Share

Chapter Seventy Three

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-06-02 22:08:37

Pagkatapos, dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Selena.

Mahimbing ang tulog nito. Magaan ang paghinga, tila hindi man lang alintana ang bigat ng araw na lumipas.

Saglit siyang tumigil sa tabi ng kama, tahimik na naupo at pinagmasdan ang natutulog na mukha nito.

Ilang sandali pa, napansin niyang nanginig ang pilikmata ni Selena. Senyales na magigising ito. Gaya ng hinala niya, unti-unti nang iminulat ni Selena ang kanyang mga mata.

Pagkakita niya kay Axel, agad na sumimangot ang mukha niya. Lumingon siya palayo, patungong bintana.

Nakita ni Axel ang reaksyon ni Selena at hindi niya napigilang kumunot ang noo. “Galit ka pa rin ba sa ’kin?” tanong niya, mababa ang boses na may halong inis.

Sa tanong na iyon, biglang sumagi sa isipan ni Selena ang mga nakita niya. Bukod sa lungkot, may halong pagkairita rin siyang naramdaman. Ayaw niyang magsalita. Ayaw niyang makinig.

Nang makitang walang balak magsalita si Selena, nagsalita ulit si Axel. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano t
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
FourStars
thank you ☆ god bless to you too ♡
goodnovel comment avatar
SUSANA TAN
ganda nman ng story. love it. lagi q itong aabangan ang update, thank u writing. congratulations s story mo. god bless you always
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Thirty

    Ikinuwento ni Selena ang bawat salitang narinig niya mula kay Klyde habang ito’y nakikipag-usap, ang pagbabanta, ang hacker, ang planong pag-atake sa Strathmore Group.Naging seryoso ang ekspresyon ni Neera. “Ipaalam agad natin ‘yan sa asawa mo bukas,” aniya habang nakatutok sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela.“Ikaw na lang magpunta sa opisina niya para mag-report. May pupuntahan lang ako bukas,” sagot ni Selena.“Saan ka naman pupunta?” saglit na napalingon si Neera sa kanya.“Sa sementeryo,” sagot niya ng diretso. “Dadalawin ko lang ang puntod ng mom ko.”Ilang buwan na rin siyang hindi nakakadalaw simula nang maikasal sila ni Axel. Hinahanap-hanap na rin niya ang tahimik na sandali kasama ang kanyang ina.“O sige,” tanging sagot ni Neera at naging tahimik muli ang biyahe nila pauwi.Samantala, sa Crystal Lake Mansion…Biglang naalimpungatan si Axel.Basa ng pawis ang kanyang noo, at parang pagod ang kanyang katawan sa kabila ng pagkakatulog. Umupo siya sa kama at napahawak

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Twenty Nine

    Naramdaman ni Selena ang pagkabog ng dibdib niya, pero hindi siya nagpahalata. Bahagyang ngumiti. “Sige, walang problema.”Tumigil siya at pinanatili ang natural na kilos habang binubuksan ng lalaki ang unang timba kung saan naroon ang mga gamit panglinis, floor mop, dustpan, basahan, at iba pa. Saglit lang itong sinilip ng lalaki.Sumunod ay binuksan nito ang isa pang timba. Lihim na kinabahan si Selena. Nanlamig ang kanyang batok habang tinititigan ang bawat galaw ng kamay ng lalaki.Nang maangat ang takip, bigla itong napaatras.“Put—ang baho!” halos masuka ito habang kasunod ang ilang lalaking lumapit na rin, na agad din umatras sa amoy.Tumambad ang isang mabahong halo ng basang basahan, pinaghalong bleach, sabong panlaba, at sirang pagkain na sinadyang ilagay ni Selena bilang panangga.Napangiwi ang lalaki at agad sinara ang takip.“Sige, okay na. Dumaan ka na,” wika nito habang pinapahid ang ilong at lumalayo.“Pasensiya na, Sir. Kailangan kasi linisin yung comfort room sa 3rd

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Twenty Eight

    “Kailangan niyong makumbinsi ang hacker na ‘yon para maisakatuparan na natin ang mga plano natin. Bilis-bilisan niyo! Alam niyo naman kung ano ang mangyayari kapag pumalpak pa rin kayo,” matigas na utos ni Klyde bago niya ibinaba ang tawag.Matapos ang tawag, lumingon si Klyde at nagsimulang maglakad. Nakita ito ni Selena kaya minabuti na niuang umalis ngunit kakahakbang pa lamang niya nang makasalubong niya ang ilang matatangkad at maskuladong lalaki.Hindi sinasadya ni Selena na mabitawan ang hawak niyang timba. Tumama ito sa sahig at lumikha ng malakas na tunog. Dahil doon, napalingon sa kanya si Klyde, nagulat sa biglaang ingay.Lumapit si Klyde at nakita ang isang babaeng cleaning lady na nakayuko’t may hawak na mop. Hindi niya alam kung ano ang narinig nito, pero nakaramdam siya ng pangamba. Baka narinig siya sa buong pakikipag-usap niya kanina.Hinila niya ito sa kwelyo ng uniporme. “Kanina ka pa ba nandiyan?” matalim ang kanyang tanong.“H-hindi. G-galing ako s-sa s-silid na

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Twenty Seven

    Pinalo-palo niya ang dibdib nito pero sa laki at tigas ng katawan ni Knox ay parang wala na lang sa lalaki ang mga hampas niya.“S-sir! A-ano ba! Ugh! Uhm! B-bitawan mo a-ako!” sigaw niya habang pilit itinutulak si Knox.Nang maghiwalay ang kanilang labi ay halos habulin niya ang kanyang hininga.Tinitigan niya ito ng matalim habang hingal na hingal. “B-bakit m-mo ginawa ‘y-yon?” Sinubukan niyang makawala sa pagkakayakap nito, ngunit parang bakal ang braso ni Knox.Hindi agad nagsalita si Knox. Hinawakan niya ang pisngi ni Neera at unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa babae. Nang magkalapit na sila, marahang bumulong sa tainga niya.“Natagpuan na rin kita sa wakas, Wisteria.”Nanigas ang buong katawan ni Neera. Parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi niya akalaing makikilala siya ni Knox. Bigla siyang nanlata.Itinulak niya ito ng malakas at umatras sa takot.Ngumiti si Knox, mapanlinlang. “So, tama ako?” dahan-dahang lumalapit sa kanya.“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” sagot

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Twenty Six

    Nagkasundo rin sa huli ang tatlo kaya’t lihim na natuwa si Klyde. Inalok niya ang mga ito na kumain at mag-inom muna bago sila tuluyang umalis.Sa gitna ng kainan, may iniabot na wine glass na puno ng alak kay Neera. Si Knox ang nag-abot nito sa kanya.Tumanggi siya. “Mamaya na. Sinusubuan pa kita,” aniya, mahinahon ang tinig.Inutusan kasi siya ni Knox na personal niyang subuan ito habang kumakain. Agad naman siyang sumunod, dahil mukhang aalis na rin ang mga ito matapos kumain at uminom sandali.Nagdadalawang-isip pa siya nang biglang magsalita si Knox. “Inumin mo na,” aniya sa malalim na tinig, parang isang utos na walang puwedeng tanggihan.Wala na siyang nagawa kundi sundin ang lalaki. Inisang lagok niya ang alak sa isang iglap. Nang maubos ito, maingat niyang ibinaba ang baso saka nagpatuloy sa pagsubo kay Knox ng pagkain.“Masarap at banayad sa lalamunan pero…” may bigla siyang naramdaman ngunit pinanatili ang pagiging kalmado. “Matapang,” aniya, habang patuloy pa rin sa pagpap

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Twenty Five

    Nanigas siyang muli. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Gusto man niyang tumanggi ay alam niyang lalabas lang siyang kahina-hinala. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod. Sa puntong ito, ang kailangan niya ay manatiling kalmado at marinig ang magiging pag-uusap ng tatlo.Dahan-dahan siyang lumapit, at walang imik na sumunod kay Knox. Naupo siya sa hita nito, pilit pa ring pinananatili ang katahimikan ng loob. Kumapit siya sa balikat nito habang pinapasan ang pangamba sa kanyang dibdib. Pinagmasdan lamang siya ni Knox habang ipinulupot ang isang braso sa kanyang beywang, wari’y ipinapakitang siya ay “pag-aari” niya sa sandaling iyon.Muling nagsalita si Knox, habang naglalaro ang mga daliri sa kanyang tagiliran. “Hindi pa ba natin sisimulan ang usapan? Naiinip na ako,” aniya, diretsong tumingin sa mga kasama.Kumunot ang noo ni Xander Larson. “Sige, simulan na natin,” sagot nito, ngunit halata ang pagkainis sa tinig. “Pero palayasin mo muna ang babaeng ‘yan.”Tumaas ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status