot. “Ah, sandali lang. Papunta na ako diyan. Kasama ko ngayon ang lolo ni Dani. Dinala ko siya sa radiology para sa brain CT scan.”Napabuntong-hininga si Light. Akala niya kung ano na ang nangyari. “Sige. Hihintayin ka namin dito.”Pagkatapos sabihin iyon, pinatay na niya ang tawag at ibinalik ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Agad naman siyang nilapitan ni Dani. “Kuya Light, ano raw? Nasaan si Lolo? Nasaan si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status