Share

CHAPTER 9

Author: Truly_yours
last update Last Updated: 2025-03-16 20:25:56

Elara's P.O.V.

"Dustin is a famous influencer, malakas ang hatak niya ng readers kasi book lover din siya," paliwanag ko kay Theo, pero nanatili lang ang tingin niya sa screen ng laptop ko.

Mariin. Madilim. Hindi ko mabasa kung galit ba siya o ano.

Dahan-dahan siyang nag-lean back sa kinauupuan niya, ang mga mata niya'y nanatiling nakatutok sa akin. Para bang sinusuri niya ang bawat salita ko, hinuhukay ang intensyon ko sa likod nito. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin, tanging ang mahina at malamyang ihip ng hangin mula sa rooftop ang naririnig ko.

"Pero mostly babae lang ang mahahatak niyang readers. It doesn't mean na romance ang genre ng book na pinopromote natin, eh puro babae lang ang hahatakin natin," may diin sa tono niya. "Tama ba?" May point naman siya, pero bakit parang ang bigat ng presensya niya ngayon?

Parang mas lumamig ang hangin sa paligid. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o sinadya niyang ihatid ang ganitong aura.

"Hindi lang naman siya sa mga babae malakas. Malakas din influence niya sa boys," dagdag ko pa, saka umayos ng upo. Pero napansin ko ang panliliit ng mata niya. Para bang binabasa niya ang iniisip ko, hinuhulaan kung gaano ako kakumpiyansa sa sagot ko.

"B-bakit ganyan ka makatingin?" Mariin akong napalunok. Biglang bumigat ang hangin, parang may hindi nakikitang presensya sa paligid na nagpapakaba sa akin.

Hindi siya sumagot agad. Umangat lang bahagya ang isang sulok ng labi niya, pero hindi ko alam kung may ibig sabihin ba iyon o wala lang talaga siyang ekspresyon.

"You have a point, pero mostly sa mga lalaking nahahatak niya... bakla," aniya, kaswal na naghalukipkip. Masyadong kalmado. Masyadong maingat sa bawat galaw. Saka niya itinaas ang isang kilay, tila nanghahamon. Napaiwas ako ng tingin.

Paano niya nagagawang mag-shift ng aura from dark to light nang ganon kabilis? Kanina parang ready akong sabunin, tapos ngayon parang chill lang? At bakit parang ang perfect ng tama ng ilaw sa mukha niya?!

Napatingin ako sa dulo ng rooftop, kung saan kitang-kita ang palubog na araw sa kanluran. Sa kabila ng magandang tanawin, hindi ko maalis ang tension sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko'y may nasabi akong hindi ko dapat sinabi.

Tumikhim ako, pilit binabalik ang focus sa usapan.

"Pero mostly din naman sa mga readers natin ay babae? Mas malaki ang percentage ng mga babaeng customers natin, so bakit pa?" Humalukipkip rin ako, hinahamon siya.

Isang saglit siyang natahimik bago dahan-dahang yumuko, saka nag-lean forward. Sa ginawa niya, mas bumaba ang boses niya.

"Kung ganon lang din pala, bakit hindi na lang tayo mag-stick sa original target market?" Mahinang sabi niya, pero may bigat ang bawat salitang binitiwan niya.

Napansin ko ang paggalaw ng daliri niya sa ibabaw ng monoblock, parang may hinihintay. Nakaupo siya sa maliit na upuan habang ako naman ay nasa Bermuda grass, kaya mas mataas siya sa ‘kin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong umatras.

"Sana nag-stick na lang tayo sa ads and social media, hindi ba mas logical ‘yon?"

Para akong natutop sa sinabi niya. May kakaibang bigat sa tingin niya, parang may hindi ako alam.

"If you want to take a risk, dapat siguraduhin mo rin na magkakaroon ito ng malaking ROI sa company at mas malawak na sakop ng audience or customers. Not just waste money on the same target market," dagdag niya, saka muling ngumiti—pero hindi ko matukoy kung may bahid ba iyon ng amusement o panunuya.

Hindi ko mapigilang titigan siya. Parang gusto kong basahin kung ano ang iniisip niya, pero habang tinititigan ko siya, lalong lumalabo ang ekspresyon niya. Hindi ko matukoy kung iniinis lang niya ako o seryoso siya.

Napaangat ang kilay ko. Sinusubukan niya ba akong lituhin? Humugot ako ng hininga bago nagsalita.

"If that's so, what are you suggesting, Mr. Theo Zaffiro?" Bigla kong naalala ‘yung time na nakita ko silang magkasama ni Mr. Montenegro. Ngayon ko lang na-realize… hindi naman sila magkaapelyido, so baka hindi talaga sila related?

Bahagyang lumalim ang tingin niya, saka dahan-dahang nagsalita. "I suggest na maghanap tayo ng influencer na may mas diverse na audience—hindi lang puro babae, hindi lang puro readers. Someone na makaka-engage ng mas maraming tao."

Napaisip ako sa sinabi niya. May point naman siya—mas logical nga kung mas malawak ang audience reach. Pero hindi pa rin ako basta-bastang susuko sa idea ko.

Sa saglit na iyon, sumilay ang bahagyang ngiti niya. Hindi halata kung totoo o pilit.

Lalo pang lumalim ang ngiti niya nang makita ang reaksyon ko. "Since testing run pa lang naman ‘to, bakit hindi na lang tayo kumuha ng isang baguhang influencer pero may malakas na presence sa social media?"

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. May point siya.

"Okay, deal! Pero… ako ang pipili ng influencer."

Isang nakakalokong smirk ang sinagot niya. Muli, hindi ko mabasa kung totoo o peke lang ang expression niya.

"Fine. Pero kung sablay ‘yang piliin mo, don't expect na hindi kita aasarin, Miss Elara."

Napapikit na lang ako. Diyos ko, give me patience.

"Okay, so it's already settled now. I'll send you the final revised plan." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tiniklop ko ang laptop ko at tumayo na. Nauna akong lumabas at nagtungo sa elevator. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Tahimik kaming naglakad, ngunit ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko. Parang bumibigat ang bawat hakbang ko. Walang nagsalita sa amin hanggang sa nakasakay na kami ng elevator. Pinindot ko ang 16th floor, pilit na hindi siya tinitingnan.

Mula sa reflection ng salamin sa elevator, naaninag ko siya. Tahimik. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.

Infairness, ang ganda talaga ng built ng katawan niya. Lakas makayaman, I wonder kung nag-g-gym siya?

Bigla siyang napalingon sa direksyon ko, at agad akong napaiwas ng tingin. Napalunok ako, pilit pinapakalma ang sarili. Pero hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding kaba—at hindi ko alam kung dahil sa kanya o sa sarili kong iniisip.

Tumingin ako sa screen ng floor indicator. 19… 18…

Ding.

Biglang huminto ang elevator sa floor 17. Parang nagslowmo ang pagbukas ng pinto. Dahan-dahang iniluwa ng elevator ang isang tanawing hindi ko inaasahang makikita.

Doon mismo, sa harap ko—nakatayo ang dalawang taong minsan kong tinuring na pinakamalalapit sa akin.

Ang ex ko.

At ang ex-best friend ko.

Magkayakap. Abala sa paghahalikan, tila wala silang pakialam sa mundo.

Pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko. Parang may pumiga sa puso ko, hinahatak pababa sa kawalan. Nag-unahan ang mga alaala—mga masasakit, mga bagay na pilit kong kinalimutan.

Bago pa nila mapansin ang pagbukas ng elevator, mabilis kong pinindot ang close button. Nanginginig ang daliri ko habang pinipilit kong hindi magpakita ng emosyon.

Tahimik lang si Theo sa tabi ko, pero ramdam ko ang tingin niya. Mula sa gilid ng mata ko, naaninag ko ang bahagyang pagyuko niya, parang may gusto siyang basahin sa ekspresyon ko.

Napalunok ako. Kailangan kong magsalita. Kailangan kong magpakatatag.

"Ayoko lang silang maabala," mahinang sabi ko, pilit pinapanatili ang normal na tono ng boses ko.

Sandali siyang natahimik bago bumuntong-hininga. "Hindi naman ako nagtatanong."

Nalaglag ang tingin ko sa sahig. Ramdam ko ang panunuya sa boses niya, pero may kung anong laman din ito—parang hindi lang basta pang-aasar.

Napatingin ako sa kanya, kunot-noo. At doon ko na naman nakita ang multong ngiti sa labi niya.

Pero ngayong mas malapit ako, mas napansin ko rin ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

May kung anong kakaibang ningning sa mata niya.

Ano bang trip nito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 29

    Elara's P.O.V.Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko!Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga.Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko..."Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama.Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to.Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now.Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergency!Isa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 28

    Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 27

    Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 26

    Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 25

    Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 24

    Elara’s P.O.V."Don't look at me like that," nakangiwi kong sabi kay Mix. Para akong masusuka sa katotohanang siya ang ama? Letche naman, gano'n na ba talaga ako katigang at pati bakla kong best friend, papatulan ko?I mean, he’s kinda handsome and if he were a man, I probably—!Oh my gosh?! What the hell am I thinking? Bakla pa rin siya!“Ew-ew-w, no!” Mariin akong napailing."I know right?! Hindi pwedeng ako ang ama niyan! I can be the mother, though." Natawa siya sabay iling ulit. "But no, there must be a mistake." Saad niya saka tinapik ang lalaki. Napatawa na lang ako sa situation namin. Pag naiipit talaga, bigla na lang napapa-English."Ano?" tanong sa kanya ng bouncer. Inis na napairap si Mix."Ito ang dahilan kung bakit tayo nag-break! Ang slow mo kasi! I-rewind mo!" Napanganga ako nang bahagyang tumaas ang boses ni Mix—medyo maarte, medyo pabebe.Nagulat ako nang biglang padabog na tumayo 'yung bouncer. Matalim ang tingin niya kay Mix. Bawat hakbang niya, sumasabay ang muscle

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 23

    Elara’s P.O.V.“Bakla ka! Ano na na namang issue mo, teh?” sigaw ni Mix, nakapamewang at halos bumaon sa bungo ko ang matinis niyang boses. Napapikit na lang ako sa inis.“Sabi ko na, ‘wag kang gumawa ng gulo! Tapos may pa-elevator scene pa kayo ni Theo?” dagdag niya, sabay taas ng kilay. Huminga ako nang malalim bago sumagot.“Ehh, hindi naman namin sinadyang ma-stock sa elevator, diba?” Napairap ako habang pasimpleng lumingon-lingon.Breaktime na namin ngayon, pero sa halip na bumaba sa cafeteria, dito lang kami ni Mix nakatambay sa department. Sa dami ng nangyari kanina, wala na akong lakas pa para dumaan sa hallway at harapin sila. Sigurado ako, sa bawat bulungan at sulyap, ako na naman ang bida sa kwentuhan nila.“Teh, naman kasi!” ani Mix, sabay hampas sa braso ko ng clipboard na hawak niya. “Ano bang ginagawa niyo sa elevator, ha? Eh ang paalam mo lang sakin, mag-CCR ka?”Minsan talaga, mas matindi pa si Mix kesa kay Mama.“Gusto ko lang naman sanang mag-sorry sa kanya,” paliwa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 22

    Theo’s P.O.V.“Paano kung ako nga ang ama ng dinadala mo?”I didn’t even know why I said that. It just slipped out. But ever since that Saturday night, I haven’t been able to think straight. I keep having these dreams. Same woman, same scent—always faceless. But the feeling? Sobrang pamilyar. Parang may alaala akong pilit bumabalik pero nababalutan ng usok.Mas lalo kong diniinan ang kapit ko sa pader. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o takot.There’s a part of that night I can’t remember. I was drinking, yeah—drink after drink. I remember feeling dizzy, excusing myself to go to the restroom. On the way, I saw Elara being bothered by some guys. I stepped in. After that… blank.Since then, I’ve been off. Hindi ako mapakali. And now, here I am—cornering Elara in the elevator like I’ve completely lost it. I raised my hand toward her face. Nagulat siya. Her warmth—familiar. Parang déjà vu.She was close. Too close. And I hated that I liked it.Na amoy ko na naman siya. Same scent from my

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 21

    Elara’s P.O.V.Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—yung bigat ng mga matang sumusunod sa akin sa hallway, o 'yung mga pabulong na tawa na pilit tinatakpan ng paper folder.Inis kong naikuyom ang kamao ko. “Lagot sa’kin ‘yang Jerry na ‘yon. Kakalbuhin ko talaga siya—‘wag lang siyang magkamaling magpakita sa’kin.”“Teka lang, girl. Opis hours pa ‘to. ‘Wag ka munang rumampa ng war mode. Baka masisante tayo sa gagawin mo,” bulong ni Mix habang hinahawakan ang braso ko.Napahinga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang umuusok kong sentido. “Yung tsismis na buntis ako? Fine. Totoo naman. Pero ‘yung si Theo raw ang ama?” Umiling ako, halos mapamura. “Tangina talaga. Gusto ko talagang upakan si Jerry.”“Excess me?”Parang may magic spell. Sabay kaming napalingon ni Mix. Nakatayo si Ms. Leah sa likod namin—crossed arms, raised brow, at ‘yung signature niyang deadpan expression. Hindi ko alam kung ilang segundo kaming napatitig sa kanya, pero pakiramdam ko isang buong quarter.Umangat ang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status