Share

Chapter 083: News Scandal!

Author: Alia Ema
last update publish date: 2026-03-19 08:15:34

Malalim na ang gabi, pero nasa VIP room pa rin ng Phantom Nightclub si Ashwin. Nakahilig siya sa sofa, iniikot-ikot ang baso ng whisky habang nakikinig sa tsismis at bolahan ng mga tao sa paligid. Sanay na siya sa ganitong maingay, magulo, at puno ng yabang. Kaya lang, nang bumukas ang pinto at pumasok si Evander, parang may biglang humatak sa ingay pababa. Humina ang tawanan at nagsabaysabay ang lingon ng lahat.

“Evander!”

Sunod-sunod ang bati, halatang may halong respeto at pag-iingat. Naka-i
Alia Ema

Sorry sa late post, na-ospital po si mother. Ngayon nakabalik na ako hehe.

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lovely Quilantang
thank sa update author ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 084: Family Discipline

    Kumunot ang noo ni Bettina. Lahat ng ito, nagsimula sa kagagawan ni Agatha. Kung hindi siya nilagyan ng gamot noong gabing ’yon, kung hindi biglang dumating si Evander para iligtas siya—hindi sana hahantong sa ganito. Bakit sila kukunan ng ganoong litrato? Bakit lalaki nang ganito ang isyu? Bakit hahantong sa gulo sa media? At bakit pati ang stock ng Prime Biotech, nadamay at bumaba? Mahigpit niyang kinuyom ang kamao; baon ang kuko sa palad niya pero hindi niya maramdaman ang sakit.Sa sandaling iyon, biglang nag-vibrate nang malakas ang cellphone niya. Isang hindi kilalang local number ang lumabas sa screen. Wala siyang gana sumagot. Pero tumawag ulit… at ulit… hanggang pang-apat na beses. Sa huli, kinuha niya rin at sinagot, magulo pa rin ang isip.“Hello?”“Si Ms. Bettina po ba ito? Si Ashwin ito…”Ashwin Carrington? Kaibigan ni Evander Hudson?“Mr. Ashwin? May kailangan po ba kayo?”“Ms. Bettina, nakita mo na ba yung balita?” halatang nagmamadali at kinakabahan ang boses nito. “M

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 083: News Scandal!

    Malalim na ang gabi, pero nasa VIP room pa rin ng Phantom Nightclub si Ashwin. Nakahilig siya sa sofa, iniikot-ikot ang baso ng whisky habang nakikinig sa tsismis at bolahan ng mga tao sa paligid. Sanay na siya sa ganitong maingay, magulo, at puno ng yabang. Kaya lang, nang bumukas ang pinto at pumasok si Evander, parang may biglang humatak sa ingay pababa. Humina ang tawanan at nagsabaysabay ang lingon ng lahat.“Evander!”Sunod-sunod ang bati, halatang may halong respeto at pag-iingat. Naka-itim na polo si Evander, bukas ang dalawang butones, nakataas ang manggas hanggang siko. Tahimik ang mukha niya, parang wala siyang pakialam sa pagpapa-cute na mga babae. Tumango lang siya bilang pagbati at dumiretso sa mas tahimik na bahagi ng room. Halos kusa na ring nagbigay-daan ang mga tao, na parang alam nilang hindi siya dapat harangan.Lumapit si Ashwin, nakangisi. Umupo siya sa tabi ni Evander at kumilos na parang tropang matagal nang magkakilala.“Uy, dumating ka rin. Akala ko na naman

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 082: Hudson’s True Heiress?

    SAMANTALA, umiiyak na tumakbo palabas si Agatha mula sa Aleria Legal Group. Hindi niya maintindihan kung bakit naging ganoon kalamig si Elijah sa kanya. Bakit parang lahat, kinakampihan si Bettina?!Gusto niyang gumanti.Gusto niyang pagbayarin si Bettina!Sumakay siya ng taxi at sinabi ang address ng apartment kung saan sila pansamantalang nakatira ng mommy niyang si Edith.Pagdating, nagbayad siya, pulang-pula ang mata, at binuksan ang pinto gamit ang ekstrang susi.“Mom!” sigaw niya habang umiiyak.Walang sumagot.Nagtaka siya at umakyat papunta sa master bedroom sa ikalawang palapag. Sarado ang pinto.Nang mag-aangat na sana siya ng kamay para kumatok, may narinig siyang kakaibang tunog sa loob—mga tunog na nagpahinto sa kanya.Nanlamig ang batok ni Agatha. Dahan-dahan siyang lumapit at nakinig.“Dahan-dahan… ahhh!”Boses ‘yon ng mommy niya na parang sinapian at sarap na sarap sa ginagawa nito. “Bakit? Ayaw mo ba sagarin ‘to? Kanina parang gustong-gusto mo,” sabi ng lalaki habang

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 081: The Wrong Kind of Love

    “BETTINA! Sa wakas lumabas ka rin?” taas-noo si Agatha, puno ng panunuya ang mukha. “Akala ko nagtatago ka na diyan sa loob, takot nang humarap sa akin!”Malamig ang tingin ni Bettina. “This is my law firm, Agatha. Hindi ka welcome dito. Umalis ka na.”“Umalis?” napatawa si Agatha at nagkrus ng braso. “Pumunta ako rito para makita ang itsura mo ngayon. Ano? Ang dami mong ‘ebidensya’ na pinaghirapan, tapos ano nangyari? Wala! Sabi ko na sa’yo—pero ayaw mong makinig. Pinilit mong banggain ako. Ngayon, wala ka pa ring napala. Masaya ka na?”Tinitigan ni Bettina si Agatha. Pero imbes na sumabog ang galit niya, bigla siyang kumalma. Humakbang siya pasulong. Yung lamig at bigat ng presensya niya ang tumabon sa kayabangan ni Agatha.“May mga naging sagabal lang sa chain of evidence, pero hindi pa tapos ang kasong ’to, Agatha. Ang batas ang magdedesisyon, hindi ang bibig mo. Kaya tigilan mo ’yang pagwawala dito,” mariin na sabi ni Bettina.“G-Gano’n ba?!” namutla si Agatha.Pero hindi siya bi

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 080: That's The Only Solution

    NATIGILAN si Bettina at nanlaki ang mata. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Baka may mali sa pandinig niya, o baka hindi pa siya nakaka-recover mula sa hangover.Kasal… kay Evander Hudson?!Tinitigan siya ni Evander na parang naaaliw sa reaksiyon niya. Bahagyang gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, pero mabilis ding nawala.“Iyan ang pinaka-direkta, pinaka-epektibo, at… pinakamababang negative impact na solusyon,” sabi ni Evander, kalmado, parang naglalatag lang ng isang normal na business proposal.“Pinakamababang negative impact?!” Sa gulat at inis, tumaas ang boses ni Bettina. “Evander, alam mo ba ang sinasabi mo?! Kasal?! Dahil lang… dahil nag-iwan ako ng marka sa leeg mo?!”Halos matawa si Bettina sa inis. Parang baliw na ang lalaking ’to!“Hindi lang ’yan dahil sa marka,” mahinahong paliwanag ni Evander, parang nagbabantay ng negosyo. “Posibleng maging problema ’to sa kumpanya at puwedeng lumaki pa habang tumatagal. Pero kung official at public ang relasyon natin

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 078: Marry Me

    “EVANDER!” bulong niyang galit, pero may halong kaba. “Binabalaan kita—huwag kang magsalita ng ganyan dito! Yung gabing ’yon… lasing ako! Wala akong naaalala! Kahit… kahit may nangyari man, aksidente ’yon! Aksidente! Gets mo?”Tinitigan siya ni Evander, halatang aliw na aliw. Tumango siya na parang napakabait.“Sige. Kung aksidente ’yon… kung ‘pagkakamali’ lang dahil nalasing ka…”Huminto siya saglit, parang sinasadya.“Kung gano’n, Bettina… kasalanan mo ’to.”Nanlaki ang mata ni Bettina. “Ano?!”Gigil na gigil si Bettina—gusto na niyang mangagat pero wala siyang maipangtutol dito. Kaya tinitigan na lang niya si Evander nang matalim, nangingilid ang luha sa hiya at inis.Mas lalong lumalim ang ngiti sa mga mata ni Evander. Pero bigla niyang binago ang usapan—kalmado at mas naging “professional” ang tono.“Ganito na lang, Bettina. Iwan muna natin ang usapang reputasyon. Pag-usapan natin… ang business.”“Business?” napakunot ang noo ni Bettina. Naging alerto siya agad. “Anong kinalaman

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 023: The Price of Finding Her

    PAGKATAPOS ma-revise ni Nelson ang settlement agreement ay marahan nang pumirma si Bettina sa huling bahagi ng dokumento. Hinipan pa niya nang mahina ang ibabaw ng papel bago isinara ang folder at binigay sa assistant ni Evander para pirmahan naman ito. Ramdam niya ang unti-unting pagluwag ng dibdib

    last updateLast Updated : 2026-03-21
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 008: The Cost of Choosing Him

    NAWALAN ng malay si Bettina pagdating ng paramedics. Nagising na lang siya pagkatapos siyang dalhin sa ospital. Pagmulat niya ay bumungad sa kaniya ang isang doktor na naka-puting coat na abala sa harap niya. “Miss Imperial, pakiangat po nang kaunti ang damit mo, titingnan ko ang tiyan ninyo.” S

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 010: Her Turning Point

    UMILING si Elijah, at nanigas ang panga niya. Hindi niya alam kung galit ba siya o nasasaktan—pero alam niyang nagta-tantrums lang si Bettina.

    last updateLast Updated : 2026-03-17
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 024: The Viral Ex-Fiancée

    HINDI agad maigalaw ni Bettina ang katawan niya habang nakatigtig lang siya sa screen ng cellphone ni Fiona. Parang unti-unting lumalabo ang paligid habang binabasa niya ang mga komento sa Facegram post ni Elijah.@isay21: Parang kilala ko ’yan si Bettina no’ng nag-aaral pa ako sa UST!@plxers: Ang

    last updateLast Updated : 2026-03-21
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status