Masuk
“SI AGATHA nagwawala sa rooftop ng hotel at magpakamatay daw! Tawagin niyo si Atty. Elijah dali!”
Habang rumaragasa ang mga bulong at sigaw mula sa labas, ramdam ni Bettina na may kung anong talim na bagay ang dahan-dahang bumabaon sa dibdib niya. Nakapulupot sa mga daliri niya ang wedding bouquet, pero sa higpit ng kanyang pagkakahawak, nakabaluktot ang mga tangkay at isa-isang nag silaglagan ang mga talulot sa sahig.
Ika-siyamnapu’t siyam na beses na itong ginawa ni Agatha.
At siyamnapu’t siyam na beses na rin niyang pinilit na maging manhid sa bawat drama nito.Akala niya, nasanay na siya. Akala niya, kaya niyang lunukin ang lahat.
Pero hindi sa araw na ito. Hindi sa mismong araw ng kasal nila.
Dahil sa bawat panggugulo ni Agatha, alam ni Bettina—talo na naman siya.
Limang taon silang magkasintahan ni Elijah, pero limang taon din niyang nakita kung paano tumatakbo ang lalaki sa tuwing tatawag si Agatha. Magkababata raw sila, pero alam din ni Bettina na mag-childhood sweetheart din sila noon.
Noong muli siyang nagparaya para puntahan nito si Agatha, nangako ang lalaki—iyon na raw ang huling beses nitong gagawin. At sinabi pa sa kanya na kapag dumating ulit ang pagkakataong iyon, siya na ang pipiliin nito.
Buong pusong pinanghawakan ni Bettina ang pangakong iyon.
Kaya ngayong araw na suot niya ang wedding gown, hiling na sana siya naman ang piliin.
“What the hell are you doing, Agatha?”
Mabilis na napatingala si Bettina. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng balcony, kaya rinig na rinig niya ang pag-aalalang boses ni Elijah habang hawak ang cellphone.“You’re going to jump? Alam ko naman na hindi mo magagawa iyan. You attempted it so many times, and nothing ever happens. And it's my wedding day, Agatha. Don't worry, papunta na r’yan ang rescue team.”
Sa dulo, narinig pa niya si Elijah na may ibinulong, pero sobrang hina na hindi niya naintindihan. May kung anong kaba siyang naramdaman na tila bang may tinatago ito.
At sumagi sa isip niya ang pangambang baka hindi ito ang huling beses na pinangako ni Elijah.
***
Pagdating ni Elijah sa kwarto ay malungkot na napatingala si Bettina.
“What’s with that look? The ceremony’s starting. Are you ready?” malamig na tanong ni Elijah na wala man lang emosyon sa mukha.Kahit ramdam niya ang lamig na pakikitungo ni Elijah sa kanya ay masaya pa rin siya.
Kahit alam niyang kulang sa emosyon ang lalaki, naniniwala siyang siya ang pipiliin nito sa huli. Bakit naman magpapakasal si Elijah sa kanya kung hindi siya mahalaga?
Ngumiti si Bettina at marahang kumapit sa braso ni Elijah, pilit pinapawi ang lamig sa pagitan nila.“Elijah… ikakasal na tayo.”
“Mm. I know,” malamig at walang pagbabago ang tono nito.
Naglakad sila papunta sa hall kung saan gaganapin ang kasal.
Pagbukas ng pinto ng hall ay rinig nila ang malakas na boses ng host.
“Now, let’s welcome the bride and groom!” malakas na anunsyo ng host.Nakangiti si Bettina habang naglalakad sa aisle kasama si Elijah.
“Let’s congratulate—”
Hindi pa natatapos ang host nang biglang tumunog ang cellphone ni Elijah.
Nagkatinginan ang mga bisita at nagsimulang magbulong-bulongan.
Tila nanigas ang buong katawan ni Bettina nang huminto sila sa ginta. Kabisado niya ang ringtone na iyon, ang ringtone ni Agatha.Tinanggal ni Elijah ang kamay niya mula sa braso nito at sinagot ang tawag.“Hello, Agatha? What?!” gulat na sabi ni Elijah sabay napahawak sa noo.
Habang sinusubukan ng host na ibalik ang sigla ng kasalang ito, para kay Bettina… gumuho ang mundo nya, at ang pinapangarap niyang kasal ay unti-unting naglalaho.
Pagkababa ng tawag, agad na lumingon si Elijah at nagsimulang tumakbo palabas ng hall na para bang wala nang kasal na nagaganap.“Please don’t go…” halos mangiyak-ngiyak si Bettina habang inaangat ang wedding dress upang habulin siya. “Sabi mo… huli na ‘yon…”Napahinto si Elijah at lumingon kay Bettina. Nagtagal ng ilang segundo na nakatayo siya habang hawak pa ang cellphone. Pagkatapos ay humugot siya ng malalim na hininga.
“Tumalon na raw si Agatha, kailangan ko siyang puntahan. Ikaw muna ang bahala sa mga bisita. Babalik kaagad ako.”“Elijah!” hinawakan ni Bettina ang pulso nito, despiradong pigilan ito. “Kapag umalis ka… hindi na ako magpapakasal sa’yo!”Marahan ngunit walang pag-aalinlangan inalis ni Elijah ang kamay niya.
“Please don't, or else you’ll regret it.”
Parang nawasak ang puso ni Bettina, at bago pa niya muling pigilan ito, pumatak na ang mga luha niya.
Nanlaki ang mga mata ng mga bisita habang nakikita nilang iniiwan siya ng groom.At habang tumatakbo si Elijah, ang tanging ingay na naririnig ni Bettina ay ang mga bulungan na unti-unting sumasaksak sa kanya.
Bahagyang kumislot ang dibdib ni Elijah nang makita niyang tumulo ang luha ni Bettina. Alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon–susuko na naman ito, gaya ng dati.
Alam ni Elijah kung gaano siya kamahal ni Bettina. Dahil iniwan nito ang marangyang buhay para lang sumama sa kanya. Lahat ng hirap, tiniis nito para sa kanya.
At ngayon, ginagamit ni Bettina ang pagbabatang hindi na ito magpapakasal sa kanya. Alam niyang desperada lang ito na maituloy ang kasal. Alam niyang nasaktan niya ito.
Pero totoong nasa panganib si Agatha ngayon. Kahit anong isipin niya, hindi niya pwedeng unahin si Bettina habang may taong nasa bingit ng kamatayan.Nagkatinginan ang mga bisita, halatang hindi makapaniwala sa nangyari.
At si Bettina na nakasuot pa ng wedding gown at hawak pa rin ang nalalantang bouquet, para bang estatwang iniwan sa gitna ng entablado.
Ramdam niya ang bawat matang nakatuon sa kanya. Pero agad niyang pinahid ang mga luha, sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, pinuntahan ang host upang kunin ang mikropono.“Pasensya na… hindi na po matutuloy ang kasal.”Biglang nabalot ng ingay ang buong venue. “Anong nangyayari? Bakit umalis ang groom?”“Akala ko sa TV ko lang ito mapapanuod.”
“Kawawa naman si Bettina.”
Wala nang pakialam si Bettina sa mga naririnig niya. Alam niyang pagkatapos ng araw na ito, pangalan niya ang uugong sa buong siyudad. Alam ng lahat kung gaano kamahal ni Bettina si Elijah. Tinalikuran niya ang mga manliligaw niya na mayaman at handang ialay ang mundo sa kanya, at pinili si Elijah. Iniisip niya noon na kaya naman nilang magsamang harapin ang bawat hirap.At ngayong akala niya’y naroon na siya sa pintuan ng kanyang pangarap—doon pa siya iniwang mag-isa.
Paglabas ni Bettina sa hotel ay sinalubong siya ng mga nag-siksikang mga taong sabik na malaman ang iskandalong sumabog sa araw ng kasal niya.
Dinig ni Bettina ang usapan na bago raw tumalon si Agatha ay may nakaabang na malaki at makapal na foam ang mga rescuers kaya hindi ito nasaktan.
Sa hindi kalayuan, tumambad sa kanya ang eksenang parang sinadya ng tadhanang durugin siya.
Si Agatha ay nakasuot din pala ng wedding dress! Magulo ang buhok nito at umiiyak na parang bata. Karga-karga siya ni Elijah pababa mula sa safety cushion.
“H-How could you leave me alone?” hingal na iyak ni Bettina, halos hindi makapagsalita sa pag-iyak.“Elijah… sabi mo diba… huling beses na iyon? Ba’t ito?” dagdag pa nyang sabi.
Pero bago pa man makapagsalita si Elijah, bigla namang hinawakan ni Agatha ang magkabilang pisngi nito.
“Thank you for saving me, Elijah,” naiiyak na wika ni Agatha.
Nang makita iyon ni Bettina, unang sumagi sa isip niya na magagalit ito. Ngunit laking gulat niya nang hinawakan pa ni Elijah ang kamay ni Agatha na para bang sinasabing hindi niya iiwan ito.Noong unang magkasintahan sila, minsan niyang hinawakan ang mukha ni Elijah, pero malamig lang siyang tiningnan nito at sinabing, “I don’t like anyone touching my face.”Nakakapanibago, dahil hinayaan lang niyang haplusin ni Agatha ang mukha niya.
Napabuga na lang ng hangin si Bettina sa inis.
Akala ni Bettina na likas lang kay Elijah ang pagiging malamig at mailap sa lahat. Ngunit sa sandaling iyon, habang pinapanood niyang buhat-buhat ng nobyo ang nanghihina umanong si Agatha papuntang ambulansya…napagtanto niyang, sumosobra na sila.
Kinuyom ni Bettina ang magkabilang kamay niya habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mata.
At sinabi sa isip,
“Tama na, hindi ko na kaya…”
NAALIMPUNGATAN ng gising si Regina pagpasok ni Agatha sa kwarto niya. Pagod pa ang mga mata nito nang alalayan siyang lumabas ng kwarto.Hindi niya alam ang mga pinagsasasabi ni Agatha kanina. Ngunit nang dumaan ang tingin niya kina Bettina at Elijah na nakatindig lang sa corridor ay biglang tumaas ang presyon niya. Alam niya na may problemang hinaharap si Agatha.“Ano na namang kaguluhan ito, Elijah?” kunot-noong tanong ni Regina.Magsasalita sana si Elijah ngunit biglang inunahan siya ni Agatha.“Si…Si Bettina, Tita, hindi niya raw ako bibigyan ng dugo,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Agatha.Huminga nang malalim si Regina.“Tigilan niyo na ang pambubully kay Agatha, Elijah. Hindi mo ba alam nang dahil sa mommy niya ay buhay ka pa ngayon?” Nilipat naman ni Regina ang tingin niya kay Bettina. “At Bettina, transfusion lang naman ng dugo mo ang kailangan niya, hindi naman iyon malaking bagay, hindi ba? At saka ilang beses mo na ginagawa iyon kay Agatha. Kung hindi mo siya pagbibigyan, mama
SANDALING natigilan si Elijah. Hindi niya inaasahan na marinig ang mga katagang iyon kay Bettina na noo’y sunod-sunuran sa kanya.Naalala niya noon, na nanginginig ito sa takot sa tuwing tinuturok ang karayom sa braso nito. Madalas magkapasa si Bettina at matagal pa bago ito maka-recover. Pero kahit gano’n, ilang beses ito nag-donate ng dugo para kay Agatha, para sa kanya.May kung anong alinlangan nang tiningnan niya si Bettina. “Kung gano’n…”Agad na nagsalita si Agatha. “Bettina…” dilat ang mga mata ni Agatha sa gulat at namumuo ang mga luha nito sa gilid. “Ta…tama ba ang narinig ko? Sinusumpa mo akong mamatay?”Tinapunan lang siya nito ng malamig na tingin, dahil alam ni Bettina na umaarte lang ito para makuha ang sympatya ni Elijah.Napangisi si Bettina. “If you want to live, simulan mo nang maghanap ng blood donor. Dahil simula ngayon, wala ka nang makukuhang kahit isang patak ng dugo mula sa’kin.”Paglingon ni Agatha kay Elijah, agad itong hinawakan ang braso. “Elijah… ayoko pa
“HELLO, Miss Bettina?” tanong ng katulong na may halong pag-aalala.“Yes, speaking.”Dinig ni Bettina ang paghugot ng hininga ng katulong sa linya.“Hindi kasi namin ma-contact si Sir Elijah. Bigla po kasing nagkasakit ang mommy niya at dinala agad namin sa ospital. Pwede po ba kayong pumunta rito?”“Sige, papunta na ako.”Pagdating ni Bettina sa ospital, nadatnan niya si Regina na nakaupo sa hospital bed, kinakain ang orange na binabalatan ng katulong niya. Pagkapasok na pagkapasok ni Bettina sa loob at tila namutla si Regina sa galit at pagkainis. Kaagad niya itong sinermunan.“Bettina, ano bang nangyayari sa inyo ni Elijah? Hindi mo ba alam kung anong kahihiyang dinulot mo no’ng kinansela mo ang kasal? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Ha?”May kung anong malilit na butil ng pawis ang namuo sa noo ni Bettina. At nang makita niya ang lagay ni Regina, alam niyang hindi naman talaga ito nagkasakit, malamang nagalit lamang ito dahil sa nangyari.“I-I have my reason, Tita. H’wag na
HINUBAD ni Bettina ang wedding dress at nagpalit ng damit pagdating niya sa lounge.Matindi pa rin ang usapan tungkol sa kaguluhan sa kasal kanina, kaya nang dumating siya sa law firm, biglang natahimik ang mga kasamahan niyang kanina lang ay masiglang nagkukuwentuhan.Ngunit hindi na niya iyon pinansin. Sanay na siyang balewalain ang mga titig at bulungan ng iba.Si Elijah ang pinakamatalinong law student noon, habang si Bettina ang laging tinitingnan bilang babaeng “walang pride” dahil sa walang sawang paghabol niya rito.Sa totoo lang, siya rin ang may kasalanan. Siya ang nagmakaawa noon sa isang lalaking halos hindi tumitingin sa kanya. Pinipilit niyang isiksik ang sarili at kumakapit sa mga mumong atensyon ni Elijah.At ngayon, malinaw na malinaw sa kanya kung gaano siya naging katawa-tawa.Pagdating niya sa kanyang mesa, nag-print siya kaagad ng resignation letter mula sa computer, pinirmahan iyon, at dahan-dahang inilapag sa mesa ni Elijah sa loob ng opisina nito.Pagkalapag ni
“SI AGATHA nagwawala sa rooftop ng hotel at magpakamatay daw! Tawagin niyo si Atty. Elijah dali!”Habang rumaragasa ang mga bulong at sigaw mula sa labas, ramdam ni Bettina na may kung anong talim na bagay ang dahan-dahang bumabaon sa dibdib niya. Nakapulupot sa mga daliri niya ang wedding bouquet, pero sa higpit ng kanyang pagkakahawak, nakabaluktot ang mga tangkay at isa-isang nag silaglagan ang mga talulot sa sahig.Ika-siyamnapu’t siyam na beses na itong ginawa ni Agatha.At siyamnapu’t siyam na beses na rin niyang pinilit na maging manhid sa bawat drama nito.Akala niya, nasanay na siya. Akala niya, kaya niyang lunukin ang lahat.Pero hindi sa araw na ito. Hindi sa mismong araw ng kasal nila.Dahil sa bawat panggugulo ni Agatha, alam ni Bettina—talo na naman siya.Limang taon silang magkasintahan ni Elijah, pero limang taon din niyang nakita kung paano tumatakbo ang lalaki sa tuwing tatawag si Agatha. Magkababata raw sila, pero alam din ni Bettina na mag-childhood sweetheart din s







