共有

Chapter Seventy Nine

作者: FourStars
last update 最終更新日: 2025-06-09 22:58:28

Ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang muling tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino, pero isang unknown number ang naka-display.

Nagdalawang-isip siyang sagutin pero nanaig ang kanyang kuryosidad.

“Hello. Sino ’to?” maingat na tanong ni Selena.

“Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag, Selena,” ani ng nasa kabilang linya.

Biglang sumimangot ang mukha ni Selena nang makilala niya ang pamilyar na boses, si Ricardo.

“Ano’ng mayroon at tumatawag ka sa ’kin?” deretsahang tanong niya. Alam niyang hindi ito tatawag ng walang dahilan.

Bahagyang nairita si Ricardo sa tono ng anak. “Umayos ka, Selena! Bakit ganiyan ka magsalita? Tandaan mong ama mo pa rin ako kaya dapat mo akong respetuhin!”

Napasinghal si Selena. “Ama nga kita… pero deserve mo ba talaga ang respeto ko?”

Halos umusok sa galit si Ricardo. Kung kaharap niya lang si Selena ay baka sinakal niya na ito. Ngunit pinilit niyang kalmahin ang sarili, inalala ang dahilan ng pagtawag niya.

Nilunok niya ang galit bago muli
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
FourStars
As promise, pambawi ko kasi walanf update kahapon ♡
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Three

    Hindi na nagsalita si Ricardo, ngunit bakas sa nanlilisik nitong titig ang hindi maitatagong inis kay Selena.Matapos itong pagsabihan at pakalmahin, muling bumaling si Nadine kay Selena. Nasa mga labi nito ang isang mapagkunwaring ngiti. “Selena, kamusta ka naman? Ngayong kasal ka na, siguro ay naninibago ka sa buhay may-asawa?”Umiling si Selena, payapa ang tinig. “Hindi naman. Mabait naman ang mister ko.”Nagkunwaring natuwa si Nadine. “Ay, mabuti naman kung gano’n. Si Silas, kamusta na ang batang ‘yon?”“Maayos naman,” sagot niyang walang gana, ayaw nang palawigin pa ang usapan.“May sarili ba kayong bahay na tinitirhan? Binibigyan ka ba ng asawa mo ng pera para sa araw-araw na gastusin? Lalo na ngayong buntis ka, kailangan mong mag-ipon ng panggastos sa ospital” sabat ni Ricardo, tila may halong pagsusuri ang tono.“Nakatira kami sa bahay ng asawa ko. Hindi ko na rin hinahawakan ang sahod niya kasi siya na ang nag-aasikaso ng lahat, mula sa groceries hanggang sa buwanang bayarin.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty Two

    “Okay,” maikling tugon ni Nessa bago biglang pinatay ang tawag.Napakunot-noo si Selena, nagtataka. Inakala niyang hahaba pa ang usapan nila ni Nessa, pero basta na lang nitong pinutol ang tawag.Napakibit-balikat na lang siya, inilapag ang cellphone sa coffee table sa harap niya at nagpatuloy sa panonood ng telenobela.Ilang saglit pa, nag-vibrate muli ang cellphone niya. Kinuha niya ito at binuksan ang notification sa WhatsApp, nakatanggap siya ng mensahe.Pagbukas niya ng app, nanlaki ang mga mata niya. Biglang sumiklab ang kaba at takot sa dibdib niya nang makita ang ipinadalang larawan ni Nessa.Sa larawan, makikita ang kamay ni Nessa na may hawak na photo album at ilang mga litrato, nasa harap ng naglalagablab na apoy.Una’y gusto sana niyang balewalain, ngunit nang mapansin kung anong album iyon, bigla siyang nataranta. Kilala niya ang album na iyon, iyon ang lumang photo album ng kanyang ina na naglalaman ng mga litrato nila noon. Naroon din ang mga baby pictures ni Silas, kuh

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty One

    Umiling si Nadine. “Hindi dahil doon.” “Eh, ano?” tanong ni Nessa, kunot-noo. Napangisi si Nadine, mapakla ang ngiti. “Si Selena. Tinawagan siya ng Dad mo, pinapapunta rito para bisitahin daw tayo. Pero ang totoo, gusto niyang makilala ang asawa ni Selena… para hingan din ng pera.” “Pumayag ba ang babaeng ’yon?” tanong ni Nessa, taas-kilay at bahagyang napapadyak sa inis. “Huh. Syempre hindi. Kaya nga nanggagalaiti ang dad mo kanina,” sagot ni Nadine, naiiritang napailing. Si Nessa naman ang napangisi sa pagkakataong ito. “‘Yon lang ba dahilan ng pagtatalo ninyo ni dad? Napakasimple lang ng solusyon diyan, mom.” Tumaas ang kilay ni Nadine, nagtataka. “Simple? Sa ‘yo simple pero sa dad mo at sa akin, big deal ‘yon. Kung hindi mababayaran ang mga utang na kinuha ng dad ko sa mga lending company, posibleng pati ikaw madamay,” labis ang pangamba ni Nadine na baka madamay ang anak. Umikot ang mata ni Nessa. “Kung nagawa nating utuin noon si Selena, magagawa natin ulit ’yon.”

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Eighty

    Nanginginig pa sa galit si Ricardo habang paikot-ikot sa sala. Hindi niya matanggap ang matinding pambabastos na ginawa ni Selena sa kanya. “Paanong hindi ako manggagalaiti sa galit?! Kung hindi natin makukumbinsi si Selena na bigyan tayo ng pera, ilang araw lang ay kakatok na sa pintuan natin ang mga debt collector!” sigaw ni Ricardo sa asawa. Narindi si Nadine sa lakas ng kanyang boses pero pilit na ikinubli ang pagkainis. “Pwede ba, ikalma mo muna ’yang sarili mo,” mariing wika niya habang hinihila si Ricardo sa braso at pinapaupo muli sa sofa. Galit na binawi ni Ricardo ang braso niya, at mabilis na dinuru-duro si Nadine. “Paano ako kakalma kung wala na tayong pera?! Naubos na ang kinuha nating utang sa lending company! Kung hindi ka lang sumugal ng napakalaking halaga at natalo sa mahjong, hindi sana ako ganito ka-aburido ngayon!” halos sumabog na ito sa matinding puot. Biglang napatayo si Nadine mula sa pagkakaupo at hindi na napigilang sumigaw. “Ako?! Ako lang talaga ang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Seventy Nine

    Ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang muling tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino, pero isang unknown number ang naka-display.Nagdalawang-isip siyang sagutin pero nanaig ang kanyang kuryosidad.“Hello. Sino ’to?” maingat na tanong ni Selena.“Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag, Selena,” ani ng nasa kabilang linya.Biglang sumimangot ang mukha ni Selena nang makilala niya ang pamilyar na boses, si Ricardo.“Ano’ng mayroon at tumatawag ka sa ’kin?” deretsahang tanong niya. Alam niyang hindi ito tatawag ng walang dahilan.Bahagyang nairita si Ricardo sa tono ng anak. “Umayos ka, Selena! Bakit ganiyan ka magsalita? Tandaan mong ama mo pa rin ako kaya dapat mo akong respetuhin!”Napasinghal si Selena. “Ama nga kita… pero deserve mo ba talaga ang respeto ko?”Halos umusok sa galit si Ricardo. Kung kaharap niya lang si Selena ay baka sinakal niya na ito. Ngunit pinilit niyang kalmahin ang sarili, inalala ang dahilan ng pagtawag niya.Nilunok niya ang galit bago muli

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Seventy Eight

    Napangiti si Lucas at sumang-ayon sa sinabi niya.Maya-maya, natapos na rin niyang kainin ang sandwich na dala ni Lucas. Habang nagpapahinga, nakaramdam siya ng antok kaya nagpaalam siya kay Silas na matutulog muna. Iniwan niya ito sa kasambahay upang bantayan habang naglalaro.Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa silid nila ni Axel. Naupo siya sa kama at maingat na nahiga upang hindi maipit ang tiyan na unti-unti nang lumalaki.Bigla niyang naisip na tingnan ang cellphone niya. Ilang araw na rin kasi mula nang huli niya itong nabuksan. Hinanap niya ang bag at kinuha ang cellphone.Pagkabukas niya nito, nagulat siya sa dami ng missed calls at text messages. Iba’t ibang numero ang nagpadala ng tawag, ngunit sa text messages, iisang tao lang ang nagpadala, si Ophelia.‘Hi Selena!’‘Uy, kamusta ka na? Busy ka ba?’‘Hindi ka man lang nagre-reply sa text ko, galit ka ba sa ’kin?’‘Selena, may ginagawa ka ba? Pwede ba kitang yayain lumabas?’‘May pinagkakaabalahan ka siguro kaya hindi ka su

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status