Share

Kabanata 70

Author: Annewrites
last update Last Updated: 2025-10-02 21:49:51

Kabanata 70: Makikipag-cooperate kay Nick Suarez?

Madilim ang mukha ni Kent James, pero pinilit niyang kumalma at ngumisi ng mapait.

"Hindi lang ang Limrock Technology ang kumpanya sa mundo. Next month, darating ang mga tao mula sa Salvador Group. Matagal na silang karibal ng Limrock, kaya may chance pa tayo."

Matapos no’n, malamig niyang binigkas:

"Within this month, gusto kong makakita ng totoong resulta. Kung hindi, lahat kayo sa project team ay lumayas!"

Tumayo siya at diretsong lumabas ng conference room.

Pagkaalis niya, naiwan ang mga empleyado na halos madurog ang loob.

Unang klase ang ginawa natin. Kung hindi lang siya ang palpak sa strategy, paniguradong panalo na tayo. Tapos ngayon, kami pa ang sinisisi?

Walang gustong magsalita, pero ramdam ang bigat ng hangin.

Pagdating nila sa opisina, hindi mapigilan na magsalita ni Secretary Ben.

"Sir, totoo pong maganda ang Salvador Group, pero kahit anong gawin natin, hindi pa rin nila matatalo ang Limrock Technology. Sa tingin ko… ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 72

    Kabanata 72: Bakit Mo Pa Siya Pinapahirapan?Basta’t hindi masaya si Kent James, ay hindi rin magiging masaya si Daisy!At sa ngayon, iyon lang ang dahilan ng buhay niya, ang makita niyang miserable habang buhay si Kent.Pagtingin niya sa orasan, ay agad na tumayo si Daisy at kinuha ang kanyang bag.“Papasok na ako sa trabaho. Huwag mong kalimutang i-transfer sa akin ang pera!” aniyaHabang tinitingnan ni Nick ang likod niyang maayos at elegante, bahagyang umangat ang mga labi niya. Puno ng paghanga ang kanyang mga mata. Sa gilid naman, ay napansin ni Aling Lucing ang tingin ni Nick kay Daisy at doon niya mas lalong naunawaan na talagang gusto nito si Daisy.Sa dami ng taon na magkasama si Daisy at Kent, kahit kailan, hindi pa naranasan ni Daisy na titigan siya ni Kent nang ganoon, na puno ng respeto, paghanga, at pagmamahal.Kung may pagkakataon lang, si Aling Lucing ay umaasang sana makasama ni Daisy ang taong tunay na nagmamahal at magpapahalaga sa kanya. Dahil alam niya, sa kabila

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 71

    Kabanata 69: Humihingi Ka Pa ng Pera?"Talaga ba, James? Pwede ba talaga akong magtrabaho sa kumpanya mo?" tanong ni Pearl, may halong tuwa at kaba sa boses.Pero agad ding nanlumo ang mga mata niya. "Pero… narinig ko na si Daisy nagtatrabaho rin doon. Hindi ba siya magagalit?" Malungkot na saad niyaSi Kent James, na hindi matiis na nakikitang parang na agrabyado si Pearl, ay agad na umiling."Huwag mong isipin ’yon. Isa lang siyang ordinaryong empleyado. At ikaw, gagawin kitang deputy director. Hindi kita bibiguin."Napaluha si Pearl at muling napayakap sa kanya. "James, ang bait mo sa akin. Hindi ko na alam kung paano ako mabubuhay nang wala ka."At sa mga salitang iyon, humantong sila sa matinding yakap at halik, ibinubuhos ang lahat ng init para malimutan ang kanilang mga problema. Sa mga oras na iyon, nakalimutan nila ang lahat.Para kay Kent James, tanging kay Pearl siya nakakaramdam ng ginhawa. Sa lahat ng babae, siya lang ang nagbibigay ng pakiramdam ng pahinga. Ang iba? Puro

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 70

    Kabanata 70: Makikipag-cooperate kay Nick Suarez?Madilim ang mukha ni Kent James, pero pinilit niyang kumalma at ngumisi ng mapait."Hindi lang ang Limrock Technology ang kumpanya sa mundo. Next month, darating ang mga tao mula sa Salvador Group. Matagal na silang karibal ng Limrock, kaya may chance pa tayo."Matapos no’n, malamig niyang binigkas:"Within this month, gusto kong makakita ng totoong resulta. Kung hindi, lahat kayo sa project team ay lumayas!"Tumayo siya at diretsong lumabas ng conference room.Pagkaalis niya, naiwan ang mga empleyado na halos madurog ang loob.Unang klase ang ginawa natin. Kung hindi lang siya ang palpak sa strategy, paniguradong panalo na tayo. Tapos ngayon, kami pa ang sinisisi?Walang gustong magsalita, pero ramdam ang bigat ng hangin.Pagdating nila sa opisina, hindi mapigilan na magsalita ni Secretary Ben."Sir, totoo pong maganda ang Salvador Group, pero kahit anong gawin natin, hindi pa rin nila matatalo ang Limrock Technology. Sa tingin ko… ba

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 69

    Kabanata 69: Baliw na ba ang babaeng ’to?"Aalisin mo ako dito? Imposible!""Sinabi ko na sa’yo, hangga’t hindi mo ibinibigay sa akin ang mga bagay na para sa pamilya Hernandez, hinding-hindi ako aalis!" Mariing singhal ni Ginang Hernandez habang umupo sa sofa, nakatitig ng masama kay Daisy.Napangisi lang si Daisy na para bang nakakatawa ang naririnig niya. "Eh ’di mamatay ka na lang dito!" sabay kaway ng kamay at tumalikod. Bitbit ang maleta, at naglakad na siya paalis ng mansion. Wala na rin naman siyang balak manatili roon. Kung gusto ni Ginang Hernandez na maging bantay ng bahay, bahala siya.Hindi naman makapaniwala si Ginang Hernandez na talagang aalis si Daisy sa isang iglap. Namutla siya sa galit at dali-daling tinawagan ang anak niyang si Kent James at sinabi niyang.“Kung hindi ka uuwi, magbibigti ako sa harap ng gate ng Hernandez Group!”Wala naman talagang gaanong pagmamahal si Kent sa ina niya, mas marami pa ngang inis at pagkainip ang nararamdaman niya. Kaya nang marini

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 68

    Chapter 66: Sasama Ako SayoSa pagkakataong ito, ibinuhos na talaga ni Daisy ang lahat ng lakas niya!Habang si Kent James naman, na kanina lang ay sobrang yabang, ay bigla na lang napayuko, na parang hipon na naluto sa sarili niyang init.Galit siya at dahil sa pag kapahiya sa kanya ni Daisy, kaya pinagdiinan niya ang mga ngipin niya habang nakatingin kay Daisy.Si Daisy naman, dali-daling bumaba mula sa mesa, at umupo sa isang sulok at niyakap ang kanyang sarili. Halatang takot na takot siya, at nanginginig pa ang boses niya.“W-wag kang lumapit sakin! Umalis ka dito!” nanginginig ang boses na taboy niya kay Kent James.“Daisy, hindi ko….” naputol ang sasabihin sana ni Kent. Napatigil siya, at doon niya lang naalala…na muntik nang ma-rape noon si Daisy ng isang taong kilala nila.Muling bumulwak ang galit sa dibdib niya, kaya sinipa niya ang upuan sa tabi niya. Pero dahil sa galit niya, nadali rin niya pati ang sarili niyang katawan kaya napangiwi siya sa sakit.Mariing hinablot ni

  • Comeback Revenge: Breaking My Cruel And Heartless Husband's    Kabanata 67

    Kabanata 67 — Are you awake?Alam na alam ni Kent James kung paano haharapin ang sitwasyon. Hinding-hindi niya hahayaang na apihin o saktan ang babaeng mahal niya.Kahit mahalaga ngayon si Daisy sa kanya, hindi niya kailanman bibigyan ito ng pagkakataon na maging sobrang mayabang.Agad niyang tinawagan ang marketing department para ayusin ang ilang plano, tapos buong oras niyang inukol ang oras niya kay Pearl.Alam ng ina ni Pearl na kailangan ng espasyo ng binata, at nang maka sigurado na walang mangyayari na masama sa anak niya, ay kusa na siyang umalis.Habang si Daisy, walang kaalam-alam sa lahat ng ito. Buong puso siyang nakatutok sa project na hawak niya. Ilang taon na rin siyang hindi nakapagtrabaho ng propesyonal. Kaya nang makabalik siya sa trabaho, narealize niyang mas madali pala ang pumasok kaysa maging full-time housewife. Lalo na dahil ito ang field na expertise niya, at dito siya magaling.Hindi nagtagal, nakakita siya ng butas sa project at agad niya itong inayos.Sob

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status