Home / Romance / Consultant Turned Contracted Wife / Chapter Two Hundred Seven

Share

Chapter Two Hundred Seven

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-09-13 21:34:19

“Balak ko lang silang isama sa pagdalaw ko sa sementeryo,” paliwanag ni Selena, marahan at puno ng sinseridad. “Matagal na rin mula nang huli kong dalawin ang puntod ng mom ko. Saglit lang naman ito. At saka, isasama ko si Neera at Barry para hindi ka na mag-alala.”

Nakahinga nang malalim ang matandang butler, tila pinipilit alisin ang pagdududa sa kanyang isipan. Pagkaraan ng ilang segundo’y tumango na rin ito.

Agad niyang tinawag sina Barry at Neera upang tulungan mag-impake ng ilang gamit ng kambal, pati na ang paghahanda sa paghatid sa kanila papunta sa sementeryo kung saan nakahimlay si Sofia.

Bumaba na sila ng hagdan matapos maghanda ng mga gamit ng kambal. Karga nina Selena at Neera ang kambal habang si Barry naman ang may dala ng gamit ng dalawang bata.

Sa sala, naroon si Heather. Relax itong nakasandal sa malambot na sofa habang abala sa hawak na cellphone, may nagmamasahe pa sa balikat nito at kasabay nito ay ang pagpapalinis ng kuko sa paa sa isang nail technician.

Sa itsur
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
update po ulit
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
makipaglaro k nlng Neera mahuhuli m cya.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Eight

    Sandaling nagulat si Neera pero agad ding kumalma. Mabilis niyang naisip na may pinaplano ang babae sa kanyang harapan kaya’t nagsimula siyang magpanggap.“Miss… para saan ito?” tanong ni Neera, kunwari’y inosente at walang alam.Napangiti si Heather, kumbinsido sa pag-arte ng babae. “May lamang $5,000 ’yang card na ’yan. Paunang bayad ko sa ’yo.”“Paunang bayad para saan?” tanong ni Neera na kunwari’y puno ng pagtataka ang mukha.“Basta. Susundin mo lang ang sinabi ko. Sa ngayon, bantayan mo nang maigi si Selena at ang mga anak niya. Magre-report ka lang sa akin kung ano ang ginagawa ng babaeng ’yon,” sagot ni Heather.Tumango-tango si Neera. “Sige, hihintayin ko ang mga utos mo.”Bago sila lumabas ng silid ay nagpalitan pa sila ng contact number upang lihim na makapag-usap nang walang nakakaalam, lalo na tungkol sa plano ni Heather.Paglabas ng mansyon ay nagkunwari si Neera na parang wala lang lahat ng nangyari kanina. Lumapit siya sa kotse at pumasok matapos buksan ang pintuan ng

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Seven

    “Balak ko lang silang isama sa pagdalaw ko sa sementeryo,” paliwanag ni Selena, marahan at puno ng sinseridad. “Matagal na rin mula nang huli kong dalawin ang puntod ng mom ko. Saglit lang naman ito. At saka, isasama ko si Neera at Barry para hindi ka na mag-alala.”Nakahinga nang malalim ang matandang butler, tila pinipilit alisin ang pagdududa sa kanyang isipan. Pagkaraan ng ilang segundo’y tumango na rin ito.Agad niyang tinawag sina Barry at Neera upang tulungan mag-impake ng ilang gamit ng kambal, pati na ang paghahanda sa paghatid sa kanila papunta sa sementeryo kung saan nakahimlay si Sofia.Bumaba na sila ng hagdan matapos maghanda ng mga gamit ng kambal. Karga nina Selena at Neera ang kambal habang si Barry naman ang may dala ng gamit ng dalawang bata.Sa sala, naroon si Heather. Relax itong nakasandal sa malambot na sofa habang abala sa hawak na cellphone, may nagmamasahe pa sa balikat nito at kasabay nito ay ang pagpapalinis ng kuko sa paa sa isang nail technician.Sa itsur

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Six

    May saglit na katahimikan bago muling nagsalita ang babae.“Dr. David? Si Gian David ba ang tinutukoy mo?”“Oo. Sinabi sa akin ni Dr. David na ikaw daw ang dapat kong tanungin tungkol sa pagkakakilanlan ng mom ko, dahil malapit daw kayong magkaibigan noon,” sagot ni Selena, diretso ngunit may bahid ng kaba.“Ano’ng pangalan ng mom mo?” tanong muli ng babae, mas seryoso na ang tono kaysa kanina.“Sofia… Sofia Payne ang pangalan ng mom ko,” mabilis na sagot ni Selena.“Payne?” muling tanong nito, tila nagtataka. “Hindi ‘yan ang apelyido ng mom mo. Ang buong pangalan niya ay Seraphina Draxwell,” wika ni Dr. Neht.“Draxwell?” gulat na ulit ni Selena.“Ayan ang apelyido ni Sofia pagkatapos niyang maikasal,” mabilis na paliwanag ni Dr. Neht.“Paano naging gano’n? Ricardo Payne ang pangalan ng dad ko,” saad ni Selena, hindi pa rin makapaniwala sa mga salitang narinig mula kay Dr. Neht.“Wala akong alam na maisasagot sa tanong mong ‘yan. At saka… sino ba ang Ricardo na iyan? Ngayon ko lang na

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Five

    Umiling muli si Lucas. “Matapos ang operasyon ni Carmilla, bigla na lamang ibinalita sa amin ng doktora na wala na raw makukuhang gamot ang asawa ko.”“Hindi ba’t pinangako nilang magbibigay sila ng libreng gamot kay Mrs. Gardner?” dagdag na usisa ni Selena, hindi makapaniwala.“Tama, iyon ang pangako nila. Subalit nabuwag ang buong organisasyon dahil sa matinding korapsyon. Ilan sa mga kasapi nilang doktor at mananaliksik ang nagtangkang nakawin ang pamamaraan sa paggawa ng gamot ng Lotus Life. Dahil doon, nagkawatak-watak ang mga miyembro, isa-isa silang nagsitago at naglahong parang bula. Sinubukan kong tawagan ang doktora ngunit hindi na siya kailanman sumagot. Iniwanan niya ako ng calling card noon, ngunit kahit ilang ulit kong tinawagan, hindi niya na ako kinausap,” mahabang paliwanag ni Lucas habang dahan-dahang inilalabas ang lumang pitaka mula sa bulsa.Naghalungkat siya sandali hanggang sa may nakuha itong isang kupas na calling card. Maingat niya itong iniabot kay Selena.K

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Four

    Nang masigurong tulog na si Carmilla ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng doktora, seryoso at mabigat ang dating ng kanyang mukha.“Mr. Gardner… tama ba?”Tahimik na tumango si Lucas, naghihintay sa susunod na sasabihin ng babaeng doktor. Sina Neera at Carlos naman ay nakamasid lamang, parehong walang imik habang nakikinig.“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Isa akong cardiologist at medical researcher mula sa isang underground organization na tinatawag na Lotus Life,” diretsong wika ng doktora.“Lotus Life?” ulit ni Lucas, bakas ang pagtataka sa kanyang mukha dahil ngayon pa lamang niya narinig ang pangalan ng organisasyong iyon.Saglit pang inayos ng doktora ang suot niyang salamin bago nagpatuloy. “Ang layunin namin ay makagawa ng gamot na makakatulong sa mga taong may malubhang sakit.”Bumaba ang kanyang paningin kay Carmilla na mahimbing na natutulog. “Sigurado akong nagtataka ka kung bakit tila masigla ang misis mo kanina lang. Ang dahilan niyan ay ang gamot na ipinainom ko sa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Three

    Nagtatrabaho na noon si Lucas bilang head butler ng pamilyang Strathmore. Siyempre, hindi rin siya pinabayaan ng mga ito. Tinulungan siya, at maging sina Alaric at Atticus ay sumama sa kanyang paghahanap ng lunas. Ngunit kahit ang mga eksperto na kanilang nilapitan, walang magawa.Lumapit si Alaric sa kanya, marahang hinawakan siya sa balikat. “Lucas, mabuti sigurong tanggapin na lang natin. Ang mismong mga eksperto na ang nagsabi. Kahit ang operasyon ay hindi garantiya na gagaling si Carmilla. May tiyansa din na sa kalagitnaan ng operasyon, baka hindi kayanin ng puso niya,” malungkot ngunit totoo ang pahayag ni Alaric.Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Lucas. Hindi niya matanggap na mawawala ang misis niya.Lumipas ang mahigit isang taon ngunit wala pa ring progreso sa kundisyon ni Carmilla. Unti-unti itong namayat, nanghina, at halos buto’t balat na lang ang natira. Awang-awa si Lucas sa kanyang asawa.“Bakit ikaw pa?” bulong niya habang marahang pinipisil ang kamay ni Carm

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status