Mag-log inNanginig sa galit si Lydia, ngunit ang sabi ng isip niya ay huwag gumawa ng eksena.Humugot siya nang malalim na paghinga, sinusubukang kalmahin ang sarili, "Hindi ko alam ang sinasabi mo. May gagawin pa ako. Makiraan.""Huwag kang magmadali." Hinablot ni Rose ang palapulsuhan nito. Dum*ing si Lydia mula sa sakit.Dumukwang si Rose, nagsalita na sila lang dalawa ang makaririnig, isang malisyosong ngiti ang gumuhit sa labi niya."Miss Mendoza, nakapaganda ng suot mo ngayong gabi. Bakit hindi ka magtungo sa matandang Del Rosario at ipaalam ang presensya mo? Dinig ko na ang MK ay naghahanap ng bagong ambassador, at ang nangunguna sa pagpipilian ay si Miss Bianca. Kung wala kang gagawin, mawawala ang oportunidad na 'yon."Ang MK ay isa ng international luxury brand, at pagmamay-ari ito ng Del Rosario Group.Nanikip ang puso ni Lydia.Endorsement ng Del Rosario? Si Miss Bianca?Ang babaeng iyon ay ang pinakalamakas niyang karibal. Kapag nakuha ni Bianca ang posisyon, manganganib ang posisy
Nangyari lahat ng iyon sa kisapmata.Dalawang matangkad na pigura ang parang palaso na lumalapit, mula sa pagkakagulo ay tumatakbo ang mga ito sa direksyon ni Evelyn.Humaba ang oras nang walang hanggan.Ang inaasahang pagdurusa ay hindi dumating.Segundo lang bago umulan ng bubog, nakita niya ang puting pigura—Tapos ay malapad, at mainit na d*bdib ang bumangga sa likod niya, hinila siya nang mahigpit para sa isang yakap. Ang lakas ng epekto na halos masakal siya, ngunit napalitan iyon ng hindi maguguhong kaligtasan. Ang tunog ng mga nabasag na baso ay tumama sa sahig na parang fireworks, nakakabingi, ngunit naglaho dahil sa naging panangga. At ang tao na iyon ay ginamit ang katawan nito upang protektahan siya sa lahat.Unti-unting nawala ang ingay. Mula sa nanginginig na mga pilikmata ay napakurap siya at unti-unting minulat ang mga mata.Ang nagtagpuan ng paningin niya ay ang hulmadong panga ni Ryan Blackwood, at ang pag-aalala sa malalim nitong mga mata.Ang mga braso nito ay n
Sa mga sumunod na araw, halos hindi lumalabas ng bahay si Evelyn. Inabala niya ang sarili sa maliit niyang laboratoryo, ginugugol ang oras sa pag-research.Sabado ng gabi, ang pribadong daungan ng pamilya Del Rosario ay nabalutan ng ilaw, kasing liwanag na ito ng umaga.Isang colossal five-story na mamahaling yate ang dumaong doon, nakakamangha at puting-puti na parang niyebe. Mula ilalim ng ilaw, kumikinang ito na parang perlas.Hindi lang ito yate. Simbolo iyon ng kapangyarihan at yaman ng Del Rosario Group.Ngayong gabi ang selebrasyon para sa anibersaryo ng Del Rosario Group. Gaganapin iyon sa yate, na pinangalang Polaris.Sunod-sunod na dumating ang mga mamahaling sasakyan sa daungan. Kada pinto ay bumukas upang ipakita ang mga mayayaman, mga negosyante, sikat na tao, at artista mula cebu at iba pang parte ng bansa.May mga bitbit na gintong invitation card sa kamay, sumampa sila sa yate nang sunod-sunod at nasa ayos."Narinig mo ba? Gumastos ng malaki si Mr. Del Rosario ngayon.
Sa ibaba.Ang lalaking nakabulaklaking damit, na kanina ay nagyayabang, ngayon ay tulala.Bahagya itong nagyuko kay Evelyn, sumusukong ngiti ang nakapaskil sa mukha, ngunit ang tono ay may katapatan, "Natalo ako nang walang pandaraya."Humarap ito sa madla, tinaas ang kamay, at swabeng sumigaw, "Ang pustahan ay pustahan. Ngayong gabi, sasayaw ako para sa lahat. Lahat ng inumin ay ako ang magbabayad. Cheers!""YES!!!"Nag-ingay muli ang mga tao, may pumito at nalunod sa hiyaw ang paligid.Umakyat sa entablado ang lalaki at nagsimula sa sayaw nito base sa tugtog. Tumawa ang mga tao, nag-ingay, ngunit ang mga mata ay hindi naalis kay Evelyn.Lahat ng lalaki na namangha sa kakayahan ni Evelyn kanina ay lumapit sa kanila ni Rose."Binibini, pwede bang manghingi ng iyong pirma?""Isa kang dyosa, pwede bang mahingi ang numero mo?"Pinalibutan ng mga tao si Rose at Evelyn, sobrang sikip na halos wala ng daanan palabas.Kaya pang sumagot nang mangilan-ngilan ni Rose, pero si Evelyn ay hindi in
Natahimik sandali ang paligid, pagkatapos ay umalingawngaw ang gulantang na paghiyaw."Walanghiya! Tatlong bola agad?""Kakaiba ang binibining ito!""Baka sinwerte lang?"Ang lalaking nakabulaklaking t-shirt, na kanina ay kalmado, biglang sumeryoso. Dumilim ang mga mata at naging tensyonado.Parang wala namang naririnig sa paligid si Evelyn. Lumakad siya sa sunod na pwesto, dumukwang muli at tum*ra. Ang mga galaw niya ay pulido, malinis, at kalkulado, walang ni ano mang tapon.Thud. Thud. Thud...Ang mga natirang bola ay tila ba nakaprograma. Isa-isa, gumulong ang mga ito sa butas nang walang sablay. Parang tubig na humahagos sa ilog, tuloy-tuloy ang paggulong.Anim na t*ra, nalinis agad ang mesa. Noong makapasok lahat ng siyam na bola, naging sobrang tahimik ng bilyaran. Tanging musikang mula sa speaker ang maririnig.Lahat ay nakatitig sa nakakamangha, kalmadong magandang babae, tila ngayon lang nila nakita.Ilang segundo lang, nagwala na sa ingay ang mga tao, na parang maaalis na a
"Ngayong gabi ipapakita ko sa'yo ano ba talaga ang totoong hormones."Bumunghalit sa tawa si Evelyn."Rose, hindi ko alam na meron kang... ganitong libangan."Nagmamalaking nagtaas ng kilay si Rose at sinabing, "Ito ang tinatawag na panlasa. Muscles ang pinaka-sexy na bagay sa mundo."Pumasok sila sa VIP room No. 1, pinakamagandang pwesto sa buong lugar. Mula roon, napakaperpekto ng tanawin. Napakalinaw ng mga naglalaban sa loob ng ring sa ibaba.Tumunog ang bell, at umingay ang paligid. Magsisimula na ang laban."Tingnan mo, tingnan mo! Paparating na si No. 17!"Tinuro ni Rose ang boksingerong nakasuot ng kalahating kulay pilak na mask, ang boses niya ay malakas at matinis."No. 17, ikaw ang walang hanggang ginto ko!"Sinundan ng tingin ni Evelyn ang daliri ni Rose at nakita ang boksingero. Maganda ang tindig ng katawan nito at hulmado. Bawat muscle ay mukhang gawa sa bakal na puno ng lakas."Rose, masyado kang fangirl," tukso dito ni Evelyn nang nakangiti."Ano ngayon? Nag-e-enjoy a







