Kabanata 120 — May Ebidensya Ka Ba?“Nick Suarez, huwag mong subukang manghimasok sa buhay ko.”Matigas ang tono ni Kent James habang nakakunot ang noo at malamig ang mga mata. Mabilis ang tibok ng dibdib niya, halatang pinipigilan ang galit na kanina pa gustong sumabog.Ngunit imbes na matakot, ngumisi lang si Nick, may halong pang-aasar ang ngiti sa labi. “Ang galing mo talaga, Kent. At least alam mo na kung sino ka,” aniya, sabay lakad palapit, “pero sana lang hindi ka ‘yung tipo ng taong sumasakop sa palikuran pero walang ginagawa.”Napa kunot ang noo ni Kent, halos umuusok na sa galit ang mukha niya. “Ikaw, Nick, wasak na nga ang pamilya ng ibang tao, nakikisawsaw ka pa sa asawa ng may asawa. Kung malaman ng pamilya mo ang pinaggagawa mo, hindi ka ba mapapahiya?”Tumawa si Nick, isang mabigat na halakhak na may halong panghahamon. “Ah, so ganun? Ang presidente ng Hernandez Group ngayon marunong nang manakot gamit ang pangalan ng magulang niya? Ang bata mo pa rin mag-isip, Kent. N
KABANATA 119 – I WILL SUPPORT YOU“Shawn Vasquez?”Napa kunot ang noo ni Daisy nang marinig ang pangalang iyon mula sa labi ni Mr. Song. Mula noon, tuwing mababanggit ang pangalan ng lalaking iyon, para bang kumukulo ang dugo niya. Nagalit ang kanyang bagang at madiin ang boses nang sabihin niya,“Bwisit! Naiinis pa rin ako tuwing naaalala ko ‘yung hayop na ‘yon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ako ganito nasugatan at naghihirap dito. Mr. Song, pangako mo sa akin na gagantihan mo sya para sakin, okay?”Tumikhim si Mr. Song at tinitigan siya, nakangiti ng paangil. “Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko.”Napatitig si Daisy sa kanya. Para siyang batang nag-iisip ng parusa. “Gusto kong... gusto kong bugbugin niyo siya. ‘Yung tipong halos hindi na siya makilala sa sobrang pasa. Tapos itapon mo siya sa harap ng beach villa. Para malaman niyang hindi ako basta-basta.”Umangat ang isang kilay ni Mr. Song, at may bahid ng pagtataka sa tono niya. “Bugbog lang? Hindi ko inaasahan
KABANATA 118 – MATIGAS ANG LOOBKahit kasama ngayon ni Kent James si Pearl, magulo pa rin ang isip niya. Kagabi pa niya balak kausapin si Daisy nang maayos, gusto niyang makipag-usap para linawin ang lahat, pero hindi niya inaasahan na biglang magkakasakit si Pearl. Wala siyang nagawa kundi alagaan ito buong gabi, at dahil doon, hindi na natuloy ang plano niyang makipagkita kay Daisy.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang hinintay ni Daisy. Noon, sanay na siyang ginagawa iyon, pinaghihintay ang babae ng walang paliwanag. Pero ngayong umaga, kakaiba. May kung anong bigat sa dibdib niya, isang uri ng guilt na hindi niya maipaliwanag.“Ah, Kent…” mahinang tawag ni Pearl habang nakaupo sa gilid ng kama, maputla ang mukha. “Puwede bang… huwag ka munang pumasok ngayon? Naiiwan akong mag-isa sa bahay, natatakot ako.”Hinila niya ang manggas ng suot ni Kent, parang batang nagmamakaawa.Tinitigan siya ni Kent, ngunit alam ni Pearl na ang mga mata ng lalaki ay wala sa kanya at lumulutang. M
Kabanata 117 — Good Mentality“Kuya Song!” Sa tawag na ‘yon, ay napangiwi si Mr. Song. Halos mapailing siya, dahil kahit nasa bingit na ng kamatayan, mukhang may diskarte pa rin ang babaeng ito. This woman… she’s not simple.Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, tumayo siya at maingat na binuhat si Daisy, halos parang prinsesa, kahit punô ng dugo at pasa ang katawan nito. Paglingon niya, nakita niya si Shawn Vasquez na nakahandusay pa rin sa sahig, umuungol at halos di na makagalaw.Kalmado lang ang tono ni Mr. Song nang magsalita siya.“Dalhin siya. Buhayin pa siya.”Agad na lumapit si Kwen San, at kinuha si Shawn sa kwelyo at kinaladkad papunta sa sasakyan.Napatingin si Shawn, na gulat at takot ang nasa mukha. “Wait! wag! Don’t touch me! My brother-in-law is Kent James Hernandez! You can’t do this to me!”Ngumiti si Kwen San, at malamig ang boses.“Mas lalo ka dapat mamatay, dahil siya ang bayaw mo.”Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Shawn. Bumagsak siya, at nawala
Kabanata 116 – Niloko Mo Ako?!“Ahhh! Hayop kang babae! Anong ginawa mo sa’kin?!” sigaw ni Shawn, habang hawak-hawak ang mga mata niyang halos mabulag sa sobrang hapdi ng chili spray na inispray ni Daisy sa kanya.Napaatras siya, napasigaw, at halos gumulong sa sahig sa sakit.Samantalang si Daisy, hindi na nag-aksaya ng kahit isang segundo. Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto, halos madapa sa pagmamadali.“Kailangan kong makaalis dito! Kailangan kong mabuhay!” sigaw ng utak niya habang nanginginig ang mga tuhod.Ngunit napakabilis ni Shawn. Sa loob lamang ng ilang segundo, naramdaman ni Daisy ang malakas na paghila sa kanyang buhok kaya napasigaw siya sa sakit.“Aray ko!” halos mapunit ang scalp niya sa lakas ng pagkakahila nito “Wala kang takot ha?! Akala mo makakatakas ka sa akin?!” sigaw ni Shawn, sabay hinila siya pabalik, at galit na galit. “Ngayong gabi, ipapakita ko sa’yo kung gaano kasakit ang kalabanin ako!”“Bitawan mo ‘ko, Shawn! Hayop ka!” pilit niyang pinipigilan ang
Chapter 115: Less Suffering“Grabe ka naman, Nina!” Daisy couldn’t help but laugh softly when she saw her assistant staring at her with sparkling eyes, mouth slightly open as if she’d just seen her favorite celebrity. “You’re a girl, ha. Hindi ba sobra ‘yang titig mo sa’kin?”Nina blushed, then let out an exaggerated sigh. “Boss Daisy, you don’t understand! Hindi ko talaga gusto ‘tong line of work na ‘to dati… pero simula nang makilala kita, everything changed!”Napangiti si Daisy, half amused, half touched. “Ganun ba?” she asked, her tone teasing but kind.“Before, parang ang unfair talaga ng industry na ‘to,” tuloy ni Nina, halatang may sama ng loob. “Lahat ng lalaki, tingin nila, babae lang ako. They exclude me, they bully me, they treat me like I don’t belong.” She bit her lip, her eyes lowering. “Pero ikaw, Boss… you make me feel like I can.”Daisy’s heart softened. Naiintindihan niya. She’d been through the same thing — the stares, the doubts, the whispered gossip that women lik