Share

Chapter Seventy Eight

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-06-09 22:57:04

Napangiti si Lucas at sumang-ayon sa sinabi niya.

Maya-maya, natapos na rin niyang kainin ang sandwich na dala ni Lucas. Habang nagpapahinga, nakaramdam siya ng antok kaya nagpaalam siya kay Silas na matutulog muna. Iniwan niya ito sa kasambahay upang bantayan habang naglalaro.

Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa silid nila ni Axel. Naupo siya sa kama at maingat na nahiga upang hindi maipit ang tiyan na unti-unti nang lumalaki.

Bigla niyang naisip na tingnan ang cellphone niya. Ilang araw na rin kasi mula nang huli niya itong nabuksan. Hinanap niya ang bag at kinuha ang cellphone.

Pagkabukas niya nito, nagulat siya sa dami ng missed calls at text messages. Iba’t ibang numero ang nagpadala ng tawag, ngunit sa text messages, iisang tao lang ang nagpadala, si Ophelia.

‘Hi Selena!’

‘Uy, kamusta ka na? Busy ka ba?’

‘Hindi ka man lang nagre-reply sa text ko, galit ka ba sa ’kin?’

‘Selena, may ginagawa ka ba? Pwede ba kitang yayain lumabas?’

‘May pinagkakaabalahan ka siguro kaya hindi ka su
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Five

    Hindi siya agad sumagot. Paglingon niya kay Enzo, kalmado lang niyang sinabi, “Mr. Dalmacio, mauuna na kami. May kailangan pa akong asikasuhin. Mag-iingat sa biyahe.”Tumango lang si Enzo at pinanood ang pagpasok ni Selena sa sasakyan hanggang sa umalis ito.Pagkasakay ni Enzo sa sarili niyang kotse, tahimik silang bumiyahe ni Kenjie. Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ang assistant.“Mr. Dalmacio, napansin kong parang hindi nagulat si Mrs. Strathmore. Parang alam niyang may mangyayari.”Bahagyang tumango si Enzo. “Oo. Napansin ko rin.”Tahimik muli ang loob ng sasakyan. Pareho nilang alam na hindi matatapos sa gabing iyon ang nangyari.Sa loob ng kotse ay sakay sina Selena, Russell, at Barry. Pabalik na sila sa Crystal Lake Mansion.Tahimik ang biyahe hanggang sa biglang magsalita si Selena—seryoso, diretso, at walang pasakalye.“Russell, sabihin mo kay Tyler na huwag na niyang imbestigahan ang nangyari kanina. Gusto kong abangan niya ang mga balitang lalabas bukas,” utos niya.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Four

    Ito mismo ang naging pangunahing dahilan kung bakit pinili ni Enzo Dalmacio na makipag-collaborate sa Ascend Robotics. Para sa kanya, hindi lang basta teknolohiya ang hatid ng proyekto, kundi kapayapaan ng isip at proteksiyon sa tahanan.Hindi maikakaila na pinag-isipan, pinaghandaan, at pinagbuti ng Ascend Robotics ang bawat detalye ng kanilang produkto. Hindi sila tulad ng ibang kompanyang nagpaparami lang ng produksiyon para kumita agad; sa halip, inuuna nila ang kalidad.At kahit mataas ang presyo ng mga produkto ng AR, naniniwala si Enzo na sulit ito — dahil bawat function at feature ay dinisenyo nang may layunin at katalinuhan.Matapos ang halos isang oras na pag-uusap tungkol sa proyekto, iniabot ni Russell kay Selena ang folder na naglalaman ng kontrata. Maingat naman itong tinanggap ni Selena at iniabot kay Enzo.Tahimik na sinuri ni Enzo ang bawat pahina, ang mga mata’y seryosong gumagalaw sa bawat linya ng dokumento. Ilang minuto lamang ay kinuha niya ang ballpen sa tabi at

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Three

    Maingat na inayos ni Selena ang mga dokumento at kagamitan sa ibabaw ng mesa bago tumayo, dala ang kanyang bag. Kasunod niya si Russell nang lumabas sila ng opisina at tumungo sa lobby sa ground floor. Sa labas ng gusali, naghihintay na si Barry sa itim na kotse upang ihatid siya sa restaurant kung saan nakatakda ang meeting kay Enzo Dalmacio.Tahimik ang biyahe. Habang nasa loob ng sasakyan, tiningnan ni Selena ang oras sa kanyang relo, sinigurong hindi siya mahuhuli. Ilang sandali pa, huminto ang sasakyan sa tapat ng isang one-star Michelin restaurant — elegante ngunit hindi labis na marangya. Bumaba siya, kasabay si Russell, at agad silang sinalubong ng isang waiter na naghatid sa kanila sa isang private room na ni-reserve ni Russell para sa meeting.Pagbukas ng pinto, dalawang lalaki ang bumungad sa kanila.Ang una ay isang lalaking may gold-rimmed glasses at blond hair — mukhang foreigner at may aura ng karanasang negosyante. Sa likuran nito ay isang mas batang lalaki, marahil an

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Two

    Tinitigan niya nang mariin si Klyde, tsaka bahagyang tumikwas ang dila niya sa pisngi—senyales ng pagpipigil sa inis.“Ganoon ka rin sana, Klyde. Inaasahan kong pagbubutihin mo ang trabaho mo dahil ipinagkatiwala sa’yo ni Axel ang pagiging COO ng Strathmore Group. Huwag na huwag mo siyang bibiguin.”Matapos sabihin iyon, agad siyang naglakad pabalik sa kanyang opisina nang hindi na hinihintay pa ang magiging reaksyon ni Klyde. Tahimik namang sumunod si Russell sa likuran niya.Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Klyde. Napalitan iyon ng malamig at nakakatakot na titig habang pinapanood ang papaalis na si Selena.Pagbalik sa opisina, agad bumalik si Selena sa pagbabasa ng mga dokumentong hindi pa niya natatapos. Huminto lamang siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa kanyang bag at binuksan ang mensaheng natanggap mula kay Silas.Naningkit ang kanyang mga mata habang binabasa ang laman ng mensahe. Ilang segundo pa siya nag-isip bago ibinaba ang telepono at b

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty One

    Sumunod na araw, maagang nagising si Selena para mag-agahan at pumasok sa opisina. Pagkatapos kumain ng agahan ay lumabas na siya ng mansyon.Sa labas, nakaabang na sa kanya si Barry upang ipagmaneho siya. Ilang minuto lamang ang naging biyahe hanggang sa makarating na sila sa office building ng Strathmore Group. Ibinaba siya ni Barry sa tapat ng main entrance at agad na umalis, babalik na lamang upang sunduin siya kapag oras na ng kanyang pag-uwi.Pagpasok niya sa loob ng gusali, bumungad agad sa kanya ang sunod-sunod na pagyuko at pagbati ng mga empleyadong maagang nagsidating. Ang kanilang mga tingin ay hindi maitago ang paghanga at paggalang sa bagong CEO.Matangkad ang postura, matatag ang bawat hakbang ni Selena habang tinatahak niya ang direksyon papunta sa private elevator. Mabilis niyang pinindot ang button at diretsong umakyat ito sa top floor kung saan naroroon ang opisina ng CEO.Nagbukas ang pinto ng elevator at mag-isa siyang lumabas, tangan ang kanyang eleganteng presen

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty

    Nagpalakpakan muli ang mga tao matapos niya magsalita.Matapos ang kanyang speech, iniabot niya ang mikropono pabalik sa emcee. Nagpasalamat bago bumaba ng entablado.Pagbaba ng entablado, sinalubong siya ng mga negosyante at empleyado na mula sa iba’t ibang kumpanya. Mga taong nagmula sa malalaki at kilalang kumpanya sa Regenshire.Kagaya kanina, nakipagkamay rin siya sa mga ito. Nakangiti at propesyonal.Nang makaramdam ng pagod sa patuloy na pakikipag-usap at halubilo, nagpaalam siya na magpapahinga na muna. Kaya naman agad siyang inakay ng magkapatid na Russell at River sa pahabang lamesa.Mesa kung saan nakaupo ang mga miyembro ng Board of Directors. Naroon din sa lamesa sina Atticus at Alaric na parehong nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi.Naupo siya sa pagitan ni Atticus at Alaric.Pagkaupo niya ay narinig niya ang boses ni Atticus.“Selena, inaasahan kita at ng buong Strathmore Group. Huwag mo kaming bibiguin.”“Huwag ka mag-alala, Lolo. Hindi man ako kasing husay ni Axe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status