Share

Chapter Eighty

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-06-10 22:40:33
Nanginginig pa sa galit si Ricardo habang paikot-ikot sa sala. Hindi niya matanggap ang matinding pambabastos na ginawa ni Selena sa kanya.

“Paanong hindi ako manggagalaiti sa galit?! Kung hindi natin makukumbinsi si Selena na bigyan tayo ng pera, ilang araw lang ay kakatok na sa pintuan natin ang mga debt collector!” sigaw ni Ricardo sa asawa.

Narindi si Nadine sa lakas ng kanyang boses pero pilit na ikinubli ang pagkainis. “Pwede ba, ikalma mo muna ’yang sarili mo,” mariing wika niya habang hinihila si Ricardo sa braso at pinapaupo muli sa sofa.

Galit na binawi ni Ricardo ang braso niya, at mabilis na dinuru-duro si Nadine. “Paano ako kakalma kung wala na tayong pera?! Naubos na ang kinuha nating utang sa lending company! Kung hindi ka lang sumugal ng napakalaking halaga at natalo sa mahjong, hindi sana ako ganito ka-aburido ngayon!” halos sumabog na ito sa matinding puot.

Biglang napatayo si Nadine mula sa pagkakaupo at hindi na napigilang sumigaw. “Ako?! Ako lang talaga ang
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Twelve

    Muling naramdam ni Selena ang matinding takot nang itutok muli sa kanya ang baril. Dahan-dahan siyang tumayo, hindi inaalis ang tingin sa sandata.“Kahit patayin mo pa ako ngayon,” mariing sabi niya, may panunuya sa tinig, “nariyan si Axel para ipaghiganti ako. Kahit anong gawin mo, Klyde—si Axel at si Axel pa rin ang tunay na tagapagmana ng mga Strathmore. Hindi ikaw!”“Hindi! Hindi ’yan mangyayari!” galit na sigaw ni Klyde. Nanginig ang kamay niyang may hawak ng baril. “Pagkatapos ko sa ’yo, isusunod ko si Axel—at ang huli, ang mga anak ninyo!”Napangisi siya, tumatawang parang baliw. “Doon na kayo sa kabilang buhay magkikita-kita at magsasama-sama!”Tumawa si Klyde nang tila nawawala na sa sarili, nilulunod ng kasiyahan ang isipin na mawawala na ang sinumang maaaring maging sagabal o hadlang sa kanyang mga plano.Nang makita ni Selena na papindot na ang daliri ni Klyde sa gatilyo ng baril, napapikit na lamang siya at tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha.Ngunit sa halip na

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Eleven

    Matapos niyang gawin ang lahat ng kaya niya, sinuri niya ang pulso nito. Mahina—ngunit naroon pa.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Nessa. Puno ng takot at pagsusumamo ang kanyang mga mata.“Nessa… nakikiusap ako,” umiiyak niyang sabi. “Hayaan mo akong dalhin siya sa clinic. Gagawin ko ang kahit ano. Kahit ano, basta mabuhay lang siya.”Isang malamig at walang-awang tawa ang isinagot ni Nessa. “Sa tingin mo ba may pakialam ako?” aniya. “Ang gusto ko lang ay mawala ka.”Dinampot ni Nessa ang baril at muling itinutok kay Selena, idinidiin sa kanyang noo.“Magpaalam ka na.”Bago pa niya mapindot ang gatilyo, isang malakas na putok ang umalingawngaw.Nanlaki ang mga mata ni Selena.Sa harap niya, bumagsak si Nessa sa sahig at nanatiling hindi na gumagalaw.Nabalot ng katahimikan ang paligid—isang katahimikang mas mabigat kaysa sa ingay ng putok kanina. Nanatiling nakaluhod si Selena, nanginginig, habang unti-unting nauunawaan ang bigat ng lahat ng nangyari.Sa harapan niya, naki

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Ten

    Nang makita nina Selena at Tyler ang nakakaawang itsura ni Nessa—nakatiklop ang katawan na parang hipon at halos hindi makagalaw—nagpasya silang iwan ito at magmadaling magtungo sa clinic upang maagapan ang sugat ni Tyler dulot ng tama ng bala. Tahimik silang umikot at nagsimulang maglakad palayo.Tahimik ding pinanood ni Nessa ang paglayo ng dalawa hanggang sa may mapansin siyang bagay sa sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ito at agad siyang gumapang palapit.Isang baril.Saglit siyang nagtaka kung paano ito napunta roon, ngunit hindi na niya inaksaya ang oras sa pag-iisip. Agad niya itong dinampot at, kahit nanginginig ang kanyang mga kamay, mabilis na itinutok sa dalawang naglalakad palayo.Sumilay ang isang masamang ngiti sa kanyang mga labi.Pinindot niya ang gatilyo. Mabilis na lumipad ang bala patungo sa direksyon ni Selena. Dahil unang beses pa lamang humawak ng baril si Nessa, dumaplis lamang ang bala sa tagiliran ni Selena—ngunit sapat na iyon upang mapahin

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Nine

    Sa sky deck, nakarating sina Selena at Tyler. May ilang tao roon na nagpapahangin at nagmamasid sa paligid.Nang makita ni Selena ang ibang tao, agad siyang lumapit habang inaalalayan si Tyler.“Miss,” nanginginig niyang tanong, “saan banda ang clinic ng barko?”Nagulat ang babae ngunit handa na sanang sumagot—nang bigla na lamang bumagsak si Selena at si Tyler sa sahig.“Ahhh!” napasigaw ang babae sa gulat.Napaatras siya at nakita kung sino ang may hawak ng fire extinguisher.Si Nessa.Dahan-dahan niyang ibinaba ang fire extinguisher matapos ihampas ito nang malakas sa ulo ni Selena.Naroon si Nessa sa sky deck upang magpahinga matapos makatanggap ng malaking bayad mula kay Lyka. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Selena roon—buhay pa.Inakala niyang patay na ito sa kamay ni Klyde. Kaya nang makita niya ito, hindi na siya nagdalawang-isip.Pinulot niya ang fire extinguisher at tahimik na lumapit. Isang malakas na hampas.Dahil sa bigat at lakas ng pagkakahampas, agad na bumags

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Eight

    Nanigas ang panga ni Klyde. Namula ang kanyang mga mata habang nanginginig ang buong katawan niya sa matinding galit. Halatang pilit niyang kinokontrol ang sarili upang hindi tuluyang sumabog.Bago pa man siya mawalan ng kontrol, napahinto siya at mahina ngunit malamig na tumawa.“Kahit anong tapang ang ipakita mo, Selena,” mababang sabi ni Klyde. “Wala ka nang ibang pagpipilian kundi sundin ang utos ko. Hindi lang ang mga anak mo—pati si Axel, papatayin ko kung hindi mo pipirmahan ang transfer agreement na ’to!”Galit na galit siyang inagaw ang baril mula sa isa sa kanyang tauhan at mabilis na lumapit kay Selena, itinutok ang baril sa kanya.Napaatras si Selena at mabilis na umigtad nang makita ang biglaang kilos ni Klyde. Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa baril na hawak nito. Gusto man niyang tumakbo o umiwas, alam niyang anumang maling galaw ay maaaring magresulta sa agarang pagbaril sa kanya.Habang naguguluhan siya kung ano ang dapat gawin, bigla niyang narini

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Three Hundred Seven

    Kumuyom ang kamao ni Selena. “Hayop ka!” galit niyang sigaw. “Talagang halang ang kaluluwa mo, Klyde! Pamangkin mo sina Asher at Samuel! Paano mo nagawang gamitin ang buhay ng sarili mong kadugo para lamang pagbantaan ako?”Napasinghal si Klyde. “Ano naman ngayon?” malamig niyang sagot. “Wala akong pakialam kahit kadugo ko pa sila. Kung magagamit ko sila laban sa inyong dalawa ni Axel para makuha ang gusto ko, hinding-hindi ako magdadalawang-isip!”Nanigas ang panga ni Selena sa matinding galit. Ramdam niya ang namumuo at nag-aalab na poot sa kanyang dibdib habang pinakikinggan ang mga salitang puno ng kasamaan mula kay Klyde.Ngunit si Selena ang ngayon ay napangisi. “Pare-pareho kayong tatlo nina Heather at Nessa—patuloy na nabubuhay sa ilusyon,” sabi niya. “Klyde, hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na ikaw ang karapat-dapat na tagapagmana ng pamilyang Strathmore?”“Tumahimik ka, Selena!” pasigaw na sagot ni Klyde. “Ano ang masama sa maghangad? At isa pa, totoo namang ako ang d

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status