Share

Chapter 32

Penulis: Lirp49
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-15 16:57:54

NAGKATITIGAN ang dalawa, animo ay tumigil ang oras ng sandaling iyon. Hanggang sa ngumiti si Levi. “Nagseselos ako.”

“Bakit?” Kahit may namumuo ng ideya sa isip ni Suzy ay gusto niya pa rin makasiguro.

Kumurap si Levi, lumamlam ang tingin saka marahang hinawi ang ilang takas na hibla ng buhok nito. “Kung sasabihin ko sa’yo ang dahilan, baka abutin tayo ng umaga kaya sisimplehan ko na lang…”

Napalunok ng laway si Suzy, kinakabahan na nasasabik sa maririnig.

“Nagbibiro lang ako.”

Nawalan ng kulay ang mukha ni Suzy. “Ha?” Parang hindi pa siya makapaniwala.

“Joke. Don’t tell me, ‘di ka pa rin nasanay sa’kin?” ani Levi.

Napasimangot si Suzy, sa sobrang sama ng loob ay hinampas-hampas niya ito sa balikat. “Kainis ka naman, e!”

Tumawa si Levi at nang masaktan ay hinawakan ang magkabila nitong kamay. “Joke lang! Ito naman, ‘di na mabiro!”

Nagpumiglas si Suzy, gusto pa rin itong saktan dahil sa inis.

“Hindi pa ba obvious kung ba’t ako nagseselos?” ani Levi.

Umiwas ng tingin si Suzy, halata sa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 35

    PINAGBUKSAN ni Cain ng pinto ang kaibigan, at bumungad sa paningin niya ang nakangising si Levi.Pero ang ekspresyong mababanaag sa kanyang mukha ay hindi na maipinta, parang ano man sandali ay makakapanakit na.Ngunit tila wala man lang napansin si Levi, at naglakad papasok—dire-diretso patungo sa kusina para maghanap ng maiinom.Binuksan niya ang refrigerator. “Wala kang canned beer?” Sabay tingin kay Cain pero hindi man lang siya sinagot. Kaya naghanap siya sa cupboard at ibang lagayan at baka may nakatago itong alak.Pero bigo siya kaya kumuha na lang siya ng malamig na tubig—feeling at home sa condo ng kaibigan.“Gusto mo ba?” tinanong niya pa, akmang kukuha ng isa pang baso para kay Cain.“Umuwi ka na,” tila nagtitimpi na lamang.Ngunit tila manhid si Levi, hindi man lang makaramdam. Pagkatapos magsalin ng malamig na tubig sa baso ay nilapitan niya ang kaibigan, marahang hinila ang kamay nito paupo sa sofa saka siya tumabi.Pagkatapos ay pinakatitigan niya ng ilang sandali ang m

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 34

    NILINGON ni Suzy si Rodrigo habang may namumuong luha sa mga mata. Pagkatapos ay patakbo itong niyakap na labis ikinabigla ng huli.“Uy, anong nangyayari sa’yo?” bulong ni Rodrigo, habang nakaalalay sa likod ng dalaga.Hindi agad nakasagot si Suzy dahil sa sobrang tuwa. Na-o-overwhelm pa siya sa nangyayari.Samantalang sa mata naman ni Thelma, maging ng ibang katulong na nag-a-arrange ng basket of flowers ay nagpapasalamat marahil si Suzy dahil sa binigay nitong bulaklak.“Ayos ka lang, girl?” bulong muli ni Rodrigo.Tumango si Suzy saka ito sinagot, “Sobrang saya ko lang. Kasi si Levi ang nagpadala ng mga bulaklak.”Muntik nang mapasinghap ng eksaherada si Rodrigo, buti na lamang at kaharap niya si Thelma na pinapanuod silang nagyayakapan ni Suzy kaya nakapagpigil pa siya. “Pero, girl… ba’t ako ang niyayakap mo? Baka mamaya niya, malaman pa ‘to ng boylet mo jumbagin ako.”Natawa si Suzy saka ito tiningnan pero ang kamay ay nanatili sa braso ng kaibigan, upang magmukha silang sweet na

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 33

    MAGTATANGHALI na nang magising si Suzy. Halos madaling-araw na kasi silang natapos mag-usap ni Levi kagabi—o mas tama sigurong sabihing nakatulugan niya ito habang naka-video call.Pagmulat ng mata, agad niyang hinanap ang cellphone. Pero ayaw mag-on—na lowbatt. Kaya bumangon siya sa kama at kinuha ang charger sa drawer.Habang nagcha-charge ang cellphone, ay pumasok siya sa banyo para maghilamos at toothbrush. Napapasayaw pa nga siya sa sobrang tuwa.Pagkababa ng hagdan ay nakasalubong niya ang isang katulong na paakyat. “Hi!” masiglang bati ni Suzy.Napatigil ang katulong, napakunot-noo. “Ah… hello po, Miss,” anito, medyo naguguluhan, bago nagpatuloy sa pag-akyat habang palihim na nagtataka sa inaakto nito.Dumiretso si Suzy sa kusina, kung saan abala ang kusinera sa pagluluto ng pananghalian. Amoy na amoy niya ang niluluto nito kaya bigla siyang natakam.“Hello! May natira pa bang pagkain?” aniya sabay lapit.Ngunit bago pa makasagot ang kusinera, sumabat na si Thelma na kararating

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 32

    NAGKATITIGAN ang dalawa, animo ay tumigil ang oras ng sandaling iyon. Hanggang sa ngumiti si Levi. “Nagseselos ako.”“Bakit?” Kahit may namumuo ng ideya sa isip ni Suzy ay gusto niya pa rin makasiguro.Kumurap si Levi, lumamlam ang tingin saka marahang hinawi ang ilang takas na hibla ng buhok nito. “Kung sasabihin ko sa’yo ang dahilan, baka abutin tayo ng umaga kaya sisimplehan ko na lang…”Napalunok ng laway si Suzy, kinakabahan na nasasabik sa maririnig.“Nagbibiro lang ako.”Nawalan ng kulay ang mukha ni Suzy. “Ha?” Parang hindi pa siya makapaniwala.“Joke. Don’t tell me, ‘di ka pa rin nasanay sa’kin?” ani Levi.Napasimangot si Suzy, sa sobrang sama ng loob ay hinampas-hampas niya ito sa balikat. “Kainis ka naman, e!”Tumawa si Levi at nang masaktan ay hinawakan ang magkabila nitong kamay. “Joke lang! Ito naman, ‘di na mabiro!”Nagpumiglas si Suzy, gusto pa rin itong saktan dahil sa inis.“Hindi pa ba obvious kung ba’t ako nagseselos?” ani Levi.Umiwas ng tingin si Suzy, halata sa

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 31

    INGAY ng pagkatok sa pinto ang gumising kay Levi. Nang magmulat ng mata ay bumungad sa kanya ang dilim ng silid, hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa sofa. Bumangon siya at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.May kumatok muli sa pinto. “Dok Levi?” boses mula sa labas ng silid.“Sandali lang!” sagot niya sabay lakad patungo sa pinto habang nakaangat ang kamay, nangangpa sa dilim. Mabuti na lamang at kabisado niya ang buong silid kaya hindi siya nahirapang hanapin ang switch ng ilaw.Ilang sandali pa ay lumiwanag na ang buong paligid saka niya binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang isa sa mga security staff.“Good evening, Sir. Pasensiya sa istorbo pero mag-aalas onse na ng gabi.”“Ha?” Sabay tingin sa suot na relo. “Oo nga… Pambihira, iniwan man lang ako ni Cain. Napansin niyo ba siyang umalis?”“Kanina pang hapon, Dok—mga bandang alas-tres. Pinuntahan ko na kayo dahil napansin ng guard sa labas na nakaparada pa rin ang kotse niyo sa labas,” pahayag pa nito.Tuman

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 30

    TUMIGIL ang kotse sa tapat ng gate at lumabas si Stephen, bitbit ang mga pinamili dahil dumaan muna sila sa mall para may supplies ito sa buong linggo. “Salamat, pasok na ‘ko sa loob.” Sabay sara ng pinto.Pero bigla na lang bumaba ng sasakyan si Rodrigo na ipinagtaka ni Suzy. “Sa’n ka pupunta?”Lumingo ito, seryoso ang tingin. “May pag-uusapan lang kaming importante—mauna na kayo, ‘wag niyo na lang akong hintayin. Uuwi rin ako pagkatapos.”Naguluhan si Suzy. “Ano ‘yun?” Nais din malaman kung anong pag-uusapan ng dalawa.“Later, pagbalik ko.”Tumango-tango na lang siya at pagkatapos ay sinabihan na si Raul na magmaneho, “Alis na tayo, Kuya.”Habang papalayo ay napalingon siya, naroon pa rin ang pagtataka lalo na nang mapansin niyang tila malungkot ang ekspresyon ni Rodrigo.Hindi niya tuloy maiwasang isipin na dahil siguro sa kapatid nitong nasa mental hospital.“Miss, pwedeng magtanong?” ani Raul.“Ano ‘yun, Kuya?”“Sino palang dinalaw niyo sa ro’n sa mental facility?”“Hmm… ang sabi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status