로그인HINDI rin inaasahan ni Evander ang mga salitang binitiwan ni Bettina. Bahagya siyang napasinghap sa gulat na tila bang may biglang humigpit sa hangin sa pagitan nila. Hindi siya gumalaw agad. Hindi rin siya nagsalita. Para bang kahit isang maling kilos ay maaaring makasira sa maselang sandaling iyon.May kung anong mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.Samantala, si Bettina ay halos kagatin ang sarili niyang dila sa pagsisisi. Bakit niya nasabi iyon? Bakit hindi muna siya nag-isip bago nagsalita? Ramdam niya ang init sa pisngi at ang kaba sa dibdib habang pilit siyang naghahanap ng paraan para bawiin ang sinabi niya. Kailangan niya makahanap nang mas maayos na palusot, o kahit isang dahilan para takasan ang sarili niyang mga salita kanina.Ngunit bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang boses ni Evander. “It’s okay, Bettina.”Sandali siyang huminto, parang tinitimbang ang susunod na sasabihin, bago muling nagsalita. “Ayos lang tagala ako sa sofa. Matulog ka na.”Pag
NATAHIMIK na lamang si Evander habang nakaharap sa malawak na salaming bintana ng hotel. May nais pa sana siyang sabihin, ngunit naputol ang sandaling iyon nang marinig niya ang mahinang tunog ng pagbukas ng lock ng banyo.Agad siyang napalingon.Lumabas si Bettina mula sa banyo, suot ang simpleng cotton pajamas. Balot ng tuwalya ang basa pa niyang buhok, at may naiwan pang banayad na singaw ng init sa paligid dahil sa mainit na shower. Mapula ang kanyang mga pisngi, hindi lang dahil sa paligo, kundi dahil sa pagod at sa kakaibang katahimikang bumabalot sa silid.Nagtagpo ang mga mata nila.Sa sandaling iyon, tuluyang nalunok ni Evander ang mga salitang kanina pa nasa dulo ng dila niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone at, sa malamig ngunit kontroladong tinig, sinabi sa kausap sa kabilang linya, “I’ll hang up now.” Hindi na niya hinintay ang tugon at agad niyang pinutol ang tawag.“Okay ka na?” tanong niya, pilit pinananatiling kalmado ang boses, na parang walang kakaibang nan
“I DON’T believe you, Attorney Hudson.”Bahagyang umiling si Bettina, halatang hindi kumbinsido dito. Ten years ago—ilang taon pa lang ba siya noon?At higit sa lahat, kaharap niya si Evander Hudson, ang nag-iisang tagapagmana ng Hudson Holdings Group. Isang lalaking sanay na hinahangaan, hinahabol, at pinapangarap ng napakaraming babae. Isang taong hindi kailanman kinailangang maghintay o maghabol ng pagmamahal.Paano mangyayari na may lihim siyang paghanga sa loob ng sampung taon?“Huwag na po kayong gumawa ng kuwento, Attorney Hudson,” sabi niya, pilit pinapanatiling magaan ang tono. “Parang imposible naman ’yon.”Marahang tumawa si Evander, walang pilit, walang depensa. Lumakad siya patungo sa sofa at naupo nang relaxed, saka bahagyang nagkibit-balikat. “If you don’t believe me, then forget it,” biro niya, parang wala lang.Sa kauna-unahang pagkakataon sa gabing iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Bettina. Hindi na niya pinatulan ang sinabi ng lalaki. Sa halip, tumalikod siy
DAHAN-DAHANG bumukas ang palad ni Elijah, nananatiling nakabitin sa ere ang kamay niya habang nakatitig siya sa singsing na mag-isang nakahandusay sa sahig. Para bang may mahigpit na kamay na pumipiga sa dibdib niya, unti-unting dinudurog ang bawat hininga hanggang sa halos hindi na siya makahinga sa sakit.“Bettina…” halos pakiusap ang boses niya habang kusang humahakbang palapit, “huwag naman ganito…”“Huwag ganito?” kalmadong tanong ni Bettina. “Elijah, tigilan mo na ’yang mga salitang ‘babawi ako’ at ‘magsimula ulit tayo.’ Dahil para sa’kin, wala na ’yang halaga. Mas pipiliin ko pang tumandang mag-isa kaysa bumalik sa’yo.” Sandali siyang tumigil bago tuluyang nagsalita, malinaw at mariin ang bawat salita.“Kaya itigil mo na. Wala ka nang babalikan.”Parang tinamaan ng kidlat si Elijah. Nabura ang huling bakas ng kontrol sa mukha niya habang nakatitig sa babaeng akala niya’y hinding-hindi siya iiwan. Hindi niya maintindihan—nagpakumbaba na siya, bumigay na siya, ginawa na niya ang
DAHIL maliit lang ang mundo ng mga abogado, hindi nagtagal ay kumalat sa buong legal circle ang balitang posibleng magkaharap sa korte sina Bettina at Elijah. Parang apoy na tinapunan ng gasolina, mabilis itong umabot sa Castillo Law Firm, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Elijah.Nabigla ang lahat.Halos karamihan sa mga abogado roon ay personal na nirecruit at hinubog ni Bettina noong panahong kasama pa siya sa firm. Kilala nila siya bilang mahusay, diretso, at higit sa lahat, bilang lider na marunong tumayo para sa mga tao niya. Hindi siya boss na mataas ang tingin sa sarili dahil palagi siyang nasa tabi ng team, handang sumalo kapag may nagkamali, handang magtanggol kapag may inaapi.Kaya ngayong may posibilidad na mapasama sila sa kasong laban mismo kay Bettina, parang may kumurot sa dibdib ng bawat isa. Hindi nila mawari kung paano sila haharap sa ganoong sitwasyon.“Hindi ako makapaniwala,” mahinang bulong ng isang associate. “Kinasuhan talaga ni Attorney Bettina si Agatha
SA VIP ROOM ay tahimik na nakaupo si Agatha, namumugto ang mga mata sa kakaiyak, habang nakatitig sa kanya si Elijah na may madilim at mabigat na ekspresyon. Hawak ng lalaki ang kopya ng reklamong iniwan ni Bettina, at sa lakas ng kapit ng kanyang mga daliri sa papel, halos mamutla na ang mga iyon, para bang doon niya ibinubuhos ang pagpipigil sa sarili.“Agatha,” mababa at malamig ang boses ni Elijah, walang kahit katiting na lambing, “huling tanong ko na ’to. Totoo ba ang paratang ni Bettina na nilagyan mo siya ng gamot?”Parang gumuho ang mundo ni Agatha sa sandaling iyon. Bigla siyang humagulgol nang mas malakas, tila ba hindi na niya kayang pigilan ang emosyon. “Elijah, pinagdududahan mo ba talaga ako?” umiiyak niyang sabi. “Hindi mo ba ako kilala? Siya ang naninira sa akin! Siya ang gumawa ng lahat ng ebidensyang ’yon para ipahamak ako!”Sa tabi, marahang hinawakan ni Edith ang kanyang dibdib at umubo nang mahina, halatang sinasadya ang pagpapakita ng panghihina. “Elijah…” mahin







