"Minsan, mas mahirap ang pagpapanggap kaysa sa tunay na nararamdaman. Dahil ang puso, hindi kailanman marunong magsinungaling."
--- ISLA Hindi ko akalain na ganito kahirap ang pagpapanggap. Isang araw matapos ang kasal, agad akong dinala ni Liam sa isa sa mga pinakamalalaking event sa business industry—ang annual gala ng Callisto Group. At bilang kanyang asawa, dapat kaming magkunwaring perpektong mag-asawa sa harap ng daan-daang bisita. “Relax,” malamig na bulong ni Liam habang inakbayan ako nang mahigpit, para bang sinusuyo ako sa harap ng mga naroroon. “Ngumiti ka naman.” Muntik na akong matawa sa kanya. Kung alam lang ng mga tao kung gaano siya ka-cold sa totoong buhay, malamang magulat sila sa palabas na ginagawa namin ngayon. “Ang hirap ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya,” sagot ko pabulong. Bahagya siyang lumapit sa tenga ko, dahilan para mas lalong dumami ang matang nakatingin sa amin. “Then pretend. Isn’t that what you signed up for?” Napanganga ako sa sagot niya. Gusto ko siyang batukan pero hindi ko magawa. Instead, pinakawalan ko ang isang pilit na ngiti at saka bumulong, “Fine. Pero hindi ibig sabihin na nag-eenjoy ako.” Nakasuot ako ng isang eleganteng champagne-colored gown, at kahit hindi ako sanay sa mga ganitong engrandeng event, wala akong choice kundi magmukhang parte ng mundo ni Liam. Habang naglalakad kami sa ballroom, maraming lumapit sa amin para bumati. “Congratulations, Mr. and Mrs. Callisto,” bati ng isang matandang negosyante. “Napakaganda ng inyong kasal. Bagay na bagay kayong dalawa.” Narinig ko ang pigil na tawa ni Liam, kaya lihim ko siyang siniko sa tagiliran. Hindi siya nagpahalata, pero sigurado akong nag-eenjoy siya sa sitwasyong ito. “Thank you,” sagot niya bago hinawakan ang kamay ko. “She’s the best thing that happened to me.” Nagpanting ang tenga ko sa sinabing ‘yon. Napakasinungaling talaga nitong lalaking ‘to! Pero hindi ako nagpatalo. Ngumiti ako nang matamis at hinigpitan ang hawak sa kamay niya. “At siya rin ang pinakamaswerteng lalaking nakilala ko.” Nakita kong kumislot ang sulok ng labi niya, para bang hindi niya inasahang sasabayan ko siya sa kanyang drama. Well, Liam Callisto, game on. --- LIAM Hindi ko inakala na ganito kagaling si Isla sa pagpapanggap. Sa buong event, hindi siya nagpahuli sa mga matatalas kong linya. Kapag may nagtanong kung paano kami nagkakilala, magkasabay kaming sumagot na parang rehearsed na rehearsed. Kapag may nagsabi kung gaano kami kaswerte sa isa’t isa, ngingiti siya at ipapatong ang kamay niya sa dibdib ko na para bang totoong mahal niya ako. At hindi ko alam kung bakit pero parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. “Enjoying the night?” tanong ni Gabe, ang matalik kong kaibigan, habang lumapit siya sa amin. “I guess,” sagot ko, pero hindi ko maiwasang mapansin kung paano niya tinititigan si Isla. Matagal na kaming magkaibigan ni Gabe, pero ngayon ko lang siya nakitang ganoon—may kung anong emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa asawa ko. Wait. Asawa ko? Ipinilig ko ang ulo ko. This is just a contract marriage, wala dapat akong pake kung paano siya tingnan ni Gabe. Pero bakit may kung anong sumiklab sa loob ko? Nag-usap sandali si Isla at Gabe, at kita kong mas relaxed siya dito kaysa sa akin. Napakunot-noo ako. “Matagal na kayong magkakilala?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang malamig kong tono. Isla turned to me, raising a brow. “Yes. Childhood friend ko si Gabe. Bakit, may problema?” Napangiti si Gabe. “Relax, Liam. I’m just checking if your wife is happy.” “Happier than ever,” matigas kong sagot bago marahang hinila si Isla palapit sa akin. “Now if you’ll excuse us.” Habang lumalayo kami kay Gabe, hindi ko alam kung bakit may kung anong bugso ng damdamin sa loob ko. Pero isang bagay ang sigurado—hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin ni Gabe kay Isla. At mas lalong hindi ko gusto ang ideyang parang mas okay si Isla kapag kasama siya. --- ISLA Pagdating namin sa bahay, halos hindi ako makahinga sa bigat ng gabing iyon. Agad kong hinubad ang heels ko at naupo sa sofa. “That was exhausting.” Hindi sumagot si Liam. Tahimik siyang nagtanggal ng coat at lumapit sa bar para magbuhos ng alak. Napatingin ako sa kanya. “Lasingin mo na lang ang sarili mo kung gusto mo.” “Hindi ako iinom,” malamig niyang sagot. “Mas gusto kong may malinaw na isip.” Napailing ako. Misteryoso talaga ang lalaking ‘to. Tahimik lang kami. Pero hindi ko matiis kaya bumasag ako ng katahimikan. “So… bakit parang iritable ka kanina nang kausap ko si Gabe?” tanong ko, pilit siyang inaasar. Bahagyang tumigil siya sa pag-inom. “Hindi ako iritable.” Ngumiti ako. Bullshit. “Really? Kasi parang hindi mo nagustuhan na mas close ako sa kanya kaysa sa’yo,” tukso ko pa. Lumingon siya sa akin, at sa unang pagkakataon, may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon. “I just don’t like competition.” Nalaglag ang panga ko. Competition? Anong pinagsasabi niya? Ngumiti siya—isang mapanuksong ngiti. Lumapit siya sa akin, unti-unting binabawasan ang distansya namin. “Kung magpapanggap tayong mag-asawa, Isla, gawin nating maayos,” bulong niya. “At kung gusto mong asarin ako gamit si Gabe, think twice.” Mabilis ang tibok ng puso ko. Damn it. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng mahulog ako sa larong ito. Pero paano kung nagsisimula nang maging totoo ang mga bagay na dapat ay kunwari lang?"Kapag ang puso ay nagsimulang magsalita, hindi mo na ito kayang balewalain."* --- ISLAHindi ko alam kung anong nangyari. Ang usapan namin ni Liam ay dapat magtatapos sa kasunduan. Pero bakit parang nagbabago ang lahat?Mula nang sinabi niyang “I won’t let you go,” hindi ko na maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Ano ang ibig sabihin nun? Totoo ba ‘yun, o isa na namang bahagi ng pagpapanggap? Kaya ngayong umaga, habang magkasabay kaming kumakain ng agahan, hindi ko maiwasang sulyapan siya. Tahimik lang siya, pero ramdam kong may bumabagabag din sa isip niya. Ako na ang bumasag ng katahimikan. “Liam, seryoso ka ba sa sinabi mo kagabi?” Nag-angat siya ng tingin. “Aling parte?” “Yung…” Napalunok ako. “Yung hindi mo ako kayang pakawalan.” Hindi siya agad sumagot. Para bang iniisip niyang mabuti ang magiging sagot niya. At pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, tumitig siya sa akin. “I don’t know yet.” Napahinto ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas
"Ang puso ay may paraan para ipaalam ang totoo, kahit gaano pa natin ito pilit na itago."--- ISLAMag-iisang linggo nang halos hindi nagpapakita si Liam sa bahay. Oo, alam kong may emergency sa kumpanya nila, pero hindi ko maiwasang mag-isip. Ano ba talagang nangyayari?“Mrs. Callisto?” tawag sa akin ni Charles isang umaga habang nagkakape ako sa veranda. Napatigil ako. Mrs. Callisto. Hindi pa rin ako sanay sa tawag na ‘yon. “May gusto po akong ipaalam,” patuloy ni Charles. “Si Sir Liam po, hindi pa rin umuuwi.” Tumikhim ako. “Alam ko.” “Pero may isang bagay pa po…” Napatigil siya, halatang nagdadalawang-isip. Napakunot ang noo ko. “Ano ‘yon?” “May mga report po na nakita siyang kasama si Miss Alyssa nitong mga nakaraang araw.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Alyssa?“Ano?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang kalmadong boses ko. Tumango si Charles. “Napansin din po ng ibang empleyado na madalas po silang magkasama.” Hindi ko alam kung bakit pero m
"Kapag nagsimula nang humalo ang totoo sa kasinungalingan, doon nagsisimula ang tunay na laban." --- ISLAPagkatapos ng engkwentro namin kay Alyssa, hindi ko alam kung bakit pero parang may bumabagabag sa akin. Liam never denied having feelings for her. At bakit ba apektado ako?Tiningnan ko siya mula sa kabilang dulo ng hapag-kainan habang tahimik kaming nag-aalmusal. Mukha siyang kalmado, parang walang nangyari kagabi. Pero ako? Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong bumabara sa lalamunan ko. Nagpanggap ako na abala sa pagkain, pero hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita. “So… kailan mo balak sabihin kung mahal mo pa siya?” Tumigil siya sa pagkain at itinaas ang isang kilay. “Excuse me?” Umirap ako. “Alam mo na. Yung ex mo.” Bahagyang sumandal siya sa upuan at pinasadahan ako ng tingin. “Why do you care?” Nagkibit-balikat ako. “Para malaman ko lang kung kailan ka magde-demand ng divorce.” Naningkit ang mga mata niya. “Wala akong balak makipagbalikan
"Kapag puso na ang nasusunod, wala nang alituntuning makapipigil."--- ISLAPagkagising ko kinaumagahan, parang may mali. Unang-una, hindi ako nasa dati kong kama. Sa halip, nasa isang napakalaking kwarto ako na hindi pamilyar—mamahaling mga kurtina, carpet na parang ulap sa lambot, at chandelier na siguradong mas mahal pa sa buong café namin. Doon ko lang naalala. Kasama ko na ngayon si Liam Callisto. Napatakip ako ng mukha. Diyos ko, ano bang pinasok ko?Bumangon ako at naglakad palabas. Pagdating ko sa kusina, bumungad sa akin si Liam, nakasuot lang ng itim na pajama pants at nakabukas ang tatlong butones ng polo. Mukha siyang modelo ng mamahaling brand, pero alam kong hindi ko dapat iyon pansinin. Kunin natin ang kape. Iwas tingin. Walang awkwardness. “Morning,” bati niya, hindi man lang tumingin. “Uh, morning,” sagot ko habang tinutungo ang coffee machine. Tahimik kaming dalawa habang nag-aalmusal. Ganitong ganito ang buhay may-asawa?Maya-maya, bumukas ang pinto a
"Minsan, mas mahirap ang pagpapanggap kaysa sa tunay na nararamdaman. Dahil ang puso, hindi kailanman marunong magsinungaling."--- ISLAHindi ko akalain na ganito kahirap ang pagpapanggap. Isang araw matapos ang kasal, agad akong dinala ni Liam sa isa sa mga pinakamalalaking event sa business industry—ang annual gala ng Callisto Group.At bilang kanyang asawa, dapat kaming magkunwaring perpektong mag-asawa sa harap ng daan-daang bisita. “Relax,” malamig na bulong ni Liam habang inakbayan ako nang mahigpit, para bang sinusuyo ako sa harap ng mga naroroon. “Ngumiti ka naman.” Muntik na akong matawa sa kanya. Kung alam lang ng mga tao kung gaano siya ka-cold sa totoong buhay, malamang magulat sila sa palabas na ginagawa namin ngayon. “Ang hirap ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya,” sagot ko pabulong. Bahagya siyang lumapit sa tenga ko, dahilan para mas lalong dumami ang matang nakatingin sa amin. “Then pretend. Isn’t that what you signed up for?” Napanganga ako sa sa
"Minsan, ang pinakamahirap tanggapin ay hindi ang desisyon mismo—kundi ang realidad na wala kang ibang pagpipilian."--- ISLAHindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Nasa harapan ko ang marriage contract, pirmado ko at ni Liam Callisto. Sa isang iglap, para akong lumagda sa isang sentensiyang hindi ko alam kung magdadala sa akin sa langit o impyerno. “Isla, sigurado ka ba dito?” nag-aalalang tanong ni Bianca habang sinusundan ako palabas ng opisina. Hindi ko siya agad sinagot. Kahit ako, hindi ko sigurado. Pero sa bawat pagtunog ng cellphone ko—mga tawag mula sa bangko, mga bayarin sa ospital ni Lucas—paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko ang dahilan kung bakit ko ito ginawa. “Yes, Bianca.” Huminga ako nang malalim. “This is the only way.” Bago pa siya makasagot, isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harapan namin. Bumukas ang pinto at bumungad si Liam—matikas, seryoso, at tila walang bahid ng pagsisisi sa kanyang desisyon. “Let’s go,” maikling sabi niya. Napati
"Minsan, hindi mo kailangang mahalin ang isang tao para pakasalan siya. Minsan, sapat nang may dahilan."--- ISLA“Miss Isla, tumawag na naman po ang bangko..."Nanginginig ang boses ni Bianca, ang matalik kong kaibigan at assistant, habang iniaabot sa akin ang isang papel na may nakasulat na FINAL NOTICE. Pakiramdam ko’y bumigat ang mundo ko. Lunod na lunod na ako sa utang.Ang Montemayor Café—ang tanging alaala ng aming namayapang mga magulang—ay nasa bingit na ng pagsasara. Hindi ko alam kung paano pa ito isasalba. At ang mas masakit, ang gamutan ng kapatid kong si Lucas ay hindi ko na rin alam kung paano popondohan. Pumikit ako at pilit nilulunok ang bigat ng sitwasyon. “Sabihin mo sa kanila… konting panahon pa.” “Isla…” Lumapit si Bianca at hinawakan ang aking kamay. “Kailangan mo nang humanap ng solusyon. Hindi pwedeng puro pagpapaliban na lang.” Alam kong tama siya. Pero anong magagawa ko kung wala naman akong mahugot na pera? Para akong nabibingi sa sariling isipin