Mag-log inHINUBAD ni Bettina ang wedding dress at nagpalit ng damit pagdating niya sa lounge.
Matindi pa rin ang usapan tungkol sa kaguluhan sa kasal kanina, kaya nang dumating siya sa law firm, biglang natahimik ang mga kasamahan niyang kanina lang ay masiglang nagkukuwentuhan.
Ngunit hindi na niya iyon pinansin. Sanay na siyang balewalain ang mga titig at bulungan ng iba.
Si Elijah ang pinakamatalinong law student noon, habang si Bettina ang laging tinitingnan bilang babaeng “walang pride” dahil sa walang sawang paghabol niya rito.Sa totoo lang, siya rin ang may kasalanan. Siya ang nagmakaawa noon sa isang lalaking halos hindi tumitingin sa kanya. Pinipilit niyang isiksik ang sarili at kumakapit sa mga mumong atensyon ni Elijah.At ngayon, malinaw na malinaw sa kanya kung gaano siya naging katawa-tawa.
Pagdating niya sa kanyang mesa, nag-print siya kaagad ng resignation letter mula sa computer, pinirmahan iyon, at dahan-dahang inilapag sa mesa ni Elijah sa loob ng opisina nito.
Pagkalapag niya, biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napataas siya ng kilay nang makita ang pangalan ni Elijah sa screen. Walang alinlangan niyang sinagot ang tawag.
“I heard you canceled the wedding? Why didn’t you even talk to me first? Alam mo bang makakasama ito sa reputasyon ng law firm?” galit na sabi ni Elijah.
“At bakit hindi?” huminga nang malalim si Bettina, pilit pinapakalma ang sarili. “Fine. Kung hindi ko kinansela ang kasal…Are you just going to let all our guests sit in the hotel waiting for you to return like some kind of hero?” mariin niyang sabi, ramdam ang panginginig ng boses niya sa pagpipigil.Noon, wala siyang lakas ng loob para magalit. Masayahin at masigla siya parati kapag kasama niya si Elijah. Kahit sinasaktan na siya, pinipilit niyang ngumiti sa harap nito. Pinipilit niyang unawain ito.
Pero ngayon… hindi na niya kaya.
Lahat ng sakit na tiniis niya noon, ngayon ay unti-unti nang umakyat sa dibdib niya. Kasabay nito ang nakakubling poot sa puso niya.“Kasalanan ko,” malumanay na sabi ni Elijah at walang bahid ng emosyon. “It was because I didn’t think it through.”
Mapait ang ngiting gumuhit sa labi ni Bettina. Napagtanto niyang sobra na pala siyang tanga sa pag-ibig. Bakit ba kasi pinilit pa niya ang sarili niya sa taong hindi naman siya mahal nito?
Napatingin siya sa kanyang resignation letter sa mesa. "Magre-resign na ako, Elijah--"
Hindi pa nga natapos ang sasabihin niya ay bigla niya narinig ang malambing na boses ng babae sa kabilang linya.
"My head and back hurts, Elijah. Pwede mo ba akong masahiin?"
Napalunok na lang si Bettina at mahigpit niyang hinawakan ang cellphone nang marinig niya si Agatha.
"Pasensya na, Bettina. Kausapin na lang kita mamaya," sabi ni Elijah, bago tuluyang naputol ang tawag.
Tanging busy ringtone na lang ang narinig niya sa kabilang linya.
Huminga nang malalim si Bettina, pilit pinipigilan ang pait na kumakapit sa dibdib niya. Napatingin siya sa malaking bintana ng opisina—maliwanag ang sikat ng araw, at abala ang mga tao sa BGC na bawat isa’y may sariling mundong ginagalawan.
Hindi niya napigilang balikan ang nakaraan noong bago pa lang nila tinayo ang Castillo Law Firm. Naalala niyang ibinenta pa niya ang bahay niya para lang may pambayad sila sa renta ni Elijah noon. At mula sa maliit na opisina na iyon, ngayon ay nakapagpatayo sila ng malaking building na pagmamay-ari ni Elijah. Napalago nila ang law firm, hanggang sa maging kilala at matagumpay ito ngayon.“Sa tingin mo, ano kaya ang magandang pangalan ng law firm natin?” tanong ni Bettina.
“Ikaw bahala kung ano.”“How about we name it Castillo Law Firm. It’s your family name, and I’ll be soon your Mrs. Castillo,” kilig na sabi ni Bettina.“You can call it whatever you want, you decide,” walang emosyong sabi ni Elijah.Masiglang tumalon si Bettina sa bisig ni Elijah, pero mabilis din siyang hinawakan sa noo at marahas na nilayo ito mula sa pagkakayakap. “Please, I don’t like being hugged by others.”Ngunit hindi nagpapigil si Bettina, muling sinubsob niya ang ulo sa dibdib nito. “Eh di exempted ako.”Kakalipat pa lang nila sa bagong building na kinatatayuan niya ngayon. At habang nakatitig siya sa paligid, hindi niya maiwasang maalala kung paano nagsimula ang lahat.Ganitong-ganito rin ang tanawin noong buo pa ang pangarap niya.
***
Abala si Bettina sa paglilipit, isa-isa niyang inilagay sa kahon ang mga gamit, kahit ramdam niyang matatagalan pa siya bago matapos.
Pag-abot niya sa isang sulok ng mesa, napatigil siya. Naroon ang litrato nila ni Elijah. May kung anong kumirot sa lalamunan niya habang tinititigan iyon. Siya lang ang nakangiti rito, habang nakasandal naman ang ulo niya sa balikat ni Elijah na ito’y walang kaemo-emosyong nakaharap sa camera, ngunit magkahawak-kamay naman sila.
Hinawakan niya ang picture frame, huminga nang malalim bago ito ipinasok sa kahon.Palagi siyang nasa likuran ni Elijah noong nagsisimula pa lamang ang kompanya. Tumutulong siya sa pagpaplano, sa pag-aayos ng mga problema, at sa paghahanap ng solusyon sa bawat gulong kinakaharap nila.Kahit kay Elijah nakapangalan ang kompanya, malaki rin ang naging ambag niya rito.Tahimik na nagtinginan ang mga empleyado habang pinapanood si Bettina na nag-iimpake ng gamit. Ramdam nila ang bigat ng sitwasyon, ngunit wala ni isa ang naglakas-loob na lumapit. Alam nila kung ano ang pinagdaanan niya, at kung gaano kasakit ang pag-alis niya ngayon.Nang matapos na mag-impake si Bettina ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Natigilan siyang makita ang pangalan ng mommy ni Elijah.NAALIMPUNGATAN ng gising si Regina pagpasok ni Agatha sa kwarto niya. Pagod pa ang mga mata nito nang alalayan siyang lumabas ng kwarto.Hindi niya alam ang mga pinagsasasabi ni Agatha kanina. Ngunit nang dumaan ang tingin niya kina Bettina at Elijah na nakatindig lang sa corridor ay biglang tumaas ang presyon niya. Alam niya na may problemang hinaharap si Agatha.“Ano na namang kaguluhan ito, Elijah?” kunot-noong tanong ni Regina.Magsasalita sana si Elijah ngunit biglang inunahan siya ni Agatha.“Si…Si Bettina, Tita, hindi niya raw ako bibigyan ng dugo,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Agatha.Huminga nang malalim si Regina.“Tigilan niyo na ang pambubully kay Agatha, Elijah. Hindi mo ba alam nang dahil sa mommy niya ay buhay ka pa ngayon?” Nilipat naman ni Regina ang tingin niya kay Bettina. “At Bettina, transfusion lang naman ng dugo mo ang kailangan niya, hindi naman iyon malaking bagay, hindi ba? At saka ilang beses mo na ginagawa iyon kay Agatha. Kung hindi mo siya pagbibigyan, mama
SANDALING natigilan si Elijah. Hindi niya inaasahan na marinig ang mga katagang iyon kay Bettina na noo’y sunod-sunuran sa kanya.Naalala niya noon, na nanginginig ito sa takot sa tuwing tinuturok ang karayom sa braso nito. Madalas magkapasa si Bettina at matagal pa bago ito maka-recover. Pero kahit gano’n, ilang beses ito nag-donate ng dugo para kay Agatha, para sa kanya.May kung anong alinlangan nang tiningnan niya si Bettina. “Kung gano’n…”Agad na nagsalita si Agatha. “Bettina…” dilat ang mga mata ni Agatha sa gulat at namumuo ang mga luha nito sa gilid. “Ta…tama ba ang narinig ko? Sinusumpa mo akong mamatay?”Tinapunan lang siya nito ng malamig na tingin, dahil alam ni Bettina na umaarte lang ito para makuha ang sympatya ni Elijah.Napangisi si Bettina. “If you want to live, simulan mo nang maghanap ng blood donor. Dahil simula ngayon, wala ka nang makukuhang kahit isang patak ng dugo mula sa’kin.”Paglingon ni Agatha kay Elijah, agad itong hinawakan ang braso. “Elijah… ayoko pa
“HELLO, Miss Bettina?” tanong ng katulong na may halong pag-aalala.“Yes, speaking.”Dinig ni Bettina ang paghugot ng hininga ng katulong sa linya.“Hindi kasi namin ma-contact si Sir Elijah. Bigla po kasing nagkasakit ang mommy niya at dinala agad namin sa ospital. Pwede po ba kayong pumunta rito?”“Sige, papunta na ako.”Pagdating ni Bettina sa ospital, nadatnan niya si Regina na nakaupo sa hospital bed, kinakain ang orange na binabalatan ng katulong niya. Pagkapasok na pagkapasok ni Bettina sa loob at tila namutla si Regina sa galit at pagkainis. Kaagad niya itong sinermunan.“Bettina, ano bang nangyayari sa inyo ni Elijah? Hindi mo ba alam kung anong kahihiyang dinulot mo no’ng kinansela mo ang kasal? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Ha?”May kung anong malilit na butil ng pawis ang namuo sa noo ni Bettina. At nang makita niya ang lagay ni Regina, alam niyang hindi naman talaga ito nagkasakit, malamang nagalit lamang ito dahil sa nangyari.“I-I have my reason, Tita. H’wag na
HINUBAD ni Bettina ang wedding dress at nagpalit ng damit pagdating niya sa lounge.Matindi pa rin ang usapan tungkol sa kaguluhan sa kasal kanina, kaya nang dumating siya sa law firm, biglang natahimik ang mga kasamahan niyang kanina lang ay masiglang nagkukuwentuhan.Ngunit hindi na niya iyon pinansin. Sanay na siyang balewalain ang mga titig at bulungan ng iba.Si Elijah ang pinakamatalinong law student noon, habang si Bettina ang laging tinitingnan bilang babaeng “walang pride” dahil sa walang sawang paghabol niya rito.Sa totoo lang, siya rin ang may kasalanan. Siya ang nagmakaawa noon sa isang lalaking halos hindi tumitingin sa kanya. Pinipilit niyang isiksik ang sarili at kumakapit sa mga mumong atensyon ni Elijah.At ngayon, malinaw na malinaw sa kanya kung gaano siya naging katawa-tawa.Pagdating niya sa kanyang mesa, nag-print siya kaagad ng resignation letter mula sa computer, pinirmahan iyon, at dahan-dahang inilapag sa mesa ni Elijah sa loob ng opisina nito.Pagkalapag ni
“SI AGATHA nagwawala sa rooftop ng hotel at magpakamatay daw! Tawagin niyo si Atty. Elijah dali!”Habang rumaragasa ang mga bulong at sigaw mula sa labas, ramdam ni Bettina na may kung anong talim na bagay ang dahan-dahang bumabaon sa dibdib niya. Nakapulupot sa mga daliri niya ang wedding bouquet, pero sa higpit ng kanyang pagkakahawak, nakabaluktot ang mga tangkay at isa-isang nag silaglagan ang mga talulot sa sahig.Ika-siyamnapu’t siyam na beses na itong ginawa ni Agatha.At siyamnapu’t siyam na beses na rin niyang pinilit na maging manhid sa bawat drama nito.Akala niya, nasanay na siya. Akala niya, kaya niyang lunukin ang lahat.Pero hindi sa araw na ito. Hindi sa mismong araw ng kasal nila.Dahil sa bawat panggugulo ni Agatha, alam ni Bettina—talo na naman siya.Limang taon silang magkasintahan ni Elijah, pero limang taon din niyang nakita kung paano tumatakbo ang lalaki sa tuwing tatawag si Agatha. Magkababata raw sila, pero alam din ni Bettina na mag-childhood sweetheart din s







