แชร์

Chapter One Hundred Sixty Five

ผู้เขียน: FourStars
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-14 22:05:29

Kumunot ang noo nina Axel at Russell. Si Neera naman, bahagyang tumaas ang kilay, isang tahimik na pahayag na hindi siya kumbinsido.

Ramdam iyon ng tatlo. Kita sa mukha nina Vincent, Carl, at Rustom ang pangamba.

“Totoong hindi namin alam kung sino ‘yong lalaki!” giit ni Carl, halos napapasigaw.

“Kung hindi niyo alam,” malamig na wika ni Russell, “ipaliwanag niyo nga kung bakit napakaraming naka-setup na computer sa apartment na tinutuluyan ninyo?”

Walang sumagot. Tahimik na nagpalitan ng tingin ang tatlo, para bang may pinag-uusapan nang hindi binubuka ang bibig, bago muling tumingin kina Axel, Neera, at Russell.

Si Vincent ang unang bumasag ng katahimikan. “Hindi kami ang gumagamit no’n. Bagong hideout lang namin ang apartment na ‘yon nang pasukin niyo. Pagdating namin doon, naroon na ang mga computer.”

“Ang bilin lang sa amin ay bantayan ‘yon, huwag gagalawin,” dagdag ni Rustom, mababa ang boses.

“Tama sila,” sabat ni Carl. “Sinabihan pa nga kami na huwag galawin. At syempre, hindi
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
FourStars
Wala muna ako update ngayon. Nawala cp ko (feeling ng asawa ko ninakaw) basta na lang nawala. Hays. Pero mag-update pa din ako baka matagalan lang.
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
Ang Dami kalaban c Celina. update po ulit
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty One

    Sumunod na araw, maagang nagising si Selena para mag-agahan at pumasok sa opisina. Pagkatapos kumain ng agahan ay lumabas na siya ng mansyon.Sa labas, nakaabang na sa kanya si Barry upang ipagmaneho siya. Ilang minuto lamang ang naging biyahe hanggang sa makarating na sila sa office building ng Strathmore Group. Ibinaba siya ni Barry sa tapat ng main entrance at agad na umalis, babalik na lamang upang sunduin siya kapag oras na ng kanyang pag-uwi.Pagpasok niya sa loob ng gusali, bumungad agad sa kanya ang sunod-sunod na pagyuko at pagbati ng mga empleyadong maagang nagsidating. Ang kanilang mga tingin ay hindi maitago ang paghanga at paggalang sa bagong CEO.Matangkad ang postura, matatag ang bawat hakbang ni Selena habang tinatahak niya ang direksyon papunta sa private elevator. Mabilis niyang pinindot ang button at diretsong umakyat ito sa top floor kung saan naroroon ang opisina ng CEO.Nagbukas ang pinto ng elevator at mag-isa siyang lumabas, tangan ang kanyang eleganteng presen

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty

    Nagpalakpakan muli ang mga tao matapos niya magsalita.Matapos ang kanyang speech, iniabot niya ang mikropono pabalik sa emcee. Nagpasalamat bago bumaba ng entablado.Pagbaba ng entablado, sinalubong siya ng mga negosyante at empleyado na mula sa iba’t ibang kumpanya. Mga taong nagmula sa malalaki at kilalang kumpanya sa Regenshire.Kagaya kanina, nakipagkamay rin siya sa mga ito. Nakangiti at propesyonal.Nang makaramdam ng pagod sa patuloy na pakikipag-usap at halubilo, nagpaalam siya na magpapahinga na muna. Kaya naman agad siyang inakay ng magkapatid na Russell at River sa pahabang lamesa.Mesa kung saan nakaupo ang mga miyembro ng Board of Directors. Naroon din sa lamesa sina Atticus at Alaric na parehong nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi.Naupo siya sa pagitan ni Atticus at Alaric.Pagkaupo niya ay narinig niya ang boses ni Atticus.“Selena, inaasahan kita at ng buong Strathmore Group. Huwag mo kaming bibiguin.”“Huwag ka mag-alala, Lolo. Hindi man ako kasing husay ni Axe

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Nine

    “Sino ‘yang kasabay mong pumasok, Mr. Strathmore?”Isa sa mga empleyado ang naglakas-loob na magtanong, tila kinain ng kuryosidad. Paano ba naman, sa paglakad pa lang ni Selena ay para siyang babaeng nagmula sa isang marangal at mataas na estado ng pamilya. Ang bawat hakbang ay may dalang halo ng pagiging elegante at sopistikado.Napangisi si Klyde, kunot-kilay pero halatang nag-e-enjoy sa eksena. “Mukha ngang hinihintay ninyo ang pagdating ko,” aniya na may biro sa tinig. “Pagpasok ko pa lang, nag-uusisa na agad kayo. Pero sana iwasan ang may halong malisya…” bahagya siyang tumingin kay Selena “…lalo’t nasa harapan ninyo ang bagong CEO.”Sabay-sabay na napa-“Huh?” ang lahat. Napanganga sa kanilang narinig.Bumilis ang pagsulak ng usapan at nagkandarapang lumapit ang mga empleyado. Ang iba ay muntik pang matapilok dahil sa pagmamadaling makalapit.Tumindig sila sa harap ni Selena at sabay-sabay na yumuko.“Magandang gabi sa inyo, Mrs. Strathmore!”“Ikinagagalak ka naming makita at mak

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Eight

    Pagkalabas ng sasakyan, lumabas din si River at Russell, nakasunod kay Selena.Habang si Barry, ang drayber, dinala ang kotse sa underground parking lot ng hotel para iparada.Nagsimulang malakad si Selena papunta sa direksyon ng main entrance ng hotel, kasunod ang magkapatid sa likuran niya. Habang naglalakad, napahinto si Selena ng marinig niyang may tumawag sa kanya. Hindi siya lumingon para tingnan kung sino ang tumawag sa pangalan niya dahil pamilyar sa kanya ang boses nito, si Klyde. Hindi na niya kailangan manghula dahil pamilyar sa kanya ang boses ni Klyde.Ilang segundo siya nakatayo hanggang sa nagpatuloy siya sa paglalakad. Binilisan ni Klyde ang lakad niya ng makitang walang balak si Selena na hintayin siya.Sinabayan niya si Selena sa paglalakad sa tabi nito pero may agwat sa pagitan nila. Gayunpaman, sa kahit na sinong makakakita sa kanila ay kahit sino ay iisiping magkasama silang nagpunta ng hotel.Nang makapasok na sila sa loob. Nakilala sila ng mga hotel staff, isa-i

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Seven

    Samantala, sa opisina ng COO ng Strathmore Group, naroon si Emmanuel sa opisina ni Klyde. Dumaan siya upang kausapin si Klyde nang masinsinan tungkol sa nangyari kanina.“May paliwanag ka ba sa pag-atras mo kanina?” tuwiran ang tanong ni Emmanuel.Hindi agad sumagot si Klyde. Inikot-ikot niya sa mga daliri ang fountain pen na hawak niya at tila nag-iisip ng mabuti bago nagsalita.“Alam kong dismayado kayo sa naging pag-atras ko, pero may naisip akong ibang plano.”Nakataas ang kilay ni Emmanuel. “At ano naman iyan? Anong planong iniisip mo?”“Malalaman niyo rin,” maiksi ang sagot ni Klyde. “Sa ngayon, mag-abang na lang kayo sa magiging hakbang natin. At isa pa—maging maingat kayo. May nalaman akong may nag-iimbestiga pa rin na mga pulis sa kasong ipinaratang kay Axel.”Suminghal si Emmanuel, malinaw ang galit at determinasyon sa tono. “Hindi na makakalabas ang taong iyon mula sa kulungan. Kinausap ko na ang kakilala ko para agad siyang mailipat sa Maximum Prison.”“Sana nga mailipat n

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Forty Six

    Samantala, si Emmanuel at ang iba pang kapanalig ni Klyde ay tikom ang bibig ngunit halatang nagngangalit sa nangyari. Hindi nila matanggap ang desisyon. Buo ang plano nilang iluklok si Klyde bilang CEO, handa silang gawin ang lahat para magtagumpay. Subalit isang hakbang ni Klyde ang agad bumuwag sa lahat ng kanilang pinaghandaan.Si Alaric ang unang bumati kay Selena. “Congratulations, Selena,” masiglang bati nito.“Salamat, Dad,” tugon niya, may bahagyang pagngiti sa labi.Isa-isang nagsilapitan ang mga naroon upang bumati sa kanya. Nandoon ang mga C-level executives tulad nina Tristan at Jared; ang magkapatid na River at Russell; sina Barry, Cael, at iba pang minor shareholders at miyembro ng Board of Directors na naniniwala kay Axel. Lahat ay masiglang nakikibahagi sa tagumpay na iyon para sa kanya.Lumapit din si Atticus upang personal siyang batiin. “Congratulations,” nakangiting sambit nito.Yumuko si Selena bilang paggalang. “Salamat, Lolo—Chairman,” mabilis niyang binago ang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status