Home / Romance / Contract Marriage: Love Beyond Agreement / Chapter 7: Ang Katotohanang Unti-unting Lumalantad

Share

Chapter 7: Ang Katotohanang Unti-unting Lumalantad

Author: Centrix
last update Huling Na-update: 2025-03-13 11:02:13

"Kapag ang puso ay nagsimulang magsalita, hindi mo na ito kayang balewalain."*

---

ISLA

Hindi ko alam kung anong nangyari.

Ang usapan namin ni Liam ay dapat magtatapos sa kasunduan. Pero bakit parang nagbabago ang lahat?

Mula nang sinabi niyang “I won’t let you go,” hindi ko na maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Ano ang ibig sabihin nun? Totoo ba ‘yun, o isa na namang bahagi ng pagpapanggap?

Kaya ngayong umaga, habang magkasabay kaming kumakain ng agahan, hindi ko maiwasang sulyapan siya. Tahimik lang siya, pero ramdam kong may bumabagabag din sa isip niya.

Ako na ang bumasag ng katahimikan.

“Liam, seryoso ka ba sa sinabi mo kagabi?”

Nag-angat siya ng tingin. “Aling parte?”

“Yung…” Napalunok ako. “Yung hindi mo ako kayang pakawalan.”

Hindi siya agad sumagot. Para bang iniisip niyang mabuti ang magiging sagot niya.

At pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, tumitig siya sa akin.

“I don’t know yet.”

Napahinto ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas maiinis.

Napabuntong-hininga ako. “Ano ba talaga, Liam?”

Nagkibit-balikat siya. “Basta ang alam ko, hindi ko gusto ang ideya na mawawala ka.”

Nag-init ang mukha ko.

Ano ‘yon?!

Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kilig ang gumapang sa akin. Hindi ko dapat maramdaman ‘to. Pero bakit parang hindi ko na ito makontrol?

At mas lalo akong kinabahan nang makita kong may bahagyang ngiti sa labi niya.

Para bang alam niyang naapektuhan ako sa sinabi niya.

---

LIAM

Alam kong nababaliw na ako.

Pero hindi ko mapigilang subukan.

Simula nang mapansin kong naapektuhan si Isla sa mga sinabi ko, mas lalo akong na-curious. Totoo bang wala siyang nararamdaman para sa akin?

Kaya mula nang araw na ‘yon, sinubukan kong basahin siya.

Mas lalo akong naging malapit sa kanya—mga simpleng bagay tulad ng pag-alok ng sakay sa café niya, pag-aalok ng pagkain tuwing dinner, at ang pinakamalaking hakbang…

Pagyakap sa kanya sa tuwing may pagkakataon.

Gusto kong makita kung paano siya magre-react.

At hindi ako nabigo.

Tuwing hinahawakan ko siya, kita ko ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi. Tuwing tumitingin ako nang diretso sa mga mata niya, bigla siyang iiwas.

She’s affected.

At hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa ideyang ‘yon.

Pero isang araw, isang pangyayari ang nagbago ng lahat.

---

ISLA

Alas-diyes na ng gabi nang matapos ako sa café. Paglabas ko, nagulat ako nang makita si Liam na nakasandal sa sasakyan niya.

“Liam?”

Napatingin siya sa akin at ngumiti. “Hatid kita.”

Nagtaas ako ng kilay. “Nag-aalok ka na naman?”

Nagkibit-balikat siya. “Wala kang choice.”

Napailing ako pero sumakay pa rin sa kotse niya.

Habang nasa biyahe, napansin kong panay ang tingin niya sa akin.

“Ano?” inis kong tanong.

Umiling siya. “Wala lang.”

Nagtaas ako ng kilay. “Liam, may problema ba?”

Tahimik siya ng ilang segundo bago siya bumuntong-hininga.

“May gusto lang akong itanong.”

Nagkibit-balikat ako. “Ano ‘yon?”

Tumingin siya sa akin, seryoso.

“Kaya mo ba akong mahalin, Isla?”

Napahinto ako.

Parang tumigil ang puso ko sa sandaling iyon.

Ano daw?!

Para akong nawala sa sarili. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

“Liam…” Mahina kong sabi.

Muling nagsalita siya, mas lalong seryoso. “Kaya mo ba?”

Hindi ako makasagot.

At doon ko napagtanto… hindi ko alam ang sagot.

---

LIAM

Nakita ko ang pagkalito sa mga mata ni Isla.

At doon ko lang napagtanto kung gaano siya apektado sa tanong ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinanong ko ‘yon, pero isang bagay lang ang sigurado ako.

Gusto kong malaman kung may pag-asa ako sa kanya.

Pero nang hindi siya sumagot, may kung anong sakit akong naramdaman.

Kaya nagbuntong-hininga ako at ibinaling ang tingin sa kalsada.

“Wag mo nang sagutin.”

Narinig ko ang mahina niyang buntong-hininga.

Pero sa sulok ng mata ko, kita kong hindi niya alam kung paano magre-react.

At sa isang iglap, narealize ko ang isang bagay.

Takot siyang umamin.

Pero bakit?

---

ISLA

Nang makarating kami sa bahay, hindi ko alam kung paano siya haharapin.

Kaya pagpasok namin, agad akong dumiretso sa kwarto ko.

Pero bago ako makapasok, narinig ko ang boses niya.

“Isla.”

Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon.

Dahan-dahan siyang lumapit.

At sa hindi ko inaasahang pagkakataon, bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at tumitig nang malalim sa mga mata ko.

Halos hindi ako makahinga.

“Kapag handa ka nang sagutin ang tanong ko…” bulong niya.

Dahan-dahan siyang lumapit—sobrang lapit.

Hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang hininga malapit sa labi ko.

Halos ilang pulgada na lang…

Pero bago may mangyari, tumalikod siya at diretsong naglakad palayo.

Iniwan niya akong tulala.

At doon ko lang napagtanto…

Ako na ang may problema.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Contract Marriage: Love Beyond Agreement   Chapter 7: Ang Katotohanang Unti-unting Lumalantad

    "Kapag ang puso ay nagsimulang magsalita, hindi mo na ito kayang balewalain."* --- ISLAHindi ko alam kung anong nangyari. Ang usapan namin ni Liam ay dapat magtatapos sa kasunduan. Pero bakit parang nagbabago ang lahat?Mula nang sinabi niyang “I won’t let you go,” hindi ko na maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Ano ang ibig sabihin nun? Totoo ba ‘yun, o isa na namang bahagi ng pagpapanggap? Kaya ngayong umaga, habang magkasabay kaming kumakain ng agahan, hindi ko maiwasang sulyapan siya. Tahimik lang siya, pero ramdam kong may bumabagabag din sa isip niya. Ako na ang bumasag ng katahimikan. “Liam, seryoso ka ba sa sinabi mo kagabi?” Nag-angat siya ng tingin. “Aling parte?” “Yung…” Napalunok ako. “Yung hindi mo ako kayang pakawalan.” Hindi siya agad sumagot. Para bang iniisip niyang mabuti ang magiging sagot niya. At pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, tumitig siya sa akin. “I don’t know yet.” Napahinto ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas

  • Contract Marriage: Love Beyond Agreement   Chapter 6: Lihim na Unti-unting Nabubunyag

    "Ang puso ay may paraan para ipaalam ang totoo, kahit gaano pa natin ito pilit na itago."--- ISLAMag-iisang linggo nang halos hindi nagpapakita si Liam sa bahay. Oo, alam kong may emergency sa kumpanya nila, pero hindi ko maiwasang mag-isip. Ano ba talagang nangyayari?“Mrs. Callisto?” tawag sa akin ni Charles isang umaga habang nagkakape ako sa veranda. Napatigil ako. Mrs. Callisto. Hindi pa rin ako sanay sa tawag na ‘yon. “May gusto po akong ipaalam,” patuloy ni Charles. “Si Sir Liam po, hindi pa rin umuuwi.” Tumikhim ako. “Alam ko.” “Pero may isang bagay pa po…” Napatigil siya, halatang nagdadalawang-isip. Napakunot ang noo ko. “Ano ‘yon?” “May mga report po na nakita siyang kasama si Miss Alyssa nitong mga nakaraang araw.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alyssa?“Ano?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang kalmadong boses ko. Tumango si Charles. “Napansin din po ng ibang empleyado na madalas po silang magkasama.” Hindi ko alam kung bakit pero m

  • Contract Marriage: Love Beyond Agreement   Chapter 5: Ang Simula ng Tunay na Laban

    "Kapag nagsimula nang humalo ang totoo sa kasinungalingan, doon nagsisimula ang tunay na laban." --- ISLAPagkatapos ng engkwentro namin kay Alyssa, hindi ko alam kung bakit pero parang may bumabagabag sa akin. Liam never denied having feelings for her. At bakit ba apektado ako?Tiningnan ko siya mula sa kabilang dulo ng hapag-kainan habang tahimik kaming nag-aalmusal. Mukha siyang kalmado, parang walang nangyari kagabi. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Nagpanggap ako na abala sa pagkain, pero hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita. “So… kailan mo balak sabihin kung mahal mo pa siya?” Tumigil siya sa pagkain at itinaas ang isang kilay. “Excuse me?” Umirap ako. “Alam mo na. Yung ex mo.” Bahagyang sumandal siya sa upuan at pinasadahan ako ng tingin. “Why do you care?” Nagkibit-balikat ako. “Para malaman ko lang kung kailan ka magde-demand ng divorce.” Naningkit ang mga mata niya. “Wala akong balak makipagbalikan

  • Contract Marriage: Love Beyond Agreement   Chapter 4: Ang Mga Alituntunin ng Kasunduan

    "Kapag puso na ang nasusunod, wala nang alituntuning makapipigil."--- ISLAPagkagising ko kinaumagahan, parang may mali. Unang-una, hindi ako nasa dati kong kama. Sa halip, nasa isang napakalaking kwarto ako na hindi pamilyar—mamahaling mga kurtina, carpet na parang ulap sa lambot, at chandelier na siguradong mas mahal pa sa buong café namin. Doon ko lang naalala. Kasama ko na ngayon si Liam Callisto. Napatakip ako ng mukha. Diyos ko, ano bang pinasok ko?Bumangon ako at naglakad palabas. Pagdating ko sa kusina, bumungad sa akin si Liam, nakasuot lang ng itim na pajama pants at nakabukas ang tatlong butones ng polo. Mukha siyang modelo ng mamahaling brand, pero alam kong hindi ko dapat iyon pansinin. Kunin natin ang kape. Iwas tingin. Walang awkwardness. “Morning,” bati niya, hindi man lang tumingin. “Uh, morning,” sagot ko habang tinutungo ang coffee machine. Tahimik kaming dalawa habang nag-aalmusal. Ganitong ganito ang buhay may-asawa?Maya-maya, bumukas ang pinto a

  • Contract Marriage: Love Beyond Agreement   Chapter 3: Playing the Perfect Couple

    "Minsan, mas mahirap ang pagpapanggap kaysa sa tunay na nararamdaman. Dahil ang puso, hindi kailanman marunong magsinungaling."--- ISLAHindi ko akalain na ganito kahirap ang pagpapanggap. Isang araw matapos ang kasal, agad akong dinala ni Liam sa isa sa mga pinakamalalaking event sa business industry—ang annual gala ng Callisto Group.At bilang kanyang asawa, dapat kaming magkunwaring perpektong mag-asawa sa harap ng daan-daang bisita. “Relax,” malamig na bulong ni Liam habang inakbayan ako nang mahigpit, para bang sinusuyo ako sa harap ng mga naroroon. “Ngumiti ka naman.” Muntik na akong matawa sa kanya. Kung alam lang ng mga tao kung gaano siya ka-cold sa totoong buhay, malamang magulat sila sa palabas na ginagawa namin ngayon. “Ang hirap ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya,” sagot ko pabulong. Bahagya siyang lumapit sa tenga ko, dahilan para mas lalong dumami ang matang nakatingin sa amin. “Then pretend. Isn’t that what you signed up for?” Napanganga ako sa sa

  • Contract Marriage: Love Beyond Agreement   Chapter 2: Ang Reluctant Bride

    "Minsan, ang pinakamahirap tanggapin ay hindi ang desisyon mismo—kundi ang realidad na wala kang ibang pagpipilian."--- ISLAHindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Nasa harapan ko ang marriage contract, pirmado ko at ni Liam Callisto. Sa isang iglap, para akong lumagda sa isang sentensiyang hindi ko alam kung magdadala sa akin sa langit o impyerno. “Isla, sigurado ka ba dito?” nag-aalalang tanong ni Bianca habang sinusundan ako palabas ng opisina. Hindi ko siya agad sinagot. Kahit ako, hindi ko sigurado. Pero sa bawat pagtunog ng cellphone ko—mga tawag mula sa bangko, mga bayarin sa ospital ni Lucas—paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko ang dahilan kung bakit ko ito ginawa. “Yes, Bianca.” Huminga ako nang malalim. “This is the only way.” Bago pa siya makasagot, isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harapan namin. Bumukas ang pinto at bumungad si Liam—matikas, seryoso, at tila walang bahid ng pagsisisi sa kanyang desisyon. “Let’s go,” maikling sabi niya. Napati

  • Contract Marriage: Love Beyond Agreement   Chapter 1: Ang Alok

    "Minsan, hindi mo kailangang mahalin ang isang tao para pakasalan siya. Minsan, sapat nang may dahilan."--- ISLA“Miss Isla, tumawag na naman po ang bangko..."Nanginginig ang boses ni Bianca, ang matalik kong kaibigan at assistant, habang iniaabot sa akin ang isang papel na may nakasulat na FINAL NOTICE. Pakiramdam ko’y bumigat ang mundo ko. Lunod na lunod na ako sa utang.Ang Montemayor Café—ang tanging alaala ng aming namayapang mga magulang—ay nasa bingit na ng pagsasara. Hindi ko alam kung paano pa ito isasalba. At ang mas masakit, ang gamutan ng kapatid kong si Lucas ay hindi ko na rin alam kung paano popondohan. Pumikit ako at pilit nilulunok ang bigat ng sitwasyon. “Sabihin mo sa kanila… konting panahon pa.” “Isla…” Lumapit si Bianca at hinawakan ang aking kamay. “Kailangan mo nang humanap ng solusyon. Hindi pwedeng puro pagpapaliban na lang.” Alam kong tama siya. Pero anong magagawa ko kung wala naman akong mahugot na pera? Para akong nabibingi sa sariling isipin

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status